Presidential Briefing/President Noynoy Aquino/July 7,2010
Aurea Calica: Sir, wala po bang effort to dineny yung meeting? Kasi kanina nung tinatanong naming sya (Cito Lorenzo), hindi daw nya alam.
P-Noy: Kasi nung nagkita naman kami, parang hi and hello. Di naman ako sigurado kung may goodbye. It was a party. We didn’t go to a secluded location and he was in the midst of the crowd. And I guess I didn’t tell other people,mga kasamahan ko, kasi pakiramdam ko lagi ko naman kayong kasama so wala naman kaming tinatago nun. So, yung mga wala dun siguro ang hindi alam na nagkausap kami kahit bahagya.
Manila Shinbum: Does this mean na yung other officials who allegedly knew about this in the past administration, are you also encouraging them if ever to come out become possible state witnesses like Mr. Neri?
P-Noy: That is an accepted practice. When there’s a conspiracy, there’s always the person with the least guilt that can help you with the prosecution can be afforded with the privilege of being a state witness. In the interest of the country, there are objectives that have to be met. There would be laws and rules that would be adhered to because we want to be a system. You would also need witnesses to prove allegations and assertions to determine the truth. So, matagal na hong practice na those with the least guilt in a particular crime are given the opportunity in the interests of meeting out justice.
Bombo Radyo: After your fellowship with your partymates in the Liberal Party, have you gotten any word or assurance that the House Speakership or the Senate Presidency is in the bag already or was that your marching orders to secure those leaderships?
P-Noy: Wala naman kaming marching orders sa party namin. Ang party po naming ay may consensus. May consultations ho dun, meron hong ilan na nagpasok ng kanilang parochial concerns. Pero kaunti lang ho, mga isa o dalawa. Inadvice tayo sa status ng kanilang campaign for the Speakership and the Senate Presidency. I think it would not be right for me to reveal all the contents of those discussions because I am merely a recipient. Mukha namang maganda ang mga discussion.
Bombo Radyo: How will you take a Manny Villar Senate Presidency?
P-Noy: Kung yun ang gugustuhin ng mga members of the Senate, then I’ll have to learn to live with it.
Christian Esguerra of Philippine Daily Inquirer: In the event that Manny Villar snatches the Senate Presidency from the front-runner, si Kiko Pangilinan, how would you describe your working relationship your administration will have with the Senate?
P-Noy: I would to think that whatever we will propose to them, as well as the bills that may emanate from both Chambers, will have the interest of the common good. If that doesn’t happen, we’re quipped by the Constitution with relevant powers to make sure that the common good will prevail rather than personal interests.
Christian Esguerra of Philippine Daily Inquirer: You’re hoping that this may not result in a political deadlock?
P-Noy: kaming lahat naman sa lehillastura, sinasanay kung paano mang-compromise para walang deadlocks. So, hahabulin po natin dito, kung ang mungkahi naman ay maganda, hindi na ho natin tatanggihan ang mungkahing maganda.
Bandera: You mentioned in your speech the word “Wala ng GMA”. Can you expound on this sir?
P-Noy: I would like to think that our governance will be, if not the total opposite, will be very, very opposite to the past government for the last nine and a half years. Yung walang GMA, in the sense that we want the governance to be just that. That is precise. For example, in the legislature, kaming mga naging miyembro ng opposisyon, pare-pareho kaming naging miyembro ng Lehilastura, pero may trato sa kaibigan at may trato sa kalaban. In my case, Senator Escudero’s case, Senator Roxas’ case, talagang damang-dama naming kung paano maapi. Yung constituency naming ay parang hindi na Filipino. Dine-deprive kami ng mga resources na ipinagkakaloob sa iba. Ang masakit nga ho dun, yung ipinagkakalooban ng iba e talagang lamang na lamang ho talaga sila dahil pinanindigan naming yung sa tingin naming kung ano ang tama. Ang plano ho namin, pati na rin ho sa nagoopose sa amin, kung may issue kami politically with each other, the constituents would not be the one made to suffer. A democracy really has to be an exchange of ideas between opposing camps to come up with a better idea.
Philippine Star: Some of your allies want to cut the pork barrel in half. Are you supporting this?
P-Noy: Some of my allies were asked on what to do to trim the budget deficit and some of them suggested na bakit hindi natin bawasan ang pork barrel? Well, kung ibibigay nila sa akin yun, yung P340B na budget deficit, thank you. The starting figure is no joke. But at the same time, kung kaya naman naming masabi sa kanila na kung kailangan ng constituents nyo, masisigurado naman naming na madedeliver yun. Used equally, the pork barrel can be an equalizer to the local government units.
Philippine Star: In short, the pork stays?
P-Noy: Yung figure, we’re still studying the budget. In the briefing prior to our assumption to office, my economic and finance teams were telling me that the amount of releases to the budget are about 60%. Medyo significantly above 60%. The explanation was most of it went to personal services na inaadvance pala yung mga releases. Yung problema dyan, the calamity fund as an example, over 50% yung nagasatos dahil pinuno yung nagastos last year. Ang problema dito ay karamihan ng mga bagyo ay parating pa lang. Bago tayo gumastos, i-check muna natin kung ano ang mga obligasyon natin, ano yung mga natitira dyan na pang-gastos tapos determine natin kung ano ba ang pinaka-magandang paraan na gugulin yung natitirang pwedeng gastusin.
DZRH: Sir, based on your statement, ito ang isa sa mga recommendation ni Congressman Tañda, may chance ba kayo na i-consult ito (Pork Barrel) sa ibang members ng Liberal Party during the seminar sa Tagaytay?
P-Noy: I think they will come up with a consensus because we have a regular caucus, then they said their consensus to me.
DZRH: So far sir, your stand is the equal distribution of the pork barrel, whatever party affiliation you belong?
P-Noy: Yes. Everybody is entitled to the Pork Barrel and when we say everybody, we mean the constituents. Nobody will be deprived of that. Now, as to what the just share is, that has to be determined.
Radyo ng Bayan: May urgent appeal talaga from government employees to remove Winston Garcia from GSIS. When do we expect this sir?
P-Noy: Actually, we’re discussing with the search committee about the matter. We’re still asking the proposed Chairman if he’s ready to accept the nomination and we’re almost done with the President and the General Manager.
NBN: Clarification lang po sir. Would you still appoint a Press Secretary or would you stick with the communications group and kelan po natin maipro-proclaim ang mauupo sa communications group?
P-Noy: I gave myself until the end of this week to form the communications group who would appoint the Press Secretary. Yung Press Secretary would be one of the wings under the communications group and handles primarily your needs. But this would also be the arm for the feedback mechanism and the information bureau. In short, this is communications in its totality.
Inquirer.net: Sir, yung kay Binay and his request to have an official residence, do you approve of it sir?
P-Noy: Hindi nya nasabi at hindi nya naulit. Kung yun ang request nya, I would find myself in an awkward position because I can’t speak for VP Binay. But if he believes there is such a need, I’ll support that move.
Note: NBN’s broadcast became inaudible and ANC’s broadcasters voiced over the press-briefing of the President. After a couple of minutes, the broadcast of NBN normalized.
Aileen India (NSK): Sir what’s the strategy how do you intend to bring the Philippines back on the radar in attracting investors?
P-Noy: The Japanese Chamber of Commerce in the Philippines– may mga rekalamo sila na inilista at matagal tagal na po nilang nirereklamo, tulad po ng kakulangan sa infrastructure at hindi naman mahirap intindihin yun, kunyari ay mag-iinvest ka sa Southern Tagalog, basta nag-isip ka ng byahe sa highway klaro sayo miski anong oras ng araw o gabi matatrapik ka. Sa Hapon po napaka importante ng “just in time delivery”. Paano mo gagawin yun kung kulang nga ang kalsada para makatakbo ka sa maayos na panahon. Dito na lang nga ho, yung mga inprastraktura—meron hong nagtatanong sa akin kung bakit ako nalalate, kung minsan ho talaga hindi maiiwasan dahil talaga naman pong yung mga sasakyan—nung ako po’y nag-aaral (sabagay ilang dekada lang naman po ang lumipas nun) pero tumatakbo parin ho. Yung unang unang model ng Japanese car manufacture sa Pilipinas ay tumatakbo parin sa kalsada natin at hindi iilan. Sa atin ho yata hangga’t kayang buhayin ang sasakyan ay tatakbo. Pero yung kalsada po natin ay hindi naman pwedeng sabayan yung volume. Naaalala po natin yung makina sa Edsa na nagmomonitor ng polusyon. Ganoon katindi ang trapik. But anyway, balikan natin yung tanong, so kulang sa inprastraktura, yung pabago bagong polisiya, yung bureaucratic red tape. Ako nagulat nang kunyari kayo ay magtatayo ng negosyo, susubmit niyo yung mga dokyumento niyo, i-eevaluate, siguro mga dalawa o tatlong araw lang ay matutuwa na tayo na matapos yung lahat ng mga sanitary inspector, electrical engineer, pero nagulat ho ako isa sa most re-efficiently at nagkaroon pa ng awards sa NCR, yung nag process ng kanilang requirements, pinagmamalaki nila 27 days. So about a month, so kung kayo ay nagtatayo ng negosyo at inakit akit natin dito, pagdating dito minimum one month, pero swerte ka na nun, yung iba nga 3 months pa eh. So yung gastusin po ninyo na hindi nyo maumpisahan yung iyong negosyo ay talagang major factor na pumunta kayo sa ibang bansa. So ang punto ng mga sinasabi ko sa inyo, yung mga hinihingi po nila yung mga obligasyon naman talaga ng Gobyerno eh. So paano natin aakitin—ipakita po natin na friendly tayo sa negosyante whether foreign or domestic. Padadaliin nila buhay nila dahil ang pakay natin ay magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan. Tapos yung pabago bagong polisiya napakalaki ho talagang balakid nun. May feasibility study ka – ito mga patakaran, ito mga gastusin na involved, etc. pwedeng mag-invest dyan, kikita. Pagdating dito binago lahat ng patakaran, tapos lahat ng competitions mo. Hindi mo mai-commit sa stock holders mo kung kailan ka kikita. At isa nga ho sa nakausap ko noong kampanya, inakit sila, may tax incentives, nung naitayo na yung planta bilyon ang inabot binago yung schema, biglang nawala yung incentives nila, ipinaglaban po nila sa korte natin 10 taon. Nung nanalo sila nagbago na yung tax regime na tinatawag. Binalik sa kanila yung incentives na wala na pong silbi. So pag umuwi sila sa sariling bansa nila “ is it good to do business in the Philippines?” ang sasabihin nya “wag kayong magkamali”. So yun ang aayusin natin. Yun yung pang-akit. Tapos marami naman tayong God given benefits tska yung ating mga kababayan. Yung English proficiency for the BPO’s is a major plus. Yung educational ambition of all families is a major plus. Yung resources na given to us by God again are major pluses. So it’s just a question, not making it even much easier. Tratuhin lang natin ng tama itong mga tumutulong sa atin.
Reporter: Sir just a follow up. Still on the economy, on the Jpepa. What provisions would you want reviewed and why?
P-Noy: Pinangako sa atin more than anything, marami tayong benefits na mapapala dahil sa Jpepa. Nasa period na tayo nang matignan natin, natanggap ba natin itong benefits na ito. As you know, I opposed it dahil feeling ko mas maraming pakinabang ang bansang Hapon kaysa sa atin. Para walang parity. Pero dito nga ho, matignan natin kung atleast yung pinangako ba ay nangyari. Pinipilit po for instance na nababasa natin, na yung mga nurses na bubuksan ng Japan for our nurses ay nandoon na po at nagprocess na ng ilang daan na mag-quaqualify sa language, may orientation. So mukha namang may nangyari na rin po. Tignan nalang natin kung—kasi mayroon naman tayong mga reports kung naabuso yung provisions ng Jpepa, so hinihintay din natin yung mga reports tungkol dun.
Ces Sibal (TV5): With regards to the land mine you mentioned earlier that there have been several land mine discovered so far. How big po yung mga land mines na ito at ano anong agency siguro yung top?
P-Noy: Well, binigyan ako ng broad stroke ni Sec. Purisima sa DOF, they were asking for the re-composition of the various GOCC and GFI, and they were saying that there were midnight deals. Yung details, there was still compiling at the time, but there were really fearful na baka matuloy parin ang mga midnight deals na ito if we are not able to put in the people that will replace those that engineered these midnight deals. So alam nyo yung mga sekretarya natin kulang ng transparency, kailangan alamin lahat ng sa kanilang sakupin, palagay ko reasonable naman po yung dalawang linggo para bigyan tayo ng malinaw at kumpletong imahen ng kung anong istado ng bawat departamento. Ayoko naman pong tawagan minu-minuto o idedestruct yung concentration nila dahil baka lalong mapatagal yung pag-aalam natin sa sitwasyon. Pero he felt worried enough to it to my attention that they were made aware that there are transactions that need posting of the right people to prevent an duly to the public.
Ces Sibal (TV5): Pero it is possible po na makasama yung mga ganitong kalaking mga illegal transaction sa scope ng truth commission?
P-Noy: I guess that’s possible, but then, some are already on the limelight where a lot of very good leads are already present and they might have to think the priority. Ang instructions ko kay Chief Justice Davide, don’t wait to answer each and every issue completely before we start. Given the necessary information to the relevant authorities, kung meron ng hinog di ba, edi pitasin na at ipadala na sa kaukulang may kapangyarihan. So it will be a working progress but our interest is to demonstrate the justice works in this country.
Tuesday Sagon(DZBB): Sir currently may na-experince po ang airport natin specially dun sa navigational equipment nila, how do you intend to address this especially that hindi lang po yung tourism sector ang affected, but the safety of the pilot, the crew and the passengers?
P-noy: Naranasan ko naman po yun, dahil nung tayo ay lumilipad nakadalawang beses po kami nag go-around yata ang term—ibig sabihin halos nakalanding ka na at biglang pinalipad kayo ulit. Once on a private plane, once on a commercial plane. So im still waiting for the complete solution – portion of the reports. They were explaining the four types of navigation equipments this was Sec. De Jesus, I was told that the equipment has been bugging down now is something that has a lifespan of 15 years. This is supposedly the 14th year and they’re just starting to find out which of the country set can supply it, will be the one who supply us. Meron na rin ho yatang diskusyon kung kaninong responsibilidad, kung sa Mia o sa Caap. Yung Caap itinatag at binigyan ng kapangyarihan para maibalik yung estado ng ating mga paliparan sa tamang baitang para naman nakakalipad tayo sa mga ibang mga bansa at hindi tayo na-down grade. Pero nasa period na nga sila ng na-downgrade, dinagdagan pa yung issue with regards to safety. Baka lalo tayong ma-downgrade for that. So I did say that this is a particular area of concern, I am not happy with what they have done and the remedy that I was told about yung talagang remedyo ay kumuha ng equipment from Subic. So Subic does not have the equipment now to make the Naia work. At mabalik nga tayo dito ano, 2 years ago, my reports tell me that they were made aware that this is the potential problem. And 2 years later, they were just beginning to look for a supplier. —babalikan natin yung sinasabing wrong governance, bakit nila pinabayaan nilang sumobrang problema na bago kumilos. Problema, kami ang taga pagmana.
“ipakita po natin na friendly tayo sa negosyante whether foreign or domestic. Padadaliin nila buhay nila dahil ang pakay natin ay magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan. ”
similar to what pres Cory said: “Business is the nation’s engine of growth”
The transcript is not complete. The part on Aquino explanation (which was wrong) about the controversial extension of political ambassadors is not included.
I’ll try to get the whole transcript.
Nauso, sumikat at halos naging universal hymn ang “We are the world” at “That’s what friends are for”. Nahalal na ang bagong pangulo at pinalitan na ang kailanman ay hindi naging halal kundi isang hangal na naghangad sa kapangyarihan at salapi, bakit hindi natin gawing himno ng pagkakaisa at pagkakabuklod buklod ang alinmang kantang tumatalakay at nagbibigay pugay sa ating pagiging Pilipino at dumadakila sa ating bayan.
Kunsabagay, mabibilang sa daliri ang sasang-ayon sa akin, baka ako nga lang mag-isa ang o-okey dito at lahat ay ipagkikibit balikat lamang ito at sa isip nila ay pasarkastikong sasabihing “Bakit?”.
Seven days into his presidency; press conference kaagad.
#3 MPR: ibilang mo ako sa daliri mo na sang ayon na “bakit hindi natin gawing himno ng pagkakaisa at pagkakabuklod buklod ang alinmang kantang tumatalakay at nagbibigay pugay sa ating pagiging Pilipino at dumadakila sa ating bayan.”
Kung Walang Corrupt! Walang Mahirap!
This is the battlecry of his campaign, and the vehicle of that promise is the Truth Commission. I think Hilario davide was not the best choice. P.Noy’s presidency will be measured by the achievement of Truth Commission more than anything else. Particularly issue on Hello Garci, NBN-ZTE, Fertilizer Fund Scam,etc.. including Villar’s C5 scam, etc.. The sword is drawn, and let the blood of guilty and corrupt BIG FISHES in gov’t flow. Only then will the nation truly move forward. So long has the innocent been persecuted like Jun Lozada, while guilty ones like Jose Pidal, gma, mike arroyo, joc joc bolante, garcillano, abalos,agra, and many others remain scot free.
Mag agree o disagree man sa sinasabi niya, maayos at disenteng sumagot si Noynoy.
Pareng Oblak,
Sa wari ko (lang naman) ay sadyang maingat o nag-iingat si PeNoy sa pagsagot sa mga tanong sa kanya. Alam niyang sariwa pa ang bakas ng mga kaarogantehan ng kanyang pinalitan at magiging isang punit na larawan siya kung sa bawat hindi niya gustong katanungan ay magpapanting ang kanyang tenga.
Inaalala din ni PeNoy na kapag napikon siya ay katumbas ‘yun ng sampung hibla ng buhok na malalagas sa kanya. Kaya ‘yung kulang na lang dalawang libong hibla ng buhok ay kuwentahin mo sa mahigit dalawang libong araw niya sa Malakanyang kung araw araw siyang mapipikon at malalagasan ng sampung buhok.
Baka pati ‘yung kilay niya at nasa kilikili ay malagas na rin. Para na siyang lugong manok na panabong na kahit ano’ng pilit mo sa ulutan ay hindi makapapalo dahil masakit ang katawan.
Dressed chicken ang labas niya kapag wala na siyang buhok sa ulo at balahibo sa katawan.
Baka ipagpalit na siya ni Shalalani kay Tongue.
P.Noy is showing presidential competence better than expected. Good job!
Aah, ganun MPR. Sasagutin mo ko, tapos may mga hibla hibla ng buhok at lagas lagas ng buhok ka pang pinagsasabi. Hindi mo ba alam na si Oblak ako!!! Tsk tsk tsk!!!
Mr. Tru Blue, just wondering, kailan ba dapat mag papress conference ang bagong pangulo?
Except for the transript ng “holdover” ng GMA’s political ambassadors, maganda at madaling intindihin ang press con ni PNoy kasi gamit ay Pilipino at may latik na simpleng English. Kayang sundan ni Juan at Juana.
Ayos na ayos, natutuwa ang ate ko, hehehe!
Pero…pwede bang i-kaput na si lolo Berto, nagpapahiya lang sya sa bagong presidente, ang mga advice re DFA ay mali at gusto lang ipagyabang na kayang-kaya niya si PNoy, damay tuloy si Ochoa sa kabobohohan nya.
Huwag asahan si Neri na tumestigo against her president Gloria. Nevah that will happen. Takot lang nya kay Pidal. His lips are forever sealed!
opdotgovdotph and govdotph both have the same placeholder already.
Preng Oblak, i did not intend to dishonorize you naman, eh. Pareho lang tayong nasasaktan kapag ganu’n ang usapan. Kinakapalan ko na nga la’ang ang baluti ko sa mukha at katawan, eh.
It was not meant to you talaga. Sumpa man. Malagas man ang lahat ng dahon ng itinanim kong saging.
Adel Tamano leaves NP, quits politics
http://www.abs-cbnnews.com/nation/07/08/10/adel-tamano-leaves-np-quits-politics
Best move than being checked.
His lips are forever sealed! – Chi
Siyempre naman. Ngawit na nga ‘yung bibig niya sa pagsi-sing along dadakdak pa siya nang dadakdak, eh di baka magka-locked jaw na siya niyon. Tapos ‘yung imported pa niyang lipstick, matitigang at matatanggal kaagad.
Saka gustuhin man niyang bumunghalit ng iyak upang ibulalas ang pagkadismaya sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon ay hindi niya magawa dahil baka matanggal ‘yung kanyang false eye lashes at mabura ang mamahalin at glittering na eye liner, noh?
“….maganda at madaling intindihin ang press con ni PNoy kasi gamit ay Pilipino at may latik na simpleng English.” – Chi.
‘Yung lider ng China. Ang Prime Minister ng Japan. Itong hari ng Saudi Arabia. Ang German Chancellor. Di ba’t ang mga presscon nila ay sa sarili nilang salita?
Kahit nga ang presidente ng US at Prime Minister ng Great Britain, ah? Sa sarili nilang wika sila nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kababayan. (English nga pala ang spokening nila.)
binabaling wala ni Romulo si PNoy..what is he trying to prove to his father’s “my brother Americans”?
..maiba ako may nagwawala daw na isang baboy ramo…nasaan si Tabbaboy?
MPR, tanggapin mo ang isang malutong na irap!!!
Madam Chi, gusto mong malaman kung paano mapapabuka ang lips ni Neri?
Si Arroyo inglesara sa press con. Erap din, inglesero! Sabagay si FVR at Cory lagi ring English.
Baka naman Tamano quits politics, for now!
Truth Commission o Torotot Commission?
Walang mangyayari sa Truth Commission na yan, totorototin lang nyan ang bayan.
Akala ko si wang-wang Noynoy lang ang nag ha halucinate, yong mga fans nya e mahilig din palang mag halucinate….lol.
halucinate…..hallucinate
simple-simple ang press con… parang nkikipag kwentuhan lang… galeng!
hay naku…..another prozac customer….lol
hatinggabi na pala…..makatulog na nga at baka kung ano pang bling bling ang masabi ko sa mga wang-wang at weng-weng.
RE: Kahit nga ang presidente ng US at Prime Minister ng Great Britain, ah? Sa sarili nilang wika sila nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kababayan. (English nga pala ang spokening nila.)
Alam mo Igan MPR…opppsss di pa ano, kasi ganito yan…sa kayabangan ang Pinoy e diyan mo aasahan? Kaya di tayo umunlad-unlad e feeling rich kahit na magkandabaon sa utang pero IN naman sa ka ek-ekan.
Ang G-8 e masasabi nating nabibilang sa 1st world na ang lenguaheng gamit ang sarili nilang salita…but ang Pinoy puro kayabangan.
Kapwa natin Pinoy ang kausap e hayon mageingles kahit na nakakakulili ng tenga ang intonation at diction niya. Dapat ang salita natin kung saan tayo madaling nagkakaintindihan ang dapat nating pagyamanin at gamitin.
At di ko sanasabi na itakwil natin ang Ingles but kailangan natin ito sa world affairs lalo na sa business pero dapat pag-aralan nga ng mga OFWs e Arabic kasi milyong Pinoy ang nagwowork sa Middle East ah.
Dapat mag-isip naman ang mga technocrats natin sa Pinas…sila lang ang nakikinabang eh ko sila ang nasa poder ng kapangyarihan pero ang Pinas e napagiiwanan na.
Regarding the question of Aileen Intia (ex-DZBB ngayon ay nasa NHK na rin):
Yan ang mga nirereklamo ng mga principals namin, pati na mga prospective investors na karamihan Europeans.
Kita nila pag binisita ang planta ko kung paano gumawa ng produkto ang mga Pinoy, Noong kulang pa kami sa computerized machines, pilit naming pinagaganda ang produkto to be at par if not surpass the quality standards of IEC and ISO. Lalo na nung bumili ako ng mga makina.
Kaso pag usapang joint venture (JV) na, meaning kumbinsido na silang mamumuhunan, saka mae-experience kung gaano kabulok ang burokrasya at kung gaano kabagal magsetup ng isang negosyo.
Ang masama, simula pa lang ng sosyohan e eto na ang Pinoy partner, nagpapa-approve ng voucher para panlagay sa bumbero, sa electrical inspector, sa Mayor’s office sa lahat ng pipirma ng permit. Paano nila ija-justify yung ganyan sa mga investor nila e bawal sa kanila yon?
Diyan na nagsisimulang umatras ang mga venture capitalists (VC). Lalo pa’t nakakadalawa o talong buwan na, wala pa ring mga papeles. Kahit pa nagbayad na ng lagay.
Nakakiyak para sa mga negosyante iyan na isang malaking pagkakataong makipag-partner sa malaking foreign investment house o foreign industry leader ay masisira lang dahil sa kaswapangan ng mga taong-gobyerno natin.
Sanay man ang iba sa kanila na magbigay ng padulas, lalo na yung may exposure sa ibang ASEAN countries na corrupt din, dismayado sila dito dahil doon sa mga bansang iyon, pag naglagay ka, makukuha mo na ang gusto mo. Dito, bayad na, alanganin ka pa. Pag minalas-malas ka, rally na pinangungunahan ng parish priest at NGO ang magtataboy sa negosyo mo. Matapos ang ilang buwan, may magtatayong kapareho ng iyo na pagmamay-ari ng kung sinong politiko.
Bastusan ang labanan. Hindi mo tuloy masisi yung ibang negosyante na namumuhunan sa mga kandidato, mahirap yatang mawalan ng kasosyo, o kaya’y maagaw ng iba yung negosyo mo.
Chi: sealed with a kiss?
Chi: sealed with a ksis? kaninong kiss? kay putot o kay Tabbaboy? nalilito kasi ako kung ano siya.
Ganyan kahirap magtayo ng negosyo ha, Tongue? Grabe, kwento pa lang pagod na ako, naubos na pati pera sa padulas. 🙂
rose, alam ni kuyan Oblak kung ano si manay Nerissa. 🙂
I agree with you Toungue. Everyone wants a piece of the money. Kaya nga ako umalis sa Pilinas. I had to go through first hand yang mga kotongan. This is part of the corruption. Anyone who would sign off on the permit wants money. Everything that needs inspection and certification-MAY CUT bago pirma. I do not know how Pnoy can stop this practice. Unless a huge FINE with corresponding JAIL time are imposed, hindi mapupuksa ang nakasanayan ng mga ito.
We have so many laws but our court system are too slow to run after the CORRUPT! Halos lahat ay nababayaran!
Siguro, sa bawat ahensiya, maglagay ng mga detectives at maraming hidden cameras para makahuli ng mga corrupt. It is not enough that Pnoy and his men mean well to eradicate corruption. Dapat may kasamang action plan. Ikulong ang mga corrupt, hilahin ang mga “stolen assets” nila and ban these corrupt officials from ever occupying any public position. Expedite the resolution of corrupt cases. Hindi yung tapos na ang termino ng opisyal bago pa lang maaksyonan ang kaso (very Chedeng ng Ombudsman). Maybe add to this the suspension or revocation of their licences while the cases are litigated para hindi nila maituloy ang masamang practice. Ito ay para may madala. Kung puro DADA lang at walang action plan, wala ring mangyayari. This is as usual, NINGAS COGON!
nabasa ko kanina na naubos na daw ang pera na ginuha sa mga kinuha from the Marcos”..ito ang sabi ni Bonbong..saan napunta?
“Mr. Tru Blue, just wondering, kailan ba dapat mag papress conference ang bagong pangulo?” – Oblak
Pareng Kalbo, este..Ka Oblak..bago ang lahat, just to let you know that when I was a teenager, I promised to kill myself should I lose all my hair or even just the top. The superstitious beliefs in most of us lingers throughout your life especially in me since my late mader’s late older brader had a head that was really shiny…nadudulas ang mga langaw. Nasa lahi yan kaya mamanahin mo sabi nila, they would scare the crap out of me. Well, I got my genes from my late pader.
Back to your query; I’m a pragmatic person. My comment was subjective, and if you believe in your heart that on the first day or seventh day of his presidency, it’s rational he will make a press conference…by all means I will not argue with you.
I took it personally as “showbiz as usual”. My point here is simple; maybe I would be more forgiving if his entire cabinets was set and ready to face all sorts of social and economic problems the country is facing. Maybe it’s just me, but when this DND’s priority is military facelift or enhancing or whatever you call it…it only triggers my brain this dud is only calling for more AID…and by that note…hope you get my drift.
@ #33 and #34 – psb
Masunurin ang karamihang noypis IF they are abroad. Sometimes they even yell at mainstream Americans for “jaywalking” when they spot one. Pretty much they get molded into the system they become law-abiding citizens.
It’s a totally different world when they visit the motherland.
“monkey see”, “monkey do”. It’s worth watching what Panot does in only his six year term.
We have so many laws but our court system are too slow to run after the CORRUPT! Halos lahat ay nababayaran! – parasabayan.
Kaya nga kaming mga pobreng walang puhunan ay walang pag-asang umasenso sa buhay kung gobyerno ang aasahan. Gustuhin man naming magpatulo ng pawis sa paghahanapbuhay ay wala namang trabahong mapapasukan. Hindi rin makaipon kung aasahan din ang karampot na suweldo dito sa abroad.
Siya, sige. Mga katoto, magnakaw na lang tayo. Mangholdap. Kidnapin natin ang mga hayup na ganid na mga opisyal ng gobyerno.
Leste! Kung hindi nila kayang linisin ang pamahalaan, tayong mga pobre ang magtambak sa kanila sa basurahan o kaya ay gawin silang pataba upang pakinabangan ng lupa.
Maraming mga OFWs ang may ipong pera na pwedeng i-invest dito. Lalo na yung mga US-based. SME dapat ang thrust ng gobyerno dahil kung kada small investor ay makakapagbigay ng lima hanggang sampung trabaho, sa 1 milyon na Pinoys pa lang sa States meron ka nang 5 million jobs. E kung yung lahat ng 8-10 million total worldwide pa, wala nang jobless siguro.
Kailangan lang ma-stimulate ng gobyerno ang mga OFWs na dito dalhin ang pera nila kesa yung bili ng bili ng properties tapos rent-seeking din lang gaya ng mga elitistang naghahari pa rin hanggang ngayon. Dapat investment friendly tayo dahil pag dumating ang pagkakataon sa iyo upang mamuhunan, nanaisin mo siyempreng magkaroon ng proteksiyon yung perang habambuhay mo yatang inipon.
Hindi kasi tinututukan yang sektor na yan. Kung ako sa OFWs kami na mismo ang gagawa ng paraan upang maturuan yung mga nagbabalak magnegosyo ng basic accounting, marketing at sound management principles and practices. Tutal bilyun-bilyon ang pondo nila sa OWWA. Hindi naman nila mapapakinabangan yan pag hindi na sila OFW. Gamitin na lang para sa ikabubuti na rin nila. Habang pupuwede pa silang kumayod para sa sarili nila. Tutal malaking bahagi naman ng pondo e safely invested na.
tru blue – July 8, 2010 2:54 pm
Seven days into his presidency; press conference kaagad.
_Di ba yan ang gusto ng mga press accessible ang ang presidente, nuon reklamo dahil nagtatago sa press ang dating hinde presidente, ngayon reklamo naman dahil walang problema magpa interview, saan ba tayo lulugar sa bayan na to?
Who is complaining?
Masunurin ang karamihang noypis IF they are abroad
totoo yan. pero pagsama-samahin mo ang mga pinoy at subukan mo na magtayo ng grupo, lalabas ang tunay na kulay ng iba. hindi magkakasundo-sundo, pataasan ng ere, back-stabbing. Hihiram ng pera, hindi magbabayad, etc, etc, etc.
Ellen, eto yata ang mga complaints?
“Seven days into his presidency; press conference kaagad.”
“showbiz as usual”.
TT wala tayong entrepreneural spirit hindi katulad ng mga ibang mga Asian countries. Our school curricullum are all geared towards working for others as employees. Most of Filipino investors I know want to start big kaagad. They rent a space tapos kailangang pagandahin yung space para magandang tignan. Before everything is said and done, wala ng perang pangpatakbo ng business or mapipilitan yung investor na taasan ang presyo ng kanyang paninda to recoup the initial cost of putting up the business.
If there are able bodied managers who want to impart their knowledge to potential OFW investors, dapat gawing parte ito ng programs ng mga OFWs, that they can be resource speakers. Do trade seminars and invite all these OFWs to these activities.
I remember when I used to travel to Taiwan in the late 70s and early 80s. In every hotel room, there were business and product directories. That was when mainland China was not even in the heavy export business yet. Taiwan already had multi billion dollar trade surpluses. Every family had a small business. The tri-level home was used as a manufacturing place (the second floor), office,dwelling(third floor) and at the ground floor, the retail store. Ngayon, napakalayo na ang narating ng Taiwan, pati na rin ang mga other Asian countries. Naiwanan na tayo sa pansitan.
Napunta na sa OFWs at trade ang usapan.
@ #45 – psb
Was in Kaohshiung, Taiwan in the early 70’s for four months and they were progressive then…their products at that time were much, much better than China or Hongkong.
Went to the “talipapa” twice-a-day, the best times of my life no doubt.
War ravaged Vietnam mercifully ended in 1975. Today, they’re more productive and continuously attracting business. Pinas is going in reverse.
War ravaged Vietnam mercifully ended in 1975. Today, they’re more productive and continuously attracting business. Pinas is going in reverse. – tru blue.
With due respect, let me prove regarding business in the Philippines blue he’s wrong. Maybe he’s not watching, listening or even reading what our most beloved president gloria macagarapal arrovo accomplished during her still short nine years of dedicated leadership. Maybe our good friend, tru blue was not interested and did not want to accept that of all leaders we had, the low profiled president gloria sobrang garapal arrovo did all her best, notwithstanding the fact that her beloved and kind hearted hsuband sometimes went to the hospital all by himself, without her company to undergo some health repairs, spent sleepless nights in drafting memos for her cabinet and congressional allies to work double time implementing all approaches to attain a vibrant and strong economy before she steps down from Malakanyang. She did all her best. Only, her allies and members of offical family indulged themselves in MONKEY BUSINESS.
Which is not suprising after all because their queen belongs to the most inteligent breed of monkeys.
when it comes to self discipline hanga ako sa mga Hapones..in my three months stay there in the late 60’s
marami akong natutuhan…sa pagdisciplina sa sarili ko…but na approve ang pagpunta ko dito sa the great land of opportunities….oh well…
TT wala tayong entrepreneural spirit hindi katulad ng mga ibang mga Asian countries. Our school curricullum are all geared towards working for others as employees. – psb
Yan ang problema ng Pinoy. Simulan mo sa pinakamababa, yung sari-sari store. Bibili ng initial stock, pero dun din kinukuha yung pang-ulam, pampainom pag dumalaw sila Pare, pambaon ng mga anak. First replenishment pa lang, tangay na yung kinita at puhunan, isang beses pa, sarado na yung tindahan.
Sa mas malaking negosyo, kumita ng konti, bili ng bagong kotse si may-ari. Pinakawalang kwentang investment yang kotse (personal transpo) dahil 25% p.a. ang depreciation. Apat na taon lang piso na lang sa libro ang value.
Kumpara mo sa Chinese, marungis ang negosyo, lahat ng espasyo ginagamit, mura pasweldo, hindi na nga yata nagbibihis (so it appears kasi pare-pareho ang damit para hindi halatang hindi bumibili) kahit konti lang ang tubo, hinidi ginagalaw bagkus nire-reinvest sa negosyo, nirorolyo!
Eto ang simple illustration:
Kung ang negosyo ay tumutubo lang ng net 10% a month, (maliit lang yan) magkano ang tubo in one year? Ang sagot ng karamihan – 120%, mahigit doble!
Mali.
Kung ang puhunan mo ay P100, after the first month ay P110 na yan sa 10% tubo, diba? Sa second month, P110 na ang puhunan mo at tutubo ng 10% uli – magiging 121 na. And so on. Pagkatapos ng 12 months 313.8% ang pera mo. 213.8% yung tubo.
Triple, hindi doble.
Yung first computation ang kinasanayan ng mga Pinoy. Meron siya halimbawang investment na P100,000, yung P10,000 na kita sa buwan-buwan yun na ang pang-gastos. Mula simula hanggang huli P100,00 pa rin yung halaga ng negosyo (kung walang aberya).
Yung pangalawang computation, yan yung sa mga Chinese, hiwalay ang pinagkukunan ng panggastos sa bahay sa pera ng negosyo.
Ang kagandahan sa Chinese, meron silang easy credit na available, kahit walang kolateral. Hanggang strike two sa asosasyon. Ang perang pang-negosyo kayang sustenahan ang sarili mula sa kita menos ang inutang. Sa sandaling makabayad sa inutang, tapos na ang problema, puro na kabig ang kasunod.
Ang Pinoy, sa five six ni Mr. Singh tumatakbo. Hindi pa tapos sa unang utang, meron nang “buwelta” sa naihulog. Si Mr. Singh ang yumayaman si negosyante, di makaahon sa utang.
Sino ngayon ang mabilis umasenso?
so far ok naman si PNoy…kahit na ang mga sabi noon siya ay AbNoy; Autistic, hindi matalino na gaya ni putot, etc.
na saan na ngayon ang mga nagsabi nito? Manong Ernie sa diin ka na bala? ay ay kalisud!