Nang tanungin si Press Secretary “I have two discs” Ignacio Bunye tungkol sa mga litrato ng pagpeke ng election returns na lumabas sa Malaya at Newsbreak magazine noong Lunes, ipinipilit niyang sarado na raw ang isyu ng dayaan noong 2004 na eleksyon.
Gawa-gawa lang daw ng oposisyon yung mga litrato ng pandaraya.
Paano gawin ng oposisyon ang pagpeke ng election returns sa bahay ni Roque Bello, isang Comelec lawyer na kilalang kaalyado ni Gloria Arroyo. Hindi maitatwa ni Bello na bahay niya ang nasa litrato.
Kahit gusto na ni Bunye na kalimutan ang pandaraya ni Gloria Arroyo noong 2004 elections, ayaw ng marami. Ito ang mga kumento sa aking blog (www.ellentordesillas.com) kung saan nakalagay ang mga litrato ng election operators ni Arroyo habang gumagawa ng mga pekeng election returns na siyang ipinalit nila sa totoong ERS na nakatago sa Batasan.
Sabi ni Diego Guerrero: “These photos speak a thousand words. The puzzle is getting clearer that Gloria Arroyo and her cohorts made a sloppy job to cover-up their crime against the Filipino people.”
Sabi ni BF Ronquillo: “Ang mga litratong iyan Ellen, sobra talagang sobra! Sa ngayon ay wala nang naniniwalang hindi nandaya si Gloria.
“Pati si Mike Defensor alam niyang totoo ito. Pero ang hindi ko maubos-maisip ay kung saan kumukuha ang barkada nila nina (Raul) Gonzales at Bunye ng apog upang ipilit pa sa madla si Gloria.”
“WOW as in sobra na talaga,” sabi rin ni Jinxies. “ With this pictures, how can we say that the election in 2004 was clean? I don’t know with you people, but this pictures don’t lie.”
Sabi ni John Marzan: “Prang Abu Ghraib photos ano? “ Ang tinutukoy ni John ay yung mga litrao ng mga sundalong nang-aabuso ng mga Iraqis na preso sa Abu Ghraib prison na nag-shok ng buong mundo. Nagkaroon ng imbestigasyon doon at maraming sangkot ang naparusahan.
Sabi naman ni Peacer051: “Walang maitatagong katotohanan. Maibubunyag at mailalabas din! I think Defensor, as Arroyo’s campaign manager, is part of this shameful conspiracy of vote rigging. Sige Defensor, pagtakpan mo pa.”
Sabi ni Goldenlion:” With these pictures, gloria still has the gall to tell lies and deny that she cheated the election. E sobra na talaga ang kakapalan ng mukha niya. Buking na buking na, ayaw pang umamin, tapos mataray pa, akala mo malinis kung magsalita
.
“Por Diyos por santo, tamaan sana siya ng 10 kidlat, 5 tsunami at isang malakas na putok ng bulkan!
Sabi ni Luzviminda: “Sa bagong labas na mga ebidensya, itong mga pictures at ang sinasabing video, ewan ko na lang kung ano ang tawag sa mga naniniwala pa kay GMA. Hintayin natin si Bunye. Baka maglabas ulit ang
Malacañang ng kanilang version ng CD.”
Hindi malayo yan.
As usual the illegitimate Arroyo government will DENY any wrong doings. Anyways, denial is not a crime. How long the Filipino people can tolerate it?
From Wikipedia
Denial is a psychological defense mechanism in which a person faced with a fact that is uncomfortable or painful to accept rejects it instead, insisting that it is not true despite what may be overwhelming evidence. The subject may deny the reality of the unpleasant fact altogether (simple denial), admit the fact but deny its seriousness (minimisation) or admit both the fact and seriousness but deny responsibility (transference). The concept of denial is particularly important to the study of addiction.
Si Bunye (I have two discs) talaga ang Denial King ng Pinas. Di kaya nahihiya niyan ang pamilya niya sa ginagawa niyang pagtatanggol sa amo niyang di naman karapat-dapat?
Sabagay, kung diyan siya kumikita. Kaya lang, wala na talagang prinsipyo ang taong yan. Kahina-hinayang talaga.
Ellen, I won’t be surprised kung maglalabas din ang administrasyon ng mga retratong para itapat sa mga nilathala ng Newsbreak. Alam mo na, baka ang battle cry naman ni Bunyeta: “I have pictures too!!!”
Myrna, not farfetched.
Yes Myrna & Ellen, mga taong WALA NG PRINSIPYO ang mga nagtatanggol pa kay GMA. Sila ay masasabi nating ‘MGA WALANG KWENTANG TAO’. Kawawa naman ang mga nabahiran ng KAMANDAG ni Arroyo, tulad ng mga cabinet members na dati ay malilinis ang pangalan. Mas mabuti pang mag-resign na lang sila para ma-preserve pa ang MALINIS NA PANGALAN na mas mahalaga kaysa PERA at POSISYON. Si Arroyo ay ‘MAITIM ANG BUDHI’. Siya ay kampon ng kadiliman. Kaya siguro gusto nya ring maging impyerno ang buhay natin dito sa Pinas. Ewan ko kung makapasok pa siya sa langit.
What else can we expect from GMA and her cohorts? Talagang idi-deny nila ang mga pictures ng pandaraya!!. Sabi ko nga sa inyo nasa buto na nila ang pagsisinungaling, kaya suspetsa ko ganun sila pinalaki. Sorry po sa mga magulang ng mga taong ito….Ano kayang feelings ng mga anak ni Bunye(ta) at Defensor? Masaya kaya sila sa pinaggagawa ng kanilang ama? Kahit pa mapaniwala nila ang ang lahat ng tao sa mundo na hindi sila nandaya, hindi nila maloloko ang Diyos…hahatulan sila ayon sa kanilang ginawa. Sa mga interviews kay Mike Defensor sa TV mapapansin mo na hirap na hirap siyang idepensa si gloria. Sa Mukha naman ni Gonzales ay kitang-kita ang mga kasinungalingan. Pero mayabang pa sila!!!! The power of Satan!!!!
si justiis sec gonzales bah? tuwing kumukurap yun at mapipikit, di ako tumitingin, kasi mukhang patay na,nakakatakot, tignan mo, matanda na, maputi ang mukha, plantsado ang buhok na parang dinilaan ng baka. lagi pang parang halos humihiga na sa swivel chair niya. si mike defensor naman, ano kayang gamot ang nalulon nito? di natin masisisi si mike def kasi iglesia yan eh. iglesia ni kristo kasi daw ang nagpanalo kay gloria. kaya nga ganun na lang ang pagtatanggol niya, di para sa pamilya niya yun kundi sa buong pamahalaan ng iglesia. hindi na rin sila kasi pwedeng kumalas kay gloria, mayayari sila ng taumbayan. sama sama na sila hanggang wakas.
tyl
nakakabanas talaga yang si sec gonzales, akala mo magaling pati office table niya parang magulo kasing gulo niya , kung hindi lang gumagamit ng tancho tique at 3 flowers pomade yan sabog ang buhok niya sa dami ng kayabangan.
pag meron kang bossing na katulad ni ate glue, maguguluhan ka talaga. paiba-iba ang sinasabi malilito ka talaga. biro mo, sasabihin na di na sya tatakbo tapos biglang tatakbo pala… di ba magulo.
HINDI NA BA NATAPOS ITONG GULO NA ITO ANG GUSTO LAHAT KASI NATING LAHAT E MAGING PRESIDENTE PARA NGA NAMAN DI BUSOG DI BA SORRY NA LANG KAUO MGA CHONG UNA UNA LANG YAN BETTER LUCK NA LANG NEXT TIME OK HE HE HE HE HE HE
Walang pandaraya na hindi nabubuking.