Skip to content

Sana hindi maging Bonayog si Fiala

MMDA Chair Francis Tolentino
Mabuti naman at sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino na magsasampa sila ng kaso laban kay Edward John Gonzales, ang 30-taong gulang na nambaril sa MMDA traffic enforcer na si Larry Fiala, na ngayon ay nasa-ospital pa rin.

Dapat talagang panagutin si Gonzales sa kayang ginawa. Dapat maparusahan ang mga taong kapag nakakotse ay akala mo hari sila.

Sana hindi matulad itong kaso sa nangyari sa security guard na si Ricardo Bonayog na takot ipagpatuloy ang pagsampa ng kaso sa abusadong kongresista ng Lanao del Sur na si Rep. Mohammed Hussein Pangandaman.

Kung sabagay, iba ang sitwasyun ni Bonayog dahil opisyal ng pamahalaan ang kanyang nakabangga at hindi sigurado kung susuportahan siya ng kanyang kumpanya.

Ang dapat sa kaso ni Bonayog, mismo ang Kongreso ang dapat magsulong ng kaso para madisiplina ang mga abosadong kasama nila. Dapat si Congressman Mikey Arroyo na kinatawan ng mga security guard at tricycle drivers ang magsulong ng kaso.

Mukhang wala rin ,e. Kaya ayan siga pa rin si Pangandaman.

Itong namang si Gonzales, parang maamong tupa nang nasa presinto ngunit nabuking na may toyo pala ang utak nito.
Sinita ni Fiala si Gonzales, na sakay sa itim na Nissan Frontier (WMD-505) noong Miyerkules 3:45 ng hapon sa bandang Cubao dahil labag siya sa color coding.

Aba, nagalit si Gonzales at sinapak si Fiala bago humarurot ng takbo. Siempre sinundan ni Fiala na naka-motorsiklo at naabutan sa bandang Florida at Connecticut streets sa Mandaluyong City.

Nagkasugatan sila. Sabi ng isang witness, bumalik si Gonzales sa kanyang sasakya, kinuha ang baril, at walang awang pinagbabaril ang traffic enforcer. Limang tama ang natamo ni Fiala sa tiyan.Parang wala lang daw na bumalik sa sasakyan si Gonzales at nagpatuloy ng kanyang pag-drive.

Mabuti lang may maawaing taxi driver na nagdala kay Fiala sa pinakamalapit na ospital. Nahuli si Gonzales sa kanyang bahay sa Makati kinagabihan. Nakalabas din siya kaagad dahil nakapagpiyansa ng P200,000.

Sabi ni Tolentino, “Ginawa lang ni Fiala ang kanyang trabaho. Hindi siya armado. Ang hawak lang niya ay traffic tiket at determinasyun na maipatupad ang batas.”

Ang batas sa traffic ay ginawa para magiging maayos ang kilos sa kalsada.”Magrespetuhan naman tayo,” sabi ni Tolentino.
Dahil sa nangyari kay Fiala may mga panukala ngayon na bigyan daw ng armas ang mga traffic enforcer. Hindi naman tamang solusyon yun.

Dapat nga magiging istrikto sa pagbigay ng lisensya sa baril. Katulad itong si Gonzales. Ang mga katulad niya na mainitin ang ulo at abusado, dapat hindi pinapahawak ng baril.

Mahalaga rin na maayos at magalang ang pagpatupad ng mga traffic enforcer ng batas. Hindi yung naninigaw at nananakot.
Ngunit ang mas mahalaga ay makita ng taumbayan na pinaparusahan ang mga lumalabag sa batas. Yan ang pinaka-epektibo na babala.

Published inAbantePeace and Order

8 Comments

  1. myles2003 myles2003

    Dapat lang na parangalan si Fiala dahil sa pagtupad sa kanyang tungkulin at pagkakalagay sa pannganib ng kanyang buhay dahil lamang sa isang mapang-abusong motorista na naghari-harian sa kalsada,pero wag sanang kalimutan ni MMDA Chairman Tolentino na dapat ding parangalan nila ang taxi driver na nagsakripisyo at di nag-alinlangang tulungan ang ang sugatang si Fiala dahil hindi biro ang pagsasakripisyo ng hanapbuhay at syempre ang paglilinis ng sasakyan nya(sigurado may dugo yun).

    Yung kay Bonayog malabo na yun dahil walang suporta mula Congress at kay Mikey Arroyo.

  2. Golberg Golberg

    Kung ako tatanungin, dito sa Plipinas na maraming naghahari-harian kahit hindi dugong bughaw, malabnaw kung magsampa lang ng kaso laban dito sa Gonzales na ito.

    Mas maganda kung pabilisin yung recovery ni Fiala. Tapos, iharap si Gonzales sa kanya. At dahil 5 bala ang ibinaon nitong hayop na Gonzales na ito, pasuntukin si Fiala sa mukha ni Gonzales ng 5 beses din. Bawasan na lang yung sentesya sa kanya dahil nasuntok naman siya ng 5 beses.
    Buti nga kung toyo lang ang nasa utak niyang Gonzales na iyan. E mukhang hindi kumakain sa oras at mukhang may buhawi na ang utak. Mukha na ring butiking pasay sa nipis ng katawan.

  3. Golberg Golberg

    O di kaya pasipain si Fiala sa tiyan ni Gonzales ng 5 beses. Yung tipong punt kick sa maerican football.

  4. MPRivera MPRivera

    sobra tapang ng edward john gonzales na ito, ah. siguro dahil may baril at anak ng maykaya o kaya’y apo nu’ng dating DOJ sickretary nu’ng panahon ng nagsasakitsakitan ngayong presidente ng mga kawatan. kung hindi naman, baka napahiya bunga ng pagiging arogante o kaya’y hindi maayos na approach nitong si koala, este fiala. karamihan kasi sa mga tauhan ng MMDA ay parang asal sanggano at gustong maghariharian dahil sa ipinagmamalaking basbas mula sa ahensiya. nakakalimutan nilang sila ay pinapasuweldo galing sa buwis na ibinabayad ng mamamayang dapat nilang paglingkuran at IGALANG at ISAALANG-ALANG at hindi ‘yung tatratuhin nilang maaaring kaya-kayanin at takutin.

    tama ‘yung sabi ng MMDA chairman, dapat tayong magrespetuhan subalit dapat din muna niyang turuan ang kanyang mga tauhan na maging magalang sa pagpapatupad ng anumang batas na may kinalaman sa mandato (daw) ng kanilang ahensiya.

    sa mga katulad nitong sobrang tapang dahil may baril na si Gonzales, kung ano ginawa niya sa nagging biktima, ipatikim din sa kanya upang maramdaman naman niya ang sakit na ipinadanas niya.

    eto pa:

    http://abante.com.ph/issue/sep1211/crimes01.htm

    Traffic enforcer kinuyog ng mga drayber

  5. MPRivera MPRivera

    ang isang dapat i-review ay ‘yang batas sa piyansa, eh.

    imadyin n’yo ‘yan, taong walang pasensiya’t masahol pa sa asong gala la’ang ang turing sa kapwa kung barilin dahil mayaman ay nakalabas agad sa (para sa kanila’y) baryang P200k?

    may testigo. may ebidensiya. dahil may pang-piyansa ganu’n na lang?

    kung hindi ito batas para lang sa maykaya, mayayaman, maimpluwensiya at makapangyarihan, para kanino?

  6. chi chi

    Putragis, ano ba yan… di lang nagustuhan porma ng mukha ni officer Fiala binaril na ng gagong de kotseng Gonzales?!

    Walang ngipin at bayag si Edward John Gonzales kung walang baril! Laki sa layaw, ugok!

  7. Hay naku, nakalusot na nga ang Alabang boys, nanapak si cong baboy, eto na naman at iba na namang maykaya ang pinalusot. Saan na yung mga death squad na yan, bakit puro small time lang ang kaya nila?

Leave a Reply