Skip to content

Utak pulbura

Utak pulbura talaga itong si Army Chief Hermogenes Esperon.

Sa kanyang pagbibigay katwiran sa hindi makataong trato kay Lt. Lawrence San Juan (solitary confinement at nakapiring ang mata kapag nilalabas para sa hearing), sinabi niyang high security risk raw ang matalinong tenyente kasi may record na nga na nag-eskapo.

“Hayaan nyo,” pakutya niyang sabi sa mga nagmamalasakit kay San Juan, “kapag mahuli na rin ang kanyang mga kasama na tumakas, hindi na siya mag-iisa.”

Akala siguro ni Esperon, kapag makita siyang nag-aasta siga, matatakot at yuyuko ang mamamayang naghahanap ng katotohan sa krisis ng dulot ng pandaraya ni Gloria Arroyo, kasama siya, noong 2004 elections . Wala yatang nagsasabi sa kanya na lalo silang kinamumuhian.

Si San Juan ay isa sa mga apat na miyembro ng Magdalo na tumakas noong Enero. Nakakulong sila dahil sa kanilang pagkasangkot sa Oakwood mutiny noong July 2002. Nahuli si San Juan noong Feb. 21 sa Batangas.

Maganda ang hangarin ng Magdalo sa bayan. Gusto nila maayos na pamamalakad ng pamahalaan. Galit sila garapal na corruption na nangyayari sa military. Ayaw nila na ginagamit ang military sa personal na interes ng mga pulitiko.

Iba naman ang script ng Malacañang at nina Esperon. May nakuha raw silang CD na may record o minutes raw ng miting ng mga rebeldeng sundalo at mga New People’s Army. Nagtaksil raw sa kanilang sinumpaan bilang sundalo sina San Juan dahil nakikipagbutihan sa kaaway.

Nakakatawa naman itong script nina Esperon. Biro mo, miting ng NPA at rebelde tungkol sa pagpabagsak kay Arroyo, may minutes o record. Akala nila tanga ang taumbayan na maniniwala sa kanilang kahindikhindik na nobela.

Kung ano man ang kasalanan ni San Juan, ayon sa batas hindi lamang ng Pilipinas kungdi sa patakaran ng United Nations, dapat makatao ang trato sa mga nakakulong.

Noong hinuli si San Juan, kitang-kita kung paano siya tinulak ng mga sundalo rin sa helicopter. Sabi ni Esperon kasi itinuturing raw si San Juan na high security risk. Bakit kapag i-maltrato ba ang isang tao, hindi magiging security risk?

At anong klaseng pamahalaan ito na takot sa isang tenyente? Ibig sabihin noon alam ni Esperon na marupok na itong administrasyong Arroyo.

O baka alam rin ni Esperon na talagang malaki na ang organisasyon ng mga rebelde at madaling makakilos si San Juan kung bigyan lang ng kaunting pagkakataon.

Kaya siguro praning na itong si Esperon dahil kapag natumba si Arroyo, kasama siya.

Published inWeb Links

229 Comments

  1. jinxies jinxies

    30 March 2006

    You dont have to spell it out na pag nalaglag si GMA kasama si esperon. Talagang kasama sya sa hukay ni gloria. A lot of things are happenning right now, take the sample of the PNPA graduation, at first ayaw pumunta ni gloria then suddenly, ayan biglang pumunta na rin.I dont know with her she’s soooooooo stupid, sabihin ba namang loyalty to the constitution, to fight the terrorism, criminals and destabilzers, who does (pronounce as HUDAS)!!!she think she is??? the main destabilizers, criminals and terrorists is gloria and her clowns, terrorizing and destabilizing the country.

    Si esperon, “Hayaan nyo” (hehehehehe)utak pulbura na yan, walang alam kundi sumipsip, ambisyoso yan.

    Kaya dapat magpatawag na ng snap election, para mawala na yang mga salot sa bayan.

    jinx

  2. alam mo Ellen dalawang klase na ang motto ng PMA;

    Yung una ay Courage, Integrity & Loyalty
    Pangalawa Car-aids, Disintegrate-t & Royalty
    yung pangalawa ang para kila Esperon, Senga at Lomibao.

  3. Emilio Emilio

    Kailangan dito kay Pulboron, este Esperon ay bumalik sa PMA at mag-aral muli ng Military Intelligence 101. Katulad din siya nina Bunye at Mike Defensor na nagkakabulol-bulol kapag nasusukol ng mga reporters sa pagtatanong. Hindi maaaring makasagot sa mga tanong na makukumbinsi ang taong bayan upang siya ay paniwalaan.

    Ano kaya ang kanyang nakuhang grade noong kinuha niya ang Logic 101?

  4. goldenlion goldenlion

    Esperon and other corrupt generals will go with gloria……sooner. Kaya sila ay napa-praning ngayon sapagkat alam nila na hindi na tama ang kanilang ginagawa. Pero hindi na nila makayang iwan si gloria sa papaano ba naman ay napakalaki na ng nakuha nila ke nunal. Kung baga si gloria ay nakakulong sa mga bisig nina esperon, at sina esperon naman ay nakakulong din sa mga bisig ng loyalists ni gloria. E di hindi na nila alam kung paano tatakas sa sarili nilang bitag??? Hay naku!!! buti nga sa kanila. Lahat ng mga ginagawa nilang paninikil sa taongbayan at pambabastos sa batas ay pagbabayaran nila at ng kanilang pamilya. Hindi nila matatakasan ang sumpa ng tadhana. Hahatulan sila ng kasaysayan……..sila na nagpahirap sa tao. Hindi iyon nalilihim sa Diyos. Malapit na ang anihan…Kaunting tiis na lang Magdalo !!!!

  5. Anino Anino

    DI MAKATINGIN SA LIWANAG NG ARAW SI LT. SAN JUAN

  6. Anino Anino

    … nahihirapan din siya sa pag-akyat sa hagdan ng korte. Ito’y nakita ko lang sa Channel 5. Ang dalawang networks ay unti-unti ng yumuko sa kapritso ng Palasyo.

    Ito’y patunay lang na siya ay nasa “bartolina”.

    This is not an ordinary solitary confinement. He is probably inside a cell without the benefit of a sunrise.

    This is comparable or even worse than Abu Ghraib.

  7. Anino Anino

    Hang-on there, Lt. San Juan!

    The people won’t forget you.

  8. E-mail from Jimmy Langit:
    Dear Ellen;

    Mula sa Gitnang Silangan, ako ay bumabati sa iyo nang Magandang Umaga. I just read your column today, March 30, 2006. As I started reading your column I cannot control my emotion towards Gen. Esperon. To me personally, I don’t trust this guy. His personality shows he is so bulok in all aspects. Actually, I watch the TFC when he was asked about Lt. San Juan. As he answers the questions asked, gusto ko nang batuhin yung TV set ko sa sala. I heard these words (fucking chicken shit) from my Western colleagues in the office, and I find it very relevant to throw these words to him. He is one of the High Rank Officer whose name was mentioned in the famous “Hello Garci” but take note, he himself benefited of it because of his promotion. I also watch how the military treated Lt. San Juan as they hurled him up to board the chopper. Lord, kayo napo ang bahala sa magigiting naming mga batang officials nang militar as they fight against the rampant corruption in the military where they belong.

    Kindly extend my best regards to him Gen. Esperon. ‘BWISIT SIYA”

    Regards,

    Jimmy Langit

  9. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    Alam mo, I’m not too bothered by utak pulburon Esperon of San Juan.

    The fella can hold his ground; he’s young, brave and idealtistic; he’s had his fair share of combat as a 1stLt and his combat experience is not that long ago and can take serious manhandling easily.

    What bothers me is Esperon. A corrup general who knows that he’s committed a crime related to Gloria’s “election”. He knows that he’s got to hold his ground when the time of reckonning comes. He knows full well that there are other members of the Magdalo group in active service as well as sympathizers from the budding corps of cadets in PMA. They will not be quite forgiving when the time comes. Esperon knows this – the more he abuses them, the better it is for the cause of these young officers.

    Btw, the Articles of War specify that a court martial should be convened immediately so that military justice may apply. But it seems to me that the Magdalo officers have decided not to submit themselves that easily to a court martial. They probablu know that there won’t be any military justice at all for as long as Gloria is around.

    The tactic is good.

  10. anna de brux anna de brux

    Oooops, ibig kong sabihin ay “Alam mo, I’m not too bothered by utak pulburon Esperon’s treatment of San Juan.”

  11. luzviminda luzviminda

    Malupit na kapurasahan ang nakahanda kay Esperon sa oras na matapos ang maliligayang araw nila ni GMA dahil sa dami na ng kasalanan nila sa taong bayan at sa kapwa nya mga sundalo. ‘What you sow is what you reap’… lahat ng bagay na masama may ‘MASAMANG KARMA’. SI ESPERON AY KAMPON NG DEMONYO, Si GMA…LIDER NG MGA DEMONYO!

  12. Tedanz Tedanz

    Nabasa ko ang report ni Jimmy Carandang tungkol kay EsVERon na siya pala ay malapit kay RAMOS. So bata na pala ni TABAKO si EsVERon bago pa mangyari yong GARCI TAPE. Hindi kaya kasabwat din siya(RAMOS) sa mga pandaraya noong eleksiyon. Alam nila na doon makakabawi si GLORYA kanyat pinagtulong-tulongan nilang ipanalo si Pandakekok. Kasi alam ni TABAKO na si FPJ ay kagaya rin ng kanyang ERAP na konti o wala ring alam. Papano kaya nila alam na walang alam ang magkumpare, dahil ba sa mahina silang umingles, wala silang natapos, o hindi sila marunong dumiskarte kung papano kumurakot. Tignan na lang natin si ERAP, sabi nila sa jueteng kumukuha ng porsiyento (so what — bata pa ko may Jueteng na)… mahina nga di ba? Si TABAKO anong ginawa … o di ba sabi ibinenta yong F. Bonifacio o kung ano pang kagagohan ang pinag-gagawa niya. Si Pandakekok, o di ba yong nakaw na pera binawi at yon ninakaw din niya. Yong pera na nakaw ay ninakaw hindi isang beses lang, kundi ninakaw pa niya ulit. Mahina nga si ERAP at kung nanalo man si FPJ ay magagaya rin sa Kumpare niya.
    So hindi katakataka na mag-kakasabwat nga lahat ang mga Bu….-ng-In…. mga suwapang na yan sama si DeVenecia na sugo ni Satanas. Pinaglalaruan lang nila ang ating Bansang minamahal dahil sa kanilang masamang hangarin. Sila’y may mga investment na sa Amerika at ano man ang mangyari may matatakbuhan sila.
    Kaya pala lahat ng mga Batang militar na kasama sa mutiny ay napagbibintangang kasabwat nila ang mga Komunista, yan ang sabi EsVERon. Anong puwesto dati ni TABAKO nong panahon ni Pres. MARCOS, di ba ganon din ang naririnig natin nong mga panahon na yon.
    Kanya’t walang problema ang form of Government natin, ANG PROBLEMA AY ANG MGA TAONG NAGPAPATAKBO NITO KASAMA NA ANG KONDOKTOR. MAY PEOPLE’S INITIATIVE PA DAW EH KUNG PEOPLE’s INITIATIVE DIN KUNG GUSTO KA PA NG MGA TAO ANO PAYAG KA GINANG ARROYO??????. AYAW NIYO KASING UMALIS DIYAN KASAMA NA ANG MGA TONG-RESSMAN NA NABIYAYAAN MO SAMA NA SI LAPID na probinsmate mo na isa ring walang alam (per TABAKO’S standard). Wala ng tiwala sa inyo ng mga tao … magbitaw ka na .. yon lang. Kung hindi ka naman talagang TANGA … bakit ikaw pa kasi ang tumawag sa dinami-dami ng bayaran bakit kayo pa ng asawa mo na isa ring ENGOT. Palagay ko ang tangengot talaga ay KAYO!!!!!!

  13. Ang parati naming nababasa rito sa Hamilton,May mga nakuha raw silang mga ebidensiya sa lahat ng mga kalaban ni “YODA” or ni GMA at parati nilang binigkas sa lahat ng interview o kaya’y nakaprint sa lahat ng new’s tabloid ang “RULE OF LAW”
    Ano kayang rule of law ang ibig nilang sabihin. Napakadali para sa kanila ang magimbento ng ebidensiya para sa kalaban
    at napakadali nilang sabihin ang rule of law.Sa pagkaka-alam ko matatapos din ang lahat ng ito,Sila naman ang “IIYAK’sa lahat ng kademonyohan ginawa nila sa sambayanang PINOY.

  14. Tomas Tomas

    Hanggang may nagpapaduro, may manduduro. Hanggang hindi lumalaban yung dinuduro, mamimihasa yung manduduro.

    Yung administration, nagpa-plano ng gagawin nila, kahit illegal or immoral, tapos isasagawa. Tsaka na haharapin kung may aangal. Yun namang opposition, angal nang angal, kadalasan dada lang nang dada. Kung talagang 65% ng bansa ay kontra kay GMA, e di kayang-kayang kumuha ng mga 20 million signatures for a “people’s” initiative to kick her out.

    Harinawa huwag mangyari, pero baka kailangan munang manalo ang cha-cha at maging parliamentary ang form of government, at tumagal si GMA bilang pinakamataas na pinuno ng bansa, at lalong maapi at magkahirap-hirap ang nakararaming mga Pinoy bago matauhan na dapat nang kalusin dahil apaw na.

    Sa ibang forum, may nagsasabi in essence na bobo, bano at duwag ang karamihang Pinoy. Sana hindi naman ito totoo.

  15. am back after a long vacation away
    from my computer.

    to pundits, critics, bootlickers and
    slaves of the fake president remember
    you believe God works in myterious ways.
    A Parliament of criminals could be the
    saving grace for our country. IT CAN
    TRIGGER THE MUCH NEEDED REVOLUTION
    THAT WILL RID OUR COUNTRY OF THE
    BARNACLES THAT’S EATING ITS VITALS.

  16. Jean Martin Jean Martin

    Some people are sore losers and …utak pulbura at best.

Leave a Reply