Kahindik-hindik ang nangyari kay Asria Samad Abdul, 34 taong gulang na overseas foreign worker (OFW) sa Kuwait.
Ayun sa report, nakita ang bangkay ni Asria, na tubong Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao, sa disyerto ng Kabd na maraming saksak. Mukhang tinurture muna siya tapos sinagassan ng kotse para kunwari namatay siya dahil nasagasaan.
Nahuli na raw ang mag-asawang criminal. Egyptian daw.
Ang isa namang OFW, si Norhaisa Nasa Andao, 32 taong gulang ay sinaksak ng kanyang asawang Egyptian ng 31 beses sa loob ng beauty parlor sa Kuwait din. Siyempre patay.
Gusto raw kasing humiwalay na si Andao dahil palagi siya sinasaktan ng kanyang asawa.
Ang ganitong kuwento ng ating mga kababayang OFW ay hindi na bago. Ngunit nagsasapalaran pa rin ang marami nating kababayan sa ibang bansa.
Sa aming baryo, nalulungkot ako makita ang mga kababaihan na umaalis, ang karamihan may mga malili-it na mga anak, para mga trabahong domestic helper sa ibang bansa.
Sana naman maiba na rin an gating kapalaran.
***
Ito naman ay sulat galing kay Rodolfo Alvero. Hindi ko masyadong alam ang patakaran sa NBI. Baka may gusting sumagot sa kanyang mga tinatanong.
Sabi ni Alberto: “Andito po ako sa Qatar at halos 20 taon na ako dito. Walang nangyayari sa buhay ko dito, walang ipon ika nga. Nawalan ako ng trabaho at kailangan magpalit ng sponsor kaso kelangan ko uli ng NBI clearance. Meron ako pero expired na last January 2010.
“Kelangan ko i-renew kaya nagpunta ako sa Phil Embassy dito at sinabi doon na ipadala ko ang luma ko sa Pilipinas na may kasamang dalawang authorization letter. Ang isa ay para sa NBI clearance at ang isa para sa red ribbon sa Foreign Affairs.
“Ang tanong ko lang ano ang silbi ng Emabassy dito kung pag lahat ng kelangan namin para sa NBI ay sa Pilipinas pa kukunin? Paano yung mga walang kamag-anak na mauutusan o kaya nsa malayong probinsya?
“ Ang ibang embassy dito (Indian, Nepal, Bangladesh) lahat ay nakukuha nila sa embassy nila. Bakit po kaya ganun? Ano kaya ang kulang sa embassy ng Pinas at kelangan pang dalhin sa Pilipinas ang mga dukomento? Kahit bago o renewal ay sa Pilipinas pa ang processing.
Magbabayad pa kami sa courier (DHL) para makarating ito sa Pinas.
“Isa pa po . May dalawang taon na akong di nakakauwi. Paano nila i-bi-verify ang record ko doon samantalang nandito ako sa Qatar.”
Rodolfo, ipu-forward ko ang iyong sulat sa DFA at sa Ople Center. Ang DFA dapat masasagot nila ang iyong mga taong.
Ang Ople Center ay isang non-government na grupo na tumutulong sa mga OFW.
Tingnan natin kung sino sa kanila ang makakatulong sa iyong problema.
Dahil sa sinabi ni PNoy na tayo ang Boss nya, utusan natin si PNoy na utusan si DFA Sec. Romulo na ayusin ang problema ni Rodolfo Alvero sa lalong madaling panahon.
isa na namang biktima ng corruption sa gobyerno
Ito ang dapat pagtuunan ni Romulo ng pansin at hindi yung politika. Sipsip lang ng sipsip!
Napakaraming problema ng mga kapwa ko OFW kabilang na dito ang sa kapatid kong babae na nagkusang magpadeport noong Pebrero, taong kasalukuyan. Ginawa niya ang hakbang na ito sapagkat ilang taon na ang nakalilipas, tanda ko pa Oktubre 25, 2005, araw ng kamatayan ng aming tatay, ang kanyang bag na naglalaman ng perang pambili namin ng tiket upang umuwi at makita’t makapiling sa huling pagkakataon kahit labi man lamang ng aming ama ay inagaw ng katutubong Arabo sa harap mismo ng kanyang tinutuluyang bahay sa Khalid Bin Waleed St., Sharafiah District, Jeddah, Saudi Arabia habang hinihintay ang kanilang service patungo sa dress shop na kanyang pinapasukan.
Ini-report niya sa pulis ang pangyayari subalit wala ring napabalik sa kanya kahit anong dokumento, kahit ‘yung passport, wala. Humingi siya ng tulong sa kakilalang Arabo at gamit ang police report ay naisyuhan siya ng panibagong Iqama.
Ipinasya niyang umuwi na at magpahinga sa piling kanyang mga anak na hindi niya nakapiling sa loob ng mahigit binlimang taon walang uwian sapagkat siya lamang ang tumutustos sa lahat ng kanilang pangangailangan dahil ang kanyang asawa ay sakitin na nakuha sa pagtatrabaho din dito sa Saudi Arabia. Nag-aral at nakatapos ang kanyang tatlong anak sa tulong ng scholarship ng Meralco Foundation at awa ng Diyos ay mayroon ng mga trabaho.
Ihiningi ko na ng tulong ang kasong ito sa tanggapan ni G. Mar Roxas na tulad noong una, ay DAGLI silang tumugon at inilapit na sa DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA).
Ito ay nalathala din sa Usapang OFW ng Abante Tonite, July 18, 2010 issue.
Akala n’yo, sa kabila ng mga kakulitan at kalokohan ko dito sa ET ay wala akong pinagdadaanan?
ET is also my second home kaya palagi ako dito.
Ang kapatid ko na nagngangalang Raymunda Rivera Duran ay kasalukuyang nasa Deportation Center sa Jeddah Saudi Arabia at wala na kaming balita tungkol sa kanya mula noong kusa niyang isuko ang sarili dahil nga wala na siyang passport na magagamit pauwi. Mahina na din ang kanyang katawan bunga ng mahabang panahong walang tigil na pagtatrabaho para sa kanyang mga anak na siya lamang ang tanging inaasahan.
Palakpakan kaya siya ng mga nasa pamahalaan at ipagbunyi bilang bagong bayani? Bigyang pansin kaya nila ang sakripisyo ng isang ina para sa kinabukasan ng kanyang mga anak at tulungan sa pagkakataong ito upang makauwi at makapiling ang pamilya?
Sino ba ang tunay na may pangangailangan kanino?
Kami bang mga OFW o silang mga nasa gobyerno?
Pambihira!
Hanggang ngayon “Under Construction” pa rin ang Office of the President website?
Bakit?
http://www.abante-tonite.com/issue/july1810/public_ofw.htm
Galing kay Homer:
Sa nabasa ko ngaun (July 21) column nyo sa Abante, hinde ako makatiis na hinde e share ang mga observations ko tungkol sa buhay buhay ng mga OFW na isa ako dun. You wont believe it pero I have spent half of my life as OFW. My current location is Saudi Arabia. I been to Bahrain and Singapore as OFW also.
Tungkol dito sa mga babaeng kabayan natin na napapahamak, all I can say is I pity them. Pero sana naman nag iingat sila. Alam nyo observation ko kahit sa Bahrain o sa Singapore man, hindi ko maisip at nahihiya ako sa mga Pinay na karay karay ng ibang lahi. Like sa Singapore, every Sunday, sa Orchard Road, sa Lucky Plaza, mga kabayan na pumapatol sa Indiano o kaya Bangladesh.
Alam mo ba na (forgive me for saying these) mababa ang tingin ng kapwa Pinoy sa mga lahing eto, kasi they are mostly laborers. I don’t know kung pag ibig nga o convenience lang.
Sa Bahrain naman, alam nila delikado ang makipag relasyon, sige pa rin. Ke sa Arabo, sa Bahraini o ibang lahi. Akala nila these people can give them better lives.
Ang pinaka masaklap, ( forgive me for saying these) pero bakit pa sa Egyptian sila pumatol. If you ask most Pinoys, they hate Egyptians, Palestinians, Lebanese. Ang sasama ng ugali nitong mga eto. Kung etong mga lahing eto ang middle managers, esp sa mga resto o fast food o construction, expect na magiging mahirap ang buhay ng mga tauhan nila. Why I can say this, kwento ng maraming kabayan natin. I experienced pang lalait ng Palestinians, arrogance ng Egyptians, at Lebanese panloloko.
Dito po sa Al-Khobar, on certain thursdays and fridays, pumupunta mga embassy staff to process mga consulate embassy matters para sa mga kabayan natin.
Last Thursday, yung officemate ko, pumila para mag renew ng passport. Alam nyo ba na gabi pa lang ng Wednesday, me mga nakapila na para maaga makatapos. At alam nyo naman na etong mga buwan ng June, July, Aug & Sept ang mga hottest months of the year dito. Ngayun lang umaabot lampas 40 deg. C ang temperature.
Gusto nga e video yung napakahabang pila at ipadala sa mga tv stations dyan para magising DFA.
Salamat po sa pag basa nyo ng mahaba kong sulat. Hayaan nyo every now and then susulat ako sa mga concerns ng mga kabayan dito sa Saudi.
From Rey Arcilla:
Tungkol po dun sa Pinoy OFW na hinihingan ng NBI Clearance. Hindi na yata kailangan dahil di pa naman expired ang kanyang passport. His transfer to another company does not need NBI clearance, only a “Demand Letter” asking for his old company to transfer all his documents to the new company.
Totoo yan Homer marami ang nakipagsapalaran maiangat lang ng kaunti ang pamumuhay subalit hindi lahat ay pinalad.karamihan ay illegal na umalis o naloko ng agency walang mga employer nanaghihintay naestranded sa mga embassy ayaw namang umuwi dahil puno ng utang gawa ng mga placement fee.
Sa Hongkong ng mag stopover ang sinakyan kong eroplano maynakilala akong babae dun,15days na raw siya sa loob ng airport babalik raw sana siya ng netherlands pero ang sinakyan nyang eroplano ay hanggang Hongkong lang (meron ba nun?!)Lagi siyang nakikiusap sa mga staff dun na pasakayin siya ng eroplano sa kanyang pupuntahan,subalit puro naraw fully book lahat ng eroplano pinaghintay siya ng pinaghintay Naaawa ako dahil umaasa nalang siya sa mga bigay ng mga kababayan na nagstopover din dun,ano na kaya ang nangyari sa kanya ngayon.
Bayani ng bayan? siguro pagnag uwi ka ng maraming dolyar!pero subukan mong magkaproblema makupad pa sa pagong kung rumesponde.Isa pa nakakata cute pagnagrenew ka ng papeles lalo na pagkailangan ng special power of atty.Gaya nitong kaibigan ko.May anak siya sa pagkadalaga nung 4yr.old kinuha nya using tourist visa.Pagdating dito sa Japan inadopt nang asawa nya so bale Jap.citizen na sana anak nya,tumira dito ang bata almost 5 yrs.dahil dito na nga nakapag aral ng elementary, minaltrato ng mga biyenan nya kaya inuwi nalang nya sa pinas.Ngayon 15yr.old na at gusto nya namang kunin ulit.Nakumpleto na lahat ng papeles na kakailanganin dito naisubmit na sa Japan embassy sa pinas at nareleased na nga ang Student Visa ng bata.Subalit hindi inisyuhan ng DFA ng panibagong passport dahil kailangan pa raw ng special power of attorney.Kung saan-saang abogado o embassy na siya nagtatawag.kaya pinayuhan ko nalang na hintayin nalang niya na mag 18 ang anak niya dahil pwede na siya mamili ng citizenship eh.pag ipursige mo yan ngayon,tiyak iipitin lang yan at piperahan kalang ng mga buwaya dyan.
Habang ang mga kinauukulan ay walang ginagawa kundi puro ningas kugon sa pagtugon sa aming karaingan ay hindi matatapos ang exodus ng mga mangingibang bayan upang humanap ng maayos na trabahong pagkukunan ng ikabubuhay.
Nakapaghalal na tayo ng pangulong nangako ng pagbabago. Hindi man matupad sa malapit na hinaharap ang kanyang mga plataporma, sana naman ay bigyang pansin ng kanyang pamunuan at hinaing ng mga katulad naming hindi ginustong kusa ang lumayo sa sariling bayan sapagkat hindi namin kayang makitang nagugutom ang aming mahal sa buhay.
Kung mayroon sanang maayos na hanapbuhay na maaaring pagkunan ng panustos sa pang-araw araw na pangangailangan, hindi na siguro namin kailangang lumayo upang mamasukan.
gusto ko lang malaman ano nga bang silbe nitong embahada at owwa? wala akong nakikitang naitulong ng mga ito sa mga ofw.
Magaling lang kung kokolekta sila ng pera o kaya naman pag may kaharap na camera magaganda ang sinasabi nila na akala mo totoo.
Isa nalang problema ng ofw,,bakit pag namatay ang isang ofw at embahada ang mag aasikaso o ang owwa tumagal pa ng halos isang buwan bago maipauwi,siguro sasabihin nila maarami pang papeles na nilalakad kaya di pa napapauwi. Ganun nga kaya o hindi lang sila kumikilos dahil walang pera.
July 22 dumating sa pinas ang bangkay ng isang babae na galing sa UAE nasagasaan sya sa UAE at minalas na nasawing palad. pamangkinn sya ng kasamahan ko dito sa saudi. Humingi ng tulong ang kamag anak para daw maipauwi agad ang bangkay dahil mas madali daw maipapauwi kung may pera. Yun ang sabi ng owwa nagpunta sila dun. Isang linggo lang ng mamatay sya ay naipauwi na.salamat naman.
Last july 7 isang pamilya naman ang nasawi sa isang aksidente dito sa al hassa gawa ng isang arabong balasubas magmaneho. Katabing kumpanya namin ang mga nasawing lalake ,isang linggo lang din simula ng maaksidente sila ay nilakag ng kumpanya ang kanilang papeles at ngayon nag hinihintay nalang ay booking, ganun kabilis pag kumpanya ang naglalakad ng papeles,pero bakit pag owwa halos maaagnas na yata ang bangkay ay di pa napapauwi ,,kung may pera na donation ng mga tao naaayos naman,ano ba talaga ang kapakinabangan ng ahensyan ito sa mga naghihirap nating mga kababayan?