Dumadami lalo ang mga katanungan sa paglabas paunti-unti ng mga detalya ng encounter sa Tipo-tipo noong July 10 kung saan 14 ang namatay na Marines. Sampo doon sa namatay at pinugutan.
Sinabi ni Lt. Col. Bartolome Bacarro na inorder raw ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na imbestigahan palpak na pagbigay ng radio frequency sa mga pilot na siyang dahilan kung bakit hindi nabigyan ng air support ang mga Marines.
Ayon sa report ng mga sundalo at ni Jun Veneracion ng GMA-7 na nasabak sa encounter, mga alas-10 ng umaga nangyari ang pananambang sa mga Marines ng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Al-barka, Tipo-tipo sa Basilan.
Pasado na ala-una o mag-aapat na oras na ang engkwento ng may dumating na mga helicopter at bomber. Ngunit dalawa o tatlong oras paikot-ikot, hindi naman nagbibigay ng suporta. Hindi tumitira at hindi nagbu-bomba. Hanggang sa bumalik na sa kanilang base.
Ayon sa report ng radioman na isinumite kay Maj. Nestor Marcelino, operations officer ng 8th Marine Battalion Landing Team, mali pala ang radio frequency na binigay ng 1st Marine Brigade sa Western Mindanao Command na siyang ibinigay sa mga piloto.
Dahil mali ang radio frequency, hindi makontak ng mga pilot ang mga ground commanders. Hindi ngayon malaman ng mga pilot kung alin ang kasamahan at alin ang kalaban. Pagkatapos ng mga dalawa o tatlong oras na paikot-ikot sa taas, nauubusan na sila ng gasoline kaya sila ng withdraw pabalik sa kanilang base.
Ngunit sinabi naman ni Col. Ramiro Alivio wala raw katotohanan ang report na mali ang radio frequency na kanilang ibinigay sa Wesmincom. Sinabi rin na ibang Marine na nakausap ni Jay Ruiz ng ABS-CBN, hindi raw totoo na walang kontak ang ground forces noon sa piloto.
Ano ba talaga ang totoo?
Nagtataka naman ako sa order na binigay ni Esperon pagkatapos lumabas itong balita ng kapalpakan sa Malaya at Inquirer. Di ba tapos na ang imbestigasyon ng military na pinangununahan ng AFP inspector general, si Maj. Gen. Ferdinand Bocobo? Kaya nga sabi ni Bacarro, nakilala na kung sino ang nagbigay ng maling frequency. Ang balita nga namin ang sinisisi ngayon ay sarhento.
Bakit ganun? Wala bang matataas na opisyal na nagsu-supervise ng ganyang operations? Kahit ba nagkamali ang isang sarhento, dapat naagapan yan ng magaling na commander.
O baka naman talaga may ayaw na bombahin ang mga MILF?
Natanong namin ito kasi kasama rin doon sa report ng encounter na anim na rounds lang daw ng howitzers ang napaputok sa walong oras na barilan. Ang paliwanag raw ay may order ang ceasefire committee sa mga sundalo na huwag magpaputok dahil MILF ang ka-engkwentro na turing raw ng pamahalaan ay “friendly forces.”
Kaya ba kahit nangyari na itong trahedya sa mga Marines, sinasabi pa rin ni Esperon na hindi sila maa-aring mag-offensive dahil may peace talks?
Ano ba yan? Kaaway ba o kakampi ang MILF? Dapat magdesisyon ang pamahalaan diyan. Hindi pwede yung i-deploy mo doon ang mga sundalo, tapos sabihin mo huwag magpaputok. Kawawa naman ang mga sundalo.
Matay ko mang isipin, parang SINADYA ang pangyayari sa Tipo-Tipo. Matapos ang karumal dumal na kamatayang sinapit ng mga sundalo, nangangagailiti ipinahayag na lintek lang ang walang ganti. Susugod ang mga marines sa Tipo-Tipo upang tugisin ang mga MILF. Nasa diyaryo ang panggulo ng Pilipinas habang nakatanaw sa mga marines na ipapadala sa Tipo-Tipo para ipaalam sa buong mundo, the president is as strong as she wants.
Pero, teka muna, huwag muna, bigyan ng ilang araw. Kasi masisira ang peace talks. Kasi pumasok ang Japan, Canada at Australia, sige kayo, wala na kayong tulong na matatanggap. Tigil muna, imbestigahan. Nakilala na ang mga may sala, mga 130 ang may warrant of arrest. Tapos na ang imbestigasyon. Nagsalita si Wahab Akbar sa Bastusang Pambansa. Tameme ang mga kongresista, mga alipores ni Gloria. Teka muna. may nadiskubre, may kapalpakan ang radio frequency. May miscommunication na nangyari. Isang sarhento ngayon ang pinagiinitan. Bakit nagka ganoon! Nasaan ang mga nakakataas ang tungkulin? Sino talaga ang may kasalanan? Bakit nalilihis ang kwento? Parang may kumukumpas sa isang orkestra, parang may script. Di baleng may mamatay na sundalo. Di baleng may mamatay na Pilipino. Sadyang kay pait ng kapalaran ng mga pobreng sundalo. Ng mga pobreng Pilipino.
kaaway ba o kalaban ang MILF? di kalaban ng gobyerno ang MILF at di kaalyado! gusto lang talaga nila mag-moro-moro sa basilan.malinaw na ginawa nila yan kaso di nila inisip na dun sa drama nila may mapupugutan na mga walang kamalay-malay sa palabas nila.Di ba inisip ng nasa gobyerno na dun sa tipo-tipo namugot ng ulo si Abu Sabaya? at baka dumating ang punto na may mangyari ulit na pugutan ano ang gagawin ng mga sundalo?
2. May peacetalk sa MILF sabi ni Gen. Esperon, bakit ngayon kinikilala nya ang peacetalk? at bakit peacetalk lang ng milf ang kinikilala niya?
3. Nung lumabas na kinidnap si father bossi, buong tao sa mindanao alerto, at sa amin mga mahilig humanap ng balita ang mga tao lalo na pagdating sa kidnaping, tatanungin agad ano abu sayyaf ba?
4. Alam na agad sa suluk-sulok dun kapag may nang kidnap at sino ang nangkidnap. At alam rin agad kung sino ang nagkidnap ang nakakapagtaka sa mga intelligence iba ang kinukuhang impormasyon, dun yata sa barberya sa kanto lang dumadampot ng intel report nila.
Continuation of Gokusen post:
5. Alam naman ng lahat sa Sibugay dinala, at pagkagaling sa isang isla dun sa zamboanga sibugay eh dinala sa lanao, pero ewan ba kung bakit pinipilit na dun sa basilan yung hinahanap nila.
6. Alam ng nakaupo na nasa Sibugay, kasi may taga malakanyang tumawag kay nur kung maari daw humingi ng tulong sa mga mnlf dun sa sibugay para hanapin si father bossi, kaya kinontak yung mga nandun mnlf sa sibugay at dahil nga humingi ng tulong , tumulong silang maghanap at sinabi na wala sa basilan at andun lang sa paligid, pero pinipilit pa rin na andun sa basilan ng gobyerno…bakit di kaya sila ang pumunta sa basilan at sila ang naghanap para sila ang pinugutan ng ulo.
7. Gusto lang talaga nila na magkaroon ng gulo sa basilan, para dun sa kung anong plano nila, di na kasi muna pede sa sulu dahil katatapos lang at sabi ng mga sundalo sa sulu malapit na daw silang umalis..ayun nga malapit na silang umalis pala para dalhin sa basilan.
8. Malaking katanungan nga sa amin na bakit si Supt.Barcena ng Zamboanga City ang gumawa ng way sa pagkontak dun kay Hamjari. Kelan lang dumating ng Zamboanga ito nung bago mag election sa zamboanga, nakiusap pa si Mayor Lobregat na huwag munang alisin si Yanga dun, pero wala, dinala dun si Barcena.Si
to be continued..hahaba ang post ko..bigyan ko lang kayo ng palaisipan at bahala kayong mag-analyze
Gokusen,
kapag marami kang gusto sabihin, hati-hatiin mo ang iyong post para hindi masyadong mahaba. mas madali kasi yun basahin.
Thanks.
The AFP and the current Administration seem to have no interest in pursuing the TRUTH behind the blunder either by negligence, incompetence by its services, or for sinister purposes. The foot-soldiers will always be the sacrificial lambs in this game, and just like the many cases before, (the Ninoy murder, the thousands of extra judicial murders) the truth would not surface. It is muddled as it is now. There will be several dozen versions, but only one is truth and now with liars telling the “ truth”, they themselves will believe it is…
At mass thiss morning the reading for the day was the story of the beheading of John the Baptist which was ordered by Herod to please Herodias’ daughter Judith, who danced for him. Ang sabi ng pari sa kanyang homily, an innocent man was beheaded because of Herod’s lust, greed and to show his power that he can do whatever he desires because he is king. Ano na nga sinabi sa SONA.?.”the president can be strong as she wants to be.” Ang ibig bang sabihin nito ay” pag gusto ko kahit mali ay masusunod”? 14 innocent soldiers were killed and 10 were beheaded. Ang lungkot ano?
Kasi that was what was ordered by the chief…
Nagtuturuan na kon sino ang nagkasala..at hindi na natin malalaman kon ano talaga ang totoo. Ano be ito..pen pen de
Serafin.. Kutsilyo de almasen..how? how? de carabao..bantot ba din?
Kung Sadya man, ano ang motibo ng Gobyerno? Posibleng public blunder for then upcoming Sona as well as the kidnaping of Fr. Bossi. Buses bombing, killings of the left, red scares, bla..bla..bla. Only mean one thing… the lady will stay in the Palace forever and ever Amen.
Remember the tactis of the late dictator Marcos, the aledged ambush of Enrile, the controversial MV Karagatan and the fake street activist. Lo and behold .. The Martial Law (ang Bagong Lipunan… wow..wow).
For those who din’t learn of history are bound to doom.
ellen, no doubt at all ! and i called it as “pre-planned theatrics”, but sad our soldiers being the sacrificial bait faced the unexpected murder of 14 marines. if there are people who believe, it’s no other than gloria & essperon and the lawless MILF.
In a newspaper report, the soldiers who survived the Tipo-Tipo now feel that they are being sacrificed by this government for an objective that they don’t know. Meaning they feel that the incident was SINADYA.
Now, the AFP says the MILF is not guilty of the beheading and they are after some other elements. Sino ang mga yon? Might end up with a finding that the marines beheaded themselves.
Correct me if I am wrong, but is it not that Malacanang announced former Congressman Gilbert Teodoro as the next DND Secretary and Teodoro accepted to assume the post beginning this August? Where is he now?
Meantime. Norberto Gonzales being actng DND secretary is all but acting and in the wrong theater. He apparently went to Basilan talk directly to civilian authorities (probably to Wahab Akbar and wives) which muddled up the planned military offensive. It could be the reason why, Mon Tulfo wrote in his column, the military is now the laughing stock.
it’s very surprising that the maneuvering of a chopper on a daylight morning could not see or even identify those soldiers running and firing at the enemies ! don’t they have any telescope? or they even forgot it ? assuming (but this is impossible!) there was a radio frequency error between the pilot and the ground commander, the pilot could still do something to communicate with the mindanao command !
essperon, don’t fool us !!!
gokusen, cge ikwento mo lang ang lahat na nalalaman mo. alam naman natin lahat na “pera” lang ang dahilan sa lahat na nangyayari sa ating bansa ngayon. ang mga walang puso’t kaluluwa na pangulo at pinuno ng AFP.
sinadya na magkaroon muna ng imbestigasyon para lumamig ang nag-iinit na damdamin na ipaghiganti ang mga nasawing kapwa sundalo. sinadya para makaalis sa Basilan ang mga pinaghihinalaan, maging MILF of Abus ang mga yon. Inamin ng MILF na sila ang naka-enkwentro, sila ang nakapatay sa 14 na marines (sabi nila 23), bakit sasabihin ngayong walang kasalanan ang mga MILF? Para yatang lumalabas ngayon ang SADYA ng imbestigasyon ay kung sino lamang ang namugot ng ulo sa mga nasawi.
Ipinamarali ni Wahab Akbar sa Bastusang Pambansa, I AM BASILAN. Sinadya niyang ganun ang tema ng kanyang talumpati upang ipaalam sa lahat na hindi pwedeng gumalaw ang sinuman sa Basilan na hindi makikipagusap muna sa kanya. Sadyang may kapangyarihan siya sapagkat ang asawa niya ay ang gobernador ng lalawigan at ang isa pang asawa ay ang alkalde ng lunsod ng Isabela.
Sa malakas na boses (dahil sa sound system), sadyang ipinagdiinan niyang sa kanya ang Basilan. May kumontra ba at sabihing siya si Akbar? Si Gloria, sadyang walang sinabi ganun din ang kanyang mga taga pagsalita sa Malakanyang. (Nasaan na kaya si Ermita?) Si acting na acting DND secretary Norberto Gonzales, sadyang masabi dahil hindi niya alam ang gagawin. Si Asperon, sa kabila nang tauhan niya ang nalagas sa pakikilaban, sinadya na manatiling pipi at bingi.
a fucked-up radio signal is so lame as an excuse and definitely unacceptable for the debacle in Basilan, and could only be concocted by someone high in the DND and the AFP with a fucked-up mind, (Bert Gonzales and Garci General cum cheat of staff Esperon, comes to mind) with the intent to mislead further the already fucked-up public.
so sorry, ellen. the post above is not in any way meant to trivialize the memory of Gen. Danilo Lim’s slain fellow Marines and comrades-in-arms.
the encounter could have been staged to drum-up support for Malacanan’s embattled Human Security Act (HSA), expecting very little, or casual losses, or so they thought. since,
the Marines are such a mean fighting force, with decent results, they could readily engage any armed group.
remember the initial, verified and unfiltered news just after the incident? the young lady platoon leader cries that her mortar shells were DUDS?
is it only the shells?
if you have a fucked-up radio (granted), dud mortar shells, is it not reasonable to think that most of the ammos were duds, AS WELL?
the culprits?
first, the DnD-NSA-AFP-Malacanan bright guys who concocted the sympathy for HSA, in exchange for some lives at the expense of these poor soldiers.
second, the bastards at the Logistics Command, those responsible for the equipment purchase.
line them up against the wall !!
T.P.,
Mon Tulfo is again dead wrong. Only the truly and totally uncaring will make fun of those who were slain.
We can send any of the world’s best fighting team, any special forces, in Tipo-tipo, with the same catastrophic results, if they are to be equipped, armed by the same corrupt brutes at LogCom.
The guy, as Anna would say, is one professional hustler posing as journalist.
Zen2, Gen. Danny Lim is a Scout Ranger (Army). It’s Col. Ariel Querubin who used to be assigned in Basilan. Those involved in the encounter were his men. They were those who cried when Col. Querubin was relieved.
paano ngang makakarating ang air support, eh sa halip na sa basilan ang instructions galing sa westmincom ay sa cagayan nila pinadiretso ‘yung helikapter at bronco bombers.
hindi nila pinag-gas up kaya nasa tapat pa lamang ng vitali ay bumalik na’t baka maubusan ng gas.
sari saring pagtatakip sa sinadyang kunyaring rescue operations. alam nila kung nasaan si father bossing pero sa basilan nila kinonsentreyt ang paniniwala ng tao. sinadya nilang ipalapa sa MILF at mga tauhan ni wahab akbar ang mga marines upang huwag makagawa na naman sila ng eksena sa binubuong blakbaster na pelikula istaring s’yempre sina espweron at gloria!
What is a Combined Arms operations?
It is a military opns wherein operating forces from the Army, Navy and Airforce are joined, organized, trained and equipped to pursue a strat/oprnal/tactical missions.
An AFP area command (like WestMinCom) undertakes all operational responsibilities of all diverse forces (marines, airforce, army) in its area of responsibility.
Combined Arms operations calls for a strict adherence to communication protocols. In fact, there is a standard communications book (AFP CEOI) wherein primary, alternate, contingency frequencies are established. In short, radio frequencies are pre-determined by an Area Command (WestMinCom)
NOT by the operating units (marines).
AFP should not blame the ordinary marine sgt!
The fact that Howitzer 105 was able to fire six rounds during the early phase of the encounter, there was NO communication snafu between the beleaguered marines and the 1MBde TCP. Artillery fire support is the call of the Bde Commander.
Who called off the artillery fire support then? Definitely the Bde Cmdr for whatever reasons he might have had.
Mrivera,
di talaga planong bombabahin yun , kunwari lang na nagpadala ng ov kaya nga sa dagat pinahulog yung isa, kasi alam nila wala dun si father bossi,kasubuan na kasi kaya nagpadala, nawala nga sila sa isip na may mamumugot ng ulo dun sa ibaba. buti nga di nila pa dinahilan na dahil sa mga rubber trees ni akbar di makita ng piloto ang mga sundalo , o baka sa mababang lipad ng piloto natusok ng sanga ng rubber tree ang tangke ng gasolina, nabutas at naubos ang lamang gasolina
Valdemar Says:
July 15th, 2007 at 4:18 pm
Do you still remember my neighbours’ favorite TV program “Combat”? That is all about a patrol composed of a few men that probes ahead of the main troop movement in enemy territory. Also, whenever there is a campaign, it is always covered with Operation’s Plan detailing what each element will do. It has an Intelligence Annex. That annex will give what dogs are along the route and even the color of the bitches’ eyes. In other words it tells everything what to expect in going and in coming back. Remember the Lamitan siege? A relief troop movement was waylaid by the hostage takers on R & R right in the middle of town. By watching the TV, the ranking officer was a company grade meaning he had only a few guys to have “surrounded” the enemy. Now the question is do we really have a sound military?…
Of all people, now they didnt have a Communication Annex! This annex details the codes of a primary net and working nets. And even without plans, there are basic helo/ground signals to mark friendlies with smoke or panels, etc as SOPs.
In other words, those troops only went there not for war but to deliver the ransom. Tuburan is the hqs of the Abus and guarded by the MILF. Unfortunately they didnt want to be hoodwinked again with the fakes like what I heard Aventahjado delivered before. This time half of the ransom was already converted into fakes thus the punitive action.There was a let up only after the balance was finally delivered by those helos flying ‘senselessly.’ By the way, in a report, Tuburan had already an operational Navy before. Abu Sabaya was in that navy.
what puzzles me to no end, is the insistence of the search teams that Fr. Bossi then, is in Basilan, an island off Zamboanga City that requires an overnight boat ride to reach from the latter.
that Fr. Bossi who surfaced in Karomatan, Lanao del Norte, by saying that he was made by his kidnappers walked for hours in the mountains prior to his release, indirectly hints at being kept in the vicinity not more than 50-kilometers radius from where he was found.
an unimpeded SUV travel from Karomatan to Zamboanga City, either via Pagadian in Zambo Norte, or Dipolog in Zambo Sur, requires at least 8 hours.
so no way, for the priest to be either in Zamboanga City, a transit point to reach the other island, or in Basilan !
and what’s this: the police forces credited to have Bossi liberated, been for weeks even prior to Basilan beheadings, negotiating with Bossi’s hosts with Malacanan’s full knowledge !
so again, i ask: what were the Marines doing in Tipo-tipo, Basilan in the first place. the official AFP line says: they were searching for the Italian priest.
but then the Malacanan and PNP had its own secret little deals with the real kidnappers, somewhere in Lanao?
Or is it Esperon’s way, of getting back at Querubin’s group, the Marines, for being uncooperative and non-malleable for his sinister plans?
thanks for the correction, Ellen.
valdemar,
add ko lang ha, si Supt. Barcena is deputy director for intelligence of the PNP Civil Security Group, under Chief Supt. Jaime Caringal, bago siya dinala sa Zamboanga City para palitan si Yanga bilang Police Chief, at si Caringal naman ang Wesmicom director …mga batikano sa larangan ng intelligence, si Hamjari alam nila taga dun sa basilan , alam nila dapat kung ano ang lagay ng kapaligiran , ganito , ganun, kaya nga may intel report di ba? bakit tahimik ngayon ang MIG9? kasi sila ang galamay sa paghanap ng maling impormasyon para sa kanilang pagkakaperahan..ngayong may napugutan na ulo ng mga sundalo, kasalanan pa rin ng maliliit na sundalo! Siguro kung alam lang nung 14 na sundalong napugutan na sila ay pupunta lang dun para mapugutan ng ulo, sumama na rin sila sa 28 na na di baleng nakakulong sa tanay buhay naman, kaysa nga sumunod sa order ng opisyales nila para lang ipapugot ulo nila!
Let me share this:
All combat operations are covered by Operations Order (OPORD) and approved by the commander. Here’s a typical format:
Own task organization:
main effort, supporting effort, reserve
1. Situation
Enemy Forces (locn, actvy, eqpt etc)
Friendly Forces (locn, cmdrs etc)
2. Mission
e.g. To destroy enemy forces, date, locn, etc
3. Execution
commander’s intent
form of maneuver (e.g. Infiltration)
tasks to units, fire and air supprt,
coordinating instructions etc
4. Service Support (logistics)
ration/messing, (re)supply methods, ammunition, medical evacuation, pow collection etc
5. Command/Control
commander: chain of cmd, locn, etc
locn of Tac Cmd Post
signal: freq, flares, etc
controlling hqs, all friendly and tasked units must have a copy of the OPORD.
On the actual ground, the OPORD may change depending on the situation and terrain but never the mission and tasks of units unless it is superceded by a Fragmentary Order.
Just looking at the OPORD, we can pinpoint who are responsible for all the snafus:
1Mbde Cmdr – for gross incompetence (he is not a combat officer. He grew up the afp ladder as an intel officer —office boy according to a Marine Lt)
LtGen Cedo – gross negligence for failing to support the embattled marines
Assperon, N. Gonzales and Gluria – Murder: for unnecessarily exposing to danger our Marines; conduct unbecoming for preventing retaliation and telling us lies at the expense of the 14 dead Marines.
yung pagpasok ng militar sa lugar ng mga milf mali talaga dun, kasi may agreement nga na kilalanin ang bawat lugar, kaso alam ng mga opisyales nila yun pero ang mga sundalong maliliit di nila alam kasi di pinaliwanag kasi bago magsagawa ng opn ang militar may pupuntang opisyales dun para sabihan na mag operate sila dun at kung gang saan sila papasok kaso pagbalik sa team iba na ang sasabihin sa mga sundalo kaya nagkakaroon ng di pagkakaintindihan..
katulad yan dun sa Marang na kung saan nauna din pumasok ang militar kung di ako nagkakamali, mga april 7 o 8 yun kinausap ng isang mataas na opisyales si chairman kaid sa marang, sabi niya umalis daw ang mga mnlf dun kasi magkakaroon ng opn laban sa asg, ung mga asg sinasabi nila andun sa tuktok ng bud tumatangis na marami pedeng pagdaanan na di nila madadaanan ang mnlf group sa marang. sabi ni chairman kaid, di sila aalis kasi paano sila aalis andun ang kabuhayan nila at kung ilang panahon na sila dun namumuhay. Kinausap ni chairman kaid si uztadz at tinanong anong gagawin nila, sagot sa kanila ni uztadz malik, ano ba dapat nyong gawin.Sabi ni chairman kaid di kami aalis dun, pero pag nagpunta sa lugar nila ang mga abu mapipilitan silang barilin ang mga asg.
Nagpunta at kinausap rin nung opisyales na yun si uztadz sa camp bitanag, at sinabi nga yun, sinabi naman ni uztadz na di aalis sina chairman kasi marami naman silang pedeng daanan papunta sa grupo ng mga abu iwasan na nila gat maari yung lugar ni chairman kaid….(to be cont..)
gokusen,
more than anybody else, ikaw ang makapaglalahad ng lahat ng detalye sa mga nangyari at nangyayari diyan sa lupah sug at sa basilan gayundin sa paligid. what i can add are just my experience in 1970′ to 80’s.
assalam allaikum!
cont..
april 11, mga 1pm habang kumakain kami ng tanghalian, nagkataon andoon ako sa panamao nun dahil bisita kami sa mga kamag-anak ko malapit sa camp bitanag, dahil may “maulod feast”. at dun sa pinuntahan namin pupunta si uztadz malik dahil pagkakasunduin niya yung dalawang pamilya na matagal ng nag-gyera sa isa’t-isa. pero bago siya dumating sinabi na sa amin na tumawag si chairman kaid kay uztadz dahil binomba sila ng militar, dun sa pagbomba na yun ng army sa grupo ni chairman kaid, namatay agad ang pamangkin nito,sinunod-sunod na ang bagsak ng bomba dun sa marang, sino ang di makakatiis na alam mo na binobomba na ang kapwa muslim mo di pa kikilos? yung sinasabing i-operate na asg di naman yun ang binomba nila dun sa bud tumatangis kundi yung nandun sa marang.
Ganun din ang nangyari sa basilan, ang i-operate nila yung kunong nang kidnap kay father bossi pero ipinain nila sa pagpasok sa maling territory ang mga sundalo. natural, mag dedepensa ang mga milf. ngayon, pag narinig ng mga abu ang putukan humahanap na yan kanya-kanya ng yang takbo pero kapag natapos na ang putukan dahil sa galit sila sa militar hahanap ng paraan para mailabas yung kahayupan nila at mamumugot na ng patay na sundalo.
Ellen: Zen2, Gen. Danny Lim is a Scout Ranger (Army). It’s Col. Ariel Querubin who used to be assigned in Basilan. Those involved in the encounter were his men. They were those who cried when Col. Querubin was relieved.
*****
I have a suspicion that the marines who used to be under Col. Querubin were deliberately deployed to Basilan to eliminate them, and the threat to the criminal claiming to be president of the Philippines. Golly, now they are trying to pinpoint the blame on the poor sergeant, who could be the radioman whom the leader of the group has reported lamented about! Why not the people in charge of the AFP?
And why are the soldiers still serving in the AFP not bothered by all these incompetence, negligence and worst graft and corruption in the military? Why do they still feel duty-bound to pledge allegiance and loyalty to the criminal who was put to power by military chiefs who have trampled upon the Constitution and laws of the land first by a seditious act as the removal of the duly elected president of the Philippines in 2001, and by cheating, electioneering, stealing of votes, and even plundering of public funds to get elected in 2004. Aba, kagaguhan na iyan!
Kawawang bansa! Kailan ba gigising ang mga tulog?
ang pinag -kaiba lang sa situation dun sa sulu lahat na ng klaseng bomba ibinagsak na nila, pero dun sa basilan na dapat bagsakan nila ng bomba iniwas pa at dun sa dagat inihulog.
ang mga civilian pag alam na na magkakaroon ng opn kanya-kanya na yang empake, lahat ng pedeng dalhin paglikas bitbit at pupunta sa kung saan safe na magtira.
ang unang iniiwasan ng civilian ang militar ganun kalaki ang takot ng mga civilian sa militar kasi yung iba nga na di nila alam ang ugali ng mga muslim na mga militar akala ng mga sundalo lahat ng may hawak na baril ay kalaban.
–tuloy ko wento ko..
ganun pa man dumating pa rin sina uztadz para pagkasunduin ang 2 pamilya matagal ng naggyera. kuwentuhan, pero bakas mo sa mukha ni uztadz na masyado siyang nababahala sa situation sa marang.
nung gabi sa kabila ng nagpuputukan sa marang, nagpunta pa rin sa maulod sina uztadz at nagkita-kita ulit kami kasama niya ung chief of staff ng mnlf di sila nagtagal ng 1 oras, nung pag-alis nila di na rin kami nagtagal at umuwi na kami.
kinabukasan, marami na ang naglilikas palabas ng tanduh-tanduh, baunoh at iba pang baranggay. Nagpunta ako sa ilog kasama ko mga pinsan ko at naligo kami,nung umahon na kami mga 10am na paglabas ko ng kalye huminto ang sasakyan ng mga mnlf bumaba si uztadz malik, bumati ako, bumati rin siya, sabi niya sa akin, umuwi ka kasi baka mapahamak ka dito kasi baka bombahin na rin ito ng mga militar. sabi cge ..tapos sabi ko san ang punta nyo, sabi niya diyan lang may pupuntahan lang kami..
nung gabi hinintay ko ang sundo namin kasi mga kamag-anak ko na lang ang huling aalis dun sa lugar, at habang nakasakay kami sa van, tinitignan ko yung mga nadadaanan namin nagsisilikas bitbit ang lahat ng ari-arian gustuhin man namin magsakay di na kasya kasi sa amin lang masikip na..maraming ng bahay ang walang tao, pagtapat namin sa municipal hall ng panamao, ang nakabantay sa labas ay mga cvo na naka uniform ng militar…madilim na rin sa mga checkpoint, na alam na namin na wala ng tao sa brigade, mistulang ghost town na nga.
Thanks Gokusen for the detailed account. It gave me all reason to believe that the soldiers who were killed, beheaded and mutilated were most probably victims of the same group of hoodlums in the AFP who have been most responsible for the extrajudicial killings being done since the idiot was placed at Malacanang and had planned to stay there permanently, and now blame the MILF, etc. same group of tulisans with exotic names who should have been under the jurisdiction of the police and should never have been given special favor treatment but arrested, charged and sent to jail as criminals.
Over in Japan, we also have rebels like the Japanese Red Army, which has gained notoriety for bombing airports in Israel, etc. in support of the Palestinian struggle for nationhood, but Japan will not talk to other countries to play as go-between in some silly peace talks because they are simply considered as criminals who should be under the jurisdiction of the police and the court. So, instead of asking foreign government to arrange for some silly peace talks, Japan asks the Interpol to help Japanese policemen to catch them. And boy, have they been successful!
Itong si Boba Gloria magaling lang magyabang, wala namang ibubuga! Golly, anong ginagawa ng NBI ng Pilipinas at local police sa Basilan? Ungas talaga agn mga bobo!
Zen2: Or is it Esperon’s way, of getting back at Querubin’s group, the Marines, for being uncooperative and non-malleable for his sinister plans?
******
Zen2, iyan din ang suspetsa ko. This Esperon is trying to show that the group of Col. Querubin is a useless lot. Parang gusto din niyang ipalabas na Col. Querubin did not deserve to get a medal for his valor and courage under fire. O dili kaya, ibig niyang ma-liquidate na ang grupo ni Querubin para safe na raw sila. Kung mapalaya nga naman si Col. Querubin, di wala na siyang tropa to fight with him.
Dapat diyan, pinabababa na si Esperon for incompetence and negligence dahil siya ang dapat na umako ng lahat ng kapalpakan na nangyari sa mga napatay na marino. Hindi binigyan pa ni Abubaker ba iyon ng korona as a datu, di ba?
Ano ba pa ba ang ibig ipalabas ng mga ungas? E di nakakaloko sila, and the Filipinos would still tolerate them and not do anything about their incompetence, graft and corruption, etc. In short, nakakasuka!!!
Yuko,
kahit pa ipaubos ni esperon ang tao ni col.querubin sa basilan, sa paligid ng basilan marami pa ring kumikilala kay Col Querubin wag siyang magbulag-bulagan… at dahil sa hirap ng inaabot nila , isama na ang war shock .. gutom, homesick at abot sisi ng mga opisyales na dapat nasa tabi nila para ipagtanggol sila yun baka nga iba na ang mangyari…
Sinabi mo pa Gokusen. Ang nakakarimarim ay ang ginawang pag-iwan noong mga bobong ipinadala doon na mga piloto kuno sa mga kasamahan nila na umasa sa kanila for protection and back-up. Parang pinag-iwan iyan doon sa nangyari noon sa rescue operation sa landslide sa Aurora o kahit na sa Leyte. Hindi makalipad ang helicopter, etc. to transport soldiers to the rescue or relief goods to help those who were damaged and victims of natural calamities. Natakot ang mga ungas na pilotong pilipino. O baka gawa sa apa ang mga eroplano ng Philippine military? Saan napunta na ang perang sinabi ni Gloria Kriminal para daw sa modernization ng Philippine military. Mga walanghiya talaga ha? Pero kawawa ang mga namatay at mga pamilya nila! Golly, pinatay ng mga kapwa pilipino na baka sundalong kanin pa nga! Iyan ang masakit!
Puede ba, pakiutusan na iyong mga taga-NBI na sila na ang mag-imbestiga. Kung mga inutil din, puede ba kumuha na ng mga experto sa ibang bansa para maisagawa ang tamang imbestigasyon, hindi iyon puro hula lang ng hula kung ano ang nangyari! Golly, krimen iyan! Parang labanan ng mga pilipino yakuza!!!
Sorry, kalabao tagalog ang nangyari. This should read: Walang pinag-iwan iyan doon sa nangyari noon sa rescue operation sa landslide sa Aurora o kahit na sa Leyte.
BTW, ano na ang ipinagmalaki noon ni Unano na hihingi ng tulong sa Scotland Yard para i-train ang mga pilipinong pulis ng tamang pagpupulis? Puro hangin lang talaga ang ungas. Isang bala lang daw iyong mga Abus, etc. Golly, sundalong pilipino pa tuloy ang nabiktima!!!
Kawawang bansa! Mga taumbayan niloloko na, hindi pa rin humihirit! Mga bloggers lang yata ni Ellen ang masigasig!
Gokusen, nakaka-bagbag damdamin ang iyong narration. Thank you for sharing with us. We are being educated and enlightened.
If you have something to say, and there is no posted topic on Mindanao, please write me:ellentordesillas@gmail.com.
I want to understand the conflict in Mindanao which is causing a lot of misery on our people.
Gokusen,
I appreciate all the inside infos and obsevations you’re sharing with us. Sige lang, and I’ll be reading them from the mountain home so I have to log out for a while and log in again using netzero.
“kahit pa ipaubos ni esperon ang tao ni col.querubin sa basilan, sa paligid ng basilan marami pa ring kumikilala kay Col Querubin wag siyang magbulag-bulagan…”
One day, Col. Querubin and all the “Men of Honor” will be free from Gloria and Asspweron’s prison, and on that day …we’re going to celebrate for the beginning of a new era in Mindanao in particular, and the country in general.
Nayayanig na sila kasi ay alam nila na nagsimula nang mabisto ang ‘games of the generals’
Let’s support Senator Trillanes, without him in the Senate to defend his bills, the well-meaning soldiers in Mindanao will suffer even more.
Zen, Yuko,
Nahihirapan si Asspweron to render Co. Querubin and comrades inutil/useless. And it will never happen. These officers’ gallantries are already imbedded in the hearts of their men and in us, the people.
Compare diyan sa ang mga may approval ratings na negative 62% “and counting”, the great legacy of Col. Q’s group is already secure in the annals of Philippine history.
Di ba talaga namang nakakainggit?
spy,
all combat opord are based on verified and highly reliable A1 info, if i may add, not on Ewan info to which the present AFP leadership is basing most of their actions.
intelligence reports/evaluation are always cited although not attached to the opord.
Thanks Spy.
You said blame/responsibility should on “1Mbde Cmdr – for gross incompetence (he is not a combat officer. He grew up the afp ladder as an intel officer —office boy according to a Marine Lt)”
This is Col. Ramiro Alivio. Yet, he was not relieved of his command. Almadrones and Marcelino were made scapegoats. And now the radioman.
Alivio said the report on wrong frequency is not true. Bacarro said it’s true. Which is which?
Whatever it is, it points to incompetence. To the max.
On the other hand, Spy, did 1Mbde give wrong frequency purposely so that the pilots could not provide air support because it’s the policy of the government not to attack MILF, as per order of the ceasefire committee?
Then, the main culprit here is policy. Who sets the policy? The finger points to the president/commander-in-chief.
dati ang motto ng marines: “the proud, the brave marines”.
ngayon: “the polluted, the betrayed marines”.
general sabban, bakit pumapayag ka? magkano ka na ba?
I’m trying to review the news reports. Spy, would you know, where was Gen. Cedo at the time of the encounter and what time was he informed.
The information we got (where we based the story on the wrong radio frequency) was that his deputy, Brig. Gen. Juancho Sabban was informed only at 4 p.m., six hours after the start of the encounter.
Let’s give a lee way about the SNAFU kuno,yet they dipatched 3 aircrafts for fire and enememies suppresions,one thing they forgot are to load with ammunitions&bombs,that’s why even they had the coordinates and locations of enemies they are not able to fire at least to harrass at least the enemies.Excuse on unable to communicates with ground troops, pilot discreetions on strafing a bombing run if the coordinates been given from command center.bombs been drop on the sea,ha,ha BIG BS, why the bombs are not secured,,hand drop types, tell that to people doesn’t knew the difference bet.a firecracker and a dynamite.It’s not the fault of aircrews flew the rescue missions,it is the logistics that they didn’t have the ammo. and bombs to provide for the mission,still in the main HQ in Manila,reserved for the enemy of the admin.That the reasons behind aborted of missions.The situation look like you sent a troop w/gun but no bullets,ay paano na lang pag-foriegn invaders ang enemy,they hand their weapons to the enemy since no bullets.This might related why Trillanes been still contained on his cell cause of malfunctioning of their watery brains.
Gokusen;
Salamat sa pagbibigay mo ng sanaysay ukol sa mga nangyayari sa Basilan. Alam kong lahat ng naririto sa blog ni Ellen ay nagnanais ng kapayapaan ng ating mga kapatid na muslim at kaunlaran ng buong Mindanao. Maraming salamat ulit.
I’m convinced that the Marines’ Beheading was staged by the Malacanan Egomaniac to justify HSA, much like Bush did to WTC.
With the information we get from Gokusen and other resource persons, this blog might make history by bringing down an illegitimate government, as did the text messages which brought down Erap.
Erap had his chance for greatness, too. But he blew it up by bringing in so much baggages.
As far as integrity is concern and disregarding age as prequalification, Trillanes is the most qualified to run this country as of this time.
Even being a Senator right now, he still doesn’t sound, much less act like a politician… … politics being an Art perfectly defined and typified by the actions and deeds of both De Venecia and Villar.
Ellen says:
Who sets the policy? The finger points to the president/commander-in-chief.
…………..
This moromoro in moroland is a well orhestrated symphony of glurilla and asspweron for two reasons: SONA fame and Italian ransom money. The timed release of Bossi for glurilla’s SONA and the photo-ops with the midget gloating over her ‘accomplishment’ is very suspicious. Now if one follows the money trail of Italian ransom money, you will find the answer. What is lamentable is that the moromoro will sacrifice the lives of 14 marines to make it authentic, and yet by all appearances it is just charade.
Of all the crimes this EgoManiac committed, the Marines’ Beheading could easily be her masterpiece.
Legacy.
bobo si esperon.
Gokusen and Spy: Thank you for all the info. Kon baga sa jigsaw puzzle nabubuo na ang mukha kung sino ang may sala.
Mukhang babae na may umaakay na mama na nakauniforme. With all the feed backs and more info..we will get the full picture kon ano talaga..Salamat gid di mayad.
gokusen,
Ipagpaumanhin mo kaibigan, tulungan mo kaming malinawan ng husto. Mula sa mga nasulat mo at ng ibang maalam sa sitwasyon na nasulat din dito, malinaw kamo na may plano silang gawin.
Base sa mga nabasa natin, sabihin mo kung tama ang mga kongklusyon kong ito:
1. Alam ng liderato ng Malakanyang, AFP GHQ, maging Wesmincom na wala sa Basilan si Father Bossi dahil may negosasyon na nangyayari at hindi iyon sa Basilan. Tama o mali?
2. Imposibleng hindi alam ng mga Marines ang kanilang pinuntahan ay sakop ng MILF Zone at hindi sila naligaw doon. Kasama sa plano ng tropa ang pagdaan doon sa lugar kung saan sila ay na-ambush. Tama o mali?
3. May naglaglag kamo ng mga bomba, pero sa tubig itinarget. May napinsala ba sa kalaban ang dumating na OV Bronco at dalawa pang eroplano o wala?
4. Base sa iyong pagkakaalam at sinabi, ano yung palabas ang gustong ipakita ng liderato ng militar ayon sa pagkakaalam mo?
Maraming salamat sa mga paglalahad mo at sana’y mapagbigyan mo ang aking ilang katanungan.
—–
Salamat din Spy, Magno, Valdemar, WWNL sa mga inputs na nagtuturo sa marami dito. Siyempre pa, kay Ellen. Napapanganga na lang ako.
Gokusen’s input on her day to day struggles and the operations in the South is an eye opener indeed. I read her blow by blow account of her experiences with her family and it amazes me that she lives on and even blogs with us today.
Spy’s backgrounder on the responsibility issue clearly pinpoints those responsible for the mishap.
Zen’s and Yuko’s analysis on the angle of eliminating Col Querubin’s men as a way of asspweron’s vengeance actually solidified my earlier theory of the same scenario. As Gukozen says, asspweron may have killed 14 of his followers but Col Querubin has more followers than that! The respect of the AFP for Col Querubin crosses lines. Once I was in Camp Aguinaldo for a foot treatment because I happen to be visiting. The sargeant who treated my foot knew of Col Querubin and he was in the army. He said “hangang hanga po kami kay Col Querubin hindi lang sa kanyanag katapangan kundi sa malinis niyang katauhan”. He continued to say that Col Querubin was not implicated in any form of corruption whatsoever!
Tongue, ako rin ay napapanganga sa mga blogs dito. Very informative. The info are first hand and we may not have the opportunity to hear of them again.
Ellen, it would be a great article to get Gokusen’s stories of the real “war” in the South. She is a great source!
In the order of Operation listed by Spy..the persons in each situation could be identified, hindi ba? And do we have to depend on the investigations that the present administration and military will conduct? Can an independent non governmental organizaiton do their own investigation? And tutok bantay din ang gagawin gaya noong election. I am sure sa tulong tulong ng concerned Filipinos..we can do something. Kung may nakakalam kung ano ang dapat gawin ng concerned Filipinos all over the world..puede bang iloud whisper na lang ninyo sa amin? Not only here in Ellenville, sa lahat na puedeng bulungan.. at sana ang mga ibang taga media ay sumama sa labanan na ito.. Is this too much to ask for each and everyone of us? Raku gid nga salamat…
Did they follow the Operations Order (OPORD) protocol? If politicians like OIC Defense chief Norberto Gonzales intervened in the Operations Order, then, it’s all fucked up.
Truly, very informative ang mga detalye ni Gokusen, ito yung mga detalyeng hindi natin mababasa sa mga dyaryo, dahil minsan ay manipulated na ang inilalabas. Well, Ingat ka lang lagi Gokusen, ingatang makasama sa collateral damage!
TT,
1.1. Alam ng liderato ng Malakanyang, AFP GHQ, maging Wesmincom na wala sa Basilan si Father Bossi dahil may negosasyon na nangyayari at hindi iyon sa Basilan. Tama o mali?
Oo, alam na alam, kasi nga tumawag pa ang malakanyang kay Nur at humingi ng tulong para hanapin si Father Bossi sa Sibugay, kasi nga yung mga nagkidnap na “una” taga Ipil, na yung mga kumuha na yun di yun ang mga nakasama dun sa names na kumuha kay Father Bossi, di natin alam kung bakit.(dun pa lang may cover up na)nawala sa scenario ang talagang kumuha kay Father Bossi.
Nagtataka kami, sa kabila ng maraming naghahanap na pulis at marami na nagsasabi na nakita si Father Bossi dun sa bulubundukin ng karomatan dahil ultimo katutubo dun nagsabi at nagsilikas dahil sa takot at alam nga na pag may nakitang militar dun magkakaroon ng opn kaya nagsilikas ang mga tao dinaanan ni father bossi..takot sila na mapagtanungan kaya umalis at nagsilikas. kahit ang mga tao sa municipal ng karomatan, tikom ang bibig dahil takot nga kaya dun bulungan na lang ang nangyayari. Nung makita ng mga katutubo na dumaan sina father bossi, mapayat at di na nga kumakain kaya nga ang akala ng mga taga dun patay na si father bossi. pero ang sabi ni father bossi sa mga tao, patayin na lang siya kasi di magbibigay ng ransom ang mga kasamahan niya.
2. Imposibleng hindi alam ng mga Marines ang kanilang pinuntahan ay sakop ng MILF Zone at hindi sila naligaw doon. Kasama sa plano ng tropa ang pagdaan doon sa lugar kung saan sila ay na-ambush. Tama o mali?
a) mayrong may alam at mayroong hindi, andun nga yon sa briefing ng opisyales sa mga tao niya.Pero ang maliwanag alam ng opisyales nila ang MILF zone.Pero bakit pinapunta pa ang mga tauhan since alam na nila wala dun si Father Bossi, kasi nga kasama sa plan yun, na para nga lumabas na legitimate OPN kaya nagkaroon ng gulo dun ay kagagawan ng MILF at makakapagpatunay na ang mga milf lost command ang kumuha kay Father Bossi.
b)kailangan may ‘sacrifice lamb’ para sa implementation ng plan nila, at kailangan ang magiging ‘sacrifice lamb’ may impact sa puso ng tao para mas maging makatotohanan ang plan nila.
c) naniniwala ang marami na milf ang ginamit nila pagkuha dun kay Father Bossi kasi nga kidnap drama yun, pero di milf na naka base sa basilan kundi sa sibugay. di nila controlado ang ginawa nilang “script” ginamit nila ngayon at pinalitaw na abu ang kumidnap kay Father Bossi,sa amin alam agad kung abu ang kumuha dahil sila mismo ang direktang magsasalita para sa ransom money at mismong yung kinukuha nilang hostage ang pinupugutan at hindi militar agad.
d)sa amin magkakakilala ang mnlf at milf at kilala rin ng mga yan ang Abu, may kanya -kanya kampo yan, dahil muslim di nila aatakihin ang isang kampo agad-agad, pero kung magkakasalubong ang mga abu at mnlf, magkakaputukan, ganun din ang milf at abu. Alam ng bawat grupo pag may putukan kung saan-saan tatakbo dahil sanay at alam nila ang lugar na ginagalawan nila na hindi naman alam ng mga sundalo kaya pag nakasalubong encounter.
e)Nakalimutan yata ng opisyales na magagaling ang mga yan sa gubat. Totoong di milf ang gagawa ng pagpugot, sila nakapatay aminado naman sila , pero yung sinabi nilang nawalang 10 , habang nagkakaputukan may nakakasingit, kahit naman sino pagbintangan ka ng di mo ginagawa lalo na may utak criminal bubuwelta kaya pumasok ang 3rd na namugot ng ulo lalo na’t ang abu ay sobrang galit sa mga sundalo gagawin talaga nila yun. pero hindi porke sila ang namugot sila ang nangkidnap.
3. May naglaglag kamo ng mga bomba, pero sa tubig itinarget. May napinsala ba sa kalaban ang dumating na OV Bronco at dalawa pang eroplano o wala?
a) Oo, sa dagat inihulog kasi may camp yata ng abu at milf dun sa dagat at andun sa ilalim ng tubig ang naglalaban.Kung bakit dun binagsak sa dagat, ang may alam niyan at dapat sumagot yung piloto at yung nagutos na dun ibagsak.Katulad lang kasi yan nung may bomba na tumama sa harapan ng bahay ng kamag-anak ko sa tanduh-tanduh, buti na lang di pumutok , namali yata ng calculation kung saan patatamaan kaya akala dun sa kalaban tatama dun pala dagat tumama.
b) at least nagbagsak ng bomba , para may masabi na nagbasak naman ng bomba yun nga lang dun sa dagat bumagsak.
Kung bakit dun pinatama, itanong natin sa mga kapita-pitagang tao sa Wesmin. Di naman yun ibabagsak ng walang order sa piloto, in fairness sa pilot. At kahit paano sa situation na yun di natin alam damdamin ng piloto, ang alam ko galit yun dahil alam na niya na namamatay na yung mga kasamahan niya sa ibaba tapos siya na dapat magbigay ng tulong eh dun pa iniutos sa kanya na sa tubig ibagsak ang dala-dala niya.Wala siyang magawa kundi sundi ang order dahil may family siyang iniisip..pero pagbaba nun masamang-masama ang loob dahil alam niya yung guilty feelings na un at ang sisi ng mga kasamahan mo, pag nakita mo na puro duguan at maraming walang buhay..
Sa paniniwala ng muslim bihira ang namamatay sa tama ng bomba, sa sulu kung ilang daang malalakas na bomba ang binagsak pero kung may natamaan man mga civilian di ang mga kalaban ng militar. Isang paniniwala yun ng mga muslim di sila takot sa bala o bomba, at di sila umaatras sa oras ng barilan, pasugod sila habang ang mga militar naghahanap ng taguan, kasi ang katwiran nila mojahideen sila pag umatras ka sa laban walang kabanalan. Kaya ang nangyayari mas maraming militar talaga ang nauubos, dahil gusto ng mga muslim ang ambush, at yun naman ang kinatatakutan ng mga militar. pag nakulob na ng kalaban ng militar ang paligid mahirap ng humingi ng reinforcement, kung may dumating man matagal at marami ng namatay sa mga sundalo.
4. Base sa iyong pagkakaalam at sinabi, ano yung palabas ang gustong ipakita ng liderato ng militar ayon sa pagkakaalam mo?
Maraming anggulo yung “script” ng drama nila, pero sa amin alam nami na lahat yun isang paraan para wag matuloy ang tripartite peacetalk agreement ng gobyerno, mnlf at oic.alam ng gobyerno na isa sa di ikakatuloy ng conference na yun ang kung magkakaroon ng gulo sa mindanao. dahil sinabi ng oic at pinagkasundo na ang mnlf at milf na wag gumawa ng anuman kaguluhan para matuloy ang nasabing conference. kaya ang mnlf at milf nagkasundo at kinilala muli ng milf ang presence ni nur misuari dahil si nur misuari lang ang liderato ng bangsamoro na kinikilala ng oic at hangga’t di si nur ang pupunta sa tripartite ay malabong magkaroon ng conference na yun, na dun pag-uusapan ang mga batas at reviewhin ang armm.
Bakit sa Basilan ginawa di sa Lanao? Dahil ang talagang kasama sa sultanate of sulu ay Basilan, Sulu, Tawi-tawi.Kung sa sulu, katatapos lang masyado na salanta at totoong nandun ang ibang malalaking liderato ng abu sayyaf na dapat nilang protektahan dahil sa reward ng america..milking cow nila! Bakit di sa Tawi-tawi, andun kasi naggagawa ng force ang al qaeda di dapat bulabugin, matatapos ang funds ng america. Since, sinasabi ni Akbar na walang Abu sa kanya at nagpapabango sa kasalukuyan dahil kakaupo lang sa pagiging congresista. at habang ang tatlong asawa ay nagpapagalingan din.
Kasi kung talagang ang protektahan nila ang kapakanan ng basilan, pinakita nila na di dapat pumasok ang militar dun dahil wala dun si bossi, ano ang nangyari, si hamjari kamag-anak ni akbar , at dahil natalong mayor, gumawa ng ingay, o talagang kasabwat?
Sonny Trillanes & Png Lacson only need two or three persons to part with first hand evidence such as gokusen has and it would put the cat amoung the pigeons to destroy these evil scum.
si Hamjari noong mnlf pa siya kilala siya na nanghostage para humingi ng ransom sa basilan , at isa sa ginagawa nila picturan nila ang hostage nila para ipadala sa kamag-anak para magpadala ng ransom money.
Kaya nga ang tanong bakit si Barcena na kadarating lang na nakaasigned sa Zamboanga City Police mas kilala niya si Hamjari, ang rason kasi daw nung Army commander siya naassign siya sa mindanao at si hamjari daw ang kalaban niyang mortal, pero sa pagkakataon na ito sabi nga nya magkaibigan sila? Bakit di ba kilala rin ng CO ng marine at army sa Basilan si Hamjari? Kaimposiblihan lalo na’t naging mayor si Hamjari, na sa amin ang politiko ang nagdidikta sa mga opisyales ng militar
wwnl,
i will kung kinakailangan..lalabas ako at lahat magugulat si gma kung panahon na para ilabas ang katotohanan para sa bayan, lalabas ako.!
Maraming salamat, gokusen. Ingat ka.
Salamat gokusen at pinagbigyan mo ako. Mas malinaw na sa akin ang puno’t dulo ng kagaguhang nangyayari diyan. Pero ang hindi ko mapatawad, na maraming beses ko nang nasabi dito, ay kung bakit pinahihintulutan ng mga Muslim mismo na ang mga corrupt na politiko nila ay maghari-harian, gaya na lang ng hayagang pandaraya kasabwat mismo ang gobyerno’t militar.
Kung galit ang mga Muslim sa gobyerno’t militar, bakit pinababayaan nilang magdayaan sa eleksiyon at manatiling nakaupo ang mga armadong walanghiya na sa tingin ko ay hindi na sumusunod sa mga aral ng Q’uran kakmpipang kalaban nila. Mas grabeng di hamak ang dayaan sa mga probinsiya ng ARMM base sa mga balita. Ano ang ginagawa ng ordinaryong Muslim para ipaglaban ang kanyang boto?
Wag mong ikasama ng loob pero ang mga tao dito sa Maynila ay tingin sa ARMM niloloko na lang ng mga lider ng mga malalakas na angkan, nakikipagpatayan kunyari sa mga abang sundalo habang tuloy ang ligaya nila upang walang matinong investor na pumunta diyan para lumaban sa kanila sa negosyo. Tama ba?
gokusen:
I pray for Truth & Justice soonest, we are surrounded by this devil scum but they can’t be allowed to win because the poor Filipibo people deserve something better.
at habang ayaw nilang matuloy ang tripartite kailangan nilang magpakitang gilas sa america at ka alyadong bansa para sa anti terrorism campaign ng america, kaya kailangan magkaroon ng magandang daan para makuha ang attention ng mga mayayamang bansa kaya mayroon dapat matinding rason para maisakatuparan ang Human Act nila, at isa ito sa maging appeal niya sa mga sasabihin niya sa sona. at dahil baon ang pilipinas at kailangan magpakitang gilas na magkakaroon ng karagdagang budget na kung saan at paano sila makakuha ng fund ay kailangan nilang gumawa ng ibayong makatotohanang drama at sa panahon ngayon ang anti-terrorism fund ang pinakamagandang paraan. at nasaan ba ang sinasabi nilang terrorista sa pilipinas, di ba sa aming lugar? Magkano ang mga nakapatong na reward sa mga indonesian na nandun sa amin? Di lang si Omar Patek at Dulmatin ang nasa amin pati pamangkin ni Osama Bin Ladin na si Latif, nasa amin at marami pang Indonesian na nagbase na sa Tawi-tawi.
TT,
oo totoo yun, at yun din ang kinakasama ko ng loob sa marami namin ayaw mga magsalita at nakukuha sa pera, katwiran nila, ang pulitiko batas, sila ang panginoon at pag di ka sumunod ipapatay ka.
karamihan sa amin lalo na sa mga liblib na lugar, marami ang di nakapag-aral at sila bulag na sumusunod na lang dahil pag nagsalita ka, pag-iinitan ka na at pag ganun na tandaan mo mamundok ka na.
election? ang nakaupo sa election di comelec, kamag-anak ng mga kandidato, at wala pang eleksiyon tapos na ang bilangan.
Ano ang magagawa ng walang pinag-aralan sa may baril, pera, at koneksiyon? gustuhin man, kaya iisa lang ang sinasabi ng mga taga sulu, basilan, tawi-tawi, ituloy na ang tripartite kasi yun ang pag-asa. Yung pondo ng armm na kung ilang bilyon binulsa ng gobyerno, maraming teacher na di nakasuweldo ilang buwan na since august, nung mangungutang sila sa pag-ibig at gsis, di sila pinautang ang katwiran ng manila, di nag-remit ang armm, pero ang mga teachers ay binabawasan ng armm. sino ba ang umuupo sa armm kundi ang kapanalig din ng nasa gobyerno? Kanino lalapit na mambabatas ang tao sa amin? di naman sila nag-stay sa amin, kung wala sila sa zamboanga, nasa manila sila o kung saan may malalaki silang bahay na safe sila habang ang mga nasasakupan nila ay nag-aantay ng patak ng ulan? papano lalapit ang mga tao sa amin sa militar? pag lumapit na may baril at may kaaway ka na kakilala ng militar ituturo kang abu sayyaf at ikukulong ka.
ngayon ang mga pulitiko sa amin para manatili sila sa kanilang puwesto kailangan nila magsipsip sa administration, at lahat ng ipapagawa sa kanila ng administration dapat nilang gawin ng sa ganun di sila maalis sa puwesto nila, di bale ng isakripisyo nila ang kapwa nila muslim basta sila may kinakain, may pang maintain sa kung ilang asawa nila at ilang pamilya, may kung ilang daan na personal bodyguard na natatakot baka mapatay yung amo nila at mawalan sila ng grasya.
Gokusen, I admire your courage! Ingat ka at maraming nagbabantay. Alam mo na. Ang mafia ay hindi madaling kalaban!
It does not take an Einstein to know what the modus operandi is in the South. Pure and simple-money and power! Kapag payapa na ang Mindanao, wala ng dolyar na papasok. Kulang pa ang nakurakot ng mga henerales para sa mansions nila pag retire o kaya pambili ng rancho sa Australia!
Ang mga Muslim warlords( mga politiko) ang nagpapakasasa sa mga nangyayari. Kaya nga may Akbar, Bedol, Garci atbp dahil na rin sa sistema. Kelan pa kaya matutugonan ng wasto ang mga pangangailangan ng mga kapatid nating Muslim?
PSB,
salamat, totoo ka, alam ko marami nagbabantay, kaya inilalabas ko nga eh, mahirap na magbantay sila na di naman nila nakukuha talaga ang punto ng binabantayan nila. Kahit papaano nailabas ko kung ano ang totoo. 2 lang naman ang dapat nilang gawin, maniwala at magising sa katotohanan, o wag maniwala para magbulag-bulagan.At kung mayroon man mag-iisip ng masama sa akin dahil sa pagsisiwalat ko, isa lang ibig sabihin nun, takot sila malaman ng tao ang totoo..na magpapatotoo na talaga sila may kinalaman at nasa likod ng lahat!
Out of topic, but Chi, I got this Belkin wireless and I can now log in from the hospital where my aunt is with my laptop that I brought from Tokyo. It’s only 999g, and the battery is up to 12 hours. Try it when you go to the mountains.
Problema lang ang hirap pumasok sa blog ni Ellen when the Internet Brigaders of the criminal at the palace by the murky river disrupt activities in this blog.
Talagang salbahe itong si Pandak. But hopefully, when the Filipinos have learned their lessons well, the creep will be kicked out straight to the hell, not Hawaii or SFO with the help of Uncle Sam as what they did to Marcos.
Dasal lang ng katatakot-takot muna!
TT: Pero ang hindi ko mapatawad, na maraming beses ko nang nasabi dito, ay kung bakit pinahihintulutan ng mga Muslim mismo na ang mga corrupt na politiko nila ay maghari-harian, gaya na lang ng hayagang pandaraya kasabwat mismo ang gobyerno’t militar.
*****
Slave mentality kasi ang ipinairal ng Philippine government since the start of the Republic of the Philippines. Dala hanggang Mindanao at mga Moslems. Kawawang bansa!
gokusen,
Tama bang sabihin ko na ang puno at dulo ng nangyayari sa Mindanao ay dahil ayaw ng administrasyon at militar na matapos ang “reward ng america”?
At kaya ayaw nilang matuloy ang tripartite ay baka magkasundo-sundo at matapos na bigla ang gera na siyang dahilan na mawala ring bigla ang malaking reward ng america at magiging katapusan ng kanilang naibubulsa?!
Although may haka-haka tungkol diyan ang marami, first time kong mabasa ang deretsong estorya, thanks to you. Gusto ko lang linawin kasi ay ang daming mga kaibigan naming puti dito ang nagtatanong kung bakit hindi matuloy-tuloy ang offensive samantalang barbaric ang ginawa sa mga Marines.
chi,
oo, di lang haka-haka totoo talaga!
suportado ng america lalo na ng rewards for justice, ilang lider na ng abu ang nakuha pero ang reward di sa talagang nagturo napupunta, kundi ang dun sa nagpapatrabaho. sawa na nga ang mga tao sa amin, dahil kahit saan bukang bibig na lang ay ang pagkapa kung saan andun ang mga lider.
pero ang isang malinaw na bagay sa amin, na sa bawat opn ng militar na lehitimo (dalawa kasing grupo ang kumakapa sa mga lider) pag sila na ang mag-operate, nakakatakas at nakaalis ang mga lider bago sila dumating, may isang pagkakataon pa dun sa tabi ng brigade pa dumaan ang mga lider.
isa pang pinagtataka namin alam naman nila kung saan nagkukuta ang iba, kasi hati-hati ngayon , yung hiwa-hiwalay muna ng mga lider, natuto na sila dun sa pangyayari kay janjalani at abu solaiman.
Pinagtutuunan nilang mabuti ng pansin si omar at dulmatin kasi mataas ang reward, sa kababantay nila natakasan sila ni dulmatin nakalabas ng bansa. bakit alam naman nilang walang civilian dun bakit di pa kung talagang gusto nilang madali bagsakan ng bomba? kasi wala na silang pagkakakitaan!
sabi nga nila uztadz malik, ang lalong nagpagulo sa amin ang ang reward na yan, kasi kung sa amin lang lalo na sa mnlf at makita ang mga yan kahit walang reward kukunin talaga ang mga abu at di totoo na kinakanlong nila ang mga abu. kaso pag napatay ng mnlf ang abu, asahan mo militar ang magsasabi sila nakapatay at sila ang kukuha ng reward.
Wow, conspiracy theory talaga ha, but I believe you, Gokusen, lalo na tungkol doon sa mga reward, not that my group and I receive info from some friends in Mindanao especially those involved in movements for the civilians, Moslems and Christians, who are caught between these anomalies and crimes perpetrated by the present Philippine leadership, civilian and military. Common sense lang. Lumang tugtugin na kasi ang mga tactics ng mga ungas.
Ang hirap kasi sa karamahihan sa mga pilipino, kapwa nila pilipino, pinaghihinalaan nila gaya ng paghihinala ng mga Kristyanong pilipino sa mga kapatid nilang Moslem. Tapos dahil lang sa kasakiman, gusto pang magkaroon ng guerra sa Mindanao para may pagpraktisan ang mga kano ng kanilang mga bagong armas.
Anyway, thanks for the added information. Malaman!!!
Yuko,
additional pa, and you can ask the japanese embassy in the philippines na nag-try silang makontak si uztadz malik na mainterview pero sa di sa ayaw silang entertain nila uztadz, kasi may usapan na lahat ng nasa itaas ng mnlf na gat di natatapos ang peacetalk na dapat noon ginawa ng july 4-8 wala munang magpapa-interview.dahil sinusunod nila ang usapan na hintayin ang kalalabasan ng peacetalk.
may nag try na arabian news pumunta sa amin, pero nasabotage, di pinayagan ng naval makaraan at makapunta kina uztadz. sa telepono na lang nila kinausap si uztadz.
kung di ako nagkakamali nag try kausapin ng japanese embassy sina uztadz ng june 26 o 27.
gokusen, nabasa ko lahat ang buong kwento mo. makabagbag damdamin talaga. sana may lakas loob kang lumantad balang araw para isigaw sa buong sambayan ang katutuhanan, handa kaming sumuporta sayo. maraming salamat at sana mag iingat ka palagi.
gokusen, “pera” at “pera” lang (sobrang sakim sa pera !) ng mga namumuno sa ating gobyerno at wala ng iba pang dahilan sa lahat na nangyayari ngayon sa ating bansa.
eto ang isang nakapagtataka:
……..Wounded and all, Cpl. Richard dela Cruz became our close-in guide as we started to extricate ourselves to safer ground.
He advised us quite often, “Dito kayo sa likod namin,” until we reached a road leading to Marine reinforcements.
Behind armored personnel carrier, we walked and dashed through sticky mud. After 30 minutes, we reached a school where police and military reinforcements were stationed.
Donnie and I looked at each other and said, “Ligtas na tayo, pare.” We held our hands so tightly as we walked to safety.
(source:Eyewitness account: Seven hours of hell in Tipo-Tipo, Basilan,JUN VENERACION, GMA7 News,07/16/2007 | 04:30 PM )
ano ang iniintay ng reiforcement sa eskuwelahan, pasko?
@#%$^&*(^%&%$#*%!!!!
off topic:
gokusen,
tapos na ba ang gulo sa pagitan ng mga panglima estino at tulawie? ng tulawie – tan?
si kumander mandangan ikit, buhay pa ba? si susukan aga, buhay pa? si kumander faisal alih, balik bundok o tuluyan ng nanahimik? si mayor omar bagis?
magsukul.
Mrivera,
natatawa naman ako sa yo, may patalastas ka pa? speaking of panglima estino, pag nahirapan kami dumaan sa kalye, sa dagat kami dumadaan dun sa panglima kami dumadaan. Family feud di yan mawawala kahit kelan, at sila pa rin ang magkalaban, pero merong tulawie na kapartido rin ng tan.
at yung mga sinabi mo pa eh, sumalangit na lahat ang kanilang kaluluwa…si mayor bagis namatay sa naghihintay na lumabas yung appeal sa comelec matagal na matagal na, yung pumalit sa kanya mga abdurajak…hay naku kahit kelan di naman aayos kasi alam mo na ang pulitika sa amin kung sino ang nakadikit sa administration yun ang makapangyarihan.
Mrivera ,
add ko lang comment mo dun kina jun veneracion, ganun talaga ang mangyayari sa kanila sa likod lang sila ng militar at buti nga may nagmagandang-loob na sundalo sa kanila sa kabila ng sugatan. pero kung sa milf o mnlf sila sumama, dun sila sa unahan at di sa likuran, kasi may pamahiin eh, di talaga sila tinatamaan ng bala kahit anong salubong sa bala ang tinatamaan talaga yung nagkakaroon ng dalawang loob o isipan, susugod ba o hindi..
dun sa school talaga kadalasan nay stay ang reinforcement nag-aabang kasi takot talaga sila pumasok sa laban, takot sila sa ambush, pag kasi naambush ng kalaban walang ititirang buhay.
pero..di papayag isama sila ng 2 grupo kasi kahit gustuhin sila na isama ng ibang kumander, di sila hahayaan ng mga miembro kasi galit sa kanila gawa ng iba-iba ang binabalita nila. kaya yung may nangahas na taga abs kumuha ng interview kay uztadz pinadala lang yung videocam dun sa caluang walang sumamang reporter…walang mag priprisinta sa kanila para sila ihatid dun dahil nga maling report ang inuulat nila yung panig lang sa militar at tao ng mga pulitiko ang kinukunan nila ng information…
AK47,
siguro panahon na talaga para ilantad lahat ng ginagawa nila sa mindanao, kasi habang may napaapi may mang aapi,
lalabas ako para ilantad ang totoo, lalo na ngayon na nasimulan ko na, nagkakaroon ako higit na ibayong lakas ng loob para ipaalam ang katotohanan, kinukunsulta ko lang ang pamilya ko at isipin ko rin ang kaligtasan ng bawat-isa sa kaanak ko.
gokusen, hanga talaga ako sayo, sana nga at magkaroon ka ng lakas ng loob at maging matapang. sobra na talaga ang mga namumuno satin. sana na naman hinde habang panahon ay ganito nalang ang buhay natin. magtulungan tayo. maraming salamat uli. god bless !
mrivera, asalam malaikom ! keif alhal ? mukhang malungkot ka ng ilanw araw !
mrivera, total may kaibigan na tayong taga mindanao si gokusen, gusto mo puntahan natin sya? tayo na mismo mag imbistiga doon, magdala ka ng video cam ikaw ang cameraman ko ! hahahha.
ak-47,
ako, gagawin mong cameraman?
kahit wala si gokusen, kaya kitang ilibot sa buong sulu kasama na ang mga islang nakapalibot dito.
gokusen,
naitanong ko lang naman ang tungkol sa kanila. kunsabagay, kulang 30 years na mula ng huli ko silang makaharap at marami ng pangyayari ang naganap.
anyway, salamat sa info tungkol sa kanila.
Ak47 at MRivera,
alam nyo ba na mayron na daw food blockade sa basilan order daw ni Brig. Gen. Juancho Sabban, chief of Task Force Thunder, tasked to capture the beheaders of the 14 Marines “dead or alive…
sobra naman na yata yan, ganun na ba talaga wala na silang pakialam sa civilian isipin nila kung ilang libong mga taong walang malay ang magugutom..
tapos sabi pa di ilalabas ang mga pangalan ng witness for security…di security yun kasi yung mga witness nila puro tao nila at fabricated lahat sinabi nila..sama naman nila talaga…
gokusen,
suko hanggang impiyerno ang kawalanghiyaan ng lahat ng nakikinabang sa walanghiyang administrasyon.
ipinagbili na nilang lahat ang kanilang kaluluwa sa reyna ng impyierno na naninirahan ngayon sa malakantang.
ito ang pamunuang lumalao’y bumubuti, pero mas bulok pa kaysa dati.
gokusen, mukhang wala ng ending yang shooting ng “movie” nila na yan ! na pinamagatang “punitive attack” ! sinong mga tao na nman kaya ang huhuliin nila?
gloria at essperon, kayo ba wala ng sawa sa panloloko sa mga tao? mga anak kayo ni hudas !
gokusen, nakakaawa naman ang mga tao doon sa lugar nyo lalo na mga bata. di ko lubos maisip kung anong klaseng puso meron ang mga namumuno sa atin.
kaya nga, ak-47, pumunta ka sa sulu at doon ka magrattattat. makita mo naman kung paanong sila ay parang mga dagang naghahanap ng lungga kapag merong “shooting” ang mga ekstra nina espuweron at GMA (gloria mukhang aso).
Yun nga eh dahil dun sa mga abu na pumugot ng ulo mag food blockade sila eh di ba nila alam sabagay alam nila yun, na magaling mamundok at mangubat yung mga huhulihin nila at madaling makatawid ng dagat kahit anong bantay nila dahil may nagpapalusot..bakit di sila umisip ng tamang dapat nilang gawin pero para gutumin nila ang tao anong klase silang tao!
ang masakit pa nga yung ibang nasa media na hindi alam kung ano talaga ang pangyayari at ano ang dahilan basta na lang sila magsasabi ng masakit laban sa mga kalahi ko, ilan lang yung mga masama at bulok na tao, bakit nila nilalahat..bakit di muna nila pag-aralan bago sila magconclude
gokusen, ewan kung anong klaseng nilalang ang mga yan, mabuti pa nga yong ibang hayop may puso’t isip na parang tao. si gloria at assperon hnde na tao ang turing ko sa mga yan !
Sabi nung isang columnist ..”How do the police serve the arrest warrants to the wanted Islamic criminals? To repeat, the Moro beasts are not only criminals who will give up without resistance upon seeing warrant servers coming their way. In short, an attempt to serve the warrants on the 130 MILF mad dogs is an exercise in futility. The only language that these Islamic barbarians understand is force
Bakit, nasisigurado ba niya na yung 130 na lahat na yun may kasalanan? di ba niya alam na karamihan sa nakasuhan civilian? Sana maging responsible journalist yung iba, magsiyasat muna sila kasi ang sinasagasaan nila ang mga walang alam, mga inosente, parusahan yung may kasalanan, pero yung wala at di nila alam huwag naman, dinadagdagan lang nila yung apoy eh di sila nakakatulong.
gokusen, alam ko at sa paniniwala ko, hinde lahat na muslim ay masasama o kaya mga kalaban ng gobyerno. nadadamay nalang ang ilan dahil sa kagagawan ng mga namumuno.
AK-47,
nag-iisip-isip na nga ako eh, pag ganyan ang gagawin talaga nila na ang civilian ang nababaon sa mga pangyayari..isang kapamilya ko na lang ang iniintay ko at pinagpapaalaman, ngayon gabi mag dedesisyon na ako gat andito ako sa city kasi alam ko pag lumabas ako delikado talaga pero kung gigipitin nila civilian na walang kalaban-laban dapat na sigurong may umalma.
gokusen, siguro kung nag kataon na ako ang taga riyan sa lugar nyo at may mga nalalaman ako na kaya kong patunayan, malamang matagal ko ng itinaya ang buhay ko.
gokusen, eto lang ang maipapayo ko sayo, kelangan kumunsulta ka muna sa isang legal counsel na alam mong mapagkatiwalaan dahil alam ko na buhay at mga kapamilya mo ang nakataya dito.
AK47,
thanks, may mga hinihingan na ako ng payo, pinag-aralan ko din yung mga naging situation ng mga nag-exposed kung ano ang nangyari sa kanila during at after exposing sensitive issues, pero this time mas sensitive yata ito nakatutok ang tingin ng lahat sa buong mundo sa mindanao, pero nakahanda ako at alam ko papatnubayan ako ng nasa itaas dahil alam niya na may dapat tumayo para sa katotohanan.
gokusen, mas maganda nga malaman ng buong mundo ang nangyayari at katutuhanan sa ating bulok na gobyerno. i offer my prayer for you. god bless. salamat muli.
Gokusen,
Can you confirm that those men who will be made as “fall guys” re Marines’ Beheading are enemies of Wahab Akbar?
If so, kawawa naman kayo diyan.
In your opinion, how can the Mindanao Conflict be resolved?
Thanks a lot for giving your time. Mabuhay ka, Kapatid!
Samapot,
Read between the lines ka na lang, pagkakampi ka kahit ikaw pa ang sumunog ng buong mundo, iiwas ka at hahayaan ang iba ang magpasan ng kasalanan mo. Gang ngayon wala pa silang inilalabas na findings ng joint “kuno” na investigation at di pa nabibigyan ng kopya ang milf group. wala ring alam pa ang milf kung sino sa grupo nila ang kinasuhan dahil wala naman silang binigay na pangalan at di sila kinunsulta bago sampahan ng kaso..may milf dun tiyak sa kinasuhan , at may abu din pero ang malamang kalaban sa pulitika, kaya nga ayaw ilabas ang mga witness ang rason for security daw ng mga witnesses..sino kukunin nilang witness civilian, eh bago pa magkaroon ng encounter wala ng civilian sa lugar. wag naman nilang sabihin abu sayyaf ang kinuha nilang witness. katulad lang yan ulit sa sulu, ang witness dun di taga sulu kundi taga basilan at zamboanga, merong civilian pero tao ng pulitiko. ganun din sa basilan, taga-ibang lugar din ang witness..kaya, katulad din lang yan ng mga kinasuhan sa sulu …
maresolve lang ang conflict sa amin kung ilalabas ang totoo at matutuloy ang tripartite meeting, at hanggang gumagawa ng hadlang para di matuloy ang tripartite ng gobyerno, wala mangyayari…
Gokusen,
Thanks.
Re Mindanao Conflict Resolution, I’ve heard that the most thorny issue is Ancestral Domain, can you expound more on this?
Of course we all know that most of us are Muslims prior to 1521, to begin with. But can you shed some light on what you and your people really want as far as the above issue is concern?
Thanks again.
Sampot,
Given na ang ancestral domain since not all of us filipinos know the history about it. Kaya yung iba sinasabi nila bakit gusto namin ihiwalay ang Mindanao, pag hiniwalay daw hindi na yun pilipinas. Di naman buong mindanao ang sinasabi namin, kundi ang Sulu, Basilan, Tawi-tawi, kasi sa history talagang di part ng Philippines ang mga ito kundi ng Sultanate of Sulu kasama na dun ang Sabah.Yun ang pinaglalaban mula pa simula.Hinihingi lang na maibalik sa dati. Kaso, imbes na ipaliwanag ng nasa gobyerno yung mga bagay na di maintindihan ng tao, lalo pang pinapagulo ang situation. Di mawawala ang war sa amin, kasi nakagisnan na talaga ang away ng mga magkakalaban na lahi nag guerra sa isa’t-isa. At dahil, kinaugalinan, kinamulatan pa yun naman ang ginagamit ng gobyerno they are capitalizing the situtation for the sake of the government vested interest.
but the worst in all era ‘yung di ang marcos time kasi mnlf started nung after jabidah massacre halos talagang ambush dito ambush dun ang ginawa ng mnlf, pero dumating sa punto na nakiusap si Marcos na tama na tigilan na, i remember when Marcos even asked “kumander buwaya, jr” sa malakanyang para lang makipagkasundo.at yung 8 matitinding kumander ng mnlf eh napabalik sa gobyerno at ginawang mayor ng iba’t-ibang municipality. Tahimik na ang situation dapat nun, pero ng mapatay si ninoy dun ulit lalong nagkaroon ng iba’t-ibang kaguluhan sa Mindanao.
si Pres. Cory through Butz Aquino kinausap si Nur na since Nur and Ninoy are buddies,tulungan siya para mapabagsak sa kapangyarihan si Marcos. So, tumulong naman si Prof. Nur kay pres. Cory. Kaya nung manalo si PRes.Cory dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob kay Nur binigyan niya ng pagkakataon si nur na makasama sa gobyerno niya.
Nung si Ninoy ay bumalik dito sa Pinas, ang passport na ginamit niya is Marcial Bonifacio at ang pasaporte niya dun pinagawa sa mindanao sa tulong ni Ruchman na kalaban din ni Marcos nang mga panahon na yun.So sa panahon ni Pres. Cory tahimik ang mnlf dahil nga sa pagkilala sa pagiging magkaibigan ni Nur ant Ninoy.
nang magpalit ang govt ni Pres. Cory at naging si Pres. Ramos na, nabaligtad na ang situation sa panahon na ni Pres. Ramos nag start yung Peacetalk agreement na yan, dun na rin nag start magkaroon ng abu sayyaf.lumakas ang milf
humina ang mnlf..
pagpalit ni president erap, dun pinakita ang all out war sa milf at nagkaroon na ng kidnaping na gawa ng abu sayyaf at militar..
pagagaw ni gma sa pagiging pangulo, mas lalong naging malawak ang gulo sa mindanao lalo na sa basilan, sulu, tawi-tawi
Gokusen:
You bet. Ang dami pang nilalagyan sa pulis at militar sabi ng mga kaibigan sa Japanese media kapag pumupunta sila sa Pilipinas to interview people they want to feature in their program.
I don’t think involved ang Japanese embassy sa mga negotiations for interviews by private establishments though the embassy can provide the necessary briefings as when I joined a Japanese TV crew in 1998 when the garbage mountain at Payatas collapsed. We got briefings from the Japanese embassy re what to wear and what to do there as precautions. We actually knew who to contact in Manila even before we went there.
It is the same in the case of other interviews with the rebels in Mindanao for example. In fact, the Japanese Embassy does not encourage such ventures. Delikado kasi, but I believe you. Narinig ko na iyan a lot of times.
I remember in fact the case of those Moslems kuno who were rewarded money sometime in 2002 or 2003. Nadiyaryo pa nga iyong pag-swindle sa kanila ng mga in charge sa pag-a-award ng pera. Akala kasi ng mga ungas lahat ng mga pilipino mahina sa pagbilang. Kaya iyong akala nilang walang pinag-aralan, ginugulangan nila.
Kawawang bansa!
Gokusen: pagagaw ni gma sa pagiging pangulo, mas lalong naging malawak ang gulo sa mindanao lalo na sa basilan, sulu, tawi-tawi
*****
In short, Gokusen, ayaw talaga nilang matapos ang gulo diyan para meron silang pagkakakuwartahan kasi sa totoo lang, ang pag-practice ng mga kano sa Mindanao ng kanilang war exercises ay hindi libre. Ang laki ng bayad ng mga kano diyan according to my friend in the US military. Si Anna, I bet, knows a lot about these deals. Wala namang libre ngayon na ginagawa ng kano sa Pilipinas dahil nga sinanay ng mga kano ang mga pilipino sa bribery. Yuck!
Nakakalungkot sa totoo lang especially when you think of who the victims are in these shady deals, lalo na iyong mga displaced na Moslem children na nagkalat sa Manila at Baguio. Child slavery pa ang labas sa totoo lang.
Kawawang bansa!
Come to think of it, nagtaka nga ako when Bush announced the names of the countries he included in his so-called “Axis of Evil” kasama ang Pilipinas because of the ASG daw, hindi pa kasama ang MILF and MNLF because at that time Nur Misuari was still out of jail and considered a functioning politician. Sinama din niya ang CPP on recommendation ng mga ungas sa Pilipinas sa mga target of ire ni Bush sa totoo lang pero walang nag-re-react na mga pilipino kahit na sa totoo lang insulto sa mga pilipino ang pakikialam ng mga kano sa kanila. Illusion pa nga ang akala ng mga pilipinong special favor treatment daw ni Uncle Sam sa Pilipinas.
You bet, I don’t buy such silly hallucinations. Napapailing na lang ako. Sa totoo lang, kung magaling talaga ang mga leader ng Pilipinas, dapat ini-encourage nila ang mga Moslems sa Mindanao dahil sa tapang nila. History tells that the Spaniards in fact failed to subdue them. In short, hindi sila nakatikim ng corruption ng mga kastila na ginagawa namang scapegoat kung bakit palpak ang mga pilipino ngayon.
Sa totoo lang, ang daming katwiran. Hindi na lang sipain iyong nakaupong kriminal.
Related topic. “Gloria: Don’t hurt AFP medics or else…,” says a Malaya banner. Sus, ayan na naman si Manduduro. Hindi pa bumaba para naman wala nang mamatay na mga sundalo ng AFP, kasi nabibisto lang walang ibubuga ang mga sundalong kanin na loyal sa kaniya in case na lusubin ang Pilipinas ng mga kaaway.
Kawawang Pilipinas, nasadlak na lalo sa dusa!
Yulo,
don’t hurt afp medics or else… eh bakit saan ba pupunta ang AFP medics di naman sa bundok at gubat kundi sa city, nasa zamboanga city ang ibang mga nasugatan,at yung iba dun sa basilan at sulu…at kelan pa ba nangyari yun nung petsa na ngayon para magpadala sila ng medics habang ang magaling na Sabban sa newsconference niya sa basilan nag sabi ng food blockade..yung mga sundalo sa hospital nagpapagaling na, at yung mga civilian ngayon papatayin nila sa gutom…di makakaisip na gawan sila ng masama ng civilian kasi wala ng lakas para lumaban, habang yung tinutugis nila nandun sa sa mga katabing isla, sige nga pumunta sila sa siyasi na kung saan isang barangay dun puro abu kung mapapasok nila!
parang tulad lang yan dun sa yehey..nakuha na namin ang Camp Bitanag, tuwang-tuwa sila, marami daw silang napatay na mnlf, at tignan lang daw kung mababawi pa nila uztadz ang camp bitanag … eh di nila alam April 13 pa ng gabi iniwanan na talaga nila uztadz ang kampo at ung naiwan dun bantay na lang, dahil alam na target na bombahin at bagsakan ng lahat ng klaseng bomba ang camp. at kung di dun sa isang cvo na kaaway personal ng mga mnlf di nila malalaman yung daan pagpasok dun sa lugar..
sabi pa sa news tinamaan sa paa si uztadz kasi nagtago daw dun sa isang butas at tinuro pa sa news kung saan, ginawa pang saddam hussein, at napatay daw yung anak ni uztadz..eh nung mga sandaling yun andun sa tanyungan at nang ambush ng 2 trak ng reinforcement…hay naku…!
Gokusen,
Ewan ko naman kung bakit hindi alam ng US embassy sa Pinas, o ng CIA/FBI o kung sinumang US agency ang mga katarantaduhang nangyayari diyan. Baka nagbubulag-bulagan din dahil may “cut” din ang mga gagong US officials. Impossible na hindi nila nalalaman ang nangyayaring kabalbalan dahil sa “rewards” nila.
Ang dami na sigurong inosenteng tao ang naituro para lang makakolekta ng rewards ang mga “businessmen”. Kawawa naman ang mga collateral damage!
Gokusen,
Meron ng food blockage sa Basilan para mahuli ang beheaders! Ang kawawa na naman ay mga sibilyan.
Ang tatanga talaga ng intelligence ng mga bata ni Asspweron! Nakaalis na sa Basilan ang lahat ng beheaders ng Marines, matagal na!
***
Tama’yan, Gokusen, pag-aralang mabuti ang mga pangyayari ng mga nauna nang nag-expose ng dumi ng administrayong ito. Siguraduhin mo na nakahanda ka na at ang mga kukupkop sa ‘yo ay tunay kang hindi pababayaan. At ang pamilya ay i-secure muna.
My fervent prayers are with you, be safe!
Chi,
thanks…with God’s blessing itituro niya ang tama at dapat na gawin at mga tamang tao na dapat kong lapitan! maraming mga bata ang walang alam sa paligid na biktima ng ganitong situation, dinadagdagan lang nila lalo ang mga magiging rebelde pa ng susunod na panahon.
Chi,
may alam sila, kaso di naman sila personal na pupunta dun para pag-aralan, kundi mag-rely din sila sa report ng intelligence lalo na ng MIG9, di naman sasabihin sa kanila ang totoo, fabricated intel report lang ang isubmit sa report nila…
di nila para isubo ang buhay nila dun, dahil yun ang bilin ng state department at pagdating daw sa national problem di sila makikialam at manghihimasok dahil may diplomatic relationship sila sa pinas…so what we will expect?
Gokusen,
Salamat sa konek-konek mo ng Mindanao situation from Marcos to Cory to FVR to Erap to Gloria d’Worst!
Malinaw. Pwede kang sumulat ng libro tungkol dito kung bago na ang panahon. Best seller ‘yan, sigurado!
Gokusen,
Nag-uubos pala ng dolyar si Uncle Sam sa walang katuturang programa. Sabagay ay alam nila ‘yan, mas takot nga yata sila sa Mindanao kesa sa Iraq at Afga e!
National problem ay hindi sila makikialam pero ang kanilang rewards ang isang pangunahing dahilan ng walang katahimikang Mindanao. Kontra ano?!
Chi,
sa mindanao alam namin sino nagdala ng al qaeda di yun basta tumubo na lang sa lupa..at alam namin yun it was started during fvr regime…fvr and bush share the same interest in business, ammunitions and oil as well as osama bin laden..IIRO is muslim organization based in america that the funds came from middleeast and directly transfer in IIRO here in Mla at dinadala sa sulu..
Bossi superior says priest wasn’t taken to Basilan
Italian priest Giancarlo Bossi was never in Basilan between his abduction June 10 and his release 39 days later, his superior said over the weekend.
Fr. Gian Battista Zanchi, Superior-General of the Pontifical Institute for Foreign Missions (PIME), said this information came from the Italian government.
“(The Italian government) informed me there’s no Fr. Bossi in that area (Basilan),” he said in an interview with the Catholic Bishops Conference of the Philippines (www.cbcpnews.com).
Because of this, he said he deeply regrets the deaths of 14 Marines, 10 of whom were beheaded and mutilated, during a search for Bossi in Basilan last July 10.
Zanchi, who arrived in Manila late Saturday afternoon for a consultation with 21 missionaries from his congregation, added his informants reported “Fr. Bossi was still around Payao (in Zamboanga Sibugay).”
He recalled a number of times when Italian journalists tried to connect the kidnapping to the Abu Sayyaf Group and the Moro Islamic Liberation Front (MILF).
“(But) we believe (the kidnappers) were simply after money,” he said, adding this was the information they got from the secret police of Italy.
Di mawawala ang war sa amin, kasi nakagisnan na … yun naman ang ginagamit ng gobyerno they are capitalizing the situation for the sake of the government vested interest.” – Gokusen
Mawawala ang giyera sa inyo, Gokusen, kung ang karamihan o lahat sa inyo ay may access sa tamang edukasyon. If a person is properly educated, nobody, not even a king, can tell him what to think and do.
Pre-requisite to that is, of course, a good government, not subservient to foreign influence.
Sampot,
partly you’re right, pero sa situation nga laging may war papaano mapapag-aral ang mga bata? Dahil sa kakulangan ng ipangtutustos gustuhin man pag-aralin sa ibang lugar wala din.
C nur, kahit leader siya o chairman ng mnlf, sampu ng ibang matataas na lider, di nila naranasan ang makipag-guerra dahil wala sila dun, dahil nag-aaral sila at ang ginawa nilang paglaban ay intellectual war, nakakatapak lang siya sa lupa ng jolo kapag umuuwi siya dun para dumalaw, pero dahil mataas ang pagkilala at respetado siya, kinilala siyang lider ng mga magbubukid.
Satisfying the above prerequisite is not easy based on our own experience and by other countries.
I’ve accessed the link below long time ago, and from it I have acquired a deeper understanding of why things are happening the way it is today.
Kaya pala marami pa rin ang pumupunta sa kalsada sa loob at labas ng bansa.
http://www.new-enlightenment.com/impintro1.htm
http://www.hermes-press.com/world_resistance.htm
Gokusen,
Sa sitwasyon diyan kailangan talagang pasukin ng gobyernong matino ang kalagayan ng lahat at hindi iasa sa mga leaders lang.
Libreng edukasyon at bigyan ng hanap buhay ang lahat. Sa pagkaalam ko may malaking potential sa tourism ang lugar nyo. Sa tourism pa lang solve na lahat ng basic needs nyo pati edukasyon.
Ito ay magagawa lang kung maneutralize ang mga leaders na hindi naman talaga gumagalaw para sa pangkalahatang interes. At isang gobyernong matuwid na umiiwas sa destructive na pamamaraan.
Kung makakarating man tayo sa stage na ‘yan, dapat na palusugin ang ugnayang Kristiyano at Muslim sa level ng mga mamayan mismo at di sa mga politiko lang, upang mauunawaan ng bawat isa na ang kabila ay di naman naghahangad ng kasamaan, bagkos ay banyagang interes ang siyang tunay na dahilan sa lahat ng kaguluhan at paghihirap.
“Mawawala ang giyera sa inyo, Gokusen, kung ang karamihan o lahat sa inyo ay may access sa tamang edukasyon.”
sampot, nopng dekada 70 at 80, inilunsad ng 1st infantry (TABAK) division sa sulu ang army literacy patrol system (ALPS)na naglalayong punan ang kakulangan ng mga guro sa mga liblib na lugar. mga sundalo na dumaan sa masusing teaching seminar ang nagtuturo. naging matagumpay ito. subalit sa pagpapalit ng pambansang pamunuan at paglaganap ng sipsipan ay nakalimutan na ang makabuluhang programang ito.
sa ngayon, sa halip na pagiging makabuluhang mamamayan ang ipinamumulat ng gobyerno ay kung paano maging asal hayop sa tao.
So why were the soldiers who used to be under the leadership of Col. Querubin sent to Basilan? E di ano pa? For termination, ika nga. Parang mga daga na na-terminate. Kawawa naman!
Sampot,
mapa dagat o mapalupa, mayaman sa likas na yaman ang mindanao, kung ang tutukan ng pamahalaan ang pagyamanin lalo ang kaalaman ng mga nandun, may sinisimulan na nga sila na miminahin na langis sa dagat…masakit nga lang sa dinami-dami na kung pangalandakan na tulong pinansyal sa amin wala kaming nakitang iniunlad.. ang pinagyaman sa amin ng pamahalan pang national at pang lokal ay ang paramihin ang mamumugot ng ulo…at pakinabangan pati ang napugot na ulo.
yuko,
1marine brigade nasa sulu, andun na lahat sa basilan pinadala na dun para reinforcement…sana pati yung colonel na nasa camp bitanag unang pinadala…kasi mga tauhan niya ang sumunog at sumira ng bahay ng mga kamag-anak ko na malapit sa camp bitanag..di pa nag-kasya dun pati yung mga long table na ginamit sa maulod pinat-tripan pa…
“di pa nag-kasya dun pati yung mga long table na ginamit sa maulod pinat-tripan pa…”
gokusen, wayruun mahinang mo. piyarah na pabahay niya pasal way na narra dito ha luzon. marayaw adat sin opisyal yaun – sugarul.
Mrivera,
hmmm siguro kamo sinakyan nila pauwi ng luzon…kasi na flat yung gulong ng naval kaya nanapat na lang at sinakyan ang lamesa…kamoteng opisyales alang patawad!
gokusen, ang dami mo pala nalalaman! pwede ba akong mag subscribe sa mga write-ups mo? very interesting ! wala nmn talagang kaduda duda na negosyo talaga ang mga nangyayaring gulo sa mindanao.
AK47,
naku kusang umuusbong un…natural na likas ko na..hehehe frustrated na journalist kasi ako kaso di nabigyan ng pagkakataon kaya binuhos ko na lang sa “researching” …kasi daw sabi professor ko yun ang forte ko..maghalungkat ng mahahalungkat..kaya wag mo kong inbitahin sa inyo baka pati baul ng nuno mo makihalungkat ako ng mga antik …
gokusen,
reseacher ka pala, pwede mo ba kalkalin yong lamang loob ni gloria at ng malaman natin kung anong klaseng nilalang ang pinanggalingan nya?
Update ko lang po kayo….mula pa kanina umaga at hanggang sa mga sumandaling ito, ay nagpuputukan sa amin dun sa Marang at kasalukuyan may mga pagputok ng mortar..di ko pa lang alam kung sino ang naglalaban, dahil ang alam ko ang nasa Marang ay sina Chairman Kaid ng MNLF…at ang alam ko di sila magsisimula ng pagbomba dahil sa pagsunod sa tagubilin ng OIC, at di sila makikisabay sa gulo sa basilan dahil may konsensya sila…
Malalaman nyo bukas kung sino ang nagsimula…
Pero…okey yun ah…sulu at basilan pagsabayin ang gulo…hay naku…!
“…noong dekada 70 at 80, inilunsad ng 1st infantry (TABAK) division sa sulu ang army literacy patrol system (ALPS)na naglalayong punan ang kakulangan ng mga guro… naging matagumpay ito. – Mrivera
Tested na pala ang idea na ‘to. Sayang naman at nakapasok pa ang mga Yawa sa eksena. Thanks rev sa info.
____________________________________________________________
Gokusen,
Without compromising your security, how were you able to know of Ellenville? One liner lang pare.
Para sa akin, hulog ka ng langit sa amin dito. Dati kasi ang mga resource persons namin ay multi-national, ngayon pati domestic na ‘di namin napapasok kundi’y mga experience lang from previous years ang aming pinagpipigaan. Sa wakas, kumpleto na.
At may live coverage pa!
Naks! Wala sila nyan!
friends:
a painful realization hits me this morning. the obvious have been there all along; staring, nay glaring at us, and miserably failed to recognize it earlier, as i was looking somewhere else.
the truth may again slip past us if we allow this issue to pass, am afraid.
thanks to gokusen’s vivid account on the ground, with conviction, i now believe in the following:
the Marine troopers were purposely sent to its ghastly deaths by the cold, and calculating Espweron, to muster support for the NOT for the HSA, but for an open, all-out war in Mindanao !
the radio, the duds mortar shells, the aerial bombs, the assignment of a totally inept brigade commander, etc., etc. ; were premeditated and deliberate to ensure that only the luckiest ones will come out alive.
the cheat-of-staff knows that Col. Querubin’s troopers command and enjoys sympathy, even from the bitterest critics of the fake president; and in the grossest Machiavellian fashion, took advantage of this to put forward his sinister plans.
who gains if there is an all-out war? the common Basilenos? the ordinary Suluanons? the poor Maguindanaons?
there is a ceasefire, prior to the Tipo-tipo incident; recognition of territories between the MILF and GRP, and the groundworks for a peace-talks.
Espweron hates peace. Peace would mean less influence and lesser corrupt money for him, and his clique of generals in the affairs of government!
why does Japan, Canada, Australia, the WB, etc. warned the fake president to desist from launching an offensive?
the Malaysians, and Indonesians, too, what are their stake on this whole affair?
my take on our neighbors, first: Corrupt warlords cum politicians, in alliance with plain bandits, with the blessings of our own equally corrupt military officials because of big bucks are turning the area into a safe haven, training ground for their own local headaches.
as to others; on top of the fact that Japan is basically a pacifist country, with its wide range of listening devices, they may have intercepted Espweron and his gang’s dark plans and shady deals !!
thanks should be due them.
friends:
had the foreign governments not taken the initiative to meddle in Basilan, its definitely downright unimaginable for me to cheer Gloria in her SONA that she had unleashed her dogs-of-war against the MILF.
that explains the time-line on why there were weeks of negotiation, even before the beheadings, between Fr. Bossi ‘kidnappers’ and Malacanang. i certainly agree with gokusen’s assertions that the priest’s abduction was staged and meant to be Tiyanak’s trophy before Congress.
her cheat-of-staff played a very, very dirty game at the expense of the poor, fallen marine soldiers.
beforehand, there was a of delineation of territory between the contending parties, the MILF and the AFP, yet Espweron chose to ignore this. sending soldiers to an enemy territory constitute an aggression, an act of war.
and he fully well knows of its consequence: provocation and death.
i could only cry in disgust…
for them; there is no need, for now, to rally support for the Human Security Act (HSA). since it is already enacted into a law.
unless, challenged and defeated before the SC, they have all the luxury of time in this world, to do what they wishes.
may the good spirits forbade and stops them.
Sampot,
I am a researcher and used to research things…matagal na talaga ako naghanap ng chance na makapag-blog at gusto ko ngang magkaroon ng sariling site wherein dun ko ilalagay ang research project based on facts and theory as well as personal experiences…
and since i’m in mindanao i rather to keep on tackling what’s really going on us…gang and internet is the best source searching facts and theory and those things pinag-aaralan ko para pagbasehan ang mga personal na na-encounter namin.. at nakakapag-internet lang ako pag nasa city..
may nabasa akong issue sa malaya, yun pala kay ms. ellen and then it leads me here in this blogsite, this my first time actually to join this blog, kaya nga yung first time ko excited nga kaya di ko napansin ang haba na pala…nahiya tuloy ako…kasi spontaneous kasi ako pag nagsulat..’yun gang sabi ko..this is a place i can blog what’s really happening in our place…
Gokusen,
We have same experience as far as how we got here at Ellenville. Although I have read Ellen’s articles as far back as early 80’s with Inquirer[?].
I think we met here for a reason, and let’s make the most of it – shaping alternative public opinion via the other side of the story.
More than 40 rounds of 105mm howitzers and 80mm mortars shook a Moro village in Basilan as Philippine Marines backed up Philippine Police in serving the warrant of arrest to ten Abu Sayyaf militants found to have committed the dastardly act of beheading ten Marines the night after the bloody clash in Guinanta, AlBarka, this province on July 10, 2007.
The powerful pounding followed a late Monday afternoon clash between Marines and still unidentified armed group in Barangay Sungkayot, Pukan Ungkaya municipality, sending fresh number of civilians to flee from the battle scene.
Taking the main brunt of the bombardment is sitio Boheh Marang, village peopled mostly by ethnic Yakans.
The firefight lasted for 15 minutes, but no casualties were reported on either side.
The report said the Marines were conducted aggressive ground patrol when they chanced upon a group of armed men in said village, also moving head-on collision.
As this developed, the MILF has complained of a mixed signal coming from the government: One for the dropping of the case, after the MILF is cleared of the beheading, and two, the Marines in tough stance of serving the warrant of arrest against some MILF members implicated in the case.
Jun Mantawil, head of the MILF peace panel secretariat, urged the government to adopt a unified position so as not to confuse the situation which might lead to more complex problem.
“It is not good to hear two signals coming from the same government,” he said.
Matagal na panahon na nating binabaka at tinutugis itong mga abu sayaf at iba pang masasamang elemento, partikular na diyan sa Minanao. At hindi ko maubos maisip kung paanong sa liit ng Pilipinas na halos ay tuldok lang sa mapa ng mundo ay patuloy pa ring nakapamamayani at nakapamiminsala ang mga masasamang elemento na ito. Pansinin natin ang sinabi ng MILF hindi raw nila mga tao ang pumugot ng ulo sa mga sundalo pero ilan sa kanila ay mga kamag-anakan ng MILF. Maliwanag yon mga kabayan, paano mo ngayon huhulihin yung namugot, e itinago na sa bulsa ng kamag-anak niyang MILF… malabo yata. Pumasok tayo sa teritoryo na alam naman natin na ang pamumugot ng ulo ay isa lamang ritwal sa kanila, ito ay simbolo ng kanilang kinagisnang ritwal ng kanilang tribo na kinabibilangan, kaya kahit bombahin mo pa sila ng atomic bomb, na malamang ay mga sibilyan ang mamatay ano ang mapapala mo… wala… ang dapat nating pagbutihin ay yung pagtukoy sa talagang kuta nila… mahina ang pagkalap natin ng impormasyon,,, radio mali ang frequency, e panahon pa yata ng hapon yung radio na ginagamit nila e… Natatawa lang mula sa kanilang kuta ang mga namugot na ito.. Ang isa kasi nilang mabisang sandata,, ay yung hindi sila takot mamatay…. bakit… kasi ang pananampalataya nila pag namatay sila ,,, kukunin sila ni Allah… so paano mo papatayin ang isang tao na ang isip niya ay matagal na siyang patay….Sana umisip tayo ng ibang paraan… Ilang taon na ba nating binobomba yang Mindanao, bata pa ako naririnig ko na yang mga moro huramentado, abu sayyaf , puti na ang buhok ko ngayon iyon pa rin… Alam naman ng Kano kung nasaan yang mga namugot e,, ayaw lang nilang sabihin, baka sabihin daw natin,,, nakikialam kayo e… pero puwede nating kuhanin yung mga instrumento nila kung ayaw nila, lumayas sila sa pilipinas…pansinin mo tahimik na tahimik, walang balita sa mga exercise balikatan na yan, lahat nakatuon sa mga namugot,,, dito sa kinalalagyan ko lagi kong pinagmamasdan ang bayan kong sinilangan.. ayun dyan ako naliligo noong maliit pa ako.. e bakit yung militar natin hindi makita yung abu sayyaf, ako e nakikita ko yung lugar na pinaliliguan ko noong bata pa ako. Yung building na pinapasukan ko pati kalye at iskinita nakikita ko mula dito sa kinauupuan ko, bakit yung abu sayyaf hindi nila makita…. Siyempre malaki ang bulsa ng mga Kano at malaki rin ang bulsa ng MILF.
after firing 40 rounds of 105mm howitzers and 80mm mortars, there was no casualties? unbelievable ! where the bullet goes? fired and come back like a flying saucer and harm no one?
gokusen, i really admire you. please keep on digging in the deepest, the truth, facts and theory of what we are fighting for. we need to move and act now!
zen2 Says:
August 5th, 2007 at 4:18 pm
..what puzzles me to no end, is the insistence of the search teams that Fr. Bossi then, is in Basilan, an island off Zamboanga City that requires an overnight boat ride to reach from the latter.
zen2,
dalawang oras lamang nasa basilan ka na sakay ng pinamabagal na bangka.
kung overnight, aba, nag-sight seeing ka na nu’n.
Ngayon may inuutusan na naman si Unano na mag-imbestiga daw ng nangyari sa Tipo-Tipo na naging parang ipo-ipo. Hindi na lang bumaba ang ungas para matapos na ang mga kabalbalan ng mga appointee at sipsip sa kaniya. Nangkupo, puede ba coup d’etat na iyong mga sundalo para naman maipaghiganti nila ang mga napugutang mga kasama nila. Hmmmmph, gustung-gusto ko nang murahin ang ungas! Nagpipigil lang ako.
Cry of Balintawak na puede ba?
Sa totoo lang accessible ang Basilan sa Zamboanga na kung saan kinidnap iyong paring katoliko. Pero doon mo makikitang hindi nila ginagawa ang mga tungkulin nila ng tama dahil na rin sa kagaguhan ng liderato ni Unano at Esperon. Command responsibility ang isa pang problema. Nagtuturuan nga ang mga ungas e.
Kawawa naman ang mga namatay! Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.
sa palikulang tagalog, over acting ang mga casts na hinde naman makatutuhanan ang dating kaya minsan nakakainis manood, ganyan din yan sa nangyaring pelikula sa basilan, na kung saan ang producer ay si gloria at ang director naman ay si essperon. kaya mas maganda isipin nalang natin na real ” movie ” filming talaga ang nangyari para hnde na tayo naguguluhan pa. kaya lang yong mga bida patay naman ! tuloy hnde maganda ang ending, tama ba ako mrivera?
ak-47,
hinahayaan na lamang kitang solong bumangka o maging bida. yakang yaka mo naman di ba?
anong pagiging bida ba ang gusto mo, paris niyang iskrip mo? pangit nga ang ending.
he he he heh.
pero ‘yung sa basilan, mga ekstra lang ‘yun sa “staged” play nina espuweron.