Skip to content

Salamin ng buhay

Kahabag-habag ang mga namatay at nasaktan sa stampede na nangyari sa Ultra sa Pasig noong sabado ng umaga. Sila ay nandoon sa Ultra para manood at sumali sa Wowwowee, isang show ng ABS-CBN na hinu-host ni Willy Revillamie.

Habang sinusulat namin ito, sinasabi sa ulat na 79 ang patay at mas marami pa ang sugatan sa trahedya. Karamihan sa biktima ay mga matatanda.

Ayon sa mga narinig naming interview sa mga marami sa kanila ay nandoon na sa Ultra Miyerkules ng gabi para sa unang taon na anibersaryo ng Wowwowee. Marami sa kanila ay galing sa malayong lugar at may baon silang pagkain at inumin para hindi sila maalis sa pila. Marami raw kasing pinamimigay na premyo sa Wowwowwee at dahil sa hirap ng buhay, nagtitiyaga sila sa hirap at nagbabakasakaling maka-swerte.

Nang mga alas-sais raw ng umaga kahapon, sinabi raw ng guwardiya na magsimula nang mamigay ng tiket (na siyang gagamitin sa raffle). At ang pagka-intindi ng iba, magsisimula ng magpapasok. Doon raw nagsimula nagkabalyahan. Ang iba raw ay umakyat sa bakal na bakod. Sa sobrang siksikan ng tao, may mga natumba dahil pababa raw ang lugar. Nang matumba ang ilan, nagpatung-patungan. Ang iba ay nadaganan at ang iba naman ay natapakan.

Mabuti naman at humingi ng paumanhin si Willie Revillamie na mukhang shocked. Hindi ko kasi narinig kay Charo Santos-Concio, vice president for entertainment ang paghingi ng paumanhin. Sinabi lang niya nakikiramay sila sa mga biktima. At hindi naman raw nila ginusto ang nangyari. Gusto lang naman raw nila magpasaya ng tao. Siguro payo ng abogado kasi kapag humingi ng paumanhin ay parang inamin na rin nilang kasalanan nila.

Mahirap man aminin, hindi maa-aring walang kasalanan ang mga taga-Wowwowee sa nangyari. May pagkukulang sa pagsa-ayos ng mga tao. Sana hindi nila tatakasan itong responsibilidad para hindi rin mahirap para sa publiko ang makiramay sa kanila.

Ipinakita ang mga tambak na gamit ng mga nagpila doon at talagang nakabagbag damdamin. Mga gomang tsinelas, mga lumang sapatos, payong, mga plastic na grocery bag, mga recycled na bote ng tubig. Gamit ng mga mahihirap.

Ang nangyari sa Ultra ay salamin ng tunay na kalagayan ng bayan. Ang mga taong pumupila sa Wowwowwee ay mukha ng Pilipino na ngayon ay nabubuhay lamang sa pangarap dahil wala silang mahahawakan solido. Nandoon sila sa pangarap na may maitawid sa pangaraw-araw na pangangailangan.

Kaya kahit matatanda, na dapat ay magpahinga na lang at inaalagaan, ay nandoon para kahit paano ay baka kumita.

Sabi nga ng kumakalat na text: The Ultra stampede that killed at least 79 people is the real state of the economy. Not the P51 to the dollar, stupid! It’s 79 lives to the peso!

Published inWeb Links

328 Comments

  1. a de brux a de brux

    Ellen,

    This is a human tragedy of unspeakable proportions.

    My family and I wish to express our most sincere condolences to the families of the victims.

  2. Ferdinand Ferdinand

    Kalunos lunos ang trahedyang nangyari sa ULTRA.
    At kami dito sa Amerika ay nakikidalamhati at nagdasal
    para sa kaluluwa ng ating mga mahihirap na kababayan
    na nasawi. Sana naman ay matulungan ng mabuti ang
    ating mga kababayang ito hindi lamang ng ABSCBN.

    Gusto ko lang mag react sa presscon na ginawa nitong
    sina De Castro at lalong lalo na sa reaction nito ng sya’y
    tanungin kung tutulong ba ang Gobyerno ang mabilis
    na tugon nitong si Kabayan hindi at ang ABS CBN ang
    sasagot, tanging maitutulong lang eh investigation…
    tsk tsk tsk… parang walang pakialam ang sagot nitong
    taong ito at kulang na lang sabihing ABS lang ang may sala…

    OO nga at ABSCBN ang dapat managot pero hindi maganda
    ang tono ng salita nitong si VP sa pagsasabing ABS ang mananagot..
    Kasi ang dating sa manunuod na gaya ko eh iwas pusoy
    agad itong VP na ito…

    Sana ay huwag mapulitika ang Lopez family sa insidenteng ito…
    Mabigat na kaso ito, at maaaring gamitin ng Arrovo govnt
    ito laban sa Lopez clan to get even. Even De Castro himself
    can use this scenario to get back at ABS for having his
    show pulled off the air…

    Gawin natin ang ating magagawa para makatulong sa ating kapwa
    at huwag magturo kung sino ang dapat tumulong…

    Ferdinand

  3. Text message: “The bigger tragedy of the Ultra stampede is that people seemed to have given up on the institutions, pinning their hopes and dreams in a game show. How does the leadership respond – Photo Ops! Pathetic, isn’t it?”

  4. Anino Anino

    With respect to all those who perished yesterday, who never give up HOPE even unto their last breath and my deepest sympathy to those who were left behind. NEVER GIVE UP HOPE.

    Allow me, Ellen, to reiterate my statement from another topic:

    ———————————————————-
    The Ultimate Solution to the problems we have today, and to prevent them from recurring are the ff:

    1. Geniocracy along with Full Automation on the Next Election. Right Leaders could only come from the right voters from the right system. Download a pdf file at http://www.rael.org/download.php?view.6

    2. Reorient the Filipino Psyche. Entrepreneurship, engineering calculus, chemistry, mathematics, physics, etc. shall dominate the airwaves instead of Chinovelas. Soaps and Dramas have their place in movie cinemas.

    3. Science over Myth. There are so many religions in the world, but there’s only one Science. There can only be one Truth! There’s no god – only people playing gods! The Elite, FreeMasons, Financial Oligarchs, NeoCons have the power [economic, political, military, church] to control the destiny of mankind, and have been doing this for centuries now. Religion is all about control – where the only thing needed really is RESPECT. Bahala na [Bathala na] or “It’s up to God!” syndrome is so destructive that it made our people more passive while the Devils in Malacanan Palace are very proactive! Try http://www.evilbible.com/ , http://www.larouchepac.org/

    4. Join the worldwide movement working for the return to the Bretton Woods Agreement of Fixed Exchange Rate and Treaty of Wesphalia of “nation-states working to the advantage of the other”. See http://en.wikipedia.org/wiki/Bretton_Woods_Agreement , http://www.larouchepac.org/pages/interviews_files/2006/060110_stockwell_interview.htm

    5. Government-initiated Massive Infrastructure Projects [mass housing, schools, hospitals, roads & bridges, nuclear/hydrogen/wind/geothermal/hydro power, research and development, etc.], that would create massive employment. We can do these by not paying our already paid foreign debts, and by printing more money. Yes, our debt is paid – what we are paying now is the amount added as a result of speculative floating exchange rate which has nothing to do with physical economy. And printing more money is not inflationary if it is invested on basic infrastructures – which are investments for the future that would enable us to become truly self-reliant. And as a bonus would surely attract real investors, not gamblers, and tourists.

    6. National Cleansing. It’s time to eliminate the culture of corruption and the people that permeates it.

    If the above are realized, everything good will fall into its rightful place. Call it Heaven, a place here on Earth, not in the afterlife – there’s no such thing!

    LET’S FREE OURSELVES FROM THOSE WHO ARE PLAYING GODS!!!

  5. These are comments on the Ultra stampede posted under the previous article:

    Jay Cynikho Says:

    February 4th, 2006 at 12:04 pm (Edit this comment)

    Ellen

    What happened in ULTRA this morning could
    be given a thousand meanings. It is a
    tragedy waiting to happen for the real
    Filipinos, kapit sa patalim, suntok sa
    swerte magkapera lang para may pambili ng
    pagkain. Kung nangyari ito sa Japan tiyak
    ilan ang magha- hara kiri upang maiwasto
    lang ang trahedia.

    Yung mga Pinoy na nakita ninyo sa TV,
    yan ang mga tunay na Pinoy na matagal
    na biktima ng katakawan, kasakiman
    ka estupidohan ng mga lider ng bayan.
    They have all the money but not the brains
    to act beyond their self interest.

    God acts in myterious ways. Our leaders
    should listen and discern the acts of
    God that happens not only in the Philippines
    but also in many parts of the world.

    IT IS VERY SAD THAT ALL AROUND US WE
    HAVE PEOPLE WHO ARE KIND TO THE POOR,
    WHO HAVE MONEY AND COMPASSION BUT
    NOT THE BRAINS NOT TO BE STUPID.

    Jay Cynikho Says:

    February 4th, 2006 at 12:09 pm (Edit this comment)

    SABI NGA NI MARK ANTHONY
    My heart is in the coffins
    there with the ultra victims
    and I must pause till
    it come back to me.

    These people who really are Pinas
    have been dead for five years now
    and they are still being murdered
    Jay Cynikho Says:

    February 4th, 2006 at 12:34 pm (Edit this comment)

    Ellen

    Those who died in Ultra
    are the true heroes.
    They have suffered enough that
    God took them all in His bosom.
    Who are these heroes?
    They are wives and grandmothers
    Weak and sickly for lack of food
    Who despite their age and hunger
    Waited for days and hours
    for a chance to win money they
    can give to their children and
    grandchildren. For them it is the
    only remaining honest way to
    earn a few pesos and with luck
    so much money to forget their travails.
    Who are these dead Filipinos?

    Believe me I am not angry with anybody
    Because I know God will make those
    responsible pay with equal measure.
    The buck begins and must stop on
    those responsible.

    Sino ba silang namatay ng walang laban?
    Mga Nanay at Lola na gustong may maiuwi
    sa mga anak at apo. Mga nanay at lolang
    sumasala sa pagkain, na wala nang pagasa
    magka trabaho at kumita sa tulo ng
    kanilang pawis. Ito bang mga Filipinong
    ito ang dapat magbuwis ng buhay para
    mapanuto lang ang ating bansa?

    pugak Says:

    February 4th, 2006 at 12:37 pm (Edit this comment)

    What happened this morning in ULTRA Pasig(04February2005) is a “SCENE OF FEBRUARY 2006″
    🙁
    I got this idea from ‘Scene of July 1830′:
    http://en.wikipedia.org/wiki/Image:Lar7_cogniet_001z.jpg

    🙁
    It is a clear manifestation the socio-economic viewpoint of ‘EDSA’ is a FAILURE

  6. More comments from the previous entry on Ultra stampede:

    Jay Cynikho Says:

    February 4th, 2006 at 5:16 pm (Edit this comment)

    Ellen

    I wish you and those PCIJ guys can devote
    some time and effort to write about the
    79 (Yahoo reported 88) martyrs of poverty and
    victimization. Let’s name some streets after
    them.

    Who are they? Why do they need to go to
    ULTRA? Who are their survivors? What kind
    of life do they have before they perished?
    These martyrs have the face of the Filipino
    under GMA administration. I will bet the
    victims were better off before Cory, Tabako,
    Erap and Gloria. The victims and their families I will guess, have lived frugally
    not having touched or eaten fruits of dirty
    money. Although another guess that more than
    50% of the almost a trillion-peso govt budget becomes dirty money even before the allotments are released by the Department of Budget Management. It is easy to know the families
    that wallow in dirty money.

    So who’s going to write about the ULTRA MARTYRS, who’s going to set aside erudition
    and peroration about parliamentary and election bulshits and write to portray
    the now Filipino?

    Willie Revilame should not be blamed for
    what happened. He is the star of the show
    like David Lettermen, He just need to show
    up on time and do his charismatic thing.
    Somebody or a lot of people goofed? Pinoy
    kasi?

    juan Says:

    February 4th, 2006 at 6:11 pm (Edit this comment)

    ako naranasan ko ang mawalan ng trabaho..ang hirap lalo na ‘pag may pamilya.. lalo na kapag may edad ka na di mo alam kung saan ka papasok ng trabaho..TITINGIN AKO SA TINDAHAN NG KAPITBAHAY KUNG PWEDENG MAGPAUTANG. kung lunes hindi pwedeng magpautang.. mabuti na lang nakaka extra minsan sa KONSTRUKSYON bilang “piyon”. taga abot ng hollow blocks,halo ng semento, kailangan kasi para may makain PARA SA MAGHAPON.. isang kahig, isang tuka.. sa 250 isang araw may pagkain na at pambaon ng 3 bata.. ‘pag natapos ang trabaho, wala na naman.
    MAHIRAP WALANG MAKAIN SA MAGHAPON.. PWEDE DE LATA,, O KAYA NOODLES PARA MAY KONTING SABAW AT MAGKASYA SA MAGHAPON…
    PERO MAS MARAMI PANG PILIPINO ANG MAS MASAHOL PA ANG KALAGAYAN SA AKIN… UMAASA MINSAN MABIGYAN NG PAGKAKATAON NA GAYA NG NAKIKITA SA TV.. MALAY MO MAKA-TSAMBA..

    ANG PANGYAYARI SA ULTRA AY PAGBABAKASAKALI NA BAKA NAMAN MATAPOS KAHIT SANDALI ANG SIKLO NG KAHIRAPAN NA NARARANASAN SA ARAW-ARAW… KAYO NAKARANAS NA NG GANITO? mapalad kayo …

    Luzviminda Says:

    February 4th, 2006 at 9:23 pm (Edit this comment)

    Yes Juan, Nakakaiyak ang nangyari sa Ultra. What happened there showed the ‘REAL IMAGE’ of most Filipinos…POVERTY. Yes, POVERTY is what drives them to line up there at Ultra to try thier luck to earn money, in the ‘legal way’. Because not anyone of their family CANNOT FIND A DECENT JOB. As I have said, NEVER IN OUR LIVES THAT WE HAVE EVER SO WORRIED ABOUT JUST OUR FUTURE, BUT SO WORRIED WHERE TO GET OUR NEXT MEAL!!! The survey that MORE Filipinos are GETTING HUNGRY IS SOOOOO TRUE!!!!!!
    GOD, HAVE MERCY ON US PLEEEEEAAAAASSSSEEEE!!!!

    cvj Says:

    February 5th, 2006 at 1:18 am (Edit this comment)

    Some commenters in this weblog and others have argued that some sort of bloodshed as part of a ‘national catharsis’. Would the dead bodies we’ve seen on TV today lined up near ULTRA contribute to this ‘national cleansing’ or do you need to witness more?

  7. Tiago Tiago

    Nakapanlulunos ang nasaksihan nating trahedyang ito! while our “public servants” in Malacanyang continue to spend people’s money in luxury, our poor people are left out in the cold dreaming. The Philippines true picture.

    Our hearts and prayers goes out to those who are bereaved and to those who had suffered physical pain.

  8. cvj cvj

    1. Prayers (from us or the Bishops) help, but only to those who are doing the praying.
    2. The people who died are not martyrs, they are victims. Whether they died senselessly or not depends on what happens next.
    3. The people who go for these shows hoping to win the jackpot are not any more stupid than those of us who buy lottery tickets. More desperate maybe, but more stupid, no.
    4. It’s not the fault of the people who were queuing up. They are already part of a crowd which no individual can control. A crowd has it’s own dynamics.
    5. I don’t see how ABS-CBN can morally escape responsibility for selection of venue and crowd management. At the very least, there was a serious lapse in management competence and possible negligence. Same goes with the Pasig City and MMDA in terms of enforcing safety regulations.
    6. Banning these gameshows (however inane and humiliating) is against the Constitution, but the networks have a responsibility to review their programming for their long-term (intended or unintended) effects on our society.

    In so far as SeaGames & Pacquiao’s win was good for GMA from a ‘Bread and circuses’ standpoint, this one is not good for her. Tough luck, GMA.

    For those in the middle class (or hold ‘middle-class values’), how will it affect their/our attitude towards the poor majority? Will it make us less self-absorbed or is it going to be more of ‘us vs them’ mentality?

    Condolences to the families and loved ones of those who died.

  9. Ferdinand Ferdinand

    Let this tragedy be an eye opener to this governtment/and our politician. Ang pagtaas ng piso ay hindi sukatan ng kaginhawahan sa buhay. Ang tunay na pamantayan ng matiwasay na pamumuhay ay ang pagkakaroon ng trabaho ng ating mamamayan. Ang magkaroon ng makakain sa hapag kainan. Maaaring bukas ang palitan ng dolyar kontra piso ay maging 45, subalit hindi ito nangangahulugan na bukas ay biglang magkakaroon ng mga trabaho ang masang Pilipino.

    Use taxpayers money in helping our fellow filipino to stand on their own. Gaya ng kasabihang mas maigi na turuan mong mangisda ang tao kaysa bigyan mo ng isda(sort of to that effect). Hanggat maraming tao ang walang makuhang trabaho, walang mapagsaluhang pagkain patuloy silang aasa sa swerte/trahedya?

    Imulat ang ating mga mata, huwag mag bulag bulagan sa ating kapaligiran. huwag magbingi bingihan sa hinaing ng ating mga kababayan. TRABAHO sa bawat Pilipino.

  10. juanito dela cruz juanito dela cruz

    Nakikiramay po kami sa mga pamilya ng naging biktima ni Gloria Macapagal Arroyo. Ipagdasal po natin ang mga kaluluwa nila at kaluluwa ni Gloria Macapagal Arroyo kung mayroon pa siya nito. Isa po ang aking bunsong kapatid na lalaki ang mapalad na nakaligtas sa trahedya, may 3 anak, walang trabaho, college grad. Nagbakasali lang po siya duon kahapon pagkatapos magreport sa agency patungong alKhobar. Sana po ay maging aral ito sa mga TV stations at tama po si Anino na alisin na ang mga telenovela sa TV. Magkaroon po sana ng makabuluhang programa sila kagaya sa channel 25 at Channel 37. Salamat po, Panginoon.

  11. Tiago Tiago

    cvj says:
    “Some commenters in this weblog and others have argued that some sort of bloodshed as part of a ‘national catharsis’. Would the dead bodies we’ve seen on TV today lined up near ULTRA contribute to this ‘national cleansing’ or do you need to witness more?”

    Unfortunately, no. A tragedy such as this can be avoided if proper crowd discipline is enforced. Ever watch a football game? In Europe, they are crazy about football but stampedes rarely happen, bacause they keep their wits about. In this case i will blame the show, they know how many people coming on the regular shows that they can estimate how many people are coming on that special day. They should have made arrangements to better cope with a bigger crowd. Those who maintain security of the place, maybe not trained to handle huge crowd and the will of these people to keep the dicipline in the queue.

    No, i think this is just a case of demonstrating how stupid people can get at a terrifyingly heavy cost of lives.

  12. I also believe that ABS-CBN bears responsiblity for the tragedy. It cannot be extinguished by a simple “Hindi namin ginusto ito”.

    They encouraged people to come without providing for their convenience and safety.

  13. cvj cvj

    Tiago, i agree, but would like to make a further point that your conclusion holds even if that scene came out of a riot/coup/revolt instead of a stampede. Dead is dead, no matter how it comes about.

    juanito dela cruz, kung maipatupad ang mga panukala ni anino, hindi lang telenovela kung hindi pati na ang channel 25 at channel 37 matatanggal (i-click mo ang mga url links na nasa comment niya ‘3. Science over Myth’).

  14. Jhun Sagum Jhun Sagum

    Kahit mag 40 to a dollar pa ang palitan kung

    GUTOM at WALANG TRABAHO … Yan ba ang ECONOMIC

    TAKE OFF na PINAGMAMALAKI ni PANDAK na EKONOMISTA at

    HARVARD gradweyt KUNO !!!

    KORRUPT KAYO !!!

    NANDAYA KA NA, INUBOS MO PA KABAN ng BAYAN !!!

    BWISIT !!! MAKONSENSYA KA NAMAN !!!

  15. Karl Karl

    Miss ellen,

    Nabasa ko po e-mail nyo..isang buwan na din ako absent
    Ngayon lang nakatyempo ulit…nagka trabaho na po kasi…

    Una kaya kailangan ng tao pumila sa lotto at sa noon time show ay ang kawalan ng pag asa at maly mo maka tsamba

    kaawa awa nag nangyari me kaopisina ako natuwa na sya ng nakita nya tita sa stretcher akala nya nasa hospital lang yun pala nasa arlington na…

    Mr Saghun …cool lang po kayo… pero tama po kayo baliwala kung 40 to a dollar..una hahawakan muna ng ofw ang pera nila hanggang pumatak ulit ng 60….

    at exports natin olats pag ganyan

    medyo mali hula ko last year na sa february mabubuihay ulit garci medyo malilimutin tayo at ang galing mag iba ng kwento ang mga spin master natin sa malacanang at iba iba pa ang sinasabi

    medyo huli na ako sa balita pero sa tingin ko walng nagbago

    pero sana tama hula ko na sa june mas malakas ang laban ng oposisyon sa impeachment yun ay kung bale wala ng impeachment na ifile ni lozano

    at kung walang kudeta na mauna dito

  16. Hindi masamang mangarap o managinip pero kung magiging bangungot naman e huwag na lang. Noon ko pa napapansin na hindi maganda yung hinahayaan nilang pumila ang mga tao ng 2 days to 2weeks in advance o sobra pa, para lang magkaroon ng tsansang mapasama sa game show. Biro mo doon na sila natutulog, yung init sa araw tinitiis nila at lamig sa gabi. Nagbabaon na lang sila ng makakain para lang mabantayan ang pila nila, wala ng liguan hanggang di sila napapasama at karamihan matatanda na, baka dito pa nadedevelop mga sakit nila para lang makasali sa pera o bayong. Kaya talagang marami ang napu frustrate kapag di napagbigyan, lahat nagiging mainitin ang ulo.

  17. Luzviminda Luzviminda

    Kung dito sana ginamit ng mga pulis ang CPR (CALIBRATED PREEMPTIVE RESPONSE) ni GMA, hindi sana nangyari ito. Dito sa mga ganitong pagkakataon dapat ginagamit ang CPR. Sinabi ng taga ABS-CBN na humingi sila ng assistance sa mga authorites para sa security, bakit hindi binigyan ng CPR? Dahil ba hindi ito rally ng oposisyon. People have reached up to 30,000. Kung yung mga mga 100-200 katao ang mag-converge eh andun agad ang mga pulis bakit ito umabot ng 30,000, eh hindi in-apply ang CPR.

    DESPERATE CONDITION- Yes, most Filipinos are getting desperate. Imagine after the incident na nagkamatayan na eh, HANDA PA RING PUMILA AT MAKAPASOK SA ULTRA ang iba dahil sa pag-aakalang tuloy ang game show. Umaasa pa rin na manalo at magbago ng maski konti ang lagay sa buhay. Actually, hindi ko napigilang maiyak. NAKAKAAWA NA TALAGA TAYO.

  18. Luzviminda Luzviminda

    Ferdinand & Mr Sagun, tama kayo walang epekto ang sinasabi ni GMA na malakas na Peso at Stock Market. Alam naman natin na dinodoktor ng GMA Government at mga cohorts na negosyante ang mga statistics nila. Ang Peso kaya malakas sa dollar ay dahil sa (1)mga OFW remittances,(2)naglalabas ng dollar ang Bangko Sentral sa sirkulasyon,(3)manipulasyon ng mga negosyanteng may control sa dollar, kayang-kaya ng mga negosyanteng magpababa o magpataas ng palitan kung gusto nila. Para tumaas ang palitan, itatago nila ang hawak nilang dollar nang sa ganun konti ang dollar supply sa market. Gaya ng ginawa nila kay Erap nuon. Para bumaba, gagamitin nila at ilalabas sa sirkulasyon. Ganun lang iyon. Sa stock market naman, namamanipula rin. Kung gusto ng stockholder tumaas ang value ng stock niya, ibebenta nya ng mataas at bibilin naman ng kakutsaba nya. Ganun lang din iyon. At ang totoo ang karamihan sa mga Pilipino ay walang dollar at shares-of-stocks, kaya kahit maganda ang lagay ng mga ito, walang epekto sa atin. Ilan lang ang may hawak nyan. 2-3%lang siguro. AT SILA LANG ANG TOTOONG NAKIKINABANG!!!

  19. Domingo Alemania Domingo Alemania

    Ang leksyon ng sakuna sa Ultra:

    Walang nakakaalam sa bagay o ano man pangyayari sa ating buhay kaya dapat na maging handa tayo sa lahat na oras. Ang ibig kung sabihin,’wag natin kalimutan ang Mahal na Dios na mag pasalamat sa kanya sa ibinibigay sa atin na biyaya at mag dasal tayo bago mag umpisa sa mga gawain pang araw-araw na sana walang mangyari sa maghapon o lahat na oras, mag hingi tayo na kapatawaran sa ating ginawa na kasalanan o mayroon man.

    Huwag tayo lumayo sa kanya. Lumapit tayo sa kanya dahil siya lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa atin sa lahat na oras.

    Iyan po ang tunay na paghahanda kung sakali kunin na kita ng mahal na dios dito sa lupa.

    Kayo naman po na mga elected officials nang ating govobyerno, ‘wag nakayo mag sisihan o mag yabangan pa ang kailangan sa atin ay mag tulongan para sa ikabubuti ng ating bansa.

    Kung ako lang ang tatanungin ninyo okey pa siguro na lahat na government officials tulongan niya ang kanyakayang nasasakupan lalo na sa mga mahihirap kung subra naman ang kanilang pera o isa silang mayaman dapat na tulongan nila ang mga tao nila na mahihirap.

    Kasi sa aking pag obserba ang ibang mga nasa taas na position ng ating gobyero ay wala nagawa puro salita wala sa gawa…yabangan, sisihan at ingitan.Kung ang lahat na ito nabangit ko ay mawala sa kanila siguro maging maganda ang bansa natin.

    Sa atin naman na kapwa mahihirap wag mag asa na lang sa sinasabi na instance money o mga programa na tungkol sa pera.

    Mag trabaho tayo nag tulungan para sa ikabubuti ng ating pamilya wag iasa sa iba dapat kosa tayo gumalaw para hindi naman tayo mahirapan ang mga anak natin ang nahihirapan kung tayo ay patamad-tamad..

    THANK YOU AND GOD BLESS YOU ALL.

  20. Divinagracia Divinagracia

    Bakit natin isisisi sa gobyerno ang nangyari na stampede sa ULTRA? Pag mahirap ba ang isang tao ay gobyerno ba agad ang ating sisihin? Hindi ata tama ang ganoong kalakaran dahil sa mga sandaling sila ay nagniniig, ang mga hiyaw o alulong man lang ay hindi marinig sa kanila. Pero pag kumalampag na ang kanilang sikmura, ang daming tao ang kanilang pinupurwisyo.

    Ang pagiging mahirap ng isang tao ay kagagawan rin niya. Tubong mahirap ako mula sa probinsiya ng Negros Oriental pero di gawain naming ang humihiyaw at mandamay. Sa totoo lang, kapabayaan ng isang indibiduwal kung bakit siya ay naghihirap. Kung di pa niya kayang bumuhay ng isang pamilya, di dapat mandamay siya ng ibang buhay.

    I rather lived of being a spinster rather than to gamble a life in the future. Hanggang di pa ako secure sa aking sarili, di ako papasok sa pag-aasawa. Kulang pa seguro ng edukasyon ang mga kabataan ngayon tungkol sa sex edukasyon na dapat tutukan ng media nang husto dahil ang paglobo ng populasyon ay isang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga mahihirap.

    Gumising ka maruha at tingnan mo ang nangyayari sa ating kapaligiran. Kapabayaan ng mga magulang at irisponsabling mga kabataan ang sumisibol ngayon. Tumulong lang ang WOWOWEE ng pansamantalang tulong pero dapat tumulong din kayong nasa media on how to educate the vast majority of our people to be a responsible citizen of the Republic. Hindi lang yong libog ang palagi nilang pairalin.

    Maghunos dili ka rin sa iyong mga pananalita.

  21. bfronquillo bfronquillo

    Pare ko, kahit ano ang sabihin ng iba, ang trahedya sa Ultra ay bunga ng cut-throat, no-holds-barred COMPETITION FOR RATINGS ng dalawang higanteng TV Stations.

    Negosyo lang iyan at pagpapaligsahan upang makuha ang pinakamarami at pinakamahal na advertizers nang hindi talaga iniisip kung paanong maihahango sa hirap ang milyon-milyong nagugutom na mga Pilipino.

    Nakakaiyak kasi halos kapanabay ng nangyari ay ang balita na bilyon-bilyong salapi ng bayan ang ninanakaw ng mga buktot sa pamahalaan, na dapat ay napunta sa mga mahihirap na magsasaka at sa pagbibigay ng hanapbuhay sa maraming mahihirap at mangmang. Ito ang tunay na sakit o karamdaman at ang nangyari sa Ultra ay isa mga sintomas.

  22. Golum Golum

    Tita Ellen,
    Nakakalunos na trahedya nga ang nangyaring stampede sa ULTRA. Usap-usapan kahit saan. Nais kong ibahagi ang napakinggan ko sa misa kahapon.
    Sa SM Fairvies Annex kami nagsimbang mag-anak. Ang pari na regular na nagmimisa duon ay di ko matandaan ang pangalan. Sa kanyang Homily ( Sermon ), tinalakay nya nag tungkol sa “Hero o Champions” na dinadakila ng mga Pinoy.
    Di sya sang-ayon sa pagbibigay ng importansya bilang Hero o Champion ng tao si Manny Pacquiao. Bakit daw kinikilalang hero si Pacquiao gayong nanununtok, nanakit, nagsusugal? Pahapyaw ding nasaling ang Wowowee dahilan sa trahedya at binibigyang importansya ng mga tao. Dapat daw eh Diyos ang ating Heo at Champion. Di ako pabor sa kanyang mga tinuran.

    Sa ganang akin, tila makitid ang pag-iisip ng paring ito. Walang kwestyon kung ang Diyos ang kinikilalang Hero o kung sino mang diyos na kinilala. subalit, di naman yata tama na ikumpara sa reyalidad ng buhay ang paghanga at pagpupugay sa mga katulad ni manny. o sa mga programa tulad ng wowowee kung bakit ganuon na lamang ang pagtangkilik ng tao. ibang dimensyon kung baga, spiritual at ang ordinaryong kalakaran ng buhay.

    Maaaring maganda ang pamumuhay ng paring ito, kumakain ng maayos, natutulog ng maganda at magaan ang pang araw-araw na pamumuhay. Subalit ang karamihan sa mga tao lalo na yung naghihirap ay minsa’y kumakapit sa mga pangyayari tulad ng paglahok sa wowowee dahil na rin sa pag-asang makaahon o mabiyayaan man lang panandali.

    Ang pagkilala naman natin sa kabayanihan ni Pacquiao ay ang kabutihan nya, sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay naitaguyod nya ang kanyang sarili at pamilya sa pamamagitan ng trabahong alam nya – ang boksing at nakakatulong sya sa mga tao sa pamamagitan ng boksing! Hinangaan natin sya dahil sa kanyang kakayahan.

    Tanong ko lang sa paring yun, ilan ba ang natulungan na nya at yun ba’y taos sa puso nya? Ano ba ang ginagawa ng kanilang hanay upang matulungan ang tao di lamang sa spiritual kundi sa totoong kalakaran ng buhay sa araw-araw? Bago matapos ang misa, nag-alok sya sa mga tao na bumili ng ibinebenta nyang maliit na bagay ng isang santo sa halagang P500. Bigla akong natawa……

  23. R. Cantos R. Cantos

    So sabi ng management tutulungan nila ang lahat ng nadisgrasya sa stampede. well lubus-lubusin na nila sibakin na ang WOWOWEEEE at i-ban ng tuluyan ang aroganteng si Willie Revillame sa ABS-CBN.

    For the sake of delikadesa,MAG-RESIGN KANA WILLY! may masamang senyales yata itong pagbibigay ng pera ng mga TFC subscribers na nanood ng live tila parang ABULOY in advance.

  24. Anino Anino

    Good Day to cvj , juanito, fellow bloggers.

    I am a fan of Net25, in fact i’ve encouraged my 5-year old son to do same. His favorite is Tomorrow Today. They have the best programming on mainstream tv today. Programs like Tomorrow Today, Arts21, Quadriga are among those that should dominate our tv screens. The Germans have one of the most advanced technological know-how.

    Of course, we can expect Net25 to spread their religious thing, and i find it really amusing everytime “Ang Tamang Daan” started attacking “Ang Dating Daan”.

    I’ve been thinking, what if instead of Pinoy Big Brother, a live feed from a classroom of the best University is beamed nationwide? What would be the effect if an ordinary citizen who can’t afford to be in school could be able to watch his one-time favorite subject Physics being discussed? Ambition pa naman sana nya, ay maging engineer-scientists! At sa kabilang network naman ay nakasalang ang diskusyon tungkol sa paniniwala ni Socrates, Giordano Bruno, Leibniz…

    http://en.wikipedia.org/wiki/Bruno%2C_Giordano
    http://en.wikipedia.org/wiki/Gottfried_Wilhelm_Leibnitz

    —————–
    Giordano Bruno was murdered by the Church for having told us the Truth that the Earth is not flat against the dogma that below is Hell and above is Heaven.
    —————–

    Call me KJ, but don’t you think that our lives are already a big drama, hence, watching it on TV is a complete waste of time?

    Our people need to have a different outlook – beyond what it is that they see and experienced everyday… something that would help them think the RIGHT way. Ang pagsusugal o ang umaasa sa anumang raffle o contests ay isang napakababaw na option para umasenso. Ngunit ito lang ang paraan na alam nila.

    This is the reason to my first proposal – Geniocracy. I strongly urge all of you to download this pdf on Geniocracy by clicking http://www.rael.org/download.php?view.6

    Any bloody or bloodless Revolution is fatal if it’s not started with the Revolution of the Mind. Bago tayo tumalon, alamin muna natin kung bakit at saan tayo tatalon.

  25. Ferdinand Ferdinand

    Huwag nating turuang maging tamad ang mamamayan sa pamamagitan ng pagtatayo ng kabuhayan. Generate jobs para hindi umasa ang mga tao sa suwerte…

    FOR :Divinagracia
    Para sa aki na isang TFC subscriber eh walang problema sa populasyon kung may mga trabahong naghihintay sa mga tao…
    Para sa tanong mo kung bakit natin isisisi sa gobyerno ang stampede sa ultra? sagot ko kung ang gobyerno ay may matibay na programa para mabigyan ng trabaho ang ating mga mamamayan hindi sila magpapakapagod, magpapakapuyat at magpapakaginaw para sa tsambahang mabunot ang pangalan nila…

  26. Tata Inlo Tata Inlo

    Talagang nakakalungkot ang pangyayari na ito nuong Sabado sa ULTRA. Mahirap din namang ibagsak ang lahat ng sisi sa ABS-CBN, oo at nangyari ang aksidenteng ito ng dahil sa kanilang show na WOWOWEE, nguni’t dapat din naman natin isaalang-alang na HINDI RIN NAMAN NILA TALAGANG GINUSTO na maganap ito. Isang bagay ang para sa akin ay napakalinaw, kitang-kita natin lahat “ang kahirapan” ng napakarami nating mga kababayan.

  27. cvj cvj

    Anino, thanks for the explanation. I was not aware of the other educational programming that is being shown on Net25. Your suggestion of broadcasting documentaries and learning-oriented programs is an excellent one. I also wish government would sponsor this kind of mass media-based education in a big way. If only more people would take a serious interest in educational matters like you, i’m confident that the Filipino will have a better future. However, not all telenovelas are the same. ‘Jewel in the Palace’, which is also very popular here in Singapore, narrates the history of Korea, it’s people and culture, while at the same time being also entertaining.

    On the concept of ‘Geniocracy’, i’m against selective democracy of any kind, whether based on intelligence, diplomas or economic status. Kung ang masa ay nagkamali sa pagpili kay Erap, ang mga middle class naman (kasama na ako doon) ang nagkamali sa pagsuporta kay GMA. Basic intelligence alone is not a guarantee of good judgement. We also need empathy (pag-malasakit). Despite of what happened in ULTRA, i still believe in the ‘Wisdom of Crowds’ (http://en.wikipedia.org/wiki/The_Wisdom_of_Crowds).

  28. a de brux a de brux

    I’m probably not a modern mother because we’ve only had cable TV this year.

    My children are allowed to watch TV only on Saturday afternoons and they can’t even do it because they have so many extra-curricular activities on Saturday that they don’t have the material time to watch TV anymore.

    My husband and I encourage them to read and read they do – there are already so many horror stories and bad news in the newspapers that they read; seeing them depicted live on TV seems a waste of precious time.

  29. pugak pugak

    Ellen say: …I also believe that ABS-CBN bears responsiblity for the tragedy. It cannot be extinguished by a simple “Hindi namin ginusto ito”.

    TAMA KA ELLEN!

    Nuong nasilayan ko sa TV show(ABS-CBN) nila noong Sunday(the day after the tragedy), BUWISIT NA BUWISIT ako sa tuwing tinatanong nina KRIS,BOY ABUNDA at CRISTY FERMIN si KAWOWOWEE Willie ng : “ANO ANG NARAMDAMAN MO”?

    Ipinapakita nina Kris,Boy at Cristy ang KAISTUPIDUHAN ng mga media practitioner sa ABS-CBN.

    Itong mga taong ito sa MEDIA ang MAPAGSAMANTALA!

  30. pugak pugak

    To R. Cantos:

    >For the sake of delikadesa,MAG-RESIGN KANA WILLY!

    Huwag naman! Hindi lang si Willy ang mawawalan ng trabaho, mag suggest ka na lang ng ala “KAPWA KO,MAHAL KO”

    Sa totoo lang, minsan din ay nakakapanood ako ng noon time show ni Willy.
    NAGTATAKA AKO SA MGA “OVERSEAS PINOYS”, lalo na iyong mga nagdodonate at TFC subscribers, PWEDE NAMAN PALA SILANG MAKALIKOM NG MILYONES pero bakit hindi sila makapag setup ng “FOUNDATION”.
    NAGAGAWA LANG SIGURO ITO NG MGA PINOY SA HARAP NG CAMERA AT I-PUBLISH SA DYARYO,RADYO AT TELEBISYON?

    Meron ba ditong bloggers na makakapag paliwanag tungkol sa “ENDOWMENTS” ng tulad sa Amerika?

  31. Tiago Tiago

    To some point tama si Anino;
    i seldom watch TV because time doesn’t permit. My children watch Discovery Channel and how interesting this channel is and i recommend this to everybody who has time to spare in front of the tube. I read a lot, my favorite passtime along with sports. I grew up watching the original “kabayan” Gerry Geronimo and his “Ating Alamin”. My observation is that it had somehow moulded me into a different person than those who spend time reading comics and watching telenovelas. ‘Geniocracy’ to me, however, is not the answer. It is not even fair. How can one even say it’s democracy if it is selective.

  32. Anino Anino

    cvj,

    Good Day to you.

    Personally, i don’t care if i would qualify to vote in a Geniocratic government for as long as i am to be lead by the most competent leader there is.

    What’s the use of being able to vote when you’re made to choose between an Idiot and a Lesser Idiot?

    To tell you the truth, i am so desperately thinking on what system really would work for us. What system could guarantee that a corrupt incompetent can’t get his ass on any government position. Could you help me on this?

    I have yet to know a true blooded scientist who’s involved in any misdemeanor. Scientists/Inventors have visions – this should be a prequalification on our quest for leaders. We won’t be able to blog here if not for these visionaries. They don’t have the inclination to corrupt. Most of the time, they’re satisfied already by the honor to be appreciated on the beauty of their realized visions.

  33. Anino Anino

    Erratum:

    Should have read…

    “Personally, i don’t care if i would NOT qualify to vote in a Geniocratic government for as long as i am to be lead by the most competent leader there is.”…..

    Tiago,

    Yes, it would look like it’s unfair if you ban others, but what is more unfair is when you see other voters who are willing to accept cash on Election Day and defeat your Competent Candidate?

  34. cvj cvj

    Anino, i appreciate your dilemma which is the dilemma of every Filipino. it’s also good that you have been giving this matter much thought. However, the fact is there is no formula when it comes to who would be the deserving leaders. We already tried the brilliant Ferdinand Marcos (a certified genius), the sincere Cory Aquino, the strategically minded Ramos, the supposedly caring Erap and the technocratic Arroyo with well known results. Intelligence is no guarantee of character, and as we’ve seen in the ULTRA tragedy, good-intentions without competence also kills. The leaders we put up reflect the values of our people so coming up with a leader has to be a joint exercise which we have to refine everytime we make a mistake. One of these days our people will get it right.

    In the meantime, entrusting leadership to technocrats or any intellectual elite is no panacea. It was the technocrats (Virata, Jobo et. al) who went along with the IMF to plunge us into our worst crisis in 1983. In the US, it was the ‘bright boys’ of Kennedy led by Robert Mcnamara, who got the US stuck in Vietnam. During Clinton’s time, Robert Rubin masterfully handled the US Economy, but at the same time, also through the IMF, wrecked Russia’s economy. The Neocon thinkers, who fancy themselves as a chosen elite, engineered the ongoing debacle of Iraq, 180,000 lives and counting. All of these, one could say, are well-intentioned schemes of intelligent men gone horribly wrong. Plato’s ideal of Philosopher King(s) is not for our time.

    Lastly, scientists are not above human flaws as shown very recently by the South Korean cloning pioneer who got caught faking lab results.

  35. pugak pugak

    cvj and anino :
    Heto pa ang isa …
    CHICAGO BOYS

    http://en.wikipedia.org/wiki/Chicago_boys

    Something wrong with the “Philippine System” talaga!

    Kung hindi nga lang namatay si Mao noong 1976 , malamang hindi naparusahan ang GANG OF FOUR at iba ang tinatahak ng kasaysayan ng China sa ngayon.

  36. cvj cvj

    salamat pugak, maswerte talaga ang China na nagkaroon sila
    ng Deng na tinalikuran ang Cultural Revolution. Sabay malas
    naman ang Chile na pinakailaman sila ng Estados Unidos sa
    ngalan ng paglaban kaliwa.

  37. cvj cvj

    ‘…sa ngalan ng paglaban sa kaliwa.’

  38. Anino Anino

    “Lastly, scientists are not above human flaws as shown very recently by the South Korean cloning pioneer who got caught faking lab results.” – cvj

    I expected you to say that. That’s why i use the qualifier “true-blooded” scientist.

    Marcos had the vision to fully industrialized this nation. National Steel Corporation, Cement Plants, paved national roads & highways, Geothermal & Nuclear Energy which was set to operate in 1986! His greatest mistake – Imelda & Cronies!

    Cory was used by the Economic Hitmen to remove Marcos preventing the country from availing the use of cheaper electricity.

    Ramos’ Philippines 2000 vision culminated with a big bang, boom! Barely surviving the Asian Financial Crisis. Kawawa ang sumunod.

    Erap – nakagat ng insekto ang kanang mata. Lahat na ata ng malas, inabot nya. Seriously, he had his own baggage.

    And so we have… i don’t know… i fell sick just… PWEEEEHHHH!

    Excuse me.

    Anyway, of all these immediate past presidents, only Marcos had the Vision and the character to make it happen. Believe me, i’m a hardline anti-marcos and it’s because i was hoping then, that there could be someone better. I was wrong.

    —————————————————-

    Tiago,

    Thanks for the link. With that i was able to read this:

    Verónica Michelle Bachelet Jeria (born September 29, 1951) is a Chilean Socialist politician and the first woman to be elected president of her country. She won the presidency in a runoff election in 2006, facing center-right billionaire businessman and former senator Sebastián Piñera, obtaining 53.5% of the vote. She campaigned on a platform of continuing Chile’s free market policies, while increasing social benefits to help reduce the country’s gap between rich and poor, one of the largest in the world. Her presidency will be inaugurated on March 11, 2006.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Michelle_Bachelet

  39. cvj cvj

    Dr. Hwang Woo-suk http://en.wikipedia.org/wiki/Hwang_Woo-suk was South Korea’s leading authority on cloning. As far as scientists go, he is as “true-blooded” as one could get. Other leading scientists like Pakistan’s AQ Khan (the father of Pakistan’s A-Bomb) was also discovered to have passed on nuclear secrets to North Korea and Iran. Despite their brilliance, they are subject to human flaws just like everyone else. There are probably more good scientists than bad like Einstein or our very own late Raymundo Punongbayan, but how could we tell beforehand?

    If ever a ‘Geniocracy’ would work, it would have been with a Marcos. The fact that it did not shows the limits of such an approach. The 11 Major industries initiative was modeled after the Korean Chaebols, but it degenerated into Crony Capitalism, which to me, is a sign of character failure, both of the President himself and his business associates. Imelda, though colorful was never more than a prop. I don’t buy the idea that she made Marcos any more corrupt than he already was.

  40. Anino Anino

    cvj,

    I appreciate the wealth of information you wrote above. But from the questions that you raised it seems to me that you haven’t read the pdf on its entirety or you have only browse the web page synopsis. All your concerns are absolutely valid, and they are all addressed in that file.

    http://www.rael.org/request.php?6

    Having said that, it’s true that some scientists were used, harassed, coerced, tortured, murdered for the knowledge that they have. And who did these? The Establishment! Most Scientists , i believe, don’t have the financial capacity to produce an A-Bomb, but the Financial Oligarchs. If it’s not Iran today, it will be Syria or North Korea. Men of Science don’t think and behave like this, but people like SillyBush and RascalDick do!

    http://www.larouchepub.com/other/2006/3306iran_showdown_fuse.html

    —-
    I was privileged to have watched the documentary “Dangerous Life” [or Lives?]. On their last moments in the Palace, Marcos, in utmost disgust, threw a glass of wine/water into the face of Imelda. Whether this really did take place, and whatever was the reason, we can only speculate.

    But it’s funny, somehow, when we are made to choose who’s better than whom, when we know that all of them stink!

  41. brigida brigida

    Mam Ellen, kaya kami sumulat sa iyo kaagad dahil masamang masama ang aming loob at nadiscourage kami sa narinig at napanood namin sa TV (TFC Channel) tungkol sa commento ni USec MARIUS CORPUS na “The people were exploited, manipulated and treated like animals” Ganoon ba kababa ang tingin ni MARIUS CORPUS sa mga tao lalo na sa mahihirap na Pilipino?

    Kabayan Corpus, tao ka rin at PILIPINO pa man din. Saan ang kunsensiya mo na husgaan ang mga tao. Masakit pakinggan Kabayan Corpus ang comento mong ito dahil kami rin mahirap. Kaya kami napadpad dito sa Middle East para din makipagsapalaran at humanap ng magandang kinabukasan. Masuwerte ka Cospus dahil mayroon ka, pero kung mahirap ka rin na kagaya ng mga pumila sa ULTRA ay siguro isa ka rin sa mga biktimang nakahandusay doon sa Stampede.

    At isa pa huwag naman sana nating isisi sa ABS-CBN ang mga nagyari sa ULTRA. Kung may kasalanan ang mga organisers (ABS-CBN) ay mayroon din kasalanan ang mga taong pumila dahil hindi sila nakikinig sa dapat pakinggan gaya ng mga security, mga pulis at mga iba pang dapat nilang sundin kagaya ng discipline sa pila.

    Mam Ellen, Saludo kami kay Mr. Eugenio Lopez III, Willie Revillame at lahat ng mga staff ng ABS-CBN because they are all trying their best to give support to those victimized in ULTRA Stampede especially those who lost thier life.

    MARIUS CORPUS manginig ka sa sinabi mo bawiin mo sana dahil marami kang nasagasaan. Pero magsori ka man ay nasabi mo na at narinig na ng buong bansa na ganyan na lang ang tingin mo sa mga mahihirap. Marius, hindi lahat ng araw ay nakatayo ka at maganda ang buhay mo. Think of the future, baka magiging isa karin sa mga sinabihan mo ng “Parang Hayop” Matakot ka sa “Karma” Marius Corpus.

    Lastly, mabuhay ang ABS-CBN lalo na kay Willie at Lopez’s.

    Concerned Filipinos – Abu Dhabi, UAE

  42. cvj cvj

    Anino, thanks for the links, interesting read. We agree on a lot of matters, but i have always believed in the basic equality of all human beings and the corresponding principle of ‘one-person, one-vote’. Inequality and unequal relations is at the heart of our problems and schemes that add to our society’s stratification, no matter how well intentioned, is contrary to the direction i wish to take.

  43. Anino Anino

    cvj,

    I know you’re as busy as most of us here, so allow me this last short note on the matter.

    It’s the ultimate desire of a Geniocratic government to enable everyone to vote, and even beyond that. The first batches of competent leaders that will come out of this will take upon themselves the responsibility to better our lives – food, shelter, education, opportunity. Such that, as time goes by, everybody will reach a level of conciousness much higher than it is today.

    The ‘discrimination’ to vote will only occur on its first stages.

    Anyway, thanks for having an open mind. I appreciate that a lot. Good luck on any endeavor you might take in the future!

  44. cvj cvj

    Anino, thanks and good luck as well.

  45. Mga kababayan, tigilan na natin ang sisihan sa nangyari sa ULTRA Stampede. Nangyari na at wala na tayong magagawa. This is only a sign that most of is forgetting our “Creature” forget to thank and ask for forgiveness. Nakakalimutan na natin siya “Ang tagapagligtas” so he is just giving us a sign to remember him. So my dear kababayan let us unite ang pray together that this tragedy will not happened again. “Mabuhay anf FILIPINO”

  46. santos hernandez santos hernandez

    I would like to first say that I love the Philippines and that I will soon retire there. I am spanish castilla and my wife is filipina for 18 years. I am truly sorry for what happened at the Ultra. The stamped could have been avoided if security and planning was implemented in the first place. The logistics were just not given consideration by the shows operators. How tragic. To those that are left behind to grieve their loved ones who are gone. I can only say that God himself has them in his bosom. The moment they were crushed God opened up the heavens and brought them into the comfort of his arms where they now rest. As I sit here I get frustrated wondering how the shows producers did not anticipate a large influx of crowds to attend. I mean if you have hundreds waiting outside the studio waiting for a chance of winning cash or a home can you imagine at the stadium. Well we did, and look what happened. Untimely death. God Bless those who are grieving those gone. But at least let us believe with some comfort in our hearts and hope in the future that they also will one day be celebrating eternal life with our Lord Jesus and then and only then will the tears disappear.

Leave a Reply