Nakikiramay ako sa pamilya ni dating PCGG commissioner Quintin Doromal na namatay sa isang traffic accident noong Biyernes.
Nag-cover ako ng Presidential Commission on Good Government mula sa unang araw nang ito ay binuo pagkatapos ng Edsa One noong Pebrero 1986. Si Jovito Salonga ang unang chairman at isa si Doromal sa mga commissioner.
Desenteng tao si Doromal at talagang nagmamalasakit para sa kapakanan ng bayan. Maraming kontrobersiya ang PCGG at hindi nakaligtas dito si Doromal ngunit naniniwala akong hindi siya corrupt.
Kahit retired na siya sa serbisyo sa pamahalaan, aktibo pa rin si Doromal sa mga aktibidades na nagsusulong ng good governance at demokrasya. Palagi ko siya nakikita sa mga forum.
Napakabait at grasyosa ang kanyang asawa na si Pearl. Nang ako ay nagkasakit, tumawag pa yan sa bahay at sinabing pinagdarasal nila ako.Kinukwento sa akin ni Commissioner Doromal na cancer survivor din siya.
Nalampasan nga niya ang cancer, hindi naman siya nakaligtas sa reckless driving. Ayun sa balita, galing sa Cosmopolitan Church sa Taft Avenue si Doromal at dalawa niyang kasama kahapon ng umaga at papunta sana sila sa isang conference sa Ellinwood Church sa Malate.
Lumiko ang taxi sa lugar na bawal mag-U turn at nabangga ng isang bus. Sa tapat ito ng Philippine General Hospital nangyari at nadala siya kaagad doon. Ngunit masama talaga ang injuries at doon siya binawian ng buhay.
Sa edad na 82 taong gulang, masasabi natin na ginamit ni Doromal sa kabutihan ng karamihan ang buhay na biyaya sa kanya ng Panginoon.
Naging presidente siya ng Silliman University si Doromal. Noong isang linggo, nasa Silliman ako sa Dumaguete para sa seminar ng online campus journalism , proyekto ng Smart Communciations, at nagkita kami ni Marian Lim, dating public affairs director ng PCGG. Consultancy na ngayon ang ginagawa ni Marian. Naging public affairs director din siya ng Silliman University.
Napag-usapan namin ni Marian ang coverage noon sa PCGG at nabanggit nga si Commissioner Doromal.
Sa araw na namatay si Commissioner Doromal, nagpi-press conference si PCGG Commissioner Ricardo Abcede sa ginagawa niyang negosasyon sa pamilyang Marcos tungkol sa compromise settlement para sa umaabot na P140 bilyon (“B” yan ha) na kayamanan na nakatali ngayon sa 520 na mga kaso.
Ito ay mga deposito sa bangko sa Switzerland, mga shares of stocks at mga ari-arian na sinasabi ng pamahalaan na pera ng taumbayan at ninakaw daw ni dating Pangulong Marcos at ng kanyang asawang si Imelda kasabwat ang mga taong malapit sa kanila.
Ang problema lang, sa 24 taon na taon na nakalipas, hindi masyado napatibay ng PCGG ang akusasyon. Kaya ayan, lumalaki ang pera na natutulog sa bangko. Hindi mapakinabangan ng mga Marcos, ganun din ng taumbayan. Mga bangko ang tiba-tiba.
Para sa akin, kung walang makuhang malakas na pruweba, okay lang mga compromise settlement. Kaya lang dapat sa taumbayan pupunta ang pera. Hindi sa kung kani-kaninong bulsa.
Photo borrowed from www.fourtyfied.blogspot.com without her permission.
i agree
Kaya lang dapat sa taumbayan pupunta ang pera. Hindi sa kung kani-kaninong bulsa.
Hear, hear!
Korek, Ms. Anna dapat ibalik at gamitin para sa welfare ng mamamayang Pilipino!
Kung magkaisa ang magkabilang partido (gobyerno at mga Marcos), maaari nilang ipalipat ang pera sa Pilipinas, para hawakan ng Bangko Sentral. Dadagdag yan sa international reserves, at puwedeng ipautang sa mga ibang bangko. Sa gayon, iikot ang pera sa Pilipinas, hindi sa Switzerland.
Sadyang ganyan ang mga Swiso, sawapang. Habang pinapatay ang mga Judio, nakiapid sila sa mga Nazi, at hinawakan ang pera ng mga Holocaust families.
At 82 PCGG commissioner Quintin Doromal lived a full life. Happy trip po.
hindi ko naman alam kung anong katibayan ang hinahanap dito.si marcos ay ipinanganak na mahirap at hindi naman siya naging negosyante kahit kailan.kung sa ibang bansa nangyari ito ay matagal ng nakuha ang mga pera na iyan. gobyerno din ng pinas ang may problema diyan at mahirap nating sisihin ang mga banko.
I am saddened to hear about Ex-Silliman University President Quintin Doromal’s sudden accidental death. He was SU President when I was a faculty member at SU. I admire his style of governance. His accomplishments in the past years will surely put him in the list of great Filipino men who ever lived. He is a great loss to our country.