Skip to content

Inspirasyon sina Raissa at Abby

Sabi nga ng mas marunong at may karanasan sa buhay na ang buhay ay hindi sa kung ilang beses ka nadapa kungdi kung paano ka bumangon sa iyong pagkalugmok. Hindi yung paano ka nahambalos ng tadhana kungdi kung paano mo siya sinuong ng taas noo.

Kaya hangang-hanga ako kay Raissa Laurel, ang law student sa San Sebastian University na nadisgrasya sa pagsabog sa harapan ng La Salle sa Taft Avenue noong Sept. 26. Katapusang araw yun ng bar exam at marami ang naghihintay sa mga kumuha ng bar sa kinaugaliang “salubong.”

Pasalamat pa rin sa Panginoon na walang namatay. Ngunit mga 50 ang nasaktan kasama na rin sina Rainier Millanes at Dianne Camita. Ngunit pinakamalaking pinsala ang tinamo ni Raissa, 23 taong gulang. Naputol ang dalawa niyang paa.
Ngunit sa halip na magmukmuk, buo ang loob ang siya pa ang nagpapalakas ng loob sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Sabi niya sa mga kapwa niyang nasaktan, “Kaya natin ‘to! Laban lang tayo. Hindi natin dapat i-give up ang ating pangarap,” payo niya sa mga kapwa nasaktan.

Talagang napaka-positibo ng paningin ni Raissa. Sabi niya,”Iyung mga paa ko, wala na – pero at least iyung talent na binigay ni Lord sa akin, nandito pa rin.”

Binisita ni Supreme Court Justice Renato Corona siya sa Philippine General Hospital at pinuri niya ang future lawyer sa kanyang pambihira na tatag ng loob.”Hindi natin nakikita sa kabataan ngayon. I think you’ll make great lawyer.”

Bumisita rin si Pangulong Aquino at tuwang-tuwa naman si Raissa. “President of the Philippines… parang whoah, ba’t ako pupuntahan? Sino ba ako?”

Isa kang inspirasyun, Raissa.

Ang isang inspirasyun sa akin ay ang aking kaibigan na si Abby Tan, isang Singaporean journalist na dito na nanirahan sa Pilipinas (Ang tawag na nga sa kanya ay “Filipina-Singaporean”) hanggang namatay siya noong isang buwan dahil sa breast cancer.
Apat na taon ring nilabanan ni Abby ang cancer, Hanggang makakaya niya patuloy ang buhay para sa kanya.
Bago siya namatay, binilin niya sa kanyang kaibigan na si Maan Hontiveros na i-cremate siya. Walang lamay. Sa halip, binilin niya sa mga kaibigan na mag-party. Selebrasyun ng kanmyang buhay. Nagbilin siya ng pera para sa okasyun na yun. Siya ang pumili ng menu at ng music na tutugtugin.

Gumawa ang kaibigan niyang si John Silva ng video “Abby Tan, a life well lived.” Ang background music na “You raise me up” na bersyun ng Il Divo ay pili ni Abby. Please click here to see the video: https://files.me.com/jsilva79/jazq9h

Touched naman pamilya ni Abby, na dumating para sa selebrasyun, sa dami ng nagmahal kay Abby.

Nag-iwan din si Abby pamana sa tatlong foundation dito sa Pilipinas na tumutulong sa mga cancer survivors at sa isang ballet company.

Nilagak ang mga abo ni Abby, kung saan siya nag-enjoy ng scuba diving.

Published inAbante

7 Comments

  1. Mike Mike

    “President of the Philippines… parang whoah, ba’t ako pupuntahan? Sino ba ako?” – Raissa

    Habang ikaw ay aking pinapanood sa video clip na ibinahagi ni Ellen, ako’y laking gulat at lubos na nagtataka. Isang batam-batang babaeng buo ng pangarap at pagasa na makapagtapos ng pagka-abugasaya, ay sa isang idlap, ay napinsala… nasaktan at nawalan ng dalawang binti. Sa halip na ika’y magmaktol at mawalan na ng pagasa, nakuha mo pang ngumiti at magpasalamat sa mga bumati’t nagdarasal para sa iyong agahang pagpagaling. Wala ni isang katiting na pangitain na ika’y may galit at sama ng loob sa nangyari sa iyo.

    Kahanga-hanga ka Raissa… tama si Ellen, isa kang inspirasyon. Bagama’t ika’y napinsala dulot ng isang malagim na trahedya, ika’y nagpakita ng katatagan, tapang at lakas ng loob. Ako’y patuloy na nagdarasal para sa iyo at sampu ng iyong mga mahal sa buhay, na kayo’y patuloy na bigyan ng lakas at katatagan ng loob ng ating Panginoon. Pinagdadarasa; ko din na patuloy kang biyayaan ng Diyos at sa darating ng mga araw, ika’y magiging isang magaling at matagumpay na abugado ng ating bayan.

  2. chi chi

    Sila ang tunay na matapang!

  3. balweg balweg

    Sa bawat dagok ng tadhana sa buhay ng mga inosenteng Pilipino…dito natin matutunghayan ang pakikiramay nga bang masasabi ng mga Kinauukulan na dapat e sila ang may obligasyon at kapangyarihan upang maging inspirasyon ng 90M Kababayang Pinoy?

    Ang bawat trahedya na ginawa ng kapwa-tao e naglalarawan lamang ng walang kinatatakutang batas o Otoridad sa ating lipunan.

    Kaya maraming nagiging biktima ng kawalang pagpapahalaga at paggalang sa karapatang pang-tao…kung ang ating mga lingkod-bayan at mga Otoridad e pinagpipitaganan ng mga pasaway sa ating lipunan, di na tayo aabot pa upang magdalam-hati dulot ng trahedya na inabot ng mga inosenteng biktima.

    Wake-up call ito sa ating gobyerno upang ipatupad ang kamay na bakal sa lahat ng mga pawasay at kaaway ng mga batas na umiiral sa ating bayan.

    Turuan ng leksyon ang sinuman at panagutin sa batas upang mangatuto at magsipagbago sila ng ugali’t asal.

    Kailangan ibalik ang tiwala sa ating gobyerno at mga Otoridad upang muling mapagyaman ang mabuhay ng mapayapa at
    pagmamahal sa kapwa-tao.

  4. parasabayan parasabayan

    Inspiring! Sa dami ng pinagdadaanan nating trahedya, ito ay kahanga hanga. More power to you Raissa! You will indeed be a brave lawyer and may even be a Chief Justice one day! Who knows…

  5. Amazing girl, such inner strength.

  6. pandakekok pandakekok

    Raissa Laurel At Abby Tan,kahanga-Hanga Silang Dalawa..Peacefully naman na sa Heaven na si Abby Tan, hindi koman sila Kilala Saludo ako kasama ko ang mga Barkadas na Tibay Tiyan. hindi naman Nasala sa kain. Puro Mga Obese na.Salamat Po.

  7. tru blue tru blue

    So rare to see someone lost both legs and have the mental capacity to smile, full of spirit. She is definitely a poster child.

    Mga masasamang damo, ligtas na naman. These bombs are supposed to be directed at them.

Comments are closed.