Skip to content

Si Abalos ang konek sa “Hello Garci” at NBN/ZTE

Abalos
Pangalawang kaso ng graft laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa ma-anomalyang NBN/ZTE ang isinampa sa kanyan ng Ombudsman kasama si Gloria Arroyo.

Una ay yung isinampa ng Akbayan noong 2007. Paglabag din ng Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Hindi isinama ng Ombudsman na si Merceditas Gutierrez noon si Arroyo.

Sa kasong isinampa ng bagong Ombudsman, Conchita Carpio-Morales kaugnay ng anomalya tungkol sa NBN/ZTE bago matapos ang 2011 laban kay Arroyo, kasama din si Abalos.

Sabi ni Ombudsman Spokesman Asryman Rafanan ibang bahagi daw R.A. 3019 ang tinumbok ng bagong kaso laban kay Abalos.

Nakakulong si Abalos ngayon kaugnay sa kasong electoral sabotage noong 2007 na eleksyun na isinampa ng Comelec.

Ang pagkasangkot ni Abalos sa NBN/ZTE at may kaugnayan pa rin sa orihinal na kasalanan ni Gloria Arroyo na pandaraya noong 2004 na eleksyun na ang pinakamalakas na pruweba ay ang “Hello Garci” tapes.

Kasi isipin nyo na lang. Ano naman ang paki-alam ng isang Comelec chairman sa telecommunications project na sakop ng Department of Transportation at Communications. Bakit siya ang nag-broker?

Hindi malayo na regalo ni Arroyo kay Abalos ang milyon-milyon na kikitain ni Abalos sa NBN/ZTE deal bilang pasasalamat sa ginawa niyang magkunsinte sa pandaraya ni Arroyo noong 2004 na eleksyun. Malapit na kasi ang retirement ni Abalos nun.

Ayun sa testimonya ng mga eksperto na nakasama sa proyekto katulad ni Dante Madriaga, $130 million lang talaga ang halaga. Kaya lang sa daming gustong makisawsaw sa “tongpats”, umabot ng P329 million. Dolyar yan kaya i-multiply sa P43 o P45. Nakakahilo ang halaga na sana kikitain ni Abalos.

Kaya naman parang wala lang kay Abalos mag-offer kay dating NEDA Chief Romy Neri na “May P200 million ka dito.”

Na-raffle na ang kasong “graft” at paglabag sa ethics (etika o tuntunin) para sa mga kawani ng pamahalaan laban kay Gloria Arroyo kaugnay ng ma-anomalyang kasunduan sa ZTE, isang kumpanyang Intsik, para magpatayo ng network ng internet sa buong bansa (national broadband network).

Si Sandigan Associate Justice Gregory Ong ang hahawak ng kaso ni Arroyo.

Ang iba pang kasamang akusado ni Arroyo maliban kay Abalo ay ang kanyang asawang si Mike Arroyo at si dating Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza.

Marami ang hindi kuntento sa kaso “graft” na isinampa ng Ombudsman kasi pwedeng magpyansa. Ang orihinal na isinampa ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at plunder. Gusto nila plunder o pandarambong dahil walang pyansa yun.

Sabi ng Ombudsman, hindi raw sapat ang ebidensya para plunder ang ikakaso.

Mukhang maingat itong si Ombudsman Conchita carpio-Morales. Mas mabuti naman na graft ang ikakaso, kahit makapagpyansa siya basta malakas at mataas ang posibilidad na ma-convict kaysa naman plunder na mahina.
Tutal, nakakulong na rin naman si Arroyo sa kasong electoral sabotage. Walang piyansa sa electoral sabotage.

Comelec ang nagsampa ng electoral sabotage at hindi ako kumbinsido na malakas ang kaso. Ngunit hayaan na at nandiyan na yan.

Bago nangyari itong pagsampa ng Comelec at Ombudsman ng mga kaso, may nagsabi sa akin na nilalakad ng isang pulitiko na malapit kay Pangulong Aquino ang pagwalang sala kay Abalos.

Kung gusto ni Abalos makalaya, dapat magsabi siya ng buong katotohanan. Baka bumili pa ako ng kanyang “borjer” kapag ginawa niya yun.

Published inAbanteHello Garci scandalNBN/ZTE

36 Comments

  1. chi chi

    Bago nangyari itong pagsampa ng Comelec at Ombudsman ng mga kaso, may nagsabi sa akin na nilalakad ng isang pulitiko na malapit kay Pangulong Aquino ang pagwalang sala kay Abalos. -Ellen

    Sino ang pulitiko na yan at ng mahambalos ng turd “borjer”!

    Kung magsasabi ng totoo lang si Abalos sa Hello Garci at NBN/ZTE, bibili rin ako ng borjer nya. Pero dapat pakyawan nyang sabihin ang katotohanan sa dalawang magka-konek na kaso, yung walang kawala si Gloria at Mike.

    Hihintayin ko kung ipatatawag si Romy Neri sa kasong NBN/ZTE, kung talagang matigas syang isama sa kanyang kamatayan ang “secret” nila ni Gloria.

  2. Oblak Oblak

    Ms. Ellen, matindi rin yung dalawang justices na kasama ni Justice Ong sa division na na raffle ang kaso ni GMA.

    Si Justice Hernandez, ang kabiyak ni Prof. Carol Hernandez, ay napaka strict nung RTC Judge sa Pasig. Si Justice Cornejo naman, strict din nung METC Judge sa Pasig at RTC Makati.

    Agree din ako na graft ang ikaso, kahit na bailable kaysa sa plunder. Madaling maprove yung graft at mahirap naman kapag plunder. May impeachment na kay Corono, may graft case pa kina GMA and company. On with the show.

  3. chijap chijap

    Chi, gentlemen do not tell. Question is gentlemen ba si romy? hehe

    I think in the long run, Romy will not sing. GMA and Hubby still has power and money.

  4. chijap chijap

    Ellen, good point on what the Abalos-Arroyo connection is. Pwede nga.

    For folks in the telecom business, the NBN should not have been costly nor does it need to be done in one big gastusan.

    It can be done using private enterprise (private telco) as partners (both as inhouse and/or just as vendor) and in fact one suggestion was to even considered the National Transmission Company (Transco ba yun) to piggy back on its infrastructure.

    The Chinese/ZTE are indeed experts in telco but that does not mean wala tayong skillset for this to work. In fact, I’ve known some Filipino telco engineers who actually worked as consultants for Chinese telco in their rural projects (course via Ericsson or Nokia).

    The NBN project by Abalos or by De Venecia were designed by businessmen and not by technical persons. It will fail.

  5. ocayvalle ocayvalle

    sana pati iyong mga bishop at pari na naging ka kutsaba nilang mag asawa at tumangkilik sa kawalanghiyaan nila sa mga pilipino kapalit ng pera na ibinayad sa kanila.. pati na si ms poblador na direct link sa mga hoodlums in abito..!!!

  6. Mga mukhang pera kasi kaya iyan ngayon ang kinasapitan nila. Kulang pa ang kulong sa kanila. Dapat ipakain sa pinakamalaking buwaya. Wala ng awa awa.

  7. MPRivera MPRivera

    si abalaos ang kunek?

    o, si abalos ang ISA SA MGA UTAK ng animo’y mga kabuteng nagsulputan noong panahon ng kasibaan ni goyang at baboy miguel arrovo?

  8. MPRivera MPRivera

    o, si abalos ang ISA SA MGA UTAK ng mga KATIWALIANG animo’y mga kabuteng nagsulputan noong panahon ng kasibaan ni goyang at baboy miguel arrovo?

  9. MPRivera MPRivera

    # 1 chi: “…….Hihintayin ko kung ipatatawag si Romy Neri sa kasong NBN/ZTE, kung talagang matigas syang isama sa kanyang kamatayan ang “secret” nila ni Gloria.”

    ‘and’yan na.

    nagba-blush on na lang at inaayos ang pilik mata.

  10. MPRivera MPRivera

    dikdikin ang burjer at baka lumabas ang itinatagong nakaw na yaman.

    naka-declare bang lahat sa kanyang mga SALN ang ariarian ng komisyon-er abalos na ‘yan?

  11. Hayaan niy ng mabulo si Abalos sa kulungan, buti nga sa kanya, dahil nagpagamit siya.

  12. Kailan ba nila kakasuhan ang mga personahe na involve sa pandaraya nung 2004. Ala na yatang balita,ah!

  13. chi chi

    #9. Bwahahahhahahaha!

    Pero sa feel ko ay bibigay din si mareng Romela basta alam nila ang ipapain, hehehe!

  14. humus humus

    hot news with Mam Ellen’s permission
    out of topic, kasi madalang ang usapan dito.
    pero parang onli in the Pilipins ba!

    Corona’s Wikipedia entry defaced; jurist referred to as ‘thief justice’
    By Christian V. Esguerra
    Philippine Daily Inquirer 2:38 pm | Wednesday, January 4th, 2012 7share65 57
    MANILA, Philippines—The campaign (is there a campaign?) to unseat Chief Justice Renato Corona is getting nasty.

    The Wikipedia entry on the country’s embattled top magistrate was repeatedly defaced Tuesday, with one revision describing Corona as “Thief Justice of the Philippines” in what could be a reference to his being an alleged “midnight” appointee of former president Gloria Macapagal-Arroyo.

    The changes at the user-generated online encyclopedia came less than two weeks before the Senate is to begin the impeachment trial of Corona for alleged betrayal of public trust and culpable violations of the Constitution.

    The nasty entries were also made amid the controversy over the doctorate degree Corona earned from the University of Santo Tomas earlier this year.

    One revision referred to Corona’s impeachment at the House of Representatives last December 12. It said, “The Filipino people is hoping for his impeachment (meaning conviction) at the Senate impeachment trial.”

    The entry was followed by a sentence saying, “Rumors are circulating that the Supreme Court Administrator—‘Midas Marquez’— is having an intimate relationship with the Chief Justice…”

    The malicious information about Corona had been removed as of Wednesday. But anyone could still view the changes by clicking the “revision history” on the Wikipedia entry. By its nature, the website allows users to make changes in its entries.

    Corona and his legal team are in the thick of preparations for the impeachment trial, which is set to begin when the Senate resumes session on January 16. On that day, senators are also expected to decide on his motion for a preliminary hearing over concerns that many of the congressmen who signed the impeachment complaint had not actually read it.

    Before Corona’s trial could officially begin, an new news Web site, rappler.com, came out with a story alleging that UST had bent its own rules by granting him a doctorate degree with top honors even though he did not submit a dissertation.

    The story, which was also published in by the Inquirer on New Year’s Day, also claimed that Corona had gone beyond the residency limit to complete the course.

    Marquez earlier said the rappler.com story “may be linked” to the upcoming trial of Corona. “It comes at the most interesting time. Maybe it’s all part of it,” he said in a press briefing.

    UST said Corona had attended all classes and completed all requirements for the Ph.D. But instead of a dissertation, a scholarly treatise on environmental law was delivered by Corona before a big audience, according to the school.

    “There is no truth to the allegation that the University of Santo Tomas broke its rules to favor Chief Justice Renato Corona who graduated with the degree of Doctor of Laws from the University,” it said in a statement.

    magandang talakayin dito kay Ellen’s truth and etc pages
    ang sagot sa mga tanong:

    si Corona ba siyang supreme court, siya ba ay judiciary?
    si Chiz escudero ba defnse lawyer ni Corona? Gaano ba
    kagaling na senador si Chiz sa intellectual cver up?

  15. humus humus

    Ang nangyari diyan sa defacement ng entries sa Wikipedia ay maaring gawa ng bayaran na hacker. Puede rin naman na isang hacker nag alit sa nangyayari sa bansa niya, umaction siya bilang miembro ng concerned publiko, kasi sa tingin niya mukhang nanaig ang masama laban sa kabutihan. Ang Pinoy sa alam ko ay maka underdog, pero galit din sa mga naghahariharian . Kaya sa defacement sa Wikipedia, maari gawa yan voluntaryo ng isang concern citizen.

  16. humus humus

    ito ba ay sample ng concerned citizen napulot ko
    sa talakayan sa sinulat ni Conrado de Quiros?

    magandang basahin ah.

    7 hours ago in reply to Monsi Serrano 2 Likes F
    AgapitoBagumbayan 2 comments collapsed Collapse Expand
    Sa aking kababayang Pilipino, sana po ay suportahan ninyo ang ‘Impeach Corona’ page sa Facebook na aking pinaumpisahan kamakailan lang. It is now gaining its momentum on the net. Let us warn all the Senators that we are watching them.

    May nagtatanong po sa akin kung ako daw po ay binabayaran ng administrasyonng Aquino upang suportahan ang impeachment case laban kay CJ Corona. Ang sagot po ay isang malaking HINDI.

    Ipagpaumanhin po ninyo kung ako po ay gumagamit ng pen name (Agapito Bagumbayan). Ito po ang paraan ko upang hindi masabotahe ang facebook page na ito. Makapangyarihan po ang ating kalaban. Hindi po ako die hard supporter ni Noynoy. I did not even voted for him. Hindi ko rin po gusto si Kris. Infact, I despise her, and her show just for being what it is. Nonetheless, I support Noynoy because he is our President. I believe it is our duty as a citizen of this nation to support our leader, ibinoto man natin sya o hindi. And for the longest time, we have not seen this kind of leadership from a president. Maybe this is what we needed, who knows? We’ve got nothing to lose anyway.

    Hindi din po tayo kumunista, I denounce communism and its principles. Ang payo ko po sa mga NPA ay bumaba na ng bundok at mamuhay ng tahimik at marangal. Lalong hindi po tayo maka-kaliwa. I am also against radical movements and ideologies.
    Ako po ay isang pangkaraniwang Pilipino, na kagaya ng nakararami sa atin ay may karaniwang pamilya, karaniwang trabaho at sweldo, may karaniwang pananaw sa buhay, at may karaniwan at payak na pangarap buhay. At sa kabila po ng karaniwang pagiisip na taglay ko, hindi naman po marahil mahirap makita kung ano ang tama, ang mali, ang katanggap-tangap at ang nararapat.

    Hindi naman po lingid sa atin ang mga kamaliang nagawa ng dating administrasyon. At hindi po tayo maninigas na lamang sa galit, o magwawalang bahala sa mga bagay na dapat sana ay noon pa binigyan ng kaukulang pagkilos.
    Ito po ang dahilan kung bakit ako masigasig na sumusuporta sa pagtanggal kay CJ Corona. Dahil naniniwala po ako na unang una sa lahat, mali ang pagkatalaga sa kanya, at isa siyang malaking balakid upang maparusahan ang mga tunay na may pagkakamali.

    Wala po akong kinikita sa ginagawa kong ito. Ginagamit ko po ang sariling oras ko upang ipaglaban ang nalalaman kong tama. Wala rin po akong malaking halaga upang matulungan ang mga nangangailangan. Ito lang po ang alam kong paraan upang makatulong. Gaya po ng nasabi ko na, hindi po ako die hard, at bulag na taga-suporta ni Noynoy. Kung makikita ko na pumupunta sa mali ang kanyang ginagawa, ako po mismo ang unang unang tutuligsa sa kanya.

    Nawa hanggang sa huli ay samahan nyo po ako sa labang ito. Na kagaya din naman ng ipinaglaban ng mga bayaning nauna sa atin. Isang pakikipaglaban na walang halong pag iimbot. Na ang tanging hanggad lamang ay kahit kaunting pagbabago para sa nakararami. Pagod na po tayo sa kahirapan. Pagod na po tayo sa kurapsyon. Panahon na po upang may managot sa bayan.

    -Agapito Bagumbayan

  17. Ang sabi ni Abalos kay Neri, “May P200 million ka dito” pero 3 daliri ang senyas niya ayon sa picture sa itaas. Ibig ipahiwatig niya dun, hindi lang yan tsong, marami pang datung ang dadating!

  18. baguneta baguneta

    hindi ba at hati sa kapangyarihan ang mga Gonzalez at Abalos sa Mandaluyong. Gonzales sa kongreso at Abalos sa lokal. Ito ba ang tinutukoy sa itaas na lumalakad kay Noynoy, Congressman Neptali Gonzalez XII?

  19. vonjovi2 vonjovi2

    Kailangan dito at para di maka galaw ng husto ang mag asawang arroyo ay ipa Freeze ang asset nila dahil ill gotten wealth nman ang kanilang kayamanan. Siguradong walang ng tutulong at tatalikuran sila ng mga galamay nila at kapag wala silang ma ibibigay na lagay ay tiyak na maraming buwaya ang babaliktad.

  20. Phil Cruz Phil Cruz

    Is Romy going to sing? He is relatively honest. But he is also relatively crooked. He is relatively brave. But he is also relatively a coward.

    So he is neither here nor there. Gets?

  21. MPRivera MPRivera

    #11:

    Phil, does it mean Miss Romela is neither a real man nor a supposed woman?

    Hala ka! Walang ganyanan, ha?

    Basta alam ko ay lumalaban ‘yan – ng kalmutan at sabunutan!

  22. chi chi

    Palace welcomes JDV testimony vs GMA
    By Willard Cheng, ABS-CBN News
    Posted at 01/05/2012 3:18 PM | Updated as of 01/05/2012 6:32 PM

    MANILA, Philippines – Malacañang welcomed Thursday the reported decision of former House Speaker Jose de Venecia to testify on the NBN-ZTE deal.
    ___

    If JDV comes, Romy Neri is not far behind!

  23. chijap chijap

    as much as i want GMA and Husband to suffer for her greed instead of being in service of the Filipino, i was hoping JDV and his son goes with her.

    remember JDV helped protect GMA during her term and the only reason they parted ways was due to money.

    then again, sometimes you just have to go for what you got.

  24. Huwag na patestiguhin si. Ang lakas ng loob niya noon na magtanggol kay GMA sa mga akusasyon. Tumataas lang ang kilay.

  25. BOB BOB

    Ang hindi ko maintindihan, hindi rin pala magsasabi si Romy Neri ng tutoo
    Eh bakit binuking pa niya si Abalos na nag-alok sa kanya ng 200m. Di ko rin maintindihan, ang naisip ko na lang dinoble ni GMA ang 200m para di na siya aamin !…

  26. Rudolfo Rudolfo

    Titigan natin ang mga daliri ni dating kumesyunerong Abalos, balukto’t , di tuwid…Itutuwid iyan ni Pangulong PNoy..Si Engineer Maderaso, tuwid ang mga daliri, nagsasabi ng tapat, at katutuhanan, para sa kabutihan ng Bansa.

    Grabe talaga, nabigyan lang ng pagkakataon na mabigyan ng mahalagang pwesto, bilang-Comolect CEO, binalukto’t na, at binuhul-buhol ang mataas na ahensyang ito ng gobyerno..

  27. Rudolfo Rudolfo

    Correction please, I mean Engineer Dante Madriaga, sa halip na Maderaso..nadamay tuloy ang isip ko na mabalukto’t sa mga daliri ( doon kasi ako naka-titig, sa kamay ), ng subject dito….I heard his health condition is not good inside his prison jail,..nasubrahan pa yata ng mantika ng “burgers”….Sinayang niya ang magandang pangalan at mga pagkakataon sa gobyerno. Nabahiran ng di maganda ang kanyang pangalan, dahil sa mga pidalista..

  28. MPRivera MPRivera

    #29.

    Bob, nagpapapresyo si Atcheng Romina.

    Naghihintay din na offer-an siya ng machong katulad ni Derek Ramsay bago siya magladlad ng lahat ng kanyang nalalaman.

    Hindi dinoble ni goyang ang PhP200m na offer ni burjer kundi inambaan ng hari ng mga baboy ng mag-asawang suntok kaya natameme ang reyna ng mga kalatsutsi.

  29. jawo jawo

    Maganda ang resume nitong si Mang Benjie Abalos. Ex-MMDA chairman, Ex-Mayor of Mandaluyong, Ex-COMELEC chairman, etc. Ngayon kung makukulong itong si kumag at (palagay na nating) makakalaya siya 80 years from now, magiging Ex-CONVICT naman siya. Another stellar addition to his already illustrious career as one of the elite members of Gloria’s magnanakaw incorporated.

  30. MPRivera MPRivera

    “……Another stellar addition to his already illustrious career as one of the elite members of Gloria’s magnanakaw incorporated.”

    correction: “…..one of the elite members of GMA (Gloria’s magnanakaw association.”

  31. MPRivera MPRivera

    “……Another stellar addition to his already illustrious career as one of the elite members of Gloria’s magnanakaw incorporated.”

    coorection: “…..one of the elite members of GMA (Gloria’s magnanakaw association.”

Leave a Reply