In Inquirer :
Fe Zamora writes “Magdalo cooks up another coup: A soldier’s cookbook”
Sinabi ng mga praning na opisyal ni Gloria Arroyo na nagre-recruit daw ang mga miyembro ng Magdalo sa Bicol.
Sabi ni Interior Secretary Ronaldo Puno, handa raw sila kung ano man ang niluluto ng Magdalo.
Nakakatawa, ano?
Paano naman magre-recruit ang mga Magdalo ay nakakulong ang mga lider noon. Hanggang ngayon nga hindi maka-upo si Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado dahil binabale wala ng korte ang kagustuhan ng taumbayan na ipinahiwatig sa pamamagitan ng 11 milyon na bumuto kay Trillanes.
Katulad rin ng suspetsa nina AFP Chief Hermogenes Esperon na ugnayan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at ang mga nakakulong na mga opisyal ng Marines at Scout Rangers sa Camp Capinpin sa Tanay.
Sabi nga ni Lacson, “kung ako ang magre-recruit (para sa kudeta), bakit naman ang mga naka-kulong ang aking kausapin?” Common sense lang, di ba?
Kung may niluluto man si Trillanes, yan ay “Calamares”. Totoong ulam na calamares.
Ito ay makikita sa bagong labas na librong, “Pulutan – from the Soldiers’ Kitchen” na gawa ng dalawang Magdalo officers – sina Ensigns Elmer D. Cruz at Emerson R. Rosales. Kami ng aking kaibigang si Yvonne Chua ang nag-edit.
Isang daang recipes ng pulutan ang laman ng libro. Maliban sa sarili nilang mga recipes, may kontribusyon ang kapwa nilang mga nakakulong na opisyal.
May mga mai-ikling kwento kung paano nila nabuo ang mga recipe at ang isa ay tungkol sa “Calamares a la Trillanes”.
Sinabi ni Emerson, sa isang hearing sa Camp Aguinaldo (sa Fort San Felipe sa Cavite nakakulong sina Elmer at Emerson samantalang si Sonny Trillanes ay sa Fort Bonifacio), nag-usap sila ni Trillanes kung ano ang kanilang gagawin kapag sila ay makalaya.
Nangako sila sa bawat isa na mag- “gimik” or food trip. Sabi ni Trillanes, “Kahit saan basta may seafood!” Hiningi ni Emerson ang kanyang favorite pulutan at binigay niya ang recipe ng pritong pusit.
Nakakatuwa ang mga recipes at ang mga title. Meron silang “Kapalmuks”. Balat ng baka yun. Dapat kay Gloria Arroyo yun at ang kanyang mga alagad. Mayroon din “Kiss my Chicken Ass” . Bagay sa mga sipsip.
Opisyal sa Philippine Navy sina Elmer at Emerson. Kaya nakapag-ikot sila sa bansa. Ang kanilang mga recipes ay galing sa lahat na parte ng Pilipinas.
Mabibili ang “Pulutan – from the Soldiers’ Kitchen” sa International Book Fair sa World Trade Center sa booth ng Anvil Publishing, ang publisher nitong libro. P125 bawat kopya ngunit may 20 percent na discount. Hanggang ngayong araw lang ang Book Fair.
Pagkatapos ng Book Fair, mabibili ang “Pulutan” sa National Book Store.
Ah! Magandang libro.
Matututo kang magluto na merong sense.
Kung si Esperon ang pakikinggan na wala namang sense, mas masarap pang kumain nung mga niluto nung magdalo.,
Sabi nga ni Lacson, “kung ako ang magre-recruit (para sa kudeta), bakit naman ang mga naka-kulong ang aking kausapin?” Common sense lang, di ba?
*****
See? I told you, it is just a matter of common sense. What Gloria Dorobo and company are doing is that they even deny the Filipinos their own common sense and strip them of their honor and dignity as human beings. Ginagawa pang puro tanga ang mga pilipino kasi ganoon sila. Magaling lang sila sa kawalanghiyaan at kapalan ng mukha.
No doubt that Senator Trillanes has more guts, pride and dignity than them! Paglingkurin na at nang makita natin ang galing niya. Pag napaalis niya si Gloria Dorobo without US meddling, then we know for sure this soldier is one to the core. Mabuhay ka, Senator Trillanes! You make me proud to have been born in the Philippines!
Calamares ni Trillanes? Sarap! Nutrition-wise, squids have lots of collagen, which is good for the skin. Pampabata!
In Japan, we eat squids raw. Personaly, I don’t especially when I am not sure where they are caught, and if they are treated well. I prefer them cooked.
I can’t wait to get my copy of the “Pulutan.” I haven’t received a reply from Anvil Publishing and National Bookstore yet.
Yuko: “Squids have…which is good for the skin. Pampabata” ito ang dapat kainin ni Gloria..so she will look good..pero kakain kaya siya ng calamares ni Trillanes?
Rose,
I doubt kung tatalaban pa ng collagen si Unano. Sira na kasi ang balat niyan sa kahihila ni Bello! Nag-give up na nga yata ang cosmetic surgeon niyan dahil mukhang no effect na iyong mga opera of late. Tignan mo ang close-ups ng ungas. Ang pangit!
BALA ang dapat ipakain kay Gloria kasama ng mga alipores niya!
Rose;
A vulture remains vulture even you feed Gloria a tons of squids.Ano siya Flamingo na nagiging pink ang kulay pag kakain ng hipon.Hehehe!
May nabasa ako dito sa Ellenville..na GMA makes sense..Tama, hindi ba? She has a lot of sins..magnanakaw, mangdaraya, sinungaling, at marami pa. Hindi ba sins ang mga ito?
Regaluhan ng “Pulutan” cookbook si Puno at nang matauhan!
Chi: Dapat nga..para maging Puno siya ng katarungan..prune the tree..so it will be changed.
Rose,
Nakahanda naman pala sina Puno kung ano man ang “niluluto” ng Magdalo. Bakit pa sila yakkity yakkity yak yak?! Grabe ang takot ng EK, puro phantoms ang kaaway!
Kasi si gloria at ang kaniyang mga alipores kung anu-ano ang niluluto na pag-kakakurakutan. Baka akala nila nagluluto sina Trillanes ng pagkakwartahan kaya galit sila. Sobra naman silang paranoid. Nahahalata tuloy silang mga buwaya.Alam naman natin ang mga magnanakaw galit sa kapuwa magnanakaw, Kaya lang mali sila dahil ang niluluto nina Trillanes ay mga iluluto nilang pulutan sa gagawing celebration kapag malaya na sila.
Sana idagdag din ang “dalag ala Abalaos” madulas dulas na parang palos. Ang umpisa ng pagluluto ay pukpukin muna ang ulo ng dalag! Aray!
Asinan at himas himasin at iihaw sa nagbabagang uling hanggang tostadong tostado. Gumawa ng sauce na na may berries para tawaging “sauce biri” ala Zubiri!
““Squids have…which is good for the skin. Pampabata” ito ang dapat kainin ni Gloria..so she will look good.”
rose, sigurado mo? babata si gloria?
ooooowwwwwwsssss.
hindi ako naniniwala.
kapag kumain ng pusit si gloria, lalo’t hilaw, maglalabasan ang tentacles niya, lolobo ang ulo, luluwa ang mata at siya ay magiging isang PUGITA!
Hallo everyone!
Hmmmm…what a nice greeting, ano nga ba ang niluluto ni Trillanes? I’d like to try this “Calamares ni Trillanes!” Nagsawa ako nito sa Spain. Maybe, Trillanes recipe would taste better!
I am also very interested to get a copy of the Pulutan recipe book! I can ask my friends or nieces to send me one here but if we can order it online, I’d prefer doing this!
Magno,
No hope whatsoever will make Gloria’s skin smooth or look good. Ang Pugita skin ay mananatiling pugita forever!
PSB,
Dapat lang gayahin ang recipe mo for Abalos w/ “Sauce Biri” sauce ala Zubiri! Makabili nga ng frozen squid dito at ma-try-out ito!
Magdalo cooks up another coup: A soldier’s cookbook
By Fe Zamora
Inquirer
Last updated 01:11am (Mla time) 09/02/2007
MANILA, Philippines — Now it can be told…….
The result of their four-year “plotting” is the 135-page cookbook “Pulutan: From the Soldiers’ Kitchen”…………
And because it was felt that politics and gastronomy do not mix, Tordesillas said the soldiers’ cookbook does not feature “seditious” recipes such as “Camaron Esperon,” “Grilled fresh computer diskettes,” “Bloodless mutiny No. 5,” “Napaupong Pangulo sa Palayok” or “Buttered Negotiation a la Cimatu (with a twist).”
http://www.newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=86092
he he he heeeh.
bilang isang kusinero na siya ring aking ipinagtrabaho noong una dito sa disyerto, dito ako nalaglag sa upuan, una sa aking salamin at pustiso!
sa walang tigil na pagtawa!
ellen’s heart is really measureless for the underdogs.
mabuhay ka!
Elvie,
Welcome back. Miss ka rin namin. Ano ang pasalubong mo kay Senator Trillanes?
Masarap syempre ang pulutan lalo na kung inumin ang aming cocopilot product…tuba! Tagay! Cheers!
“Napaupong Pangulo sa Palayok”
bwahahahah, bwaheheheh! Sayang, hindi napasama sa libro. Pagkakataon na sana para magkaroon ng “legacy” si Gloria. Bah, hindi malilimutan ng mga pinoy ang “Napaupong Pangulo sa Palayok”. Nevah! Kasi, after nguya, then luwa!
meron sanang isa pang masarap na putahe, kung papayag pa kayong madagdagan ang koleksyon ng exotic recipes.
i suggest a “sinalab na hito ala DOJ chef”.
ways of preparation:
paluin sa ulo ang DOJ secretary, tanggalan ng ngalangala dahil nandoon ang lansa. hugasang mabuti sa muriatic acid upang matanggal ang anggo dahil sa sakit sa bato. banlian sa kumukulong asupre upang medyo lumambot ang balat at lumabas ang mantika (kung meron pang natitira). pagulungin sa asin at pagkatapos ay ibabad sa cyanide ng 24 oras. patuluin. tuhugin sa bunganga sa pamamagitan ng tinulisang buho at ipasok sa crematory.
kapag medyo malutong na ang balat ay ihagis sa lagoon na puno ng mga hayok na buwaya!
isama si gloria bilang side dish.
Nakakatawa kayo mga bloggers. Ayos itong mga cookbook ng ating mga sundalo. Dapat meron din silang garden ano? Like this:
Soldier’s Garden
Here are some ideas for your garden for daily living
PLANT THREE ROWS OF PEAS:
1. Peace of mind
2. Peace of heart
3. Peace of soul
PLANT FOUR ROWS OF SQUASH:
1. Squash gossip
2. Squash indifference
3. Squash grumbling
4. Squash selfishness
PLANT FOUR ROWS OF LETTUCE:
1. Lettuce be faithful
2. Lettuce be kind
3. Lettuce be patient
4. Lettuce really love one another
NO GARDEN WITHOUT TURNIPS:
1. Turnip for meetings
2. Turnip for service
3. Turnip to help one another
AND OUR GARDEN WE MUST HAVE THYME:
1. Thyme for each other
2. Thyme for family
3. Thyme for friends
Water freely with patience and cultivate with love.
There is much fruit in your garden because
you reap what you sow.
“Napaupong Pangulo sa Palayok”. Okay ito ah. Gawan nating ng procedure kung paanong lutuin. Kunwari manok siya. Yung palayok lagyan ng ilang kilong asin. Then rub the chicken with salt and siling labuyo. Tusukin ng nagbabagang iron bar yung manok. Magsimula sa butt papasok sa ulo para pang pinaupo sa palayok parang nakatayo. Tapos ilagay sa steamer. Hayan meron nang manok na pinaupo sa asin. Yan yata ang especialty ng mga chinese sa Ongpin.
Hi Chi!
Sapat na kaya ang isang Spanish na Pamaypay para kay Senator Trillanes? Ito ay gagamitin niya habang nagluluto ng Pinaupong Pangulo sa Palayok para hindi mamatay ang apoy. At saka maaso ito kasi balde-balde sigurong taba ang tutulo sa apoy. Di ba, napakataba ng pangulong (kuno)ito? Magiging hit siguro ang recipeng ito kung sakaling nakasama ito sa aklat.
Jadenlou,
Para sa mga mahilig sa mantika, puwede ring i-deep fry at ng maalis yung masansang amoy ng pangulo! Mag-e.enjoy pa ang mga aso’t pusa sa mga buto niya!
Saludo ako sa mga binanggit mong pangalan ng recipe, Ellen!
Imagine, even inside the kitchen jail the Magdalos are making a name and provide us with a good laugh thru “Pulutan”, while Gloria panicks over her phantom enemies. What a pathetic and disgusting life over there at EK.
Iyan ang napapala ng nagnanakaw ng position, Chi. Pirming kinakabahan! Worse, natatakot sa sariling multo, at ang tingin lahat kapareho niyang magnanakaw.
Paspasan na, now na! No need EDSA! Balik sa Plaza Miranda!
Yuko,
Gusto ko ‘yan. Hindi na pati uso ang Edsa kasi ay binastos na ni Gloria.
“Paspasan na, now na! No need EDSA! Balik sa Plaza Miranda!”
Ang Edsa Shrine daw pag-aari na ng Simbahang Katoliko. After the Edsa Revolution of 1986, off limit na yata sa mga demonstrators and Edsa Shrine; so masasabi natin laos na. Balik Plaza Miranda…with Mayor Lim there.
mukhang alarmang- alarma ang rehimen sa kudeta ah mukhang pinaha- halata naman nila na takot silang magising sa katotohanan ang mga militar. Sabagay sa kabila ng mga naganap sa basilan at sa iba pang enkwentro ng militar at mga rebelde. Dapat na-ngang magisinga ang mga sundalo sa matagal ng pakakatulog- Hindi kaya kayo ginagamit lang ng mga nasa posisyon.
mukhang alarmang- alarma ang rehimen sa kudeta ah mukhang pinaha- halata naman nila na takot silang magising sa katotohanan ang mga militar. Sabagay sa kabila ng mga naganap sa basilan at sa iba pang enkwentro ng militar at mga rebelde. Dapat na-ngang magisinga ang mga sundalo sa matagal ng pakakatulog- Hindi kaya kayo ginagamit lang ng mga nasa posisyon ?.
Chi,
Mas malapit ang Plaza Miranda sa Malacanang, puede pang tatlong rota, via Espana-Gen. Forbes (ano na ba ang tawag doon ngayon?), Claro M. Recto Ave. diretso sa Mendiola or Echague. At least, hindi masyadong pagod ang mga tao paglakad sa Malacanang di tulad kung galing sila sa EDSA.
Ipakita na ng mga pilipino ang tapang nila. Hindi nila kailangan ang mga kano sa totoo lang. Lalo na ngayong walang panahon ang mga kano at sunod-sunod ang patay nila sa Iraq, hurricane, tornado, forest fire, etc.
Sa laki ng takot..sa akala nilang niluluto ni Trillanes kaya ba siya namamasyal at nagpupunta kung saan saan..to look for a place to keep all what she stole? Kaya sa Australia siya ngayon..malaki ang Australia at hindi kalayuan sa Phil..seems to be an ideal place for her..and besides hindi ba mahilig ang anak niya sa mga kabayo?..seems to be an ideal place to raise horses and pigs. kaya sumama ang asawa..Is she a friend of Danding..an ideal partnership for horsing .. and isn’t it also the land of crocodiles of all kinds.? Wasn’t it the haven of Ver?
..Hindi sila puede sa Japan..Yuko is in close watch..
..Sa US?.. hindi puede sa SF..hindi maging vic-toh-rius.
sa Virginia? (may mga horse farms ata doon) at alam niya
ang area-malapit sa Georgetown..puede siyang ma Virginia
Tech. Pero mahigpit ang anti laundering law dito.
sa Europe kaya? nandoon pa ba ang mga bank accounts? Sana
one way or another makaalis na siya..bago 2010.
I can not seem to take it out of my mind..pasyal siya ng pasyal..and does not seem to worry about the real state of the nation. Seguro ganito ang nasaisip niya..Why worry?
there are only two things to worry about. whether I am sick or I am well..if am well (and it seems her husband is now) why worry? if I die, there are only two things to worry about..whether I go to heaven or I go to hell..if I go to heaven why worry, and if I go to hell..all my generals and close friends are there so we all be happy..why should I worry?
Hi, tanong ko lang, why did Trillanes run under GO if may basbas nito ni Erap who is allegedly corrupt? Gusto ko kasi malaman eh. D ko alam. Seriously.
Huwag ka nang magmaang-maangan. Frances. I can read your mind.
If Trillanes did not run under GO team, saan? Dalawa lang naman ang naglaban noon: Administration and opposition. Ewan ko kung bakit ganyan ang tanong mo. You’re sending another message other than your question.
Hi Ellen, congrats on your new book. Kailan ka babalik ng davao for book signing? 🙂
Hi Gilbert,I’m just pitching in for the authors in promoting the book because they are still in detention and have no media access.
They are the ones who should sign the book. We will come to that later. Gloria will not be in Malacañang forever.