Skip to content

Mensahe kay Noynoy ng biktima ng Maguindanao masaker

VERA Files has ended its Coveritlive of the 2010 elections.

Those who wants to see the exchanges in that post, please click to older posts dated May 8 (Follow 2010 Elections through VERA Files) when it was first posted.

Thanks for your participation.

Sa Linggo, ika-anim na buwan na ng Ampatuan masaker kung saan hindi kumulang sa 57 katao ang brutal na pinaslang, at 30 doon ay mga journalists.

Tuwing ika-23 nag buwan, samantalang hindi pa nagkakaroon ng hustisya ang mga biktima, may isang media outfit na naghu-host ng dasal para hindi makalimutan ng samabayanan ang karumaldumal na krimen na naglagay ng Pilipinas bilang pinaka-mapanganib na lugar sa mundo para sa mga journalists.

Sa Linggo, ang aming diyaryo, ang Malaya Business Insight, ang host. Gaganapin sa ika-anim ng hapon.

Ina-anyayahin naming ang lahat na samahan kami sa aming pagdasal.

May nahalal na tayong bagong presidente at sa Hulyo ay manunungkulan na si Benigno “Noynoy” Aquino III bilang ika-15th na pangulo ng Pilipinas. Kaya gagawin naming okasyun ito para magpadala ng mensahe sa kanya na kailangan panagutin niya ang kasalukuyang administrasyon, kasama na doon si Gloria Arroyo , sa Ampatuan masaker.

Hindi naglakas loob sina Ampatuan na gagawin ang kanilang ginawang pagharang at pagpatay sa asawa at ibang miyembro ng pamilya ni Esmael “Toto” Mangudadatu , na siyang bagong halal na gubernador ng Maguindanao, kung hindi kinunsente ni Arroyo ang kanilang abuso sa kapangyarihan.

At bakit naman nagbubulag-bulagan si Arroyo sa kalabisan ng mga Ampatuan? Balik tayo sa 2004 na eleksyun kung saan kumuha si Arroyo ng pangtapal na boto sa lamang ng kanyang kalaban na si Fernando Poe, Jr.

Hindi sapat na ang mga Ampatuan lamang ang managot.

Ang nakikita kasing strategy ng mga Ampatuan ay ang anak na si Andal Jr. lamang ang pananagutin at ilibre na ang iba, katulad ng kapatid na si Zaldy Ampatuan, ang dating gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao, at ang ama, si Andal Jr. na tumakbo bilang bise-gubernador sa Maguindanao ngunit natalo.

Kahit nakakulong ang mga Ampatuan, makapangyarihan pa sila. Kung hindi nila pinapatay, tinatakot nila ang mga witnesses at mga kamag-anak.

Sa kaso ng isinampa ng mga kamag-anak ng mga biktima na mga journalist a Asean Human Rights Commission, huminhingi sila ng kabayaran sa pamahalaan dahil mga opiosyal ng gobyerno ang gumawa ng krimen, Hinaharang ito ng pamahalaang Arroyo.

Hinihingi ng mga pamilya ng biktima sa pamahalaan ni Aquino na tutulungan sila sa kasong ito.

Pinakamalagim para sa sa media ang administrasyong Arroyo. Sa 137 na pinatay na journalists mula nang bumalik ang demokrasya sa bansa, 100 ang nangyari sa pamahalaang Arroyo.

Mahalaga ang malayang pamamahayag sa demokrasya. Ang hustisya para sa biktima ng Ampatuan masaker at hustisya para sa mamamayang Pilipino.

Published inAbanteHuman RightsMaguindanao massacre

51 Comments

  1. VERA Files ended its Coveritlive of the 2010 elections.

    Those who wants to see the exchanges in that post, please click to older posts dated May 8 (Follow 2010 Elections through VERA Files) when it was first posted.

    Thanks for your participation.

  2. tru blue tru blue

    Di pa nakakaupo, dami ng problema si Junior on his lap and by the time he takes his oath; he could have lost his top hair entirely.

  3. balweg balweg

    RE: Di pa nakakaupo, dami ng problema si Junior on his lap…?

    May punto ka Igan Tru Blue…ang siste nito e baka maudlot ang panunumpa ni Noynoy sa kabila ng mga alingasngas na naglalabasan ngayon?

    Sabi nga ng matatanda eh…pag may USOK, sure mayroon SUNOG!

  4. clearpasig clearpasig

    Usok ang bungo, di matanto ang pagkatalo, at natural lang yan sa Philippine politics.

  5. henry90 henry90

    Pader, eto ba yung usok na sinasabi mo?

    http://www.malaya.com.ph/05202010/news3.html

    Hayan, ayon sa diaryo na pinagtatrabahuan ni Mam Ellen, di pa man nagningas, nabuhusan na ng tubig. . lol

    Matindi rin pala ang mag inang Buddy Cunanan, ang nagdala sa ‘Koala Bear’ at Bel Cunanan ng PDI. Ang anak, kay Villar. Ang ina, kay Gibo. Puede rin kay Villar. Depende kung sino sana ang nanalo. Parang gusto pang kumagat ni Erap mo sa patibong nila ah. Kunyari isinama si Erap doon sa ‘dinaya’ para makakuha ng simpatiya sa mga kahanay mo Pader. Pero, ang nanalo naman daw ay si Gibo. . .Niloloko yata kayo Pader ah. . . 😛

  6. Dr.Kwak Dr.Kwak

    Huwag tayong kasisiguro sa mga Hokus PCOS machines na iyan. Mahirap magsalita ng patapos. Walang bahong naitatago ng matagal, lalabas at lalabas din ang mga iyan.

    Inaasahan ko na pagdating na sa pag-canvass ng mga boto ng mga presidente at bise-presidente sa Tongress ay magsusulpotan lahat ang mga issues ng irregularities na iyan.

    Manalo matalo man si Erap kailangan niyang ilantad kung ano ang kanyang nalalaman.

  7. henry90 henry90

    Korek! Paimbestigahan nya agd si Binay. . .siya ang itinuturo ng “koala” na namili daw. . . kaya pala walang ibinoto si Erapski sa pagka Bise. . .walang swerte ata tong si Erap. . .lagi na lang hinuhudas. . . lol

  8. sychitpin sychitpin

    dapat sa mga angkan ng ampatuan ay iharap sa firing squad , isama na rin ang kanilang mastermind na isang pekeng presidente, ang isang halimaw na kagaya nila ay hindi dapat itratong tao, masahol pa mga ampatuan at mastermind nila sa hayop …….

  9. Dr.Kwak Dr.Kwak

    Tama ka diyan henry90. May balat yata sa puwet itong is Erapsky sa panghuhudas sa kanya. Hindi na natuto, masyadong tiwala sa mga tao.
    Hindi siya nagmana kay Gloria na pati sarili niya ay kanyang pinagdududahan pa kaya papunta pa lang ang mga kalaban ay pauwi na siya.
    Hindi kaya pakawala ng palasyo iyang si “koala?”
    Mukhang may malalim na galaw na naman itong si aling Glueria, hindi lang ako sigurado pero iyan ang hinala ng iba, at ako’y naniniwala din.

  10. Dr.Kwak Dr.Kwak

    Masyado naman maulupit iyang firing squad sychitpin. Positive naman tayo, isakay na lang sila sa isang bangka at pakawalan sa Somalia pantapat sa mga pirata.
    Sa tapang nilang iyan baka sakaling matakot itong mga pirata at di na makapaminsala pa.
    Iyon nga lamang, tirador at saka mga pamalo lang ang ibigay na armas sa kanila. Mahirap nang makahawak pa iyan ng mga baril…lol

  11. sychitpin sychitpin

    maganda nga sana kung pwede tayong positive lagi, kaya lang ang tingin nila sa positive ay kahinaan at patuloy na inaabuso ang kabutihan at pagbibigay ng tao, sa mga kagaya ng ampatuan at pekeng presidente nila , gamitan ng chainsaw at backhoe

  12. bobong bobong

    Tama ka ma’am ellen, napaka mahalaga ang malayang pamamahayag sa isang demokrasya.

    Kung wala ang malayang pamamahayag, hindi namin malalaman na ang tinatamasa nating demokrasya ay nayuyurakan na pala ng mga taong walang respeto sa mga mamamayan – katulad ng nangyayari sa ilalim ng pekeng presidente na si gloria arroyo.

    Kailangan maipakita ni Senator Noynoy na managot sa kanilang karumal dumal na krimen ang mga ampatuans – Andal Sr., Andal Jr. at Zaldy – kasali na ang mga nasa gobyerno na may kinalaman sa nangyayaring krimen.

    Alam natin na alam nina pekeng presidente, dating DND sec. Gibo at iba pang mga miyembro ng gabinete ang gagawing krimen ng mga ampatuans, pero wala silang ginawa para hadlangan ito dahil takot silang ibubunyag ng mga ampatuans ang nangyaring dayaan sa bawat nagaganap na eleksyon. Sina pekeng presidente at kanyang mga alipores lang naman ang nakikinabang sa nangyaring dayaan.

    To President Noynoy:

    Sana mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa karumaldumal na krimen sa nangyari sa maguindanao. Ikaw ang pag-asa ng mga kaanak ng mga biktima. Please don’t fail us. We have so much trust in you.

  13. sychitpin sychitpin

    bobong :” Alam natin na alam nina pekeng presidente, dating DND sec. Gibo at iba pang mga miyembro ng gabinete ang gagawing krimen ng mga ampatuans, pero wala silang ginawa para hadlangan ito dahil takot silang ibubunyag ng mga ampatuans ang nangyaring dayaan sa bawat nagaganap na eleksyon. Sina pekeng presidente at kanyang mga alipores lang naman ang nakikinabang sa nangyaring dayaan.”

    tama ang mga sinabi mo, dapat managot ang lahat ng may kasalanan!

  14. sychitpin sychitpin

    dr kwak: ang mga ampatuan ay mga duwag, matapang lang iyan dahil may armas at mga goons sila, tanggalin sa kanila mga armas at goons nila, sigurado akong magsisitago lahat iyan at magiging maamo pa sa tupa ………….

  15. balweg balweg

    RE: Sana mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa karumaldumal na krimen sa nangyari sa maguindanao. Ikaw ang pag-asa ng mga kaanak ng mga biktima. Please don’t fail us. We have so much trust in you.

    Well, Igan Bobong…panahon pa ni Apo Macoy e isyu na yang peace & order sa Mindanao, pero ANO ang nangyari di naging WORST ng maupo si Gloria? Ano ba nagawa ng rehimeng Tabako sa peace & order doon di ba…WALA.

    Ngayon, iaasa natin sa isang Noynoy na isa ring naghudas sa ating Saligang Batas at 11 milyones na Noypi…mahirap isang tabi ang ginawa nila noong EDSA DOS con Hello Garci?

    Malalim na sugat ito na kanilang iniwan…at do you mean na maghihilom ito kaagad, ngayon…ang daming umaasa na mareresolva ng Yellow wannabees regime if maupo siya sa enchanted kingdom, but ang punto dito may yagbols ba yan.

    During nga sa isang katutak na impeachment ni gloria e nasaan siya…di ba nasa pansitan, ngayon…ang Mindanao isyu pa ang iaasa sa isang tradpol.

    Only citizen Erap ang may yagbols to STOP the atrocities ng mga ASTIG sa Mindanao…WALA NA, ngayon kung may hihirit pa e shut their mouth at gawin nila at ang dami nilang kesyo kesyo at media propaganda.

    Nang inupakan ng Erapski regime ang MILF…ano, 3months in the making nabawi ang 46MILF camps, ngayon…puro yabang ang mga akala mo ke gagaling e wala namang yagbols ah.

    Nakakainit ng ulo…lalo na ang mga kababayan natin bystanders, magaling lang magsalita e bopol naman sa gawa.

    Gawin muna nila bago sila dumakdad ng dumakdak…sige ipakita nila ang kanilang galing, ngayon…ipakita nila na kaya nilang bawiin yaong 46MILF camps na after all ibinalik ni gloria sa mga rebelde.

    At ngayon ilang araw na lang ang binibilang ni gloria sa enchanted kingdom…sabi noon tatapusin daw ang mga No Permanent Address within 6months…yaks…puro sila yabang!

    Ngayon…kung sakaling maupo si Noynoy sa enchanted kingdom, pustahan tayo….maghahari-harian diyan ang Kamag-anak, inc., civil socialites at yellow wannabees.

    Di pa nga nauupo sa trono…e kung anu-ano nang isyu ang naglalabasan! Magpakatotoo sila sa kanilang sarili at sure dito natin makikita yong kanilang ipinagyayabang na kaya nilang ayusin ang problema sa Pinas.

  16. balweg balweg

    RE: maganda nga sana kung pwede tayong positive lagi,…?

    Naks naman Igan Sychitpin…lagi ngang positive thingking ang Noypi eh, kaya heto umabot ng 10-years si gloria sa enchanted kingdom.

    Ang bilis naman makalimot ng marami sa atin…during ng isang katerbang scams na pinaggagawa ng rehime e nasaan sina Noynoy, Mr. Palengke at lahatin na natin nang mga akala mo e ke titino at nagmamarunong na Pinoy…di ba nasa pansitan.

    Ngayon, after all na makipagkutsaba sila kay gloria at di sila makahirit e heto mag-aalsa balutan sila at ngangaw-ngaw sila na kesyo di nila masikmura ang pinaggagawa ng rehime.

    At heto mag-iingay sa kalye na sila daw ang oposisyunista…yaks, ang lakas talaga ng tama ng mga kumag…e sila ang kapural kaya si gloria e naupo sa enchanted kingdom.

    Ngayon nga, di pa nauupo si Noynoy e kanya-kanya na ng hirit ang kanyang mga tuta…ayusin muna yong isyu about electronic Garci, kasi nga e dito nakasalalay ang tunay na boses ng Masang Pilipino.

  17. sychitpin sychitpin

    ang isang malaking kahinaan ng Pinoy, ay hindi maliwanag kung sino ang kaaway at kung sino ang kaibigan, madalas ay inaakala na ang kaaway ay kaibigan dahil sa mga pambobola, pang uuto at regalong binigay ng kunwaring kaibigan, sa isang banda naman ay itinuring na kaaway ang isang tunay na kaibigan dahil nagsasabi ng kapintasan o kamalian niya…………….
    sino ba ang mga tunay na kasangga ni Noynoy?
    at sino ba ang kanyang kaaway ?
    sino ba ang mga kaaway ng bayan ?
    at sino ba ang may malsakit sa bayan ?
    sino nga ba ?

  18. balweg balweg

    RE: sino nga ba ?

    Di ako mapalagay Igan Sychitpin…saan ko mang anggulo sipatin ang pangpulitikal na buhay sa Pinas e mahirap espilengin ang kalakaran ng paglilingkod-bulsa?

    Di kaila sa lahat ang Noypi style politics…walang delicadeza, away-bati…pag-IN ka sure kakampi mo sila, but sa oras na mag-ingay ka naman e sa kangkungan ka naman pupulutin.

    Ang hirap kasi e lahat gusto maging Presidente ng Pinas…demokrasyang naturingan e isang katutak ang kapilyuhan ng Noypi.

    Sa totoo lamang, ginagawanang propesyon at pagkakitaan ang maging isang lingkod ng bayan…kita naman, halos lahat ng mga pulitiko ngayon e namumuhunan ng milyones maluklok lang sa poder ng kapangyarihan.

    Gagastos ng milyong Piso…sa karampot na take home pay every month x 3-years from Tongressman to Baranggay tagay, heto at sa oras na maupo sa pwesto e star na sila.

    Di ba dapat na mangyari e maging lingkod-bayan sila at di ang Noypi ang akala mo busabos na nakasunod sa kanilang asshole.

  19. balweg balweg

    RE: sino nga ba ?

    Di ako mapalagay Igan Sychitpin…saan ko mang anggulo sipatin ang pangpulitikal na buhay sa Pinas e mahirap espilengin ang kalakaran ng paglilingkod-bulsa?

    Di kaila sa lahat ang Noypi style politics…walang delicadeza, away-bati…pag-IN ka sure kakampi mo sila, but sa oras na mag-ingay ka naman e sa kangkungan ka naman pupulutin.

    Ang hirap kasi e lahat gusto maging Presidente ng Pinas…demokrasyang naturingan e isang katutak ang kapilyuhan ng Noypi.

    Sa totoo lamang, ginagawanang propesyon at pagkakitaan ang maging isang lingkod ng bayan…kita naman, halos lahat ng mga pulitiko ngayon e namumuhunan ng milyones maluklok lang sa poder ng kapangyarihan.

    Gagastos ng milyong Piso…sa karampot na take home pay every month x 3-years from Tongressman to Baranggay tagay, heto at sa oras na maupo sa pwesto e star na sila.

    Di ba dapat na mangyari e maging lingkod-bayan sila at di ang Noypi ang akala mo busabos na nakasunod sa kanilang asshole.

  20. orson orson

    Tungkol sa electronic garci, dapat maayos talaga yan. akala natin okay na pag automated ang eleksyon. Ngayon parang gusto ko ng patulan yang mga haka-hakang yan.

    Tingnan mo, sa Cebu daw sabi ni former Senator Maceda sa column nya sa Daily Tribune

    “3. Why did President Erap get credited with only 88,674 when he is more popular than Jojo Binay in Cebu who got 413,915 votes?”

    Tanong ko lang, ganon ba talaga kapopular si Binay sa buong bansa considering na mayor lang sya ng makati? Nagtatanong lang. Bakit parang napakalagi naman ng lamang ni Noynoy sa mga kalaban nya at di na umangat yung mga ibang presidentiables sa counting. I think kung lalamang man siya di naman dapat ganun kalaki dahil maraming silang naghahati ng boto. Ngayon para maalis yang mga hinala natin eh. pagbigyan natin yung mga sabing “witnesses” dyan sa electronic garci na yan. So yung mga pro-Noynoy dyan, antayin nyo muna mailabas at maresolve yang mga issues na yan. Naiintindihan ko si ERap kung bakit di pa sya nag-coconcede. Salamat po.

  21. Lurker Lurker

    I may be a “conspiracist” but I still believe that GMA’s handprint is present in all this post-election brouhaha.

  22. sychitpin sychitpin

    kaibigang balweg: tama ang mga sinabi mo, pero tingnan rin natin ang ating sarili, sabi nga walang manloloko kung walang paloloko, kaya namamayagpag ang mga masasamang politiko ay dahil pinapayagan ng tao, masyadong mabait at matiisin ang Pinoy, na inaabuso nang husto ng mga walanghiyang kapwa pilipinong nasa gobyerno.tingnan na lang si gma na tumakbo pang kongresista habang nakaupong presidente, iyon lang ay hindi dapat pinalagpas ng bayan, lalo na ang Hello Garcing pandaraya noong 2004. mabuti ngayon at nanalo si Noynoy at hindi si villaroyong mandarambong, o kaya si Gibong tuta ni gma,ang panalo ni Noynoy ang nagbibigay ng pag-asa sa bayan,panahon na para magkabuklod buklod tayo para sa ikabubuti ng ating bansa.masyado na tayong naiiwanan ng ibang bansa at pinagtatawanan ng mundo, ang kaaway natin ay mga kapwa pilipinong nasa gobyerno gaya ni gma at kanyang mga kasamahan, mga taksil sila sa inang bayan…..

  23. I still believe that GMA’s handprint is present in all this post-election brouhaha.

    Absolutely! She’s not gonna go with a whimper — she’s making a statement.

  24. sychitpin sychitpin

    lahat ng kausap kong banyaga ay pinagtatawanan ang pilipino, bakit daw pinayagan ang isang very corrupt na politiko gaya ni villar na tumakbo, gayundin si erap na isa namang ex-convict, maski nga daw janitor ay hindi papasa si villar o erap kung moral character ang paguusapan…..

  25. Isagani Isagani

    Marami dito sa amin ang nagdarasal na malinawagan si Gloria Macapagal Arroyo. Actually, noon pa nagpasimula ito at patuloy hanggan ngayon. Ang malagim na Ampatuan masaker ay isa pa sa mahabang listahan ng kanyang mga kasalanan na hinihingian ng tawad at katarungan.

    On the spot si Noynoy sa kasong ito. Ano kaya ang kanyang gagawin? At ano rin ang gagawain ni kongresistang Gloria Macapagal Arroyo ukol sa kasong ito?

  26. Oblak Oblak

    Baka naman makuyog ako dito. Ano nga ba ang magagawa ni Aquino sa kaso? Wala yatang pwedeng direct na tulong na maibibigay sa mga biktima si Aquino.

    Hindi sya pwedeng direktang makialam sa judicial process ng kaso. The most that he can do is to appoint a competent Secretary of Justice na mag didirege sa mga competent prosecutors na galingang ang paghawak ng kaso.

    Maari din magkaroon ng iba pang investigation sa pangdarambong ng mga Ampatuans at kasuhan sila.

    Karumaldumal ang ginawa ng mga Ampatuans at kung magkakaroon ng malawakang investigation sa mga yaman, pagpatay at pagnanakaw ng Ampatuans, masami ang masasagasaan mula sa dating Presidente, Secretary of DND, sa military at kapulisan.

  27. rose rose

    the victory for change is the victory of the people..let us celebrate! ano kaya ang masarap…lechon de leche..kaya lang makunat na hindi ba? tadtarin na lang at isugba..very well done (baka may lason) cremated! masarap din kaya ang peking duck? masarap magluto ang mga Chinese ng peking duck…hindi ba pupunta siya sa China? her last trip…matisod sana siya…

  28. rose rose

    wala na bang katapusan ang usapan na may dayaan sa halalan? sino itong whistle blower na pinalabas nila..bakit naka takip ang mukha?…

  29. balweg balweg

    RE: sino itong whistle blower na pinalabas nila..bakit naka takip ang mukha?…

    Secret…Igan Rose, baka maamoy ng mga amuyong e biglang maglaho sa balat ng lupa?

    Kailangang busisiing maigi ang electronic Garci na ito…alam naman natin na mas madaling manipulahin ang automated voting machine kasi nga pwede itong gawin kahit saan lang, but ang manual dagdag-bawas e talagang binabay-bahay ito.

    Ang automated e madaling maghokus-PCOS…dahil sa high tech na ngayon…pera-pera ang usapan dito at few people lang ang involve unlike sa Hello Garci talagang VIP ang karamihang kasapakat sa dagdag-bawas.

    Dito sa electronic Garci…kahit na sampay-bakod na Noypi basta may knowledge sa IT lalo na isang programmer o kaya hackers e kayang paglaruan ang DATOS sa PCOS machine.

    Ano alam ng mga nagmamadunong diyan sa Comelec o other institutions na di kayang mag HOCUS-PCOS e body languages ang gamit diyan…i mean yong mga programmers na nagdesigned ng OS ng PCOS machine at yong programs na ginamit sa eleksyon na yan.

    Yong walang alam sa IT e dapat magsitahimik kasi di nila alam ang mundo ng IT world? Buti na lang yong konti kong alam na magrepair at mag asembol ng computer e kahit papaano di nila tayo pwedeng ismolin at paglalangan.

    Kaya hamon sa lahat dapat maging literate ang bawat isa sa mundo ng IT…di lang maging computer users, but matutuhan ang software/hardware troubleshooting/assembly.

    At kung sinisipag e magandang matutuhan ang programming at wed design…ang punta nito e pwede nang maging hackers kung may utak…pero kung utak-lamok naman e wag na lang kasi marami ang ipapahamak nito.

  30. balweg balweg

    correction: Web design NOT wed design…hayan tuloy na hocus-pcos na tuloy! SMILE naman tao po lamang…!

  31. balweg balweg

    Oblak – May 20, 2010 9:03 pm

    RE: Baka naman makuyog ako dito. Ano nga ba ang magagawa ni Aquino sa kaso?

    Bakit naman Igan Oblak e nagpapakatotoo ka naman sa iyong sarili…in simple word e talagang walang PAKI either si Noynoy or whoever sa usaping yaon, except ang Husgado na sila ang may kapangyarihang litisin ang usapin ito.

    KOREK, marami ang tinodas ng mga Astig na yan…pero dapat dumaan sa paglilitis ang kasong yan at kung guilty ang mga nasasakdal e patawan ng nauukol na parusa.

    Kasimple…pag guilty ikulong lahat yan at yong nadamay lamang e WAG naman ko mo ba Ampatuan ang kanilang apleyidong dala.

  32. Eggplant Eggplant

    Ano nga ba ang magagawa ni Noynoy sa kaso, e di ba sinuportahan siya ng mga Ampatuan? Di ba si Jr. Ampats-lupa ay nagpa-press con pa sa kulungan upang ihayag ang suporta nila kay Noynoy.Kahit pa sabihin ni Noy na “thanks but no thanks…”
    Tama si Balweg, trabaho iyan ng Korte. Nakakulong na ang mga Ampats bahala na sa kanila ang hustisya.
    Kung pupuwedi sana ay pulbosin na silang lahat, pero hindi ganito ang sistemang pinapairal sa isang sibilisado at demokratikong lipunan na kagaya natin.

  33. Eggplant Eggplant

    Nanahimik na raw si madam Glue at huwag na ninyo pa siya idamay sa mga kapalpakan ng Comelec at Smart-ass-matic. Bababa na siya sa puwesto at happy siyang maging isang ordinaryong mambabatas lamang. Ni wala nga siyang intensiyon ng maging speaker of the house. Ang nais lang ni madam Glue ay makapag-iwan siya ng magandang legacy sa mga Pinoy, itong automated election na kung saan ay wala daw major na dayaang nangyari. Palakpakan natin mga kaibigan si madam Glue.
    Teka… bakit ako lang ang pumapalakpak, lahat kayo ay nakasimangot diyan!
    Ang totoo nito, may kasabihan kapag masyadong tahimik ang isang bulkan ay may nagbabadyang panganib…

  34. Mr. Eggplant, kaya naman walang pumalakpak sa iyo, mga tulog pa ang karamihan. Mantakin mo namang almost 3am ka pumasok, humihilik pa noon kasama na si Pechay na ngayon ay recognized na nyang nalo ni Noynoy. Kahit papaano’y aabangan ang hakbangin ng bagong pangulo sa pamamagitan ng kanyang Justice Secretary na sana’y hindi maging ala Agra=kadabra ang panuntunan.

    Bagaman at nasa korte na ang kaso ng mga Ampats na naghari-harian sa Maguindanaw at hindi naampat ang kawalang hiyaan nitong naghihingalo nang administrasyon ni glorya, ang abangan natin ay kung gaano kabilis uusad ang pagdinig na gagawin ng korte.

  35. rose rose

    May dayaan pala at pagkakamali sa ating election…do we just accept it as “Filipino style”? ang lungkot naman pero ano ba ang magagawa natin…sue Comelec? kahit ipakukulong mo man silang lahat tapos na at nangyari ang nangyari…wala nga talagang mangyayari sa ating pagbabago sana…the future is indeed madilim…kasing itim ng puso ni putot…this is her legacy para sa kabataan…para sa kanyang mga apo…kahihiyan..pero hindi bale mayaman…sa kanyang mga apo…ito ang ipamana sa inyo na inyong mahal na Lola..KAHIHIYAN!

  36. balweg balweg

    RE: Teka… bakit ako lang ang pumapalakpak, lahat kayo ay nakasimangot diyan!

    Ikaw talaga Igang Eggplant…di ako nakasimangot ha, baka magkaroon ako ng piliges sa noo…heto nga tuwang-tuwag sa galit eh!

    Akalain mo ba naman na itong mga nagtraydor sa ating Saligang Batas at 11 milyong botanteng Noypi ang iboto ng mga nag-uulyaning botanteng Noypi?

    Paka-isipin ko man at ihanap ng tugmang sagot sa aking malalim na iniisip about sa 10-years na pangwawalanghiya na inabot ng Pinas at Masang Noypi e ang iboto ba naman e itong nakipagkutsaba sa EDSA DOS.

    In layman’s word, e ang hudas (not Iskaryote) at humudas sa ating Saligang Batas na siyang muog at pundasyon ng ating bansa siya pa ngayong magiging Presidente ng Pinas?

    Bakit? bakit? bakit? Ang bilis makalimot ng Noypi…ngayon ibubunton lahat kay gloria ang sisi, e sila ang kapural kaya yang si gloria e naging ambisyosa.

    Dapat nating singilin e ang mga naghudas at nanghudas sa ating Saligang Batas…may listahan ba kayo Folks, dapat kasama yang Yellow wannabees con civil socialites et. al.

  37. balweg balweg

    RE: May dayaan pala at pagkakamali sa ating election…do we just accept it as “Filipino style”?

    Well, kung makakalusot Igan Rose…ang HOCUS-PCOS e bahagi yan ng electronic Garci na pwedeng mangyari di ba.

    The Automated Election System — Is It Hackable?
    Source:
    http://filipinovoices.com/the-automated-election-system-is-it-hackable

    So, going back to the first question…IS IT HACKABLE?

    As an information security enthusiast and practitioner, my answer would be…WHO KNOWS? But I can surely say that Smartmatic-TIM guys are not that good and knowledgeable when it comes to information security and cyber attacks, they don’t understand how hackers think and they’ve got no freaking idea how they work. This makes it very scary. Unlike the saying ¨What you don’t know won’t hurt you¨, in cyber security, what you don’t know will definitely hurt you…BIG TIME!!!

  38. sychitpin sychitpin

    there are people who knows how to deal cards to make a person win or lose, they could name each card even after shuffling it , its through constant practice and not by magic trick, with computer it could be easier.
    the paramount thing now is to find individuals with CREDIBILITY and whom people can TRUST to run the gov’t and support Pres Noynoy.
    Gov Panlilio, Gov Padaca, Jesse Robredo, Jun Lozada, etc… were some of these honest and tested individuals……..

  39. sychitpin sychitpin

    Blessed are they that thirst for justice and righteousness; for they shall be filled.

    Matthew 5, 1-48.

  40. balweg balweg

    RE: Blessed are they that thirst for justice and righteousness; for they shall be filled.

    Matthew 5, 1-48.

    NAWA e mabasa ito ng mga feeling saints Igan Sychitpin…yaong mga lingkod-bulsa na present lagi sa alin mang gawaing may kinalaman sa Panginoon.

    Pero iba naman ang takbo ng kanilang puso’t kukote…kung pakasusuriin natin ang mga Noypi na ngayon e siyang nagpapahirap sa ating bansa.

    Di ba…karamihin sa kanila e NAGSISIMBA o SUMASAMBA, but yong kanilang mga gawa e taliwas doon sa nasusulat sa Matt. 5:1-48?

    Sang-ayon sa Santiago 4:7-8 “Pasakop nga kayo sa DIos; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo. Magsilapit kayo sa Dios, at siyaý lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.”

    Basa pa…Minamahal, huwag mong tularan ang masama, kundi ang mabuti. Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios. (3Jn.1:11)

    Narito ang tunay na larawan ng kalakaran sa ating bayang sinisinta: “Datapuwa’t ang nangagpapakbauyo sa mga kalayawan, bagama’t buhay ay patay.”(1Tim. 5:6)

    Dapat pala nating sundin ay ganito: “At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.”(Col.3:17)

    Balik ulit tayo sa ugat ng mga problema na kinakaharap ng bansa at pamayanang Noypi: Makatarungan ba ang ginawang pagdusta at paglapastangan ng EDSA DOS conspirators sa ating Saligang Batas?

    Ngayon…paanong maitutuwid ang isang mali at baluktot na katwiran kung ang mismong mga Noyping involve sa

  41. balweg balweg

    oppps…na hocus-pcos di natapos ang aking thread!

    cont… coup détat ay sila ngayong magpapatakbo ng bansa? Ang kailangan natin e ituwid yong kanilang maling ginawa at huwag nang pamarisan pa.

    But, kung sila rin ang uupo upang isaayos ito e malabong mangyari ang ating inaasam na pagbabago.

  42. norpil norpil

    maniniwala akong nananahimik na si gma kung 6 feet under the ground na siya.

  43. sychitpin sychitpin

    balweg: “kung pakasusuriin natin ang mga Noypi na ngayon e siyang nagpapahirap sa ating bansa.

    Di ba…karamihin sa kanila e NAGSISIMBA o SUMASAMBA, but yong kanilang mga gawa e taliwas doon sa nasusulat sa Matt. 5:1-48?”

    tutoo sinabi mo kaibigan, iyan ang sanhi kung ang namumuno mismo ay sobrang sama, gayunpaman, makikita ang kamay ng Diyos sa mga pangyayari buhat noong Agosto uno 2009 hanggang ngayon.

  44. sychitpin sychitpin

    And when thou prayest, thou shalt not be as the hyprocites are: for they love to pray standing in the synagogues and in the corners of the streets, that they may be seen of men. Verily I say unto you, They have their reward. But thou, when thou prayest, enter into thy closet, and when thou hast shut thy door, pray to thy Father which is in secret; and thy Father which seeth in secret shall reward thee openly.

  45. chi chi

    norpil, na-swak mo.

  46. Ang lalim naman ng maraming words na Tagalog sa post ni Balweg… nahilo tuloy ako 🙁

  47. Ano na nga ang ibig sabihin nga “Saligang”?

  48. sychitpin sychitpin

    saligang batas means constitution

Comments are closed.