Hindi na bago itong reklamo ngunit uulitin ko na naman dito dahil ganun pa rin ang sitwasyun sa arrival sa Ninoy Aquino International Airport 1. Nakakadismaya na nakakainis. Sobra isang oras kaming nakapila sa Immigration noong Sabado ng gabi.
Hindi bale ako dahil tatlo at kalahati oras lang ang biyahe mula Seoul. Ang marami sa mga nakapila ay galing pa ng Amerika at ang iba ay galing Middle East at Europe na humigit-kumulang 14 oras ang biyahe. Siyempre pagod na sila. May mga bata na umiiyak.
It’s not fun arriving in the Philippines via NAIA1.
Noong Sabado ng gabi, dumating ako galing Seoul, South Korea pasado nang alas onse. Sakay ako ng Asiana Airlines. Puno ang aming flight. Maraming mga estudyanteng Koreano.
Mabuti naman na hindi kami pina-hold sa himpapawid na pangkaraniwan na ngayon nangyayari dahil sa heavy traffic ng mga eroplano na mga dumarating at umaalis. Nang umalis ako noong Miyerkules, na-delay ang aming pag-take off dahil nga sa heavy taffic daw ng mga eroplano.
Maayos ang landing, deretso na kami sa immigration.
Naku po, punong-puno ng pasahero. Hindi na mga malaman kung saan ang linya. Walang mga empleyado ng airport o ng Bureau of Immigration na naga-assist sa mga pasahero.
Sinabi sa akin noon kaya walang masyadong personel sa ganung oras dahil wala silang budget sa overtime. Rason ba yun?
Dahil sa layo namin sa immigration booths, hindi masyado makita ng marami kung tama ang booth na pinipilahan; kung para sa may hawak ng Philippine Passport o sa mga Visitors. Tuloy, maraming mga foreigners ang kasama namin sa pila dahil sila sunod lang ng sunod. Kaming mga pasaherong Pilipino na ang nagtatanong sa kanila kung Philippine passport holder sila at kung hindi, tinuturo namin sila sa tamang pila.
May isang foreigner, mukhang taga-Middle East, na nakapila sa linya ng Philippine passport holders. Siyempre, ayaw i-process ng immigration officer ang kanyang papeles at pinapalipat siya sa ibang linya. Simula na naman siya sa dulo.Isang oras din ang pila niya sa maling linya. Kawawa naman.
Nag-text ako kay Gary Jimenez, head executive assistant sa opisina ni General Manager Jose Angel Honrado ng Manila International Airport Authority na siyang nangangasiwa ng ating NAIA1, NAIA2 (Centennial Airport) at NAIA3 na lahat ay nasa Metro Manila.
Mabuti naman at gising si Gary kaya mga 40 minutos ang nakaraan, malayo pa kami sa immigration booth, may mga dumating na na mga empleyado ng Bureau of Immigration at tumulong sa mga pasahero. Better late than never.
Sabi ng isang immigration officer, ganun daw gabi-gabi at wala sila masyadong magawa dahil maraming flights ang dumarating ng ganung oras at maliit talaga ang espasyo sa NAIA1.
Ang plano nga nila ay ililipat ang ibang flights sa NAIA3.
Todo ang promotions ng Department of Tourism na naghihikayat sa mga taga ibang bansa na bumisita sa Pilipinas. Malaki kasi ang pakinabang ng ekonomiya kapag malakas ang turismo.
Paano naman yan, kapag dumating dito sa Pilipinas, sa airport pa lang penitensya na. Hindi “Fun” ha.
Hindi lang yan, Ellen. Remember yung sinasabi kong problema sa Electrical System? Pag sumabog yun sa ganyan kadaming tao, you can just imagine kung gaano kadami masasaktan o mamamatay sa stampede.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon PLANO pa rin yung paglipat sa Terminal 3. Haay.
Ellen: Nag-text ako kay Gary Jimenez, head executive assistant sa opis…
Two thumbs up sa iyo, Ellen. May malasakit ka sa kapwa mo. Ang iba diyan na may kilala, ang isip ay mauna sa linya at madaling makalabas ng airport.
This was the comment that TonGuE-tWisTeD referred to re #1.
– June 7, 2012 3:43 pm
gmanetwork.com/news/story/220974/news/nation/pnoy-inspects-naia-1-a-day-after-ceiling-accident (dagdagan na lang ng “www.”)
This story happened in May last year, when Pnoy inspected NAIA-1 with a phalanx of cabinet members at around the time news carried the story that our airport was one of the worst, if not the worst, airport in the world. 3-inch thick concrete parts of the ceiling fell and hurt some employees.
Fast forward 13 months later and still no improvement on the airport structural flaws. Today we have this news:
http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/06/07/12/portion-naia-1-ceiling-collapses
Ang baaagaaaal naman. Will it need one year to START to take corrective measures – budgeting, bidding, awards, construction – especially for EMERGENCY work? The projected rehab will start in July! Daw.
Kelan ba kikilos ng tama sa oras itong mga bata mo, Noynoy? Ikaw, kelan ka kikiklos?
Another one:
TonGuE-tWisTeD – June 7, 2012 3:49 pm
Kunsabagay, when we were contracted to analyze the airport’s electrical system sometime 2006-2007, we found out that the vehicular ramp going up to the departure area was sinking. In fact the foot of the ramp was clamping with its weight against critical High Voltage (36Kilovolt) distribution cables. It was dangerous because once HV cables lose insulation or just get pinhead-sized holes in the insulation, expect a loud explosion and fireworks equivalent to a 100 sticks of dynamite explosion.
The engineers know that, even Takenaka, the Japanese contractor, knows it.
One year after that, in Runway 6/24 all the runway lights shut off because of flood. Normally, it would not be affected by floodwater because the wires were contained in sealed metal pipes. But the sagging concrete dented the metal pipes such that it stripped the wires off its insulation, the water shorted the exposed wires. Buti na lang low voltage ito, kaya walang explosion, circuit breaker trip lang due to short circuit.
I’ve not heard that the High Voltage has been fixed, though. It’s a catastrophe waiting to happen.
(Note: Do not talk about explosions when you’re inside NAIA, baka hindi kayo pauwiin.)
Ayaw man nating dagdagan pa ang mga pagpuna sa kapalpakan ng management diyan sa NAIA pero talagang hindi na nakakatuwa ang mga sad experiences sa arrival at departure areas. Ang hirap ipaliwanag sa mga dayuhan na nakaka kwentuhan natin kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng magandang solusyon ang problema diyan. Hindi naman natin pwedeng sabihin na itong mga airport officials ay hindi nakakabiyahe sa ibang lugar para maikumpara nila ang kalagayan ng NAIA sa ibang airport at makita ang mga kakulangan para gawin ang dapat.
Papogi lang sila pag nandyan si PNoy pero sana pumunta minsan dyan si Sen. Miriam at sigawan sila ng WHAA!
mam ellen, kailangan ba laging mag-rarally ang mga mamamayan, kailangan ba laging may edsa 1 & 2 people power demonstration, may oakwood mutiny, may fort bonifacio standoff, may NAIA tower tragedy, kailangan ba laging may pag-angal, pag-aklas, at iba’t ibang klaseng demonstration, whistle-blowing whatever….para kumilos ng matino at marangal at mabilis at epektibo ang ating pamahalaan???
kailangan ba laging may ellen tordesillas sa NAIA at kung saan pang lupalop ng Pilipinas para maging maayos ang sistema sa simpleng pagpila at pagkilos ng mga empleyado sa BOI,BOC etc, etc?
eh kung magkaganun man, palitan na lahat ng mga iyan ng clone mo mam ellen, ng makaranas naman tayo ng ginhawa dyan sa NAIA at sa iba pang sangay ng pamahalaan…
katulad ng iyong sinabi……NAKAKADISMAYA AT NAKAKAINIS NA!!!!!
NAIA 1 has served it’s purpose, that is true. Transfer to NAIA 3 would be great. What is the legal status of NAIA 3?, coz’ I think, the stakeholders_Fraport, Emerging Dragon and others are simply waiting for the Philippine Government to make full use of the facility, and once the airlines, Internaional carriers especially, have moved-in, with all their logistics and airport lounges, I am afraid that the stakeholders would / could file a court injunction ala TRO both local and in Int’l court. This would be used as a leverage / bargaining power against the PHL Government. Hence, before the migration to NAIA 3, we must ensure that all legal matters have been sorted and ironed out.
Presently NAIA 3 is used mostly by local carriers, except for 2 Int’l carriers if I am not mistaken.
I am all for the convenience and confort of travelling public_both Domestic & Int’l, but we must ensure that the Aviation Industry would not be held hostage in legal / court battles_yes, both Domestic & Int’l courts.
Expand the Immigration Counters and post staff, especially during Peak Hours and MIAA, BI & BOC are aware of this Peak Hours. Complement the pax arrival / departure with correct number of personnel.
On the Arrival Extension Parking Area : Mendicants abound. The perimeter fence was torn down by parking operator, allowing mendicants to get in and out or play cat and mouse with security personnel.
I know of an international airline company that was supposed to migrate to T3, but after serious consideration of the legal status of the T3, they are waiting for guarantee that their operations would not be hampered by legal squabble between parties.
ang karamihan sa mga nakapuwesto sa gobyerno ay WALANG iniisip KUNDI ang pagkakaperahan, KAYA hanggang ngayon ay plano pa rin ang anumang pagsasakatuparan ng anumang development o upgrading ng anumang facilities.
imadyin naman, gano katagal na ba kaming umalis at dumating diyan sa airport na iyan? aba’y kada uwi at alis ay lalong PUMAPANGIT ang serbisyo at mga facilites.
kaya laging namber wan ang pilipinas. sa mga nakasisira sa pagiging pinoy nating lahat!
kaya palpak ang karamihan sa mga nasa gobyerno ay dahil palpak ding kalimitan ang desisyon ng namumuno. eto ang isang halimbawa, KUNG totoo NGA ito.
BOC commissioner pinababalik ng CSC
http://abante-tonite.com/issue/july0212/news_story10.htm
Con todo promote sila ng turismo serbisyo sa immigration na ganito hindi nila inaayos. Walang pang-overtime sa serbisyong pang-gabi e di mag-assign ng tamang bilang ng personnel para lang sa night schedule hanggang sa arrival ng huling biyahe. Bakit isinisiksik lahat ang airport personnel sa regular shift?
Galing sa isang OFW:
Isa po akong OFW dito sa Middle East at nangyari ang masamang karanasan ko sa Airport natin noong nakaraang april lang.
Pabalik po kami dito sa Saudi ng pamilya ko galing bakasyon diyan sa pinas at para po mapadali ang pag check in namin nag online check in na ako.
Pagdating ko po sa airport at magcheck in na kami sabi sa akin ng mga nasa check in counter ay bawasan ko lang daw ang bagahe ko sa isang kahon at ilipat sa ibang lalagyan at may max Kgs allowed per piece daw.
So okay na po sana then suddenly may isang lalaking dumating sa check-in counter at sinabi sa akin na over baggage daw ako at may certain amount na dapat ko daw bayaran at sabi niya maipapasok daw niya ang bagahe namin sa ganitong halaga lang daw at pwede daw namin pag usapan.
Pero hindi ako pumayag at sinabi ko kung ilang kilo lang ang allowed per passenger sa amin yon lang ang dadalhin ko. Pag pauwi po kami ng pilipinas ay 35 kgs ang allowed per passenger at pag diyan daw sa atin ay 23 kgs lang maximum sinabi ko din sa kanila yan hindi naman po makaibang eroplano ang sinakyan ko. Sa mahabang oras ng pag check-in natapos din kami ng pamilya ko.
Yong sa akin okay lang pero ang isang masakit pa po eh yong mga ibang pasahero na kasabay ko papuntang hong kong via Cathay pacific po kasi kami.
May isang foreigner na nagcheck-in at sobra din ang bagahe pinayagan nila pero isa pong kababayan natin na sumobra din sa kilo ay walang awa nilang hiningan ng pera para mapapasok ang bagahe niya at sa hong kong lang din destinasyon niya isang OFW din po.
Nakita ko po ang mga ngiti sa labi ng mga nasa check-in counter na staff hindi na sila naawa sa mga katulad naming OFW akala yata nila porke nagtatrabaho kami sa ibang bansa ay marami kaming pera.
Tinatawag kaming bagong bayani ng Gobyerno natin pero hindi naman kami binibigyan ng halaga. Sumulat na din po ako sa office of the President para magreklamo pero wala po akong natatanggap na sagot.
I agree with #7.
Terminal 1 is past is use. We need to get Terminal 3 in use na. I believe we are also waiting for the completion of works which was haulted due to the court cases. Marami pa atang systems di pa tapos, like the Camera system which did not caught the boxing match.
The problem with NAIA Terminal 1 (lalo na yung late flight) has been there since three/four years ago.
Noon, di kasing grabe ng pinakita ni Ma’am Ellen, but you can see the sign that there are lack of space for the arriving planes.
I have avoided taking late night flights since.
(OT pero i am not in favor of totally closing NAIA by simply moving to Clark; But we need to make Clark the premier airport and MNL the legacy or smaller size one).
For the kababayan who felt he got discriminated, i feel for him/her pero that’s what it is. We are given the set weight limit and you have to be cautious too which weight limit applies (lalo na kung may connecting pero di same ticket/booking).
Weight counts lalo na sa panahon ngayon for airlines. The less weight, the less fuel they use. Gone are the days maluwag ang mga airlines. Its sad but its how it is.
As to the fellow passenger who they think was given exemption, i’m assuming there was no discrimination, ut could probably because of his frequent flyer status or the ticket he is carrying or coupons.
I’ve flown Cathay Pacific before and its is a fair airline. Fair in both ways. I’ve seen it where a First Class passenger who had no other baggage but an boxed LCD 50″+ screen TV set was not permitted to ship the item dahil beyond the size limit.
Tips lang for the fellow passengers:
– Don’t buy luggage bigger than 25/26″ na. The reason is kung puno yun 25/26″ luggages, they will not exceed sa baggage allowage.
– Buy lightweight baggages.
– Check your weight allowance. Iba ang long haul sa short haul allowance.
– Buy tickets as much as possible direct sa airline or a trusted travel agent (at times mas mura pa rin airline) and know what class you are flying (sometimes mura nga yung ticket pero may charge for rebooking or cancellation).
I have some friends who are very excited to do the Asian cruises and go to the Philippines after. I showed them the beautiful beaches and they love to come to the Philippines. Kaya nga lang I told them to go na lang next year at baka sakaling marami na ang pagbabago then sa mga airports. Nakakahiya naman kung ang mga airports natin eh mainit, madumi at hindi safe sa paglanding ang mga eroplano.
If we have so many tourists and we can not offer them decent transportation and accommodations, kahit na super ganda ang mga beaches natin, hindi na mauulit bumalik ang mga ito.