May basehan ang pag-alala ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa sinabi ng prosecution na sobra isang daan daw ang bilang ng witnesses na kanilang i-presenta sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Sabi ni Pangilinan, na miyembro ng Liberal Party at ka-alyado ng administrasyong Aquino, “Kung seryoso sila (ang prosecution) na ipresenta ang lahat na witness, matatagalan itong trial.”
Sabi ni Pangilinan, sa unang dalawang linggo ng impeachment trial, anim na witnesses na ang naisalang sa witness stand. “Kung ganito ang takbo ng trial, aabutin ng sampung buwan ang isang daan na witnesses.”
Prosecution witnesses lang yan. May sariling witnesses rin ang defense.
Sabi ni Pangilinan, ang ganitong haba ng trial ay hindi nakakabuti sa bayan.
Sabi nga ni Sen. Joker Arroyo, kapag may impeachment trial, 25 porsiyento lang ng kanilang oras ang napupunta sa kanilang regular na trabaho, ang gumawa ng batas. Ang oras nila ay nauubos sa impeachment.
Sabi ni Pangilinan, mahalaga na mabigyan ang panahin ang bawat panig na magpresenta ng kani-kanilang kaso, ngunit kailangan din balansehin ng impeachment court na mas nakakatas na kapakanan ng bayan.
Dalawa ang ibig sabihin ng napakaraming witnesses. Pwedeng sabihin na napakarami talaga silang ebidensya laban kay Corona o medyo nahirapan sila magsuporta ng charges na ginawa nila.
Talaga naman kasing despalinghado ang pagkagawa ng charges. Kahit mga abogado na kampi sa administrasyong Aquino, dismayado sa ginawa nina Rep. Niel Tupas.
May balita kami na sa loob mismo ng prosecution, hindi sila magkasundo sa paraan ng presentasyon.
Paano daw kasi ang inaasikaso ay ang malagay sa media.
Nasa-media nga sila. Nabubulgar naman ang kapalpakan.
Katulad na lang ng Article No. 2 na ang charge ay ang hindi niya pagsapubliko ng kanyang Statement of Assets, Liabilities at Networth na labag daw sa batas. Sa ilalim noon, sinabi na may suspetsa na nagkamal daw ng ill-gotten wealth o nagnakaw si Corona dahil marami daw ang pera sa bangko at maraming nabiling ari-arian katulad ng condominium sa Fort Mckinley.
Ngayon, maraming lumalabas na mga ebidensya tungkol sa ari-arian ni Corona na mukhang nagsusuporta sa kanilang hinala na may ginawa talaga siyang madyik. Kaya lang paano yan ma-presenta, dahil hindi naman kasama sa charges?
Humihingi si Tupas ng konsiderasyun na dapat daw maluwag ang Presidenting Judge na si Senate President Juan Ponce-Enrile sa kanya.
Kung magiging maluwag si ang trial Court sa prosecution, hindi naman pwedeng sila lang. Dapat maluwag din doon sa kabila.
Hindi popular si Corona at hindi iiyak ang taumbayan kung matanggal siya sa pwesto. Kaya lang dapat naman sa maayos na paraan. Yung napatunayan ang kanyang kasalanan.
Iyan ang “Kalbaryo” ng Halos-10-Taon (years )ni GMA at mga Arroyo sa Bansang Pilipinas..Pinaglaruan ang 3-tatlong Sangay ng Gobyerno, at marami naman ang nakipaglaro sa kanila ! isa na dyan ang CJ…nasayang ang magaganda nilang, pangalan at repustayon, at marami sila ( mga damay sa Karma ).Pagtiyagaan nila, ng mga Senador, na karamihan ay “hawa” din sila sa mga pangyayari noon, naki-nabang din ?..”Noted” pa daw yata, ang laging sinusulat !.
Sana, magsisilbing magandang aral ang mga nangyayari ngayon sa bansang Pilipinas, at tuloy-tuloy na sa pagbabago…” “May mga Tao daw, buhay pa, ay mga patay na (kinasusuklaman), At may mga patay na, pinang-hihinayangan(FPJ)” pa !….
Kung kakampi talaga ang mga senador puwede naman na ang article 2 na lang ang ikaso. Tapos doon mag pasya nang iempeach. Sa article 2 may basehan naman talaga na puwede siyang ma impeach. Iurong na lang ang ibang kaso.
Hindi ba kahit karapat dapat ma acquit si Corona sa kaso kung ang hatol ng mga senador ay dapat impeach siya sa puwesto wala ring halaga. Pakiusapan na lang ang mga senador na iempeach talaga siya tapos iurong na ang ibang mga kaso. Sa article na lang ang pasya.
Why the need to have so many witnesses? I think it’s better to choose only those they (prosecutors) think would nail Corona. I mean “star” witnesses that have first hand info on Corona’s shenanigans. Having so many witnesses might send a wrong message to the public that the prosecutions case against Corona is weak. All the prosecution team need is only one article of impeachment to convict.
Many knows how illegally Corona became cheap justice. Many knows the manner he became chief justice at the time that there is prohibition and against our constitution (i.e. when arroyo appointed him on her way out and during the election period). Delicadesa, I don’t think he has that nor the justices who made this possible for him to include known political personalities who supported him. It’s true many is helping him and their voice is also the media. Technicalities is their focus instead of searching for the truth that many already knows.
I just hope the prosecution will concentrate and just present their case and not worry about technicalities, time, or procedure. Looks like pinipilayan sila ng mga kakamping senator justices using technicalities and procedure at pinepressure sila using time. This is not the basis of impeachment trial. kahit sang taon abutin, the people wants reform and truth..and that is more important than the senators time.
Mockery of justice by Malaya
http://www.malaya.com.ph/01272012/edit.html
#6. Yan na nga ang hindi ko maintindihan, di ba impeachment proceedings ito at hindi criminal trial procedures na naa-acquit ang nasasakdal dahil sa technicalities? Bakit pa ito tatawagin na peoples court kung ganyan din pala na puro technicalities ang tinatalakay?
Itong karamihan ( di naman lahat, tulad ni Sen Sony Trillanes, e.g, sana si Gen.Danny Lim din, kulang kasi yata sa “pambili” ng mga boto, at malinis ang gawain,…karaniwan na natatalo sa eleksyon sa bansa..), ay mahilig sa TV-Screen exposure-grandstanding para nga naman, “kilala” na sila sa 2013-eleksyon..Biruin mo 100-witnesses, di mahabang balitaktakn, at halos mukha nila makikita ng mga Tao, sa loob ng 10-buwan..Baka pati na “Defense Lawyers”, magsipagtakbo na din sa eleksyon ang mga iyan. Grabe, talaga ang hustisya sa bansa…Tama ang lahat ng mga sinasabi, mula, #2-to-#8..Mabuti pa sila, di mga abogado, alam ang dapat gagawin, at nakaka-intindi ng Hustisya..Sayang ang mga pinagsabihan ni erap noon,..Hoodl….in Ro…., alam niya kasi, kaya, ipanamukaha din sa kanya, at naglagay ng mas grabe pa sa sinabi ng dating Aktor…an analyis for good of the nation..
I keep hearing talk about “Ang tao ang magpapasya.”
The only “boses ng tao” that I trust is that which can be reliably ascertained. That is the voice in the ballot box, by way of an election, or a ratification of the Constitution. Any other claim to “voice of the people” is suspect to me.
Now in 1986, the voice of the people overwhelmingly ratified the Constitution. In that Constitution, the people stated that when an impeachment case is filed, they have tasked the Senate to decide for them. The people did not say that they would decide.
Had the people wanted to decide themselves, they would have instituted a referendum mechanism for impeachments. But no, they chose to let the Senate decide.
When the people left the decision-making to the Senate, they also left the decision to make rules with the Senate. For better or for worse, the Senate has chosen to abide by the time-tested Rules of Evidence applied in courts.
So whether the partisans prefer the so-called common sense (kuwentuhan style of Inday Badiday), or what many call technicalities (Rules of Evidence) is immaterial; because at the end of the day, it is the Senate that will determine which Rules will apply. It is also the Senate that will determine whether Corona will be removed or not.
The House panel should live with it, and get good lawyers to carry their cause. They alloted millions anyway.
Clarification pa. Please, the Senate will not vote to impeach Corona. He has already been impeached (charged). The Senate will choose to remove or allow Corona to stay, by convicting or acquitting.
So, kelangan na husayin ng prosecution ang presentation nila, or this impeachment trial is just a waste of money and fun.
Can the prosecution team be represented also by private lawyers like Corona, atty sax? Nasa rules ba o wala?
In the years when the US bases agreement was being discussed, I was working in the Senate. The many public fora conducted then, especially in the areas affected (Zambales) showed that the people wanted to retain the bases. The same sentiment was manifest all over the country.
In fact, had Cory submitted the decision to a referendum, the votes to keep the bases would have won overwhelmingly.
Cory knew that she would have difficulty getting two-thirds of the Senate. But she wanted to build the institutions of democracy – a legislature independent of the Executive, and an independent Senate. So she did not use her massive popularity, but obeyed the will of the people, stated in the Constitution. She let the Senate decide.
Contrast this with the son, who puts his desire to kick out Corona above the ideal of building or affirming institutions.
True, scoundrels must be removed.
But is honesty so dear, or cleanliness so sweet, as to be purchased at the price of destruction of institutions?
Corona will go, and so will Noy. But institutions are supposed to endure.
Maybe not in the Philippines. Every so often, we have a new Cosntitution (Five in a hundred years – Malolos, 1935, 1973, Freedom, 1987). Every so often, the elite want to display some “people power”.
We keep pushing the reset button. Lagi na lang nag-uulitan. Instead of supporting existing institutions, we keep trying to recreate them.
* 11
Mayroon namang private prosecutors.
There was Mario Bautista, the lawyer of the Claire something of the second envelope in the Erap impeachment.
There is also, Arthur Lim, salutatorian nila Miriam. I don’t know if he has litigation experience, or as is common in the Philippines, gapang experience. The gapangs make more money, so there are more gapangs among private lawyers, lalo’t high maintenance ang mga chicks. Ang suwelduhan, gaya ni Cuevas (fiscal, RTC, etc.) sila ang napipilitan na magpakadalubhasa.
Like I posted earlier, Mr. Wetness is a veteran fiscal. Yan, puwedeng makipagsabayan kay Cuevas. Of course, he is pro Goyang. But as a Member of the House, he can be compelled by the House.
There is also Raul Daza, same age, if not older than Cuevas. Batikan din yan.
Yung may gatas sa bibig, atras muna. Reputation na na House ang nakataya, hindi lang nila.
Napapag-usapan ang pangmatagalan.
Ito naman ang pangmatagalan na issue ukol sa mga peryodistang testigo.
We all agree that journalists, including Marites Vitug, have no personal knowledge; that they gather info from their sources.
My problem here is the bigger picture regarding their (Ellen’s) profession.
What if the source wants to remain confidential? Will Vitug be forced to reveal her sources? We will have a case similar to Judith Miller of the New York Times, when she refused to reveal her sources about the Valerie Plame affair, and chose instead to spend 85 days in jail.
What if the source wants to remain confidential, but the publisher reveals? Then the source can sue for compensatory damages. That was the case of
COHEN v. COWLES MEDIA CO (Minneapolis Star)., 501 U.S. 663 (1991)
The Supreme Court of the United States reversed the State Supreme Court, and remanded the case for further proceedings to determine damages.
So we have two examples here, the case of Judith Miller, who wanted to honor her promise, and the Minneapolis Star, which wanted the truth to be revealed, or some such. Either can argue that theirs is the higher ideal – (1) revealing the source, for a more complete story (Minneapolis Star), or (2) refusing to disclose the source, because she (Judith Miller) gave her word.
The Minneapolis Star invoked the First Amendment (Freedom of Speech). But the Supreme Court held that allowing a damages suit
At last may “toga” na si Lito Lapid!
tilamsik,
matagal nang gumagamit ng “toga” si lito lapid. sa mga pelikula nga niya bilang leon guerrero di ba’t hanggang tuhod pa nga ‘yung suot niyang toga?
hindi dapat na maging kakampi ang senador upang tuluyang ma-impeached si corona KUNDI isipin nila’t timbangin BASE sa paraan kung paano siya naluklok bilang punong mahistrado.
pangibabawin din nila at dinggin ang sentimyento ng sambayanang Pilipino na hanggang ngayon ay sumisigaw ng hustisya mula sa halos sampung taong pagkabusabos sa ilalim ng sinungaling na administrasyong arroyo.
Delaying tactic daw, noong gusto ni Cuevas ng pre-trial. Ngayon, reconsider si Enrile, pre-trial muna daw.
A pre-trial is not a delaying tactic, but is meant to actually abbreviate the proceedings. In fact, it is mandatory in civil trials. If you do not appear for the pre-trial, you are declared as in default. (parang hindi nag-file ng answer).
Note letter (d). If the party admits the document, or admits what a witness will testify to, then there will be no need to present the witness or the document. That saves time and effort on the part of the other party.
That is what Cuevas said in the presentation of Kim Henares. Authenticity lang ba? Okay, we admit the ITRs are authentic. Tapos na, huwag niyo nang isalang pa yang witness na yan. Aminado na namin.
The problem is that Arthur Lim and Tupas were not trying to win the case in court, they were trying to score points with the gallery. They wanted Henares to comment on the ITR. But Henares is was not being presented as an expert witness. She was being presented as a mere authenticating witness.
Gusto nila Lim na madining ng gallery ang “Ito lang po ang kinita ni Corona, napakaliit po, blah blah blah.”
As Enrile said, the best evidence is the document. Ano ang testimonya mo, ang pagbabasa ng ITR? Eh marunong din kaming magbasa. I-sumite mo na lang ang ITR, bahala na ang husgadong magsuri.
So if a pre-trial is held, we will know which side actually wants to prolong the proceedings. I predict that Cuevas will want to admit many of the obvious documents of the prosecution – appointment papers of Corona, SALN, ITR, etc. On the decisions, Cuevas will say the best evidence is the decision itself, as Enrile and Arroyo have said.
Tupas will hem and haw, because he wants the shock and chismis effect of a witness taking the stand and blurting out some fact or other to be commented upon, dissected, and analyzed in the media, blogs, and coffee shops.
If you reduce the witnesses, you reduce air time. That is disadvantageous to one who is playing to the gallery.
So mag pre-trial tayo, nang magkaalaman.
Sorry. The above is Rule 18, Section 2.
#13. thanks atty sax.
Hmmmnnn… mukhang kelangan mag-praktis muna double time ang prosecution para di madalas masigawan ni teacher Miriam.
Tanggalin na lang kaya itong si Corona dahil dito sa akusasyong pandurugas.? Nawalan o nabawasan na ang tiwala ng taong bayan sa taong ito at dapat lang talagang alisin na sa yakap yakap niyang posisyon. Para lang umusad na ang mga magagandang plano ang gobyernong kasalukuyan.
Maghabol na lang siya … idemanda niya ang Congress at pati na ang Senado … para sa talagang korte na lang sila mag-uusap-usap.
Except for asking too much behind the 40% discount on Ng, who claims it was another department who gave that discount (ironically kung ganun kalaki yung discount, wouldn’t the company as a whole especially the finance definitely keep tabs?), i thought the prosecution asked good questions.
The bottom line was that the condo were paid for by Corona. Ang pinapalabas is that Corona being proxy, atty in fact, daddy, etc bought the condo “for” his daughter. All documents points to Corona as the owner, but he turned it over to his daughter by virtue of a piece of paper saying the condo be named under his daughter.
So parang kotse, si daddy bumili ng BMW pero pinangalan sa anak. So property na ng anak. Pero pera pa rin ni daddy ang ginamit sa pagbili. So people can’t say the money came from her hard work in the US, tama?
Let’s give them the benefit and say it still came from hard earned money being PT sa US/SFO.
Ok assuming ganun nga that he was “proxy” for his balikbayan/greencard/US citizen daughter and that his daughter was to pay for condo later on (si Daddy muna magbabayad), then let me ask simple things:
(1) Has daughter paid/reimburse daddy for it already?
(2) Is daughter eligible to own the property (US Citizens, not unless availing the dual citizenship are not allowed to own property).
(3) Where did Corona got the money to pay on behalf of his daughter?
Now assuming the daughter said nagbigay na sya ng pera kay daddy before hand, and si daddy ay nasa manila so sya yung proxy
(1) where is the money trail? There has to be remittance or bank to bank transfer because that kind of amount is not permitted to be brought in or out of either country without raising flags.
(2) is she permitted to own property? Because, she could have opened an PH checking, with Daddy only being agents but the whole transaction is for his daughter.
(3) Assuming regalo ito ni Daddy, then it goes back to its daddy’s money and where is the inheritance tax?
Assuming X-Deal, si Daddy buys her property sa Pinas, si daughter buys daddy sa US so no need for remittance, then this falls again under Corona buying the condo in reality.
I wonder ano yung palusot ng atty-in-fact.
I think Ng admitting it was Corona who bought the condo and did not put it on his SALN is enough for this article of impeachment.
I say they hang to it and proceed to the next one.
If i was Corona, why should I not resign/retire now?
Sa galing ko makahanap ng discount, i will do great in the buy and sell business.
“Is daughter eligible to own the property (US Citizens, not unless availing the dual citizenship are not allowed to own property).”
Not true. Read the Constitution. Here is a case interpreting the Constitution:
What’s wrong with playing to the gallery, the gallery meaning the Filipino people? And what’s wrong with this impeachment trial being a trial by publicity?
The trial is being covered by the broadcast and print media, as allowed by the Impeachment Court, for the Filipino people to see and hear it, and judge, after finding the truth, the whole truth, of what kind of person the Chief Justice is befitting his position in the government. Of course this is a trial by publicity, if we want to call it that.
This is more a political trial, the senators/jurors being the representative of the people, elected by the people, to serve the people of their needs to find the truth about this person of a Chief Justice that the people expect to render a fair and impartial justice system.
The prosecutors as well as the senators/jurors should play to the gallery, the people. That’s the way it ought to be!
thanks for pointing this out Sax. I’ll read on that case (si Justice Abdulwahid Bidin pa nagsulat — i met the same in person before).
Ang daliri ko nakaturo sa akin MISMO. Sa sinabi kong Papaano Kung ganito eh tiyak ganoon. If A then B ang dating. Sabi ko sa kabilang thread kay Mang Vic KUNG tatanggapin at pairalin sa Canada ang Honor Killings (murder is the right word) kung (where) saan ang tatay, nanay at kapatid na lalaki PINATAY nila tatlong babaeng anak at extra wife ng tatay KUNG (if) pinawalang sala ang resulta (then) dadami ang mapapatay na Canadian dalagita at dalaga, dadami ang parents and brothers murderers sa Canada. Maganda ang dating pero kwidaw, baka hindi naman mangyayari discurso ko lang.
KUNG (if) magkakaroon ng pre trial ( then) MERON na bang na sentensiyahan (convicted) sa pre trial? Meron na bang impeachment or court trial in progress na napaigsi ng pre-trial? Kareta ba hinihila ang kalabaw? KUNG (if) mapaiigsi ang impeachment (then) resulta ba katarungan?
Ano kaya ang sasabihin ng anti graft trial judge KUNG (ulit) ang abogado defensa hingiin ipuwera ang saksing diyornalista dahil baka pakulong (contempt) siya dahil sa katotohanan KUNG (na naman) ang nililitis ay Chief Justice ng Korte Suprema? Papano KUNG yung judge dating estudyante ng nasaksakdal? Kung ang sagot dito ay KUNG lamang, puro dakdak at dada at yaking and yaking only (sabi ni Sen Trillanes kay Gloria) lang ang ginawa ko. ganyan din ba ang Batas? KUNG mayroong pinagtatalunan?
Oy puede rin yatang eh recycle dito yung posted ko sa kabilang thread
#29 & #30 sa kabila
Maraming Salamat Mang Robert sa dagdag Shakespearian bombilya medio lumiwanag ng husto.
Heto, tunay na conjecture. Dito sa Ellenville Yun tulog, naghihilik, pumipito pa sa pancitan, walang kamalay, parang himbing na himbing na sanggol HINDI napupuna sa impeachment ang mga prosecutors ang nasasakdal. Sila ang kontrabida sa pinanonood nilang telenovela: Ang Masama ay Mabuti Ang Mabuti ay Kadiri (Pang International Film Festival). Salamat sa legacy ni Gloria.
Conjecture (haka-haka) pa rin: Ang nililitis ay No. 5; Ang mga hukom (daw) ay mga No. 7, mga prosekyotor No. 8. Sino ngayon ang lumalabas na marumi, ginigisa, sinusunog sa kanilang mantika? Teka, teka si Corona Ba eh No. 5 yan, yun mga kongresista No. 8 yun. Yun mga No. 7 puro Chef yan mga yan, cook lang yun mga mangmang. Dito Hindi pera-pera? lang ang laban, numero-numero din. Lamang yata ang numerong mababa.
Papano kung ikaw ay No. 88,888 (Chinese lucky No) sa mga sidewalk vendor sa Avenida? Baka hindi ka makarating sa Korte ng mga No 16, sa loob ng rehas ng presinto ang bagsak mo. Sabi ni A de B, mataginting (di sira) na plaka: Kawawang bansa, Kawawang Pilipinas!
Oy Mali mababago na yata habang kayang pang tanggapin ni Noynoy ang ihi at taeng ibinabato sa mukha niya. Ang Luisita bagamat hindi paraiso o impiyerno parang punong puno na (not physically) ng taeng ibinabato ng mga magnanakaw sa ibang lugar.
Sa Isang pananaw, dapat lang yata na, “katulad sa paliligo ng katawan ng tao”, ang SC-Supreme Court, kahit na Independent body, ay “paliliguan din, paminsan-minsan, para luminis at alisin ang mga “dumi”(sa ahensya na iyan). Sa simula pa lamang ng pag-upo at pagkaka-talaga sa CJ, ay may “trashy smell already”, kaya dapat lamang ma magkaruon talaga ng paglilinis. Lalong nagkaroon ng tilamsik ng “dumi-putik”, ng magkaroon ng TRO para ki GMA, at kanyang tropa. Sa halos 10-araw na paglilitis sa kanya, lalo yatang, lumalabas ang maraming “banil-kulogo” sa isang bahagi ng katawan ng SC, dahil na din ki Corona. Kung mayroong “dumi” sya, dapat silipin din ang iba dyan,(kung maaari lang), dahil talamak, ang “hawa-hawa” na sakit na mga katiwalian…Dapat, ang angulo-perspective na ito, ay silipin ng mabuti,ng “Senate Judges”, para sa kaunlaran, at kagalang-galang na Saligang Batas, ng Pilipinas, at mga Pilipino….My food for thought..