Skip to content

Sampal ng mga obispo

Ay naku, wala talagang pag-asa makakita ng liwanag itong si Gloria Arroyo at ang kanyang mga alagad.

Sabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na wala naman raw kakaiba ang mga sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kanilang pastoral statement na linabas noong Linggo sa pinapairal nila sa Malacañang.

Katulad raw ng No-Election sa 2007. Sinabi ng CBCP ang planong No-Election sa 2007 ay dapat ikansela. Kinikilala ng simbahan na ang kapangyarihan ay nanggagaling sa taumbayan ay pinpahiwatig ng taumbayan ang kanilang kagustuhan sa pamamagitan ng eleksyon.

Sabi ni Ermita, wala pa naman raw paninindigan ang Malacañang tungkol sa No-el sa 2002. Naku po. Ilalagay ba naman ng mga tuta ni Arroyo sa Constitutional Assembly ang No-el kung hindi niya utos? Alam naman nating bribe nila yun sa mga mambabatas para magkaroon ng Charter Change ng akala nila ay sasalba kay Arroyo.

Sampal sa Malacañang ang pastoral statement ng CBCP. Mukhang mas kapa ng mga obispo ngayon ang damdamin ng taumbayan sa pamumuno ni Archbishop Angel Lagdameo kaysa kay Bishop Capalla noon na nagbubulag-bulagan sa mga katiwalian ni Arroyo.

Hindi kumbinsido ang CBCP na lumabas ang katotohanan tungkol sa “Hello Garci” tapes na nagbulgar ng pandaraya na ginawa ni Arroyo kasabwat si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.Hinikayat ng mga obispo ang taumbayan na ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan ayon sa batas at sa Constitution.

Ibig lang sabihin nito hindi naloko ng Malacañang ang mga obispo sa matagal na nilang sinabing nagkaroon ng “closure” na ang isyu pagkatapos pinatay ng mga kaalyado ni Arroyo sa House of Representatives and impeachment complaint. Nang pinalabas nila si Garcillano at nagkalat lalo ng kasinungalingan, sinabi rin ng Malacañang, sarado na raw ang isyu ng Hello Garci tapes.

Mabuti naman ay sinabi ng mga obispo na hindi naman talaga nila hinanap ang katotohahan. Pinilit pa ngang pinagtakpan gamit ang mga institusyon ng pamahalaan. Pinuna rin ng mga obispo ang ibang politico na ginamit lang ang paghahanap ng katotohanan para sumikat at maisulong ang kanilang ambisyon sa pulitika.

Nanindigan rin ang CBCP laban sa Charter Change na sinusulong ni Arroyo at ni House Speaker Jose de Venecia. Akala kasi nitong dalawa, kapag magkaroon ng Charter Change, makakalimutan na ng mga tao ang krimen na ginawa ni Arroyo sa taumbayan.Kung magpalit tayo ng Constitution, sabi ng CBCP ito ay dapat gagawin ng Constitutional Commission.

Sabi ng mga obispo na ayaw nila ng pagpapalit sa pamamagitan ng dahas. Kaya huwag tayong huminto sa pagtulak ng resignation ng mga opisyal ng pamahalaan na hindi na pinagkakatiwalaan.

Published inWeb Links

62 Comments

  1. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    Ang kampon ng demonyo ay ganyan talaga, makapal ang mukha, binulag na ng kadiliman ang kanilang mga mata, pinatigas na sumpa ang kanilang mga puso. Kaya sina Ermita, Bunyeta, Defensor at iba pang mga tuta ni Gloria ay walang kahiya-hiya. Kung magsalita akalo mo ay mabubuting tao. Hindi ba ganyan ang demonyo? Deceiving?? Pustahan tayo, lalo silang kakapit sa kanilang upuan para hindi maalis. Kaya lang hindi nila kakayanin ang pwersa ng bayan sapagkat sila ay kakaladkarin palabas ng Malakanyang. Kaya ikaw Gloriang magnanakaw, sinungaling at mandaraya, umalis ka nang kusa, isama mo mga ang mga tuta mo na nagkakalat ng baho dyan sa Palasyo, ang baho nyo ay naaamoy hanggang sa ibang bansa. Ayaw namin ng mabaho, bulok. Huwag mong hintaying dumanak ang dugo, ayaw din namin mabahiran ng maitim na dugo ang aming mga kamay. Ikaw ay isang pambansang kawatan!!!

  2. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    Ang kampon ng demonyo ay ganyan talaga, makapal ang mukha, binulag na ng kadiliman ang kanilang mga mata, pinatigas na sumpa ang kanilang mga puso. Kaya sina Ermita, Bunyeta, Defensor at iba pang mga tuta ni Gloria ay walang kahiya-hiya. Kung magsalita akalo mo ay mabubuting tao. Hindi ba ganyan ang demonyo? Deceiving?? Pustahan tayo, lalo silang kakapit sa kanilang upuan para hindi maalis. Kaya lang hindi nila kakayanin ang pwersa ng bayan sapagkat sila ay kakaladkarin palabas ng Malakanyang. Kaya ikaw Gloriang magnanakaw, sinungaling at mandaraya, umalis ka nang kusa, isama mo ang mga tuta mo na nagkakalat ng baho dyan sa Palasyo, ang baho nyo ay naaamoy hanggang sa ibang bansa. Ayaw namin ng mabaho, bulok. Huwag mong hintaying dumanak ang dugo, ayaw din namin mabahiran ng maitim na dugo ang aming mga kamay. Ikaw ay isang pambansang kawatan!!!

  3. juanito dela cruz juanito dela cruz

    To the CBCP:
    You do the talking, we do the walking.

  4. jinx jinx

    31 January 2006

    Aw c’mon people, just ask yourself, are we in the dark ages??? atleast people in the dark ages were able to see the light at the end of the tunnel. Here in the Philippines, darkness shrouds the power to be, they cannot even have a glimpse of the light, because their minds and thinking are clouded by the darkness of the night, that befallen their right minds??? After darkness comes the light of the day, are the people in the government will remain to be blinded by the powers that corrupted their minds, if that’s the case, then we are to suffer, unless people starts to reach for the light, the efverlasting light.

    I say this, to the CBCP, please guide your sheperds from the eternal damnation, and lead them to the right path, and we, the shepareds will continue to see the light.

    POWER CORRUPTS THE MINDS OF THE MOST HONEST PERSON IF IT IS ABUSE. That’s the story of the Philippine politics, power corrputs absolutely.

    Jinx

  5. Tedanz Tedanz

    Lahat ang mga kasinungalingan at mga nangyayari ngayon nila Ulikba and Co. ay parang re-play na. Yan din ang style ni Marcos noon. Papano, ang mga taong nakapaligid sa kanya ay mga kampon pa o estudyante pa ni Marcos. Eto na naman, si Ulikba daw ay magbibigay ng 1B sa PNP para ibili ng mga baril, para mag-recruit pa ng maraming pulis … yan ay para may magamit siya sa mga kababayan natin. Hoy pekeng Presidente ni wala ka na ngang eroplanong pang-giyera para protektahan ang aming Bayan na akala mo sa inyo na. Ganon ka na lang bang mag-waldas ng pera. Kung gamitin mo na lang sana sa maganda ang mga pera na yan at pakisuli niyo na rin ang mga hinakot niyo at pati na rin yong hinakot ni Tabako eh di maginhawa ang ating bayan. Mali ang ginagawa niyo kasi Ginang Arroyo, pati pera na hinakot ni Marcos na nai-soli na, saan mo dinala? Kaya kung mayroong mang mga Senators, Congressmen pro-GMA o oposisyon man, na nagkamaling bumisita dito kay Ellen na Blog, pakiusap lang …. magpakatao naman kayo, sana naman isipin niyo kung papano uunlad ang ating Bayan, gawin ang nararapat. Alam namin na karamihan sa inyo ay mga Milyonaryo na … huwag niyo ng dagdagan pa … hindi niyo madadala yan sa inyong pag-panaw. Doon naman tayo pupunta lahat … pero mauna na kayo mga Kampon ng Demonyo.

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kulang ang sampal dapat tadyak at sipa ang kailangan para matauhan ang kapit-tukong pekeng presidente Gloria Arroyo. Sayang lang ang panahon ang pagtatayo ng isang “truth commission”. Walang mangyari dahil ang mga alipores ni Gloria Arroyo ay puro sinungaling, iwas pusoy at arogante. The Catholic bishops are trying to evade responsibility of past mistakes. The past CBCP leadership is partly blamed for the present political mess. In the last 2004 presidential election, the CBCP declared the election was credible without investigating electoral fraud reported by its monitors. They supported lying and cheating Gloria Arroyo and her “preemptive calibrated response” to street protests. Magdalo soldiers, street parliamentarians and political opposition call for her ouster.

  7. edi gil edi gil

    CBCP Double Standard?

    SEN. Miriam Defensor-Santiago has asked the Catholic Bishops Conference of the Philippines to stand on principle and not on personalities as she stressed that it did not call for a closure to the alleged 1992 presidential election fraud.

    “It never works when the carcass of principle is exhumed for public consumption, depending on the discretion of the CBCP. The signs of the times mandate consistency in moral principles,” Santiago said.

    She made the remark after the CBCP, in its recent pastoral statement, denounced the non-closure of some controversies hounding the government, including the alleged involvement of President Macapagal-Arroyo in rigging the results of the May 2004 presidential elections.

    Santiago stressed that there has been no closure to charges of poll fraud against former President Fidel Ramos in 1992.

    “Was the CBCP listening when I submitted before the Supreme Court voluminous proof of cheating during the 1992 elections? There was never any closure because the Court dismissed my electoral protest, on the technicality that I had already won as senator,” Santiago said.
    link: http://www.journal.com.ph/news.asp?pid=2&sid=1&nid=18727&month=1&day=31&year=2006

  8. Spartan Spartan

    Please Mr. Edi Gil, we hope that you would not feel offended if we ask you not to “include” Sen. Miriam Defensor-Santiago’s “grievances” regarding her 1992 defeat against El Tabako…1st of all, the “alleged” cheating on her was not as “clear” as Reyna Gloria’s election “manipulations”. Sen. Santiago don’t have any “Hello Garci tape” that could support her claim. Even with the “wiretapped” conversation of GMA and the “thicked face” Garci, the case against did not prosper, how much more on Sen. Santiago’s case? So, please her “story” is just another attempt to “distract” the public’s attention to the SUDDEN “brave awakening” of the CBCP. I am sorry, but I lost my “appetite of support” to Sen. Santiago since she appeared on television (laughing like the JOKER) “proudly admitting that SHE was just lying when she said that she’ll jump-out from an airplane”.
    Then she now “revived” her “taken for dead” political career by becoming a GMA “puppet”.

  9. pugak pugak

    Tama si Diego K. Guerrero

    “In the last 2004 presidential election, the CBCP declared the election was credible without investigating electoral fraud reported by its monitors.”

    –ano ba ang ibig sabihin nito?

    ALAM NA NG CBCP NA ANG DAPAT MANALO AY SI GMA AT HINDI SI FPJ
    🙂

    I guess it was part of the spiels by the CBCP to recognized GMA as the winner of 2004 election.

  10. Golum Golum

    Tita Ellen,
    Nagigising na kaya ang CBCP at ang buong Kaparian sa Pilipinas sa mga kabuktutang nangyayari sa Pilipinas? Ewan ko pero, tila mayroong iilang pari na totoong nagmamalasakit sa tao. Marahil, kapag interes na nila ang natatapakan aangal na rin sila at di na magbubulag-bulagan. Kung talagang tapat sila sa pagtuligsa sa kabuktutan ni Gloria, lantaran silang humarap at hilingin ang pagbaba niya sa pwesto. Susuportahan sila ng tao. Sana ang mga pari at madre ay magkaisa rin na tulungan ang taong bayan na naghihirap. Pulos biyaya ang natatanggap nila, tuwing misa ay may offer ( in kind an in cash ), sanay maipamahagi sa mga taong nagangailangan. Patuloy pa rin ba silang nagpapadala ng ambag sa Vatican? Maaari silang gumawa ng mga negosyo na makakapagbigay trabaho sa tao at makapagbayad din sila ng tax. Yun bang kita nila sa kasal, libing, binyag, blessing, misa etc ay napapatawan din ng tax? sana samasama tayong magbayad ng tax. pati yung mga school at malalawak na lupain ng simbahan ay mag-ambag din ng tax. Yung pari sa aming parokya sa Caloocan, wala ring inisip kundi pera. Ayaw magmisa sa aming subdivision chapel nung simbang gabi kungdi babayaran ang mass fee na sobrang laki. pati mga religious group eh ayaw na sa paring yun. kanino ba pwedeng mag reklamo sa ganitong klaseng pari.
    Para ke Ermita, Defensor at Bunye… mga tuta ni Gloria, darating din ang araw nila na sisingilin din sila ng langit. si Ermita, na naturingan kapwa ko Batanguenyo pa naman ay isinusuka na sa Batangas. Ikinahihiya namin yung mama, dahil lantaran ang mga katiwalian ni Gloria, sunod aso pa rin sya. Pareho sila ni Nani Perez. Marahil, sangkaterbang biyaya ang natatanggap nya mula ke Glo. Di kataka-taka na namamayagpag ang jueteng sa Batangas, me Sanchez, Nani at Ermita pa…
    Si Defensor… sayang ang batang to. Nung konsehal pa lamang yan sa QC, parang idealistic yan… Nang magkapwesto ng mataas-taas, kinain na rin ng sistema at lumabas ang tunay na kulay ng buto. Bunye…. mapait ng magbunyi sa malapit nyang wakas…. wala kang maaasahang katotohanan sa mga pinagngangangawa ng taong to.
    Ke Gloria….. malapit na…

  11. goldenlion goldenlion

    Sabi ko nga sa mga nakaraan kong messages na ang ang mga Bishops ay may kasalanan din sa tao, dahil matagal nilang binigyan ng proteksyon si Donya Gloriang sinungaling, magnanakaw at mandaraya. Salamat naman at medyo nagigising na sila, naliliwanagan na nag kanilang isipan na matagal din namang nalukuban ng kadiliman. Ang isa pang hinihintay kong maglabas ng statemetn ay ang Iglesia ni Cristo. alam ng lahat na ang INC ay sumuporta kay Sinungaling noong nakaraang eleksyon. Sabagay, hindi naman sila nagsasalita upang proteksiyunan si Mandaraya. Ka Erdie, ilaglag nyo na si Magnanakaw dahil iyan ang sigaw ng bayan. lahat ng mga taong nagpagamit kay Sinungaling dahil sa pera ay hahtulan ng bayan: FVR, JDV, Ermita, Bunyeta, Defensor (nakakagigil itong batang ito, asan na ang mga kinidnap mo-sina Mauwanay?) Gonsalez y Gonsales, Nani Perez, si Wycoco sana kasama din eh, kaso nauna na, huwag kalimutan si Mr. Noted Man Pangilinan, aba! huwag nyong sabihin wala itong kasalanan, lahat ng Congressmen na nagpabayad sa impeachment (akala nyo makakalimutan namin iyon?), big Fafa Mike, sus!, isama na rin ang kanyang mga amores na nagpapasasa sa pera ng bayan…..lagot kayo!!! malapit na ang anihan!

  12. goldenlion goldenlion

    at ito pa, akala mo Garci nakalimutan kita, ha!! neknek mo, si jocjoc bolante (bakit ba itong lalaking ito ay jocelyn ang pangalan?)at ang mga generals na laging kumukolekta ng pera sa malacanang…..ha!, abalos, isa ka pa, tingnan natin kung anong gagawin nyo pagdating ng anihan. Malapit na!!!!

  13. si gma at pare ay pareho ng kulay yan itim ang
    budhi sorry wala na ako bilib sa pare dahil isa
    sila sa mga dahilan na maraming nagugutom sa pilipinas. bakit hinde sila tumitingin sa paligid nila
    marami silang makikita kase po nakapokus ang isip
    nila sa pulitika!!!!! ipokrito kayo.

  14. Luzviminda Luzviminda

    I believe that there is new hope with the new leadership of Archbishop Angel Lagdameo in the CBCP. Sana hindi sya ‘mabulag’ katulad ng nauna sa kanya na si Capalla (kapal ng mukha nitong bishop na ito) Sana the archbishop will live up to his name…’ANGEL’…and next time echo the people’s cry… that GMA should STEP DOWN!!!

  15. batong-buhay batong-buhay

    Everytime the religious leaders open their mouths, I am always reminded of a biblical verse that goes like this: Jesus replied, “Isaiah was right when he prophesied about you hypocrites; as it is written: “These people honor me with their lips, but their hearts are far from me. They worship me in vain; their teachings are but rules taught by men. You have let go of the commands of God and are holding on to the traditions of men.”

  16. goldenlion goldenlion

    Yes!, you’re right Batong Buhay. Paisantabi po sa mga Katoliko, pero bakit lahat ng activities nyo ay traditions hindi mababasa sa Biblia? Lahat ay turo lang ng tao. Ang paghahanda sa fiesta, ang mga fluvial parades( iyon bang prusisyon sa ilog o dagat,lagi naman me nagbubuwis ng buhay) at iba pang paggunita sa mga santo, tanungin nyong mabuti ang mga bishops at pari kung anong magagawa ng mga iyan sa inyong kaluluwa? Wala!! Si donya Sinungaling, Mandaraya at Magnanakaw nakapikit pa kung magdasal….binasbasan pa ng Sin(ful) Cardinal, anong ginagawa ngayon? Binababoy ang ating constitution, gumagamit ng dahas para itaboy ang ayaw sa kanya. Tama ba iyon??

  17. romeo romeo

    jocjoc where are you? yahooo.. nasaan ka na? magkaroon man ng imbestigasyon ang senado dito sa dyokdyok na to. wala ring sasabihin yan. trend na sa mga opisyal ng gobyerno na nasasalang sa imbestigasyon ang hindi magsalita o EO lang ang katapat. baka nga nagpaparamihan pa yan ng puntos kung ilan ang mapipikon sa mga nagtatanong.. he he he. pinoy oh pinoy.. ipakita mo sa mundo…. ok lang sa ‘yo ang ginaganito… pinoy oh pinoy..

  18. jinx jinx

    01 February 2006

    Kaya nga ang name nya e jocjoc, pulos joke ang nasa utak, joke-joke only, hahahahahahahahahaha, buset, O jokejoke!!!where are you, come out come out where-ever you are, yuhooooooo ayaw pa lumabas ng demonyo, para maparusahan na, hehehehehehehehe………

    jinx

  19. jinx jinx

    02 February 2006

    Madam

    Hindi lang halatang may tinatago, mas maliwanag pa sa sikat ng araw, tagus-tagusan na nga e, hehehehehe….. kaya si LEPRECHAUN ayun nanginginig na, hindi na malaman ang kanyang gagawin, ayaw pakawalan ang kanyang pot of gold (na ninakaw sa kapwa magnanakaw) hehehehehehe…..

    Oh joke-joke, come out, come out wherever you are, yuhooooooo.NYEEEE!!!!! lumabas ang moomooooo, waaaaaaa
    Nakakatakot,hehehehehehe…

    jinx

Leave a Reply