Skip to content

Ang teleserye ng totoong buhay

Noong linggo ng gabi, pinanood ko ang Pinoy Big Brother kung saan may interview sa audience kung sino ang gusto nila ang hindi ma-eliminate sa dalawang housemate na nominate ng kapwa housemates na alisin, si Jason o si Sam.

Kilig na kilig ang mga fans ni Sam. Nang tanungin kung ano ang gusto nila sa Close-up model, ang masasabi lang nila ay, “Guapo siya!”

Sa mga gusto naman na si Jason ang manatili sa Bahay ni Kuya, ang sabi nila ay, “May pamilya siya at mas kailangan niya ang pera.”

Lumalabas sa mga sagot ang mga bagay na binibigyan halaga ng Pilipino. Katulad ng pisikal na kaanyuan. Bilib tayo sa guapo. Kung sabagay, maliban sa guapo, mabait naman si Sam. May pagkamahiyain nga.

At mahalaga rin sa atin ang pamilya. Si Jason ay may asawa at anak at tingin ng marami parang katulad rin nila siya .

“Ang telerserye ng totoong buhay” ang description ng ABS-CBN sa kanilang hit reality show kung saan 12 taong iba’t-iba ang background ang pinagsama sa isang bahay sa loob ng isang daang araw na walang kontak sa labas. Walang cellphone, walang telepono, walang TV, walang radyo, walang diyaryo, walang computer.

Tuwing dalawang linggo, isang housemate ang pinapauwi. Pinagbu-botohan ng mga housemate kung sino ang dalawa na matatangal na pagbobotohan ng viewers sa pamamagitan ng text . Walo na lang ngayon ang natira.

Ang maiiwan ang winner at mananalo isang milyon pesos, isang Nissan Frontier, at house and lot. Lahat na housemates ay tumatanggap ng allowance tuwing linggo na dine-deposito sa kanilang bank account. Malaki-laki rin siguro ang allowance dahil nang tanungin namin si Direk Lauren Dyogi kung magkano ang allowance at sabi niya, “parang nagtrabaho sa abroad.”

Inimbita kami nina Direk Lauren at Boy Abunda minsan at binisita naming ang Bahay ni Kuya. Ang galing. Parang bahay sa loob ng bahay. May one-way mirror and dinding na naka-paligid sa Bahay ni Kuya. Kaya makikita lahat ang galaw nila 24-hours. Kahit sa bathroom makikita sila ngunit hindi makikita ang kanilang buong katawan. May 26 na TV kamera na nagvi-video ng lahat nilang ginagawa.

Para silang nasa aquarium.

Ang Big Brother ay inimbento ni John de Mol na taga Netherlands noong 1999. Nasimula ito sa Europe at ngayon ay nasa 31 na bansa na. Pangalawa ang Pilipinas sa Asia (nauna ang Thailand) na nagpapalabas ng Big Brother.

Ngunit record-breaker na ang Pilipinas sa pinakamaraming text na bomoto. Siyempre naman. Texting capital yata ang Pilipinas.

Sa aming bahay, wala kaming mapagpilian kay Jason at Sam dahil pareho naming silang gusto. Ayaw naming si Say dahil maarte. Inis rin ang aking sister-in-law sa kanya dahil dalawang linggo pa lang sila nagkakilala ni JB, naging lovers na. Nakaka-asiwa yung kanilang halikan noon. Kaya okay lang sa amin na natanggal si JB.

Sa Pinoy Big Brother hindi lamang mga housemates ang nakikita sa salamin. Pati na rin tayo at ang ating lipunan.

Published inWeb Links

257 Comments

  1. Katunayan lang, ang tindi ng phenom na ito. Kausap ko isang kaibigan sa kabundukan ng Cordillera. Parang sarili niyang mga kaanak o kaibigan ang mga housemates. Dati malungkot na tao siya…ngayon parang may dahilang kumonek. dean

  2. Nai-intriga din nga ako e. Kahapon, kasabay ko sa shuttle van, Pinoy Big Brother and ringtone ng cellphone.

    kaya lang talagang walang katuturan. kapag nakipanood ako kasama ng aking sister-in-law at mga pamangkin, pagkatapos ng isang oras, ang masasabi ko, “O ano ngayon?”

  3. E-mail from Jesus T. Gonzales:

    Gusto ko lamang manawagan sa mga Pinoy na huwag ng tangkilikin ang pag boto o text sa Pinoy Big Brother [PBB].
    Dahil niloloko lamang tayo nito at gumagastos pa tayo at sila naman ay kumikita. Dahil makikita mo na meron silang
    pinapaborang Housemate. Katulad ngayon si Sam ang palaging pinakikita sa TV, para di mapalayas ngayon eviction night.
    Huwag na tayong MAGTEXT AT BUMOTO MGA KABAYAN LOKOHAN LAMANG ITO ANG MALAKING KITA NANAMAN PARA
    SA ABS-CBN.

    Gumagalang
    Jesus T. Gonzales
    RNOC-5ESS/Analyser
    Tel#=014523806
    email=jgonzales@stc.com.sa

Leave a Reply