Skip to content

Positioning na para sa 2013 na eleksyun para senador

Sa 2013 pa ang eleksyun sa pagka-senador ngunit ngayon pa lang pumuporma na ang mga gustong tumakbo.

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong isang buwan, pumasok si Justice Secretary Leila de Lima sa sinasabing Magic 12. Kaya kung ang eleksyun ay gagawin ngayong araw, sigurado na sa senado si De Lima.

Ginawa kasi ang survey ng kasagsagan ng kontrobersiya ng pagpigil kay Gloria Arroyo na umalis papuntang ibang bansa.

Makikita natin dito na malaki talaga ang galit ng taumbayan kay Arroyo na lahat na laban sa kanya, bobotohin nila. Sana totoong ganun talaga si De Lima.

At sana aayusin na niya at ng kanyang mga tauhan sa DOJ ang pagpalakas ng kaso laban kay Arroyo at sa kanyang mga galamay para hindi mangyari na sa bandang huli ay madi-dismis lang ang kaso dahil mahina katulad sa mga kaso laban sa mga Marcos.

Ang nangunguna ay si Sen. Francis Escudero na sinundan ni Loren Legarda. Maala-ala natin na noong 2007, si Loren ang una at pangalawa si Escudero.

Pangatlo si Transportation and Communication Secretary Mar Roxas.

Ang pagka-alam ko, hindi tatakbo na senador si Roxas. Mas pinupuntirya niya ang magiging congressman ulit sa Capiz para magiging speaker of the House siya.

Mas maganda ngang strategy yan dahil kung plano pa rin niyang itutuloy ang naudlot niyang ambisyun magiging president sa 2016, mas high profile ang posisyun ng Speaker of the House.

Kung sa senado siya, hindi maganda na pangatlo lang siya kina Chiz at Loren na may mga ambisyon din para sa 2016.

Pasok din sa top 15 sina Cagayan Rep. Juan Ponce Enrile Jr at Aurora Province Rep. Juan Edgardo M. Angara.

Siyempre medyo nakakataas ng kilay. Alam kaya ng mga tinanong sa survey na ang kanilang pinipili ay hisi si Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Edgardo Angara? Marahil aka nila ang pinipili nila ay ang kanilang mga tatay.

Malaki talaga ang matutulong ng pangalan na nakatatak na sa isipan ng taumbayan. Advantage ito sa mga anak na sana gamitin nila para sa taumbayan. Nangyari na ito kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na naka-upo na ngayon sa senado kahit na apat na taong naging biktima ng dayaan sa 2007 na eleksyun.

Ang nakinabang naman sa dayaan na yun na si Miguel Zubiri ay kasama rin sa Top 15.

Ang iba pa sa Top 15 ay sina Sen. Alan Cayetano, dating Bise-Presidente Noli de Castro, San Juan Rep. JV Ejercito, Sen. Gregorio Honasan, Se. Antonio Trillanes IV, mga dating senador na si Jamby Madrigal at Richard Gordon.

Marami pa ang maaring mangyari sa loob ng 17 na buwan bago ang 2013 eleksyun. Ngunit mahalaga ang survey para malaman ang pulso ng bayan at malaman ng mga gustong kumandidato kung paano iplano ang kanilang kampanya.

Published in2013 electionsAbante

16 Comments

  1. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    1. Enrile 2
    2. Angara 2
    3. Cayetano 2
    4. Pimentel 2
    5 Ejercito 2

    Wala na bang iba?

  2. chi chi

    Re: Ang pagka-alam ko, hindi tatakbo na senador si Roxas. Mas pinupuntirya niya ang magiging congressman ulit sa Capiz para magiging speaker of the House siya.

    Ayos na ayos di ba kuya Mags? 🙂

  3. chi chi

    Re: Siyempre medyo nakakataas ng kilay. Alam kaya ng mga tinanong sa survey na ang kanilang pinipili ay hisi si Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Edgardo Angara? Marahil aka nila ang pinipili nila ay ang kanilang mga tatay.

    Bwahahahahaha! Tagal ko ng di humahagalpak ng tawa, Ellen! 🙂 🙂 🙂

  4. chi chi

    Ewan, isa pa lang ang pasok sa akin dyan!

  5. edfaji edfaji

    One possible strong and qualified candidate that should not be left out is Adel Tamano. He should be in the top 10.

  6. Marami ang nagkukumpara sa sinapit na kapalaran nina GMA at Erap, maging ganun din kaya sa darating na hangalan 2013? Noong mapatalsik si Erap, si Former First Lady Loi Ejercito ay tumakbo bilang senador at nanalo. Para patunayang malinis ang kanilang pagkatao, sumabak din kaya si former First Gentleman Mike Arroyo for senator or any elective position? At kung naging senador din si Jinggoy Estrada, pumalaot din kaya si Partylist Cong. Mikey Arroyo? Dapat may magtanong nito kay kay Mrs. Horn.

  7. Mike Mike

    Unfortunately, Pinoy voters sees election as if it were a popularity contest. Not surprising that the likes of Lapid, Sotto, Revilla & Jinggoy and other celebrities always has the advantage to win in any election. Malayo pa siguro tayo sa pagiging mature sa pagboto ng nararapat para mamuno sa ating bansa.

  8. Manachito Manachito

    #7 Sangayon ako sa pahayag na ito. Maging sa mga lalawigan at bayan ay ganito ang pagiisip ng maga tao tuwing darating ang halalalan. Nakakalungkot.

  9. MPRivera MPRivera

    matuto na dapat ang mga botante.

    hindi sapat ang kasikatan upang maging isang epektibong lingkod bayan lalo’t sa pagbalangkas ng mga batas.

    kunsabagay ay nasa delikadesa din lang naman ‘yan.

    pero kung sila ako ang tatanungin, imbes na artista, basketbolista, tv broadcaster doon na lamang ako sa mga hindi kilalang sa pakiramdam ko ay maglilingkod nang maayos.

    at least, sinunod ko ang dikta ng aking kunsensiya at ginawa ko ng tama ang aking sagradong tungkulin at karapatan bilang isang botante at mamamayan sa pagpili ng mamumuno at maglilingkod sa bayan.

  10. MPRivera MPRivera

    “…..pero kung ako ang tatanungin, imbes na artista…..”

    haaay, hilo pa sa gamot!

  11. chi chi

    Piling-pili akong bumoto, Mags. Kaya isa pa lang ang aking panalo. 🙂

  12. Phil Cruz Phil Cruz

    Another epic battle to be fought by the Glorious senatorial candidates in order to save the Glorious One so they can get back to power.. and siyempre get back at this administration.

    Hay, naku.

  13. OT

    WTF? Our countrymen are slaughtered in China as drug mules but we let Chinese national drug lords go free? Maybe we should stop crying for the drug mules already and rage against the ones who sent them there?

    ————————————-
    3 Chinese drug suspects escape from jail with help of guard

    MANILA, Philippines—Authorities have launched a search for three Chinese nationals accused of drug trafficking and the jail guard who helped them escape from the Parañaque City Jail early Saturday.

    http://globalnation.inquirer.net/20743/3-chinese-drug-suspects-escape-from-jail-with-help-of-guard#disqus_thread

  14. Perhaps its high time we make some sort of list of priority issues and see if these senators have these in their platforms as well as some plans on how they intend to accomplish them? This way we can sort our the popularity generating propaganda?

  15. Phil Cruz Phil Cruz

    juggernaut, #14:

    Agree, that’s the most logical thing to do. Set up a criteria and judge the candidate against these.

    I have my initial list. Very simple. General categories list.

    What is the platform of the candidate regarding:

    Jobs, Justice, Education and Health.

  16. Phil Cruz Phil Cruz

    But since they can always lie their hearts out in their platforms, I guess the best criteria is still their track record on how they voted on critical issues.

    I especially detest “Pancake” candidates who do flip flops like some justices we know. And “Trojan Horse” candidates.

Leave a Reply