Mukhang may problema pala para isapag-katuparan ang pangako ng nanalong kandidato sa pagka-presidente na si Benigno “Noynoy” Aquino III tungkol sa kumisyon na kanyang itatatag para imbestigahan si Gloria Arroyo.
Pinalakpakan pa naman natin ang magaling na ideya na ito ni Aquino at isa ito sa mga rason na binoto siya ng taumbayan. Siya lang sa mga kandidato ang nagsabing papanagutin niya si Arroyo ng kanyang mga kasalanan sa taumbayan.
Sinabi ni Atty. Harry Roque, isa sa mga abogadong masugid sa pag-imbestiga ng mga anomalya na sangkot si Gloria Arroyo at ang kanyang asawang si Mike, na kung sa pamamagitan lamang ng executive order ang pagtatag ng kumisyon na magi-imbestiga kay Arroyo, hanggang rekomendasyun lang ito.
“Walang ngipin,” sabi ni Roque dahil wala namang kapangyarihan maglitis o maghuli .
Hindi katulad ng Presidential Commission on Good Government o PCGG na nagkaroon ng kapangyarihan mag-kumpiska at mag-take over ng mga suspetsadong nakaw na ari-arian ng mga Marcos at ng kanyang mga cronies dahil nakasaad sa Freedom Constitution.
Kailangan daw ang batas para magkaroon ng ganyang kapangyarihan ang Commission. Kapag batas ang gagawin, dadaan yan sa Kongreso kung saan nakakarami pa rin ang sa Partido Lakas-Kampi-CMD at may simpatiya kay Arroyo. Maliban sa matagal ang proseso ng batas, malabo na makapasa ang ganyang batas.
Tingnan na lang natin ang nangyari sa Freedom of Information Bill na siyang magbibigay ng access sa taumbayan sa mga impormasyon tungkol sa nangyayari sa pamahalaan.
Kung hanggang rekomendasyon lang ang kaya ng kumisyun na itatatag ni Aquino para mag-imbestiga kay Arroyo at sa miyembro ng kanayng pamilya at mga kaalyado, Ombudsman pa rin ang bagsak niyan.
Hanggang si Merceditas Gutierrez ang Ombudsman , nakakasigurado sina Arroyo na safe sila. Tingnan nyo naman ang kanyang ginawa sa kaso ng NBN/ZTE.
Ang problema pa, pinipilit ni Gutierrez na hanggang 1012 ang kanyang termino dahil pitong taon daw mula ng mag-take over siya sa puwesto na iniwan ni Ombudsman Simeon Marcelo noong Disyembre 2005.
Sinasabi ng iba na dapat hanggang Disyembre 2009 lang siya, ang naiwang termino lang naman ni Marcelo . kaya lang pinipili talaga niya na hanggang 2012 siya.
Maalis lang si Gutierrez sa pamamagitan ng impeachment kung hindi siya mag-resign.
Napakaraming kasalanan ni Arroyo. Ito ay ilan lamang sa dpaat niya panagutan: “Hello Garci”, ang pandaraya niya noong 2004 na eleksyun, ang fertilizer scam, NBN/ZTE, road users tax, bayaran sa IMPSA, garapalang kumisyun sa mga kalsada at tulay na proyekto ng World Bank, Northrail, etc. etc.
Napakarami.
Hindi naman maa-aring basta lang magpapatuloy sa pamamayagpag sina Arroyo. Ano kaya ang alternatibo na naiisip ni Noynoy Aquino?
Pinalakpakan pa naman natin ang magaling na ideya na ito ni Aquino at isa ito sa mga rason na binoto siya ng taumbayan.
Totoo yan!
What a letdown pag hindi niya nagawa iyan…
One at a time para magawang maiimbistigahan ang mga Arroyo.
Yung sinasabi ni Noynoy sa kampanya na imbestigasyon, na kung matutuloy ay ayun sa existing legal framework. Noon pa hindi ko inakala na mag ala PCGG dahil ang PCGG ay gawa ng EO while the government was considered as a revolutionary government.
Ang ano mang komisyon ay kailangang ayon sa constitution. Hindi pwedeng maging judicial body ang sinabing commission na mag iimibistega kay Arroyo. Mag aala Agrava Commission na kung saan ang decision nila ang naging recommendation para sa Sandiganbayan noon.
Para sa akin, sapat na magkaroon ng commission na gawa ng EO na mag iimibistiga kay Arroyo. Kung saan man mapupunta ang recommendation, kung sa Sandiganbayan agad tulad ng Agrava commission o sa Ombudsman, ang ebidensyang makakalap sa commission ay sapat na para ipaharap si Arroyo sa kaukulang korte.
Ako ay naniniwala na hindi tatantanan ni Aquino ang pag hahabol kay Arroyo.
Meron pa bang PCGG? E kung palitan lahat ang mga opisyales dun. Kaya lang ay baka sabihin nila na hanggang 2012 din sila sa tanggapan. Anak ng pating talaga!
I have the same sentiments as Oblak, we have to work within the framework of the law. If an investigation ensues and results in the gathering of solid, acceptable in court evidence – its a start. Listing Arroyo’s crimes and shouting ourselves hoarse will not accomplish anything. It just made us look and sound like chismosos and chismosas, so amny allegations, no proper presentation of evidence, etc. We have tried trial by publicity, it didn’t work, now lets try something else…
I still have this image of Panfilo Lacson heading this committee as a source of unholy glee…
Sana nga, jug. Uwi na kaagad sa June 30, Senator Ping.
Pareng Joga and Madam Chi, sana nga si Lacson ang manuno sa commission. Hinihintay ko ang araw na titirisin si Arroyo at kakatayin ang asawa nya.
Mayroon pa ring paraan; yan ay ang paglilitis na maaaring ihain ng DOJ laban kay Goyang. Hindi puwedeng protection si Merceditas Gutierrez sa dalawang krimeng tunay na kasuklam-suklam sa Pinoy – ang MOA-AD at ang pagnanakaw ng boto ng taumbayan sa 2004.
The Ombudsman is given the jurisdiction to prosecute offenses cognizable by the Sandiganbayan – Sharon Castro v. Hon. Merlin Deloria G.R. No. 163586 January 27, 2009.
The Sandiganbayan, on the other hand, has jurisdiction over offenses committed by public officers and employees in relation to their office.
By this, is meant, that the offense was committed by the official while in the discharge of his functions. For instance, in the approval of a contract, a bribe is accepted, or asked for. Or, a customs officer releases goods after being bribed, without exacting duties.
Any crime not related to the president’s functions is not cognizable by Sandiganbayan. A male president, for example, who rapes a woman, or molests a child, will be haled before the regular courts, not the Sandiganbayan.
The dismemberment of the Republic is not “in relation” to the President’s office.
Neither is cheating in an election related to presidential functions.
Both of the crimes above are not cognizable by the Sandiganbayan, therefore, not subject of the investigatory power of the Ombudsman. They are subject of the investigatory powers of the DOJ. All Noy has to do is appoint a Secretary of Justice with balls, and we will have our day in court.
Putris, Pagulong Noynoy (naks!), i-appoint mo na tong si saxnviolins namin as chief state prosecutor!
101% agree! Palaging panalo mo, President Noy (naks ha!) kung si saxnviolins ng Ellenville ang iyong chief state prosecutor.
waaaaaaaa!!! someone explain to me, what about PCGG?
Isa ako sa nagkampanya para iboto si Sen. Noynoy Aquino. At ang nagtulak sa akin para ikampanaya siya ay ang kanyang mga pangako na labanan ang corruption na lantarang nagaganap sa pamamahala ng Pekeng Presidente at ang kanyang pangakong pananagutin niya sa kanyang mga kasalanan ang corrupt at peke na presidente.
Iyan ang pinanghahawakan ko habang ako’y nangangampanya para sa kanya.
At kailanman ay hindi papayag ang milyon milyon katao na bomoto sa kanya na hindi niya tutuparin ang kanyang mga pangako.
Dapat may ngipin ang komisyon na kanyang itatatag. Hindi lang hanggang sa rekomendasyon ito.
Reynz,re # 11. PCGG was specifically established to recover ill-gotten wealth of Marcos and his cronies. It’s mandate does not include running after ill-gotten wealth of other government officials and persons, not related to the alleged plunder committed during the Marcos regime.
Hindi na kailangan ang komisyon para imbestigahan si GMA at mga kasapakat dahil wala ring mangyayari at puro kunsumisyon lamang ang idudulot. Sa ganang akin, kumuha na lamang ng mahusay at matapat na investigators at prosecutors para sila ang humawak ng kaso, hindi na gagastos pa ng malaki sa ilalaang budget sa isang itatag na komisyon. Kung ito ngang PCGG na 24 years old na, wala ring nangyayari dahil instead of recovering ill-gotten wealth ni Marcos at mga kasapakat, ang mga humawak ng pwesto ang nagkaroon ng kaso ng graft and corruption at pag abuso sa kapangyarihan. Palpakisyon itong PCGG na katulad ng alam nating lahat, maraming habla ang inihain laban kay Imelda pero hindi naikulong at bagkus napawalang sala pa.
It’s a sheer coincidence na si GMA at Imelda ay kapwa tatawaging honorable members of the lower house when Noynoy assumes the presidency.
Actually di na kailangan ang komisyon. From day one pa lang kung gusto ni Noynoy e nandyan ng DOJ para gawin yan. Pwede si Atty. Harry Roque ang mamuno dyan dahil nasa kanya ang enthusiasm to go after Arroyo. Sa Ombudsman naman,pwedeng mag-create na lang ng special body to go after Arroyo gaya ng ginawa kay Erap. Speaking of Atty. Roque, if Noynoy wants to prosecute Arroyo, there is no other person to do that but Atty. roque. Nakita natin yan nung first impeachment hanggang sa iba-t ibang issue kay GMA na talagang kita mo yng galit nya kay GMA. I think nobody to head DOJ but Atty. Roque. That is kung maraming susuporta kay Atty. Roque. Any other guy for DOJ?
Baka ningas kugon lang yan? Baka matapos nalang ang term… walang mangyari?
Sana magtatag si President Noynoy ng Execution Committee. Ito ‘yung mag-e-execute sa mga kawatan katulad ng pamilyang dorobo.
Apply ako para makapag-practice uli ng target shooting. Medyo kinakalawang na kamay ko, eh.
Palpakisyon itong PCGG na katulad ng alam nating lahat, maraming habla ang inihain laban kay Imelda pero hindi naikulong at bagkus napawalang sala pa. – Joeseg.
Hindi naman nakakapanghinayang kahit puro palpakays ang ginawa ng mga nangumisyon sa PCGG dahil kahit hindi naipakulong at napawalang sala pa si Imelda, yumaman naman sila, di ba?
Walang naging commissioner sa PCGG ang naalis sa puwesto ng luhaan. Enjoy na enjoy kasi sila, eh.
Dapat may ngipin ang komisyon na kanyang itatatag.- bobong
Basta ba huwag lang false teeth, eh. Payag din ako at dapat lang.
Sa isang banda, walang ngipin ang itatayong commission
Sa kabila, wala ring saysay at matutulad sa PCCG
Sa likod, hindi na kailangan ng commission.
Ano ba talaga Kris?
Dear Noynoy,
Kahit ano ang gawin mo, mapa commission o committee o kahit wala, basta hahabulin mo si Gloria hanggang matiris ang kutong nunal na yan, susuportado kita.
Love,
Oblak
#9 and #10
Thanks for the vote of confidence, Tongue and Chi. But I prefer my obscurity. It is the idea, that I hope counts, not the person.
Ang palagay kong mali ng PCGG ay ang paghabol sa criminal aspect, sa halip na civil, kahit puwede namang hiwalay. Higit na mababa ang kailangang ebidensya sa civil kaysa sa kriminal, at maaari sanang nakuha nang mas madali ang salapi.
Problemang malaki ang mga hukuman, dahil nabibili. Si Salonga mismo, noong namumuno, dinemanda si Imelda sa US, sa halip na Pilipinas. Ang unang tanong ng judge, why are they in my court? Do I have jurisdiction? Yang thinking aloud na yan ang nag-udyok sa jurado (jury) na pawalang sala si Imelda; hindi dahil walang sala, ngunit dahil walang kalabagan sa batas Amerikano.
Problemang pangalawa, ang mga bantay, tila nagsipagsalakay na.
Mayroon akong nakitang snatching sa bus noong 80s. May isang mamamg, kung bakit ba naman, tila dala ang buong payroll sa isang supot, at bumibiyahe sa bus. Alam ng mga salarin, so hinablot. Tutulong sana ang mga tao sa bus, including ang takot na takot na si ako, pero nagbunut ng patalim ang mga salarin. Pagbaba ng mga salarin, sumigaw yung pobreng nanakawan, at nang tumakbo ang mga salarin, habol ang maraming tao sa kalye.
Ano ang ginawa ng mga salarin, nagsabog ng cash. Hayun, pulot ang crowd, at nakawala ang mga salarin.
Ganyan marahil ang nangyayari sa PCGG. Sabi nga ng mafia, lahat ng tao ay may presyo.
Kung manonood kayo ng law and order, laging nagtutulungan ang mga pulis at prosecutor, sa pagkalap ng ebidensya laban sa mga criminal. Ngayon, kung ang imbestigador mo ay si Danny Lim, at may nahanap na prosecutor na hindi pabibili, maaaring sa wakas, magkaroon ng linaw ang matagal nang malabong kinabukasan ng taumbayan.
Note, ang isa pang respetadong military man ay immediately available, dahil hindi tumakbo sa halalan – General Miranda.
Sa America, kapag sinabing Miranda warnings, ibig sabihin, binasahan ka ng mga karapatan mo. Maganda sana kung kapag sinabing Miranda warnings, mag-ingat ka na, dahil ang kalaban mo ay si General Miranda.
Goldmine ang mga militar na may prinsipyo. Sana ay bigyang pansin ng Pangulong-halal, upang magamit ang kanilang talino, at katapatan sa kanilang prinsipyo.
The Commission may be empowered depending on the power granted it its establishment…It could be just for facts finding which recommendations will be the basis for action by the state prosecutors or its recommendations the basis for Legislative measures or it could be empowered to itself gather evidence for the purpose of criminal prosecution (then it will be calling itself special prosecutors or investigators)
That is why it is necessary to define the specific purpose, power, scope, and even the time frame for such a Commission on Inquiry and if possible legislate its creation (preferable than the EO)
Taragis na PCGG yan. Yung usli ang matang commissioner (sino nga yun, yung nakipagsayaw ng swing kay Imelda?) Dumidiskarte mag-isa, tumawag sa auctioneers ng Christie’s at Sotheby’s at sinamahan pa sa BSP para sa valuation ng jewejry ni Imelda. Hini lang midnight appointment meron ngayon, pati midnight auction.
Last-minute kurakot pa rin ang iniisip. Ni walang board resolution, gustong solohin ang komisyon sa auction. Tangna talaga!
Tama si sax, actually yun ang worry ko ngayon, kahit hindi na presidente si Arroyo delikaso pa rin siya kasi marami siyang pera at mga koneksiyon.
Dapat siguro tingnan din kung papaano na convict si Erap, sinong nagtrabaho nun? What about Erap, its payback time, baka meron siyang alam?
Tapos, eto pa: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20100608-274469/PCGG-official-is-a-gambling-addict
OFF TOPIC:
Damn! The jejemons have invaded Facebook! This is no joke. I tried FB’s login page and it looks like this:
http://farm5.static.flickr.com/4063/4682005007_4a0c77531e_b.jpg
hindi ba umalis si putot to go to China and just for a day? wala kaya siyang dalang pera or kaya wala kaya siyang dalhin pabalik? bantayan ang kanyan bitbit or ang mga bitbit ng mga kasama niya…anong oras ang balik niya? midnight? madaling araw..at tulog ang mga tao? we should watch her carefully…
The Department of Justice (DOJ) will play a key role to prosecute Gloria Arroyo and her cohorts for their crime against the Filipino people without Nonoy’s special commission. The government will save money by utilizing DOJ’s mandate. It has an investigation arm in place, the National Bureau of Investigation (NBI) a copycat from U.S. FBI.