Sa gitna ng ingay ng diskusyon kung papayagan si Gloria Arroyo at ang kanyang asawang si Mike na umalis ng bansa para magpagamot day (siyempre marami at mas maingay ang ayaw), hindi na marinig ang tanong na bakit ba hanggang ngayon wala pang kaso sa korte na nakasampa laban sa mag-asawang kinaiinisan ng maraming Pilipino?
Halos magdadalawang taon na ang administrasyong Aquino ngunit hanggang ngayon ay wala pang nakasampang kaso laban kay Arroyo. Lahat nasa preliminary investigation pa lang.Pinapag-aralan pa kung may “probable cause” ang akusasyun sa kaniya.
Palagi nga kinukumpara ng marami sa ginagawa ni Arroyo kay dating Pangulong Joseph Estrada na ilang buwan lang siya napaalis sa Malacañang nasampahan na kaagad ng kasong plunder at nakulong.
Hindi sana problema ang pagbawal ni Aquino kay Arroyo umalis ng bansa kung may kaso na hindi pwedeng piyansahan dahil kung sa ganun ang korte ang mag-isyu ng hold order sa kanya . Kaso wala.
Ang pinaghahawakan nina De Lima ay ang kwestyunable na memorandum circular na inisyu noon ng justice secretary ni Arroyo na si Alberto Agra na kahit nasa preliminary investigation pa lang ang kaso, pwedeng ilagay sa Watch List Order ang isang tao.
Ginawa nila yun para sa kanilang mga kalaban na ngayon ay siyang ginamit nina Justice Secretary Leila de Lima sa kanila.
Sinabi ni Aquino na sa Nobyembre daw magsasampa ng kaso kay Arroyo. Yan kasi ang pinagyayabang ni Commission on Election Sixto Brillantes para lang siya makumpirma. Electoral sabotage noong 2007 na eleksyun ang nabuong akusasyun ng kumite ng DOJ at Comeled. Pinag-aaralan ngayon ng DOJ prosecutors.
Kung sabagay, kalahating buwan pa lang naman tayo ng Nobyembre. Baka ngayong linggo, maisampa na nila ang kaso at maisyuhan na ng warrant of arrest si Arroyo. Dapat bago magdesisyun ang Supreme Court.
Kaya pipilitin siyempre ng Department of Justice na magkaroon ng ‘probable cause” kahit mahina ang ebidensya sa partisipasyun ni Arroyo sa dayaan noong 2007 na eleksyun.
Nasabi ko na ito noon at uulitin ko ulit dito. Hindi ako bilib sa kasong electoral sabotage sa 2007 election laban kay Arroyo na siyang nabuo ng DOJ at Comelec.
Ang basehan lang nila sa pagdawit kay Arroyo ay ang sinabi ni Norie Unas, ang right-hand man ng dating gubernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan Sr, na narinig niya si Arroyo na nagsabi sa matandang Ampatuan na siguraduhin mananalo lahat ang mga kandidato para senador ng Team Unity ng administrasyon.
Yan lang ang kanilang pruweba?
Ang pinakamalaking kasalanan ni Gloria Arroyo, laban sa pagnakaw ng pera ng taumbayan para sa kanyang sariling interes, ay ang pagnakaw ng desisyun ng taumbayan na si Fernando Poe Jr ang maging presidente ng Pilipinas noong 2004.
Yun ang sinasabing “original sin” na mula doon nagpapatong-patong na ang kasalanan para mabusog at mapatahimik ang kanyang mga kasabwat. Nagsanga-sanga na ang anomalya katulad ng fertilizer scam, NBN-ZTE, public works projects, at iba pa.
Kaso ang krimeng electoral sabotage, na hindi pwedeng magpiyansa, ay naging batas noong 2007 lang. Kung simpleng anti-graft lang ang kaso, pwedeng magpiyansa.
May mga kasong plunder na nakasampa sa Ombudsman si Atty. Frank Chavez at ang iba’t ibang grupo katulad ng Bayan. Nasa preliminary investigation pa rin. Wala pang kasong plunder na isinasampa ang DOJ.
kailan nga ba masasampahan ng kaso itong si goyang? aba’y magpapasko na, ah.
mahirap kasi ‘yang ganyang parang larong bata ang ginagawa ni PeNoy. laging nakaamba ang dalawang kamay, ayaw namang ituloy ang pagkabog sa gustong kabugin. with matching kagat ibabang labi pa ‘yun na parang dinaya sa larong teks o dyolens.
hindi aasenso ang Filipinas hanggang hindi napaparusahan itong mga big time na mag nanakaw ng kaban ng bayan,kaya action na ang kailangan para sa matuwid na daan.
Kung makakawala na naman yang mga magnanakaw na yan, wala na talagang pagasa ang Pilipinas na umunlad. Ang mangyayari, bayaran lang ang pagpapatakbo ng bansa. Bago uupo ang mga opisyales, marami na silang pinagkakautangan ng perang pambayad nila ng mga taong boboto. Kaya kapag umupo na sila, wala ng ibang gagawin kundi magnakaw ng kaban ng bayan. At dahil wala ni isang nakukulong sa kanila, yan ang magiging kalakaran ng bayan.
Pnoy may be straight, fine and dandy but all the officials under him may not all be clean. And since he trusts these people, kahit na anong gawing masama ng mga ito, ok lang sa kanya. If the vultures in pandak’s time are punished, baka sakaling matakot ang mga sumusunod na namumuno ng bayan na gumawa ng masama dahil mahahatulan din sila balang araw. But if the pandak and company are scott free, tuloy ang corruption ng lahat ng namumuno. Talagang wala ng pagasa ang Pilipinas para umunlad!
This week daw isasampa ang kaso. Then warrant of arrest.
is the contraption supposed to support her neck or is it to prevent further leakage elsewhere ?
in addition, ang bagal ng husgado sa pamumuno ni corona. mas gusto pa niya makipag talo sa administrasyon ukol sa kanyang budget na sapat naman kesa aysin at tapusin ang mga kaso lalo na yung mga kasong naisampa nuon..sobrang bagal mga inutil ang mga ito kung sabagay di nga nila matapos ang maguindanao massacre..mga walang awa pabigat sa bayan!
What ever happened to the Davide commission?
#4
Can’t wait. Excited na ako. 😛
The former president of Taiwan and his crippled wife is now in jail because of corruption. I hope they don’t make her being in her halo vest an excuse not to be put in jail.
“…..Pinapag-aralan pa kung may “probable cause” ang akusasyun sa kaniya.”
Aba naman! Anong klaseng pananaw ‘yan?
Kulang pa ba ‘yung halos sampung taong GINAGO, NILOKO, GINAWANG TANGA at PINAGLARUAN ang buong sambayanan?
Hindi pa ba sapat ang paglutangan ng mga saksi sa kanyang mga kawalanghiyaan lalo na sa ginawa niyang PAMBABABOY sa nakaraang dalawang eleksiyon?
Kulang pa bang ebidensiya ‘yung pamumudmod niya ng salapi sa kanyang mga tagapagtaguyod kapag meron impitsment na nakaamba sa kanya noon?
Ano pa ba ang kulang upang lubusan siyang masampahan ng kaso?
Baka naman ang lahat ng ito ay kanila nang pinag-usapan at sabay sabay gagawa ng senaryo ang magkabilang kampo upang magkaroon ng dahilan upang malihis ang tensiyon ng taong bayan?
May pag-asa pa ba tayong makamit ang TUNAY na pagbabago sa ating gobyerno?
Kailan?
“This week daw isasampa ang kaso. Then warrant of arrest.” – Ellen.
There’s heavy betting and heavy breathing I hear in the street corner..that the SC will come to her rescue before the charges are filed this week.
#11.
Phil, ‘yan ang pinaka-purpose in goyang kaya in the last breath of her stolen regime ay inilagay niya ang halos lahat ng kanyang inaakalang sasagip sa kanyang leeg kapag dumating ganyang pagkakataon.
I just hope na maging totoo ang mga mahikero, este mahistradong ‘yan. Sana ay unahin nila ang kapakanan ng bayan sa ibabaw ng mga kawalanghiyaan ni goyang.
This time, let us hope they will be really fair and just and set aside their affiliation with the cheat by feeling for the people who suffered most during the almost ten years gloria arroyo, her family and cabal defenders circumvented the laws.
Like I said in my earlier post, the DC #41 that De Singko is trying to implement on Gloria et al is unconstitutional. Kaya I won’t be surprised if SC will act in favor of Gloria’s petition. Pa banjing-banjing kasi ang DOJ sa pagsampa ng kaso laban sa mga Pidal eh. Haysssss!!!!
Di kaya Trojan horse itong si De Singko? Hmmm…..
Before the SC handed down its ruling on the travel ban on her, to make the ruling moot…part of the Game…still…or strategy. This is not just an ordinary case against an ordinary alleged wrongdoer. Make sure the charges stick and stick like Glue.
Ano ba’ng litrato na yan. ang sagwa. Napaka-amateur naman ng gumawa niyan. Pinaikut-ikutan ng bakal, di naman naitama ang korte. Maliit nga, pangit naman. Cheap kasi. Kung ako gumawa niyan e di maraming bibilib.
No Ellen, I’m not talking about Gloria, yung Bonsai sa likod yung tinutukoy ko.
Kunsabagay pwede rin siyang bonsai, tinalian na rin ng kung anik-anik. Pangit nga lang talaga.
Bwahahaha!
Ikaw talaga, Tongue.
Tongue, kakasya ba ang cage ni Tweety Bird? Yung bonsai ha. 😀
Ayan na nga ba sinasabi ko eh, SC voted 8 – 5 allowing pandak to escape este leave the country for medical treatment.
Malinaw naman na unconstitutional yang DC#41 na yan eh kung bakit yan pa ang ginawang basis sa pagpigil kay GMA na maka biyahe palabas ng bansa. Dapat kung nagsampa na sila ng kaso laban kay GMA nuong isang taon pa, eh di malamang nakakulong na mga yon. hayyyyyssss
Makupad talaga ang DOJ pagdating sa mga Arroyos noon pa ang daming inatupag, inuna pa ang paghahabol kay Lacson na acquitted na ng Court of appeals. Noon si erap saglit lng nilang napakulong kahit wlang probable cause. Kelan kaya natin makikita na e MUG-SHOT din yang mga Arroyo, kasama ang buong gang nya?
Makupad talaga ang DOJ pagdating sa mga Arroyo noon pa ang daming inatupag, inuna pa ang paghahabol kay Lacson na acquitted na ng Court of appeals. Noon si erap saglit lng nilang napakulong kahit wlang probable cause. Kelan kaya natin makikita na e MUG-SHOT din yang mga Arroyo, kasama ang buong gang nya?
teka, si goyang ba talaga ‘yun?
baka naman ‘yung labandera nila.
pero, kung hindi ako nagkakamali, ‘yan ‘yung inahing poodle na matagal nang hinahanap dahil sa pang-uumit ng pagkain sa mga kapitbahay.
Paano makakasuhan iyan eh ang dapat mag kaso abala sa kung ano. Wala naman talagang sakit iyang si GMA. Nagsasakit sakitan lang iyan.
Si Gloria gusto na talaga tumakas! Alam niya kasi ang dami niyang kasalanan!
GUILTY SI GLORIA ARROYO!
Delikado ba talaga ang lagay ni CGMA bakit nila isinubo sa ganoong situwasyon kagabi? Tsaka napaghahalatang may knowledge sila sa ilalabas na TRO ng SC. Itong si Midas marquez parang naging spokesperson ni Arroyo todo tanggol sa karapatan daw ni Goyang na lumabas ng bansa. Ito kasing si De Lima e ang kupad puro dada.