Skip to content

PNoy gusto talagang isabit si Robredo

Why it would be difficult for President Aquino to let go of Rico E. Puno – Inquirer

Lalong lumalala ang relasyon ni Pagulong Aquino at Secretary Jesse Robredo,secretary ng Department of Interior and Local Government.

Nakahanap ng dahilan si Aquino na tanggalin si Robredo at ito ay ang Aug. 23 na trahedya. Inutusan niya ang kanyang legal panel na nagreview ng report ng Incident Investigation and Review Committee IIRC) na kung hindi malibre si DILG Undersecretary Rico E. Puno, kailangang isabit rin si Robredo.

Pinapa-alis na rin daw niya sa listahan ng may pananagutan ang kare-retire lang na Philippine National Police chief na si Jesus Versoza.

Inalis na rin daw sa pinakahuling draft ang rekomendasyun na kakasuhan si Michael Rogas, ang reporter ng RMN na nag-interbyu sa hostage taker na si Rolando Mendoza. Sa rekomendasyun kasi ng IIRC, hindi pinakakasuhan ang mga miyembro ng media. Sinabi lang na dapat tingnan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at ng organisasyun na nagbabantay sa media ang kanilang pglabag sa Code of Ethics.

Sa Lunes na raw ilalabas ng Malacañang ang decision ni Pangulong Aquino sa mga mananagot sa nangyaring palpak na rescue operation ng panghu-hostage noong Agosto 23 kung saan walong turistang taga-Hongkong ang namatay.

Maala-ala natin na binuo ni Aquino ang IIRC at itinalaga si Justice Secretary Leila de Lima para mamuno dito kasama si Robredo bilang piuno ng National Police Commission , sina Teresita Ang See bilang representative ng Filipino-Chinese community; Herman Basbano, pangulo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at Atty. Roan Libarios ng Integrated Bar of the Philippines.

Ibinigay ng IIRC ang rekomendasyun kay Aquino bago siya umalis papuntang Amerika. Walang problema sa imbestigasyun ng nangyari. Maayos ang pagka-imbestiga nina De Lima.

Ngunit hindi matanggap ni Aquino ang rekomendasyun dahil sabit ang mga taong malapit sa kanya at ayaw niyang bitawan: sina Puno, Verzosa at Manila Mayor Alfredo Lim na siyang nadiin sa IIRC report.

Nagbuo siya ng presidential panel na kinabibilangan nina Executive Secretary Jojo Ochoa at Chief Presidential Legal Counsel Ed de Mesa para i-review ang report ng IIRC.

Sa unang draft ng rekomendasyun nina Ochoa at De Mesa, cleared na cleared sina Puno at Verzosa. Si Lim naman administrative charges lang.

Media lang, si Michael Rogas, ang kakasuhan.

Ngunit sobrang maiinit ngayon ang mata ng publiko kay Puno dahil sabit din siya sa jueteng kasama na rin si Verzosa sa expose na ginawa ni retired Archbishop Oscar Cruz. Sinabihan si Aquino na medyo mahirap matulak ang pag-clear kay Puno.

Tahasan daw sinabi ni Aquino sa “Kung sasabit nyo si Puno, isabit nyo na rin si Robredo.” Kaya yan sabit si Robredo. Kaya lang papaano yun, si Aquino mismo ang nagsabi noong initerbyu siya nina Ted Failon, Mel Tiangco at Paolo Bediones na walang kinalaman si Robredo sa hostage crisis at si Puno ay deretsong nagre-report sa kanya?

Ito ang sagot niya noon sa tanong ni Ted Failon:

“ Si Robredo as I already explain was not actually part of this whole decision making cycle. He was part of it more so in handling the aftermath. Si Puno was there doing the functions that I had ask of him to be para the conduit for information.”

Paano niya ngayon yan ipaliwanag ang pagsabit nya kay Robredo.

Itong namang si Verzosa, kaya ipinipilit ni Aquino na mapawalang sala dahil kung may kaso, maiipit ang kanyang retirement benefits.

Ito ang reklamo ng taumbayan ng panahon ni Gloria Arroyo. Iba ang hustisya sa mga malalapit sa kapangyarihan. Wala yatang pinagka-iba.

Published inBenigno Aquino IIIPhilippine National Police

74 Comments

  1. chi chi

    Isabit na nya at nang magkarun ng alibi na sipain ang mayor. Bahag! (:

    Ikaw naman mayor, eskierda ka na bago ka idawit/sipain!

  2. chi chi

    Itong namang si Verzosa, kaya ipinipilit ni Aquino na mapawalang sala dahil kung may kaso, maiipit ang kanyang retirement benefits. – Ellen

    A, major major bait si PNoy. Nga naman…tinakot ni Verzosa ang unana ang seemed to work on his favor. Balato na ang jueteng at retirement benefits, etc., maliit lang ang mga yan kumpara sa naging presidente si PNoy, yey!

  3. chi chi

    Kapag isinabit ni PNoy si mayor Jesse dahil sa KAPRITSO, todas na sya sa akin. Ayaw ko ng alibi na mala-Gloria!

  4. henry90 henry90

    “Itong namang si Verzosa, kaya ipinipilit ni Aquino na mapawalang sala dahil kung may kaso, maiipit ang kanyang retirement benefits. – Ellen”

    Wrong. PNP Chiefs and AFP Chiefs and the major service commanders get their 3 year lump sum checks on the day of their retirement. Di na iniisip ng mga yan ang pension nila 3 years later. Too miniscule. Sa pabaon pa lang nang magretire sila, buhay na pati mga apo nila hanggang sa mamamatay sila lahat. 😛

  5. Kung sa bagay, you are right Henry. What’s naman his retirements sa kinita niya sa jueteng.Ilang buwan lang covered na yun.

    Kung magshopping nga si Mrs. Verzosa sa Hongkong, P500,000 in a matter of hours.

    Yes, I’m wrong for thinking that, that’s the reason PNoy wants Verzosa cleared. It must have been something else.

  6. henry90 henry90

    PNoy was forever indebted to him for his public pronouncement of non-support for GMA in case of the NO-EL scenario last May. i know how the Aquinos think. Tinanatanaw niyang malaking utang na loob yun. As I have said in earlier posts, magaling lang ang timing ni Versoza at marunong sumugal. Mabait naman talaga yan. Asawa lang talaga ang kasiraan.

  7. Di ba yan covered ng Turotot Commission? Mukhang matagal nang SOP yang “pabaon” na yan. Yung ibang CSAFP/DGPNP, pakamatay ma-extend o ma-appoint kahit ilang buwan lang. Pero itong si Versoza, nagmamadaling ma-retire.

    Sino’ng mga major suppliers ngayon ng PNP? Ano’ng latest na mga binili? Nandiyan yan.

    Isama pa jueteng.

  8. Talaga yang mga asawa… Si Garcia nga yung asawa ang nagbuking sa mga Kano na regalo daw ng suppliers yung kwarta nila. Hahaha!

  9. Yung ibang CSAFP/DGPNP, pakamatay ma-extend o ma-appoint kahit ilang buwan lang. Pero itong si Versoza, nagmamadaling ma-retire. – Tongue

    He was promised the position of DILG chief.

    Aquino also was advised it would be difficult to push that. He is thinking of giving him an ambassadorial. Kawawang DFA. It’s again being made a dumping ground of rejects who are close to the seat of power. Walang pinag-iba kay Arroyo.

    They are eyeing Cavite Governor Ayong Malicsi to be DILG chief.

  10. henry90 henry90

    Nasa tao yan Tongue. Yung iba may equitable distribution. Yung iba buwaka ng ina. sinosolo lahat.Mahirap kasi itrace ang source niyan dahil ang pabaon, galing yan sa discretionary fund ng CS. Comptroller ang nagmamaniobra ng dahan-dahang pag-iipon ng pabaon kada tuwing may release na pondo galing diyan para di mahalata. Umpisa pa lang ng term, unti-unti ng itinatabi ng comptroller yan. So kung nalalakihan sila sa nahuli kay Garcia, just think kung magkano yung parte ni Angie Reyes noon. 🙂

  11. From the Inquirer:

    There is really a campaign to disparage his reputation,” Mr. Aquino told reporters in Reina Mercedes, Isabela. “Up to now, nobody has said that he is also an agriculturist. They developed machines specifically for rice and they implemented it in Tarlac.”
    “He has so many skills,” Mr. Aquino added. “But when you look at the reports, it appears that he’s just a frequenter of the shooting range.”
    Puno, an agricultural economics graduate of the University of the Philippines in Los Baños, was a consultant on security matters and antinarcotics programs in the Senate during Mr. Aquino’s three-year stint as senator.

    http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101009-296758/Puno-5-groups-out-to-get-me

    So what if he is an agriculturist? What does that got to do with the fact that he bungled big time in the Aug 23 hostage crisis? What has that got to do with allegations that he is accepting jueteng payola?

  12. saxnviolins saxnviolins

    “Up to now, nobody has said that he is also an agriculturist. They developed machines specifically for rice and they implemented it in Tarlac.”

    Pray tell. What machines. Rice mill? Arroz caldo cooker? Or mechanized suman wrapper?

    Mabuti yung ilathala lahat ng sterling achievements para mapakinabangan ng buong PI. Bakit Tarlac lang?

    consultant on security matters and antinarcotics programs in the Senate during Mr. Aquino’s three-year stint as senator.

    Any bills filed by then Senator Aquino on security matters or narcotics? The agriculture graduate was a consultant on security matters?

    Di kaya mas angkop ang kanyang mga kakayahan sa agriculture dept, lalo’t may makina palang pinakinabangan ng Tarlac? Baka naman malutas niya ang problema ng bigas, tulad ni Paeng Salas noong panahon ni Macoy.

  13. saxnviolins saxnviolins

    Favorite songs daw ni Noy ay

    “Watch What Happens” by Michel Legrand. I hope it was not sang on August 23, 2010.

    “Ordinary People” – Dedicated to best friend Rico E. Puno.

    “Knowing When To Leave” – Dedicated to Jesse Robredo. According to Tongue, baka kinakanta na rin ni MLQ III?

    I hope the administration will not sing another Michel Legrand composition; the theme song of the movie “Les Parapluies de Cherbourg”, translated by the Americans to “(If it takes forever), I will wait for you”.

    The best version to me is that by Lena Horne on vocals, with Michel Legrand on piano, and a mean bass by Ron Carter. Wala sa youtube, so makasya na lang kayo kay Itzhak Perlman on violin.

    http://www.youtube.com/watch?v=XkV3bXJ1r4E

  14. saxnviolins saxnviolins

    Kumanta rin pala si Noy ng Estudyante Blues – dedicated to his staff na naka-OJT; student council daw sabi nung Joker na sinibak ni Cory after one year.

  15. Destroyer Destroyer

    Hirap talaga kapag bubo ang presidente… hindi alam ang pinagsasabi. Puro bukang bibig TUWID NA DAAN pero BALUKTOT NA PAG IISIP.

    Hay buhay bakit ninyo ibinoto itong mamang ito!

  16. NFA rice NFA rice

    Wow hindi dapat sibakin si Puno sa pwestong kumontrol ng pulis dahil may talent siya sa agriculture. o_0

    I just touched my head to feel whether it got rounder. As usual, palpak pa rin si PNoy.

  17. Mike Mike

    “PNoy was forever indebted to him for his public pronouncement of non-support for GMA in case of the NO-EL scenario last May. i know how the Aquinos think. Tinanatanaw niyang malaking utang na loob yun.” – Henry

    Ok lang kapag binibigyang halaga ang pagtanaw ng utang na loob sa mga kaibigan o sa kamaganak man. Si Erap, may utang na loob sa kanyang mga dabarkads at kanyang mga drinking buddies, di niya mahindian kaya nagkaleche ang buong bansa. Si bruha este, Gloria naman malaki ang utang na loob sa mga heneral na nagluklok sa kanya sa pwesto kaya ayun lahat nalang na nagreretirong mga heneral nung panahon niya binigyan ng mga pwesto. nagkaleche din at mas malala pa ang sitwasyon ng bansa. Ngayon si PNoy naman, di na natuto. Malaki daw ang utang na loob niya sa kanyang matalik na kaibigan at shooting buddy kaya kahit hindi tugma ang kanyang eksperto sa larangan ng agrikultura, ibinigay sa kanya ang DILG. Hayysss!!! 🙁

  18. balweg balweg

    Di ako papayag na si Robredo lang ang managot…dapat kasamang mananagot dito e ang grupo SWATik team + their grounded commander, negosyodor, usec Puno, Versoza kasi siya ang may direct command ng PNP and finally si Robredo kasi siya ang sickretary ng DILG.

    Ang mga amuyong like Mayor Lim, Ilang Taga-Media plus yong idinadawit na taga-Ombudsman e administratibo ang dapat ikaso…kasi nga po, parte sila ng kapalpakang ito.

    Kung di nila ito aakuin…ibig sabihin si PeNOY ang mananagot ng lahat ng ito kasi siya ang Bosing?

    Lagot ka PeNOY pagnagkamali ka ng pagdedesisyon…kami ang iyong BOSING remember!

  19. Mike Mike

    Diba ang isang huwes, kung ang hinahawakang kaso ay may a kinalaman ang kanyang kaibigan o dili kayaý kamagganak siya ay nagiinhibit sa kaso? Na ang rason nito ay para di isipin ng kalaban sa kaso na baka mapaboran niya ang kanyang kaibigan o kamaganak kahit pa na matino at wala siyang kinikilingan o papaboran? Na ang kakampi lamang ng isang huwes ay ang tunay na hustisya? Diba, dapat lang na ganoon din ang pananaw ng isang pangulo ng isang bansa? Na ang kanyang kakampi lamang ay ang interes ng buong bayan at di lang sa iilang mga kaibigan?

  20. balweg balweg

    RE: Ok lang kapag binibigyang halaga ang pagtanaw ng utang na loob sa mga kaibigan o sa kamaganak man.~ Mike

    Kaya di umunlad ang Pinas…kung lagi na lamang na UTANG na LOOB ang paiiralin paano tayo magmove on?

    Dapat pagMALI e wrong…managot sa batas kung may nilabag dito? Nobody above the laws or else di dapat tayong magexpect ng something is good to be happened sa Pinas or either sa pamumuhay nating Pilipino.

    Kaya heto isang damakmak na problema ang kinakaharap ng bansa sa UGALI-ASAL ng mga lingkod-bulsa at bystanders nating Kababayan.

    Bakit pa isinabatas ang mga batas na umiiral sa ating bansa kung di pala ito kayang ipatupad once and for all?

    Nasaan ang pagbabago na ipinapangarap ng bawat isa kung paiiralin natin ang AWA sa sinuman kung sila e gumawa ng di naaayon sa itinatadhana ng batas.

    In short, ang batas ang siyang nagiging sunod-sunuran sa mga tiwaling lingkod-bulsa na sila dapat ang kailangang magpatupad nito.

    Kaya ang Pinas e lugmok sa hirap’t dusa ng dahil sa utak-pulbura nating mga Kababayan at lingkod-bulsa.

  21. Mike Mike

    Bakit itong si Robredo, kung tutoo nga ang alegasyon na gusto siyang isabit ni PNoy sa kaso, ay ayaw pang lumayas sa kanyang pwesto? Ano kaya ang dahilan? Meron bang grupong pumipigil sa kanya? Anong grupong ito? Hmmmmm….

  22. balweg balweg

    RE: Diba, dapat lang na ganoon din ang pananaw ng isang pangulo ng isang bansa? Na ang kanyang kakampi lamang ay ang interes ng buong bayan at di lang sa iilang mga kaibigan?~Mike

    Agree! Mangyayari ang ating iniisip IF si PeNOY e magpakatotoo sa kanyang bukang-bibig na “TAYONG MAMAMAYANG PILIPINO ang KANYANG BOSING!” or else he is accountable to pay his inept decision-making and leadership bilang ating Pangulo ng Bansa.

    Ang dapat nating bantayan e ang mga BULONG Brigade na nasa innercicle niya? Mayroong Balay; Samar; Kamag-Anak, Inc.; The Klazmayts; Civil socialites remant ng EDSA DOS; Lipat-Bakod na asshole ng Gloria regime; Yellow wannabees and bystanders na nagpapantasya na kayang baguhin ni PeNOY ang Pinas sa ilang iglap lamang.

    EWAN kung kayanin e handle ni PeNOY mismo ang kanyang mga doggies…imagine, 100 days palang sa Palasyo e nagbabangayan na ang kanyang mga alipores.

    Sa halip na pagtuunan ng pansin ang problemang kinakaharap ng bansa e ang daming kesyo…dapat pagMALI e wrong di ba, sipain kaagad sa pwesto at palitan ng maginoo at huwag yong bastos.

    Tapos ang problema.

  23. balweg balweg

    RE: Ano kaya ang dahilan? Meron bang grupong pumipigil sa kanya? Anong grupong ito? Hmmmmm….~Mike

    Di ko sasabihin…kasi yong iniisip nýo e YON NA?

    Ang naglabasang papogi points about Robredo kung fresh pa sa ating lahat na dapat siya ang ipuwesto sa DILG against Mayor Binay.

    He he he…ANO NGAYON, unang pagsubok pa lamang grounded na. Dito masusubok ang effective and efficient leadership ng bawat isang Kinauukulan kung paano wisely e handle ang bawat isyu lalo na kung may kinalaman sa peace and order ng bansa.

    Kailangan ang mga Secretary na itatalaga ni PeNOY e may bait sa sarili at di UTAK-PULBURA, ang laging pinaiiral e AWA sa katangahan.

    Dapat magaling sa logic at di ang alam e drawing mo sa tubig!

  24. Isagani Isagani

    Ano ba talaga kaso ni Noy kay Robredo? Bakit kailangan pang isabit sa kung anong dahilan? Kung gusto niyang ifire, di ifire niya.

    Itong pakutsi-kutsi e para siyang tandang na kulang sa romansa. Eto istrok Noynoy:

    Robredo, your fired!

  25. srcitizen2000 srcitizen2000

    ellen, me alam kong solusyon sa problema ni Pinoy ke Puno. timbugin niya ang kaibigan niya bilang USec. Wag niyang bigyan ng kahit anong line position. Gawin na lang niyang Presidential Adviser (PA) o Consultant. Ito ang ginawa ni Gloria nung kapanahunan niya. Di ba daan-daan ang kanyang mga PAs pero hindi alam ng mga taongbayan na sina Mr, X,Y,z at kung sinu sino pang Pontio Pilato ay suwelduhan pala ni Juan Dela Cruz? Ok si Puno bilang PA kasi sabi Noy multi-talented daw yung bata niya. Di pwede niyang gawing trouble shooter kahit saan. Pwede rin niyang maging tag shoot-to-kill kung sakali.

  26. florry florry

    Robredo as an appointed government official serves at the pleasure of the appointing power. Noynoy time and again made known to one and all that he no longer enjoy the “pleasure”of his continued stay, yet he still clings like a “tuko”.

    Well, it’s not hard to figure out, he is a politician and has a political ambition and he want’s to use the DILG as a springboard to jump into national politics. He may already have his share of political exposures from the Aug 23 fiasco, but it’s still a long way to go before another national election and people tend to have short memories. By that time, he might be just another name in the ballot.

    Noynoy on the other hand, a very simple problem on Robredo is taking him a long time to sort out. That problem started during the campaign and up to now it’s still is. To a decisive and skilled leader, this is not a problem at all, but to Noynoy, stepping over an ant hill is like climbing Mt. Everest. He is very indecisive and dithering is his game. Sometimes you can’t fault someone who thinks and concludes that there’s really something wrong on how his mind works and question his intellectual capacity.

    Now an opportunity presents itself to finally end Noynoy’s dilemma on how to solve a problem like Robredo and get rid of him. A compromise should be drawn not to charge Puno alone but to include Robredo. It doesn’t matter that he already cleared the latter, but that’s how he wants it.

    If that happens, that only shows that there’s no truth to the myth of his honesty. That will also show his flip-flopping ways. And that will also show that he has no balls and spine to stand behind on what he said that his friend and shooting buddy is by far the most important person, even to the extent of putting his name and reputation to defend and protect him from “harm’s way”.

    Oh! What an extraordinary friendship and relationship.

    Sometimes their closeness can be very tempting to make you think and believe that their’s more than friendship in their relationship.

  27. parasabayan parasabayan

    Mukhang natuto ang mga ito (kapit tuko) kay bansot.

  28. parasabayan parasabayan

    Mukha ding pinagsasabong si Puno at Robledo. Di ba ito ang specialty din si bansot? So, sino talaga ang protege ni bansot?

  29. 2b1ask1 2b1ask1

    Most people don’t know that Puno, Verzosa, Magtibay, Santiago, Yebra are all brother Masons. The fraternal brotherhood of these individuals should not be ignored. There are many those around you who belong to this fraternal organization. Most likey, President Noynoy is aware of this.

  30. From Fred:

    Your latest column in Abante hit the nail right on the head. Indeed, there’s a different set of justice for those who have access to power like Puno. And poor Robledo will go down the drain with Puno although the former had no direct hand in the handling of the hostage crisis.

    Yes indeed, nothing is different between the past administration and this new one. If there is, the present Aquino administration is even worse while pretending it is God’s greatest gift to the country!

    Keep hitting, Ellen.

  31. Press statement from office of Sen. Pangilinan:

    Senator Francis “Kiko” Pangilinan today says that PNoy must crack down on his team and address the factions from within to truly be able to move the country forward.

    “PNoy must crack the whip and tell all those surrounding him that given the serious problems facing the country, without unity there is no way his administration can succeed. I know he has it in him to do so, and now is the time to do it. No more Mr. Nice Guy.”

    Pangilinan earlier cautioned the administration that factions could weigh down and overshadow its performance.

    “My appeal to those who support PNoy is that we need to learn to work with one another even if we dislike each other. It’s about time we acknowledge the existence of all these factions and recognize the need to end it. It will have to start from the top, and I know the President will deliver and act to ensure that all his men will finally march to the same drumbeat.”

  32. luzviminda luzviminda

    “Tahasan daw sinabi ni Aquino sa “Kung sasabit nyo si Puno, isabit nyo na rin si Robredo.”

    So, lumalabas na wala talagang sariling disposisyon si PeNoy na ayusin ang mali. (Dati P-Nyoy ang tawag ko, ngayon tama nga yata na PeNoy, yung itlog na abnoy na malapit nang mabulok). Di nya kayang sibakin ang mga taong ‘trumabaho’ sa pagluklok niya sa pwesto maski palpak na ang ginagawa. Uma-asa lang siya sa mga dikta ng mga ito. Kaya nga ba iba na rin yung may experience na magpatakbo ng isang negosyo, at least pareho ng theory at practice, although in a small scale nga lang. Eh si PeNoy e wala ngang accomplishment nuong di pa siya Presidente. What do we expect in his next 100 days?

  33. luzviminda luzviminda

    Parang si Barack Obama na isang BIG DECEPTION sa political history ng USA. Si PeNoy na inaasahan natin na magsasalba sa atin sa lusak na ginawa ni Gloria, eh baka isang deception o panloloko din sa Pinas.

  34. Ayun umamin na. Gusto pang pagtakpan ng Malakanyang, eto’t si Pangilinan na mismo ang umaamin (Samar yan si Kiko dahil kaaway niya si Roxas).

    Kung ako naman ay ikaw, Mr. Sharon Cuneta, bilang isa sa mga may gawa nitong problemang ito, bakit di mo simulan sa iyo mismo? Puntahan mo si Mar, makipag-ayos ka, tapos ay ayusin ninyo itong gusot na ito. Magkaisa kayo hindi para sa poder na gusto ninyong mapasa-kamay kundi para sa pagtupad ng pangako ninyo at pagbigay pag-asa sa mamamayang umaasa at itinaya ang kinabukasan nila sa inyo.

    Tapusin na ang SABLAY!

    Simulan na ang BALASA!

  35. luzviminda luzviminda

    “Balato na ang jueteng at retirement benefits, etc., maliit lang ang mga yan kumpara sa naging presidente si PNoy, yey!-” chi

    Chi,

    Tama ka. Maliit na bagay lang kumpara sa pagkakaluklok ni Penoy bilang presidente. Minsan di maalis sa isip ko na baka may Electronic-dagdag-bawas nga na nangyari eh. Medyo hirap akong maniwala dun sa laki ng resulta at turn-outs ng voters nuong eleksyon sa kabila ng disenfranchisement. Baka may dahilan na hawakan nila sa leeg si PeNoy.

  36. Henry, yung kapatid ng kaibigan ko, heneral sa PNP mula naging Narcom Chief hanggang maging Comptroller. Di niya maatim na kumupit sa pondo, di rin niya kayang i-invest sa high-risk but high returns gaya ng stocks. Ang ginawa, pondong pinapautang sa mga supplier. “Parami” ang tawag.

    Ang proceeds na galing sa interest ay para sa pabaon sa mga pumadrino sa kanya para makapuwesto hanggang sa dun sa mga maiiwan niya, siyempre kasama yung pabaon sa kanya. Nabuko pero walang nangyari. Kilala na ninyo siguro kung sino. Hindi yan yung Euro-Generals (pabaon din yan), mas nauna pa.

    Sinong presidente ang kokontra sa dagdag na pabuya sa mga heneral niyang magreretiro? Ang tanong, nasa matuwid ba na ipagpatuloy yang kalakaran na iyan sa PNP at AFP?

    Okey huwag na yung salitang “matuwid”, baka sabihin loaded e.

    Ito na lang ang tanong: “Nasa tamang katuwiran pa bang ipagpatuloy ang pabaon sa AFP/PNP?”

  37. henry90 henry90

    Tongue:

    Maaring alam lahat nang naging Pangulo ang kalakaran diyan sa pabaon. Pero wala silang kontrol pag narelease na sa nanalong bidder yan. Usapan na sa pagitan ng CS/C,PNP at ng pinanalong bidder yan. Parang diskarte din sa pork barrel kumbaga. Alam mo na yun. It needs a total overhaul sa pag uugali ng Filipino yan. By the way, gawain din ng mga kano yan. Kinopya din lang natin. hehehe. 🙂

  38. I was told this morning, they were still revising the recommendations of the presidential review team of the IIRC recommendations.

  39. Henry, yan din ang kutob ko. Yung idealism ng junior officers, namamatay pag nasama na sa agos ng kalakaran. Yung mga tigasing ayaw pakain sa sistema, ayun, nagiging rebelde (yung totoong rebelde) nagreretiro ng wala. Kadalasan siguro, pag nakakamoy na ng estrelya, “malapit na, kami naman” ang naiisip. Parang rin yan yung hazing sa academy.

    Tama ka, sa Tate, ang mga heneral binabata ng mga Senador, politiko. Kailangan ng provider ng pondo, yung kabila naman ang taga-ipon ng pabaon. Malamang yung presidente pa ang “out-of-the-loop”.

  40. Ellen, mabigat ang implikasyon ng 23% drop sa net trust rating. Mataas nga ang 71% approval pero sa napakaiksing panahon, madami na ang nadagdag sa dissatisfied, kahit pa “pinalamig” pa ng SWS yung kapalpakan sa Luneta ng isang buwan.

    Sana naman ay magising si Noynoy diyan. Ang factionalism talaga ang sisira sa kanya. Dapat na niyang tapusin ito habang maaga. Naramdaman na rin siguro nina Puno at Ochoa sa “sample” na ipinatikim sa kanila kung gaano kababa ang tiwala ng tao sa kanila. Kung mananatili sila sa ganyang patakbo, ibabaling ng tao kay Noynoy ang pagkaasar na yan. Kaso ang nasa isip ni Noynoy, sinisiraan lang siya ng grupo ni Gloria. Maling-mali, juicekopo. Tsk. Tsk. Tsk.

  41. 2b1ask1 2b1ask1

    Almost all appointed officials say the same reason when involved in anomalies: “I serve at the pleasure of the President”. It’s now time to change that to “I serve at the PRESSURE of the President”.

  42. Destroyer Destroyer

    Iisa lang ang puno kung bakit SABLAY ang IIRC, walasin ang administrasyon noynoy… 70% ang mga ideas dito puro palpak. Dahil yung ideas ninyo nung campaign period palpak ibinoto ninyo ang taong walang plataporma at walang sistema at higit sa lahat hindi bagay para maging presidente siya.

  43. 2b1ask1 2b1ask1

    Minus the die hard loyal Arroyo people, the rest of the groups that supported Noynoy were the same groups that ousted Presidents Estrada and Marcos. So what’s new? Noynoy promised not to appoint his relatives but he’s now appointing and retaining some related to him like the current Ambassador to Vatican and his uncle Peping’s wife. Not only that, he’s picking big campaign donors like Manuel Lopez as Ambassador to Japan. Ricky Razon, another big donor, continues with his smuggling activities.

  44. Tedanz Tedanz

    “PNoy gusto talagang isabit si Robredo”
    Tama ka Ellen, kinalabit sa tenga ni Puno si Robredo (doon sa gusto daw mawala siya sa DILG)… umangal itong isa …. kaya ayan away sila …. kakausapin na daw sila ni Noynoy bukas .. ngayon wala ng kawala si Robredo … tigpas sila pareho. Style nila talaga bulok ….

  45. Tedanz Tedanz

    Ilang buwan pa lang si Noynoy .. dami ng problema. Ako’y naa-awa dito sa ibinoto ni Igang Henry …. mukhang pinagla-laruan ng mga taong kunyari tumulong sa kanya noong nakaraang eleksiyon. Sinasamantala nila ang kabaitan nito. Dapat talaga maging bakal ang puso nitong si Noynoy …. kung gusto niyang mabago ang takbo ng buhay ng ating mga kababayan. Wag siyang lalambot-lambot.

  46. Destroyer Destroyer

    MALAMBOT si noynoy kaya nga umabot sa edad na 50 years old. Hirap kay noynoy at sa mga sisters niya basta nagkatawan tao pwede ng maging presidente. Kaya nga dito sa blog napakaraming mga ideas pero puro SABLAY. MAPUROL na ideas at madaling nabola.

  47. baycas2 baycas2

    more on the warring miscommunication group

    (it appears i have a superficial knowledge on “How has Sonny Coloma been spending P1B”)

    Oh St. Conrad, you moralizing hypocrite. Did you rage with self-righteous fury at the junketeers who padded PNoy’s US delegation? No, of course not. Why, is it because the junketeers came from Coloma’s department and you were afraid Maria Montelibano would rip you a new asshole? As someone who knows the real Conrad said, “He’s been ranting about the P200M the DBM allocated to Ricky Carandang’s office but not even a peep about the more than P1B that Sonny Coloma got.” Added my source after he noticed the quizzical looks of me and friends, “It’s because he owes someone for the appointment of his brother as President of SSS.”

    http://blognimrjones.wordpress.com/2010/10/10/how-has-sonny-coloma-been-spending-p1b-lets-ask-conrado-de-quiros-oh-wait-we-cant-but-we-can-look-at-records/

    —–

    proxy war

    VP Jojo and Mar, stop na…please…

  48. chi chi

    #12. So what if he is an agriculturist? What does that got to do with the fact that he bungled big time in the Aug 23 hostage crisis? What has that got to do with allegations that he is accepting jueteng payola? – Ellen

    Ay walang relasyon, ang babaw ang labo! Kahit na ano na lang basta maipagtanggol si Puno.

  49. chi chi

    #42. Sana naman ay magising si Noynoy diyan. Ang factionalism talaga ang sisira sa kanya. Dapat na niyang tapusin ito habang maaga. Naramdaman na rin siguro nina Puno at Ochoa sa “sample” na ipinatikim sa kanila kung gaano kababa ang tiwala ng tao sa kanila. Kung mananatili sila sa ganyang patakbo, ibabaling ng tao kay Noynoy ang pagkaasar na yan. Kaso ang nasa isip ni Noynoy, sinisiraan lang siya ng grupo ni Gloria. Maling-mali, juicekopo. Tsk. Tsk. Tsk.
    __

    Spaced out! 🙂

  50. Why it would be difficult for President Aquino to let go of Puno:

    From the Inquirer: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101011-297060/Puno-tells-why-Aquino-would-think-twice-before-letting-him-go

    “When he ran for senator, I also didn’t see the Liberal Party. It was only the two of us and his cousin (accompanying him) in the mountains.”

    Puno, 54, called his band the “Times” group, referring to Mr. Aquino’s house on Times Street in Quezon City.

    The group now includes Energy Secretary Jose Rene Almendras, Philippine Amusement and Gaming Corp. chair Cristino Naguiat, and businessman Robbie Mercado who, unlike the rest, opted to stay in the private sector.

    Of those who joined the Aquino administration, Puno is arguably the closest aide who wields the most influence on the 50-year-old President.

    Curious designation

    To accommodate Puno’s request, Mr. Aquino appointed him at the Department of the Interior and Local Government (DILG), with a curious function: presidential liaison for the Philippine National Police.

    Puno said he had a vast network of security officials. He also didn’t want to go through the arduous confirmation process of the Commission on Appointments.

    The Aquino-Puno friendship was forged on the firing range.

  51. Beleaguered Puno cites deep ties with the President

    http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20101010-297053/Beleaguered-Puno-describes-depth-of-ties-to-President

    In fact, Puno said he was among the few people who could “tame” President Benigno “Noynoy” Aquino III, whenever he became overly engaged in the realm of his newfound role as the nation’s chief executive.

    “Sometimes, when he would speak to me in a raised voice, I would just say, ‘Yes, sir.’ Then he would say, ‘Okay, ganito lang pare (Okay, buddy, we’ll just do it this way).’ Apparently, he would realize that he was talking (to a friend),” Puno told Philippine Daily Inquirer reporters and editors on Thursday night.

  52. no one here can “speak for the people” and to even dare say he/she can is a lie. its obvious that the majority do not care about puno or robredo or details…most, are content with doing their duty by voting and then letting the government do its job while themselves focused on their “jobs” as most can’t afford to play politics on a daily basis…all this “noise” is just coming from the media and “us” bloggers…
    …the proof of the pudding is in the eating…let aquino lead the way he wants to, if we don’t like it after six years then we raise hell…
    …its tempting to talk about the “president’s” nitty gritty details, because there is no love life or any scandal, the “friends” angle is a nifty story – as there must be a story, kahit ano basta someone should tell a story, thats the business, theres a quota for stories…
    most of us succumb even to the unholy glee of palying out the quirino hostage situation in our imagination, believing that we can do better than the police because we watched SWAT the movie…
    fact of the matter is, if it was left to any of us to handle that situation, we could’ve lost all the hostages, and paid with our lives…
    from a realist’s point of view, given the sheer difficulty of the situation, the number of casualties was minimal…we can reasearch all we want on hostage situations, its not a fairy tale “and they all lived happily ever after” ending…
    …and robredo, being a mayor, hmmmm, there are even whispers that he’s been on the jueteng take also…
    …jeuteng is a “mayor/governor” controlled matter, if they don’t want it, they can always give instructions to the chief of police and the guy will just do his job otherwise he gets “relieved”, if the “mayor/governor” wants jueteng but the chief of police doesn’t he gets “relieved.”
    …lets get real, if they want to dare, why not put al of them on a lie detector test…and we’ll see…

  53. chi chi

    Puno said he was among the few people who could “tame” President Benigno “Noynoy” Aquino III, whenever he became overly engaged in the realm of his newfound role as the nation’s chief executive.

    May double meaningn yan a. Dapat i-clarify nila yan. 🙂

  54. masha masha

    kung command responsibility and rason para idawit si robredo eh di damay rin si noynoy. siya ang boss nilang lahat. kagaguhan naman ito. mukhang pareho rin si noynay sa nanay niya–they both do not have the stomach to make the hard decisions for the good of the country.

  55. masha masha

    juggernaut,
    disagree. we cant just make our presence felt every six years. we have to make our public officials accountable all the time. there is so much temptation in public service and so many things that could go wrong (exhibit a aug 23) with potentially tragic consequences for the people to let things be.

    i dont care about the president’s personal life so long as it has no effect on public policy and taxes.

  56. masha masha

    “In fact, Puno said he was among the few people who could “tame” President Benigno “Noynoy” Aquino III, whenever he became overly engaged in the realm of his newfound role as the nation’s chief executive.

    “Sometimes, when he would speak to me in a raised voice, I would just say, ‘Yes, sir.’ Then he would say, ‘Okay, ganito lang pare (Okay, buddy, we’ll just do it this way).’ Apparently, he would realize that he was talking (to a friend),” Puno told Philippine Daily Inquirer reporters and editors on Thursday night.”

    is that it? doesnt make him indispensable.

  57. olan olan

    Funny many talk about Puno and Robredo. For me, this is not really the main issue. Sometime ago I thought I read about something has to do na nag balik na daw ang tiwala ng tao sa ating gobyerno. Well, I am for it only I thought it’s a bit premature to make such a declaration. Transparency is good but how about the one thing that makes us more empowered para di na ulit pagsamantalahan ng mga nagpapanggap na lingkod bayan! How about HUSTISYA? What does this government (i.e. collectively by the executive, the legislative, and the judiciary) will do to strengthen it? Does this mean kung ala na sina Pnoy dating gawi ulit? How can this government made those who breaks the law while governing account for their misdeeds?
    Funny, we fought so hard to have a loud voice (i.e. by electing Pnoy with a clear mandate) and yet we ignore the very one thing that will set us free and empower us from those who will take advantage at our expense… HUSTISYA!

  58. olan olan

    Tama si Rene Saguisag in his observations. It looks like the ones appointed especially in our Judiciary is more powerful than the elected! Imagine the impeachment of mercy is still in doubts because of the appointed Supreme Court order to stop the proceedings by our elected Congress, at least temporarily. One may ask how long the wait is. Many know her office is the roots cause of many misgivings of the past administration and yet nothing seems to progress? Playing games? How long one does really has to wait? When will this government implement the rule of law? The very essence of why we have a government in the first place! Why protect those who break the law? If Pnoy is hell bent in changing governance for the better, this is the time to show it. The revamp on how we as country dispense justice needs to be included in any changes to be implemented. Else, thieves will rule us once again simply because our government does not intend to police themselves. If this ever happen again maybe anarchy will rule us the next time around dahilan lamang sa kabuktutan at walang kabusugan na iilan!..just my two cents.

  59. perl perl

    PNoy gusto talagang isabit si Robredo
    Haha, ngayon lang ako nakarinig na ang presidente… gustong isabit ang kanyang cabinet secretary… sorry, i don;t believe this… malamang na mis-quote o mis-interpret na naman ang pahayag ng presidente…

    saang balita ba o saang interbyu sinabi ni PNoy na isabit si Robredo?

  60. tru blue tru blue

    “Parang si Barack Obama na isang BIG DECEPTION sa political history ng USA.” lvm

    Where’s the “BIG DECEPTION”?, please elaborate. Puti na ang buhok at mapapanot na rin in due time, but he’s dedicated in FIXING the deficit Bush 43 and his croonies left behind.

  61. Perl, re #61. My source is reliable. Wednesday last week, when he was told that it would be difficult to clear Puno, he said that if Puno is sanctioned on the Aug. 23 tragedy, Robredo should be included.

    Read carefully my article.

    He also said that Verzosa should not have any liability.

    The information I got, has been proven by the decision announced by the President. Puno and Verzosa were cleared.

  62. masha masha

    “luzviminda – October 10, 2010 8:35 pm

    Parang si Barack Obama na isang BIG DECEPTION sa political history ng USA.

    nakakatawa itong statement na ito. parang galing sa mga sira ulong tea baggers.

    there are some things that obama can do better but to call him a big deception reflects more badly on the maker of the statement than its subject.

  63. tru blue tru blue

    @64. Daming nagmamarunong na noypis na Teabaggers daw sila at pure conservatives. I see no brownies during their rallies and I even had a highpowered binocular to ensure if I could spot dandaw in the crowd, wala talaga.

    Hope these Teaparty candidates win so they will phase out social security, medicare/medicaid, privatize the VA, eliminate public schools, cut all the entitlements for most seniors and repeal the recently passed decent health care; where does that leave the noypis who are proud supporters of the right – sulking and crying for sure. Pag wala ng SS pension si dandaw, it’s again; karma.

  64. 2b1ask1 2b1ask1

    Tea Party is nothing but a gathering of racists and white supremacists. We only have to look at who are attending this event. Mostly whites.

    Americans must be careful not to elect this Sarah Palin, a certified racist.

  65. balweg balweg

    RE: Minus the die hard loyal Arroyo people, the rest of the groups that supported Noynoy were the same groups that ousted Presidents Estrada and Marcos. So what’s new? ~ 2b1ask1

    NOTHING NEW, except extension ito ng EDSA DOS? Bakit po, kasi ganito yan…ang remnant ng EDSA DOS na kicked out from Gloria’s gov’t sila ngayon ang bumubuo ng gobyernong PeNOY.

    Ibig sabihin…sila ang dating magkakakutsaba at mga traydor na nagpabagsak sa halos lahat ng ating institutions at pagpapahiya sa lahing Pilipino sa negatibong aspeto ng samu’t saring paglapastangan sa karapatang pang-tao.

    Matutunghayan natin who’s PeNOY kung ang pagbabatayan e ang kanyang kakayahang pamunuan ang bansa? Imagine, naging Senador siya pero ang tanong mayroon ba siyang accomplishment na isa man lang na batas na naipasa sa plenaryo…di ba WALA?

    Ngayon ang lakas ng mga loob ng mga bomoto sa kanya na maging Pangulo ng Bansa at kanyang pamumunuan e isang damakmak ang mga kurap at sinungaling sa ating lipunan.

    Mga lingkod-bulsa na walang inisip kundi ang sarili nilang kapakinabangan…kaya heto lugmok tayo sa hirap’t dusa, e ka nga…kuba na tayo sa samu’t saring kalbaryo sa buhay.

    Walang iba dapat sisihin kundi tayo mismong mga Pinoy na nagluklok sa kanila sa poder ng kapangyarihan…oppps in the real sense, di ako member ng Yellow wannabees ha!

  66. luzviminda luzviminda

    TRuBlu on #62

    Obama is just a pawn of a powerful religious group working to change the political set up of America. Just watch the actions and decisions of Obama in the next months.

  67. luzviminda luzviminda

    Masha on # 64,

    Masha, America will not be able to get back again in its glory days because Obama’s heart is NOT for America. Itaga mo sa bato, America will go down at the helm of Obama. Dollar value will not be able to recover. That is prophesy!

  68. luzviminda luzviminda

    This powerful religious group working at the shadows, puppeteers both Democrats and Republicans. They want to control America and then Europe. Say, One World Government.

  69. luzviminda luzviminda

    Sa Pinas naman, ibang klase dahil ibang klaseng politika meron tayo. Impuwensiya at corruption. Isama na rin ang Jueteng. Yan ang nagpapatakbo sa ating politika. Sana naman si PeNoy ay hindi isang pawn din.

  70. 2b1ask1 2b1ask1

    What’s that religious group that wants to control America and Europe?

  71. tru blue tru blue

    “TRuBlu on #62
    Obama is just a pawn of a powerful religious group working to change the political set up of America. Just watch the actions and decisions of Obama in the next months.” – lvm

    What a weak statement. No religious group will ever take control of the US. And what kind of actions and decisions are we anticipating; give me facts not just generalized assertions.

  72. 2b1ask1 2b1ask1

    One thing I know it’s the Jews controlling America and Europe.
    They are huge campaign donors and business lobbyists.

Comments are closed.