Skip to content

Trillanes’ political ad

This is Sonny Trillanes’ political ad which is not being shown on TV for lack of funds. A 30-second ad on TV costs between P30,000 to P250,000 depending on the time slot. A two-week daily ad exposure on primetime shows would cost almost P50 million.

Click on arrow to start the ad. Powerful!

Published inElection 2007

47 Comments

  1. jojovelas2005 jojovelas2005

    Kailangan talaga ni Trillanes itong Ads…hindi ko din maintindihan ang “EL SHADDAI” kung bakit si Defensor nasa listahan nila…sama na nila si Trillanes. Sa totoo lang ayaw ko ng may mga poll bets sa mga religion..kung magbibigay ng guidance huwag ng magbigay ng pangalan sabihin na lang kung anong mayroon katangian ang hinahanap nila.

    Good luck to Trillanes!

  2. Mrivera Mrivera

    jv2005,

    bakit yumayaman ang mga nagtatag ng religious groups na ‘yan? di ba pera din ang target nila?

    walang pera si trillanes kaya hindi isinama ni mariano velarde sa kanyang listahan ng susuportahan. balimbing kasing bayaran ‘yang taong ‘yan. kung sino ang makapaghahatag sa kanya ng kuwarta, doon siya.

  3. Sino ba ang nag-uso ng nakikialam ang simbahan sa politika? Alam ko noong araw nang nandoon pa kami sa Pilipinas, hindi nakikialam iyong si Rufino Cardinal Santos. Wala na kami sa Pilipinas nang lumitaw iyong kingpin na Cardinal Sin. Golly, tamang-tama ang pangalan!

    Alam ko sa simbahan namin walang namumulitika. Iyon ngang member namin na tatakbo para presidente ng US, walang endorsement from our church leaders pero siyempre iboboto siya ng mga members namin. Pero hind nangangahulugang nakikialam ang simbahan na gumagalang sa prinsipyong “Separation of Church and State.”

    Anyway, tignan natin ang mirakulo ng paglabas ni Trillanes sa botohan. I won’t seek for a sign. Will just believe that if it is the Will of God that He wins, Trillanes will win!

    Tatag ng loob at determination lang naman. Kapag nanalo siya, prueba na iyan na hindi na paloloko ang mga pilipino. Panahon na para ipakita nilang hindi sila uto-uto at inutil gaya ng ibig ipalabas ng mga Pidals!

    Bet you, iyong anak nagba-blog dito sa kung anu-anong pangalan. Abangan ang sasaliwat sa sinasabi ko!

  4. Una kong narinig ang pangalan ni Velarde nang masangkot siya sa isang kaso ng estafa sa Tate. Kaya bakit naniwala ang mga pilipino sa kaniya. Kung sabagay ang mga pilipino talaga maraming religion, at paniniwala. Sikat nga ang Pilipinas sa mga occult, faith healing, etc.

    Iyong pelikula nga ni Keanne Reeve na Constatine, iyong sinaniban ng demonyo doon, nagsalita pa ng Tagalog. “Papatayin natin siya!,” ang sabi ng na-possessed. Tawa ko nga na doon sikat pati ang mga pilipino. Marami kasing nagta-trance doon sa totoo lang. Sa gutom, pati kay Satanas nanampalataya. Yumayaman ang mga kampon niya. Bawat nagsisimba kasi may dalang envelope ng pera. OK lang kung totoong para talaga sa Panginoon. Pero sueldo nila galing sa bulsa ng mga miyembro. Hindi nila pinagpaguran ng husto na dulo ng pawis!

    Kawawang bansa!

  5. Dapat public service ang pagpapalastas ng mga kandidato sa TV, bakit ginagawang negosyo iyan ng mga TV networks. Kaya tuloy lahat nagiging swapang!

  6. Mrivera Mrivera

    yuko,

    lahat ng bagay ngayon sa pinas, pinauso nilang gawing negosyo. kahit ‘yun ngang karapatan ng mamamayan, may katapat na halaga.

    tsk. tsk. tsk. nakakalungkot. nakakatawa.

  7. alegadown alegadown

    Mrivera:

    bakit yumayaman ang mga nagtatag ng religious groups na ‘yan? di ba pera din ang target nila?

    yun ba’t tinatanong pa? ipagpalagay nating meron kang isang milyong myembro sa itinatag mong relihiyon, kahit bawat isa ay magbibigay lang ng 1 piso ay siguradong may 1 million pesos ka na? o di ba bibliya at laway lang ang ipinupuhonan mo yayaman ka na? tax free pa! subalit yung isang piso na binabanggit natin ay ang pinakapayat at nangangayayat na donasyon lang yan ng mga meyembro papano na lang kung may magbibigay ng tig-iisang daan o tig-iisang libo diba limpak limpak na salapi na yan. tapos mag-endorso pa ng kandidato…. aba naku huwag na huwag ninyo akong pagsabihan na libre yan….. 🙂 … bayad muna…. 🙂

  8. Vote conversion of velarde’s support is not proven. Ignore Velarde.

  9. Ttillanes’s ad is powerful: “Tapusin and Highway Robbery”.

    “Trillanes, Bayang Malinis.”

  10. vic vic

    While Corruption is alive and well over there and the Diosdado Macapagal highway one of its Showcases, we here are busy sending “criminals” to jail and arresting more for Trial in their parts of one of the very few “ cases of Corruptions known as The Sponsorship Scandal during the tenure of then Liberal Party Government of PM Jean Chretien.
    And another one of the Big Fishes got caught the other day and will have his day in court soon and maybe a few months vacation in Jail and hope that will discourage any more of his kind.

    http://www.thestar.com/article/200391 For the article on the arrest of Jean Lafleur, and ad man charged of 35 counts of Fraud amounting $1.6 million.

    Arrest and punish the “Corruptors”, the only way to fight Corruptions.

  11. Ellen,

    Will distribute this to all my friends. Isisingit ko sa flyers namin para kay Sonny.

  12. Mrivera Mrivera

    alegadown says: “….aba naku huwag na huwag ninyo akong pagsabihan na libre yan….. … bayad muna…. ”

    ang galing mo talaga, kaka! ang lagay ba naman, ganu’n na lang? o, di ba? kumita kaagad, walang kahirap hirap!

    kaya dapat, putulin na ang sungay at buntot ng mga alagad ng dilim na ‘yan! puksain at durugin ang mga salot sa pamahalaan. huwag nang muling ipagtiwala ang bayan sa mga sukab at gahaman!

    iboto sa darating na halalan ang makapagbibigay ng tunay na paglilingkod at magmamalasakit sa kinabukasan ng susunod na salinlahi!

    makisali! magbantay! pangalagaan ang karapatan ng bawat isang makapamili ng tapat na lingkod bayan!

  13. Walang bayad ang Youtube. They tribe on ads from big enterprises. Itong ads ni Sonny ay isang public service that some national TV in the Philippines should actually be wiser to give the candidates slot to talk to the voters.

    Over here, NHK, the national TV, is obligated to feature the candidates for an election within one month prior to election, and they are given at least 15 minutes to make a speech ang introduce themselves and programs. Wala pang ads iyan because the public pay a fee to watch NHK programs. Bakit walang ganyan sa Pilipinas?

  14. Magno,

    May bagong pangalan na naman iyong mga Internet Brigade. Papalit-palit lang iyan ng mga pangalan kapag nabisto sila. But OK ang sagot mo. Sige lang bira lang ng bira. Para sa Pilipinas! GO 11 + 0. Malapit na ang eleksyon ng mga OFW, wala pa rin ang announcement tungkol sa mga partylist na ang balita ko ay siyang no. unong lulutuin plus iyong mga tatakbo sa Senado na bubuwagin daw ng mga TUTA sabi ni Pechay at Zucchini, mga bulok na veggies.

  15. Magkano kickback sa DM Hi-way?
    Anak ng bigotilyong ala-eh!
    Magkano kaya ang nalagay sa Lugano?

  16. Off topic. According to Associated Press, “A massive US-backed military offensive has targeted the Abu Sayyaf in Jolo since August.

    Abu Sayyaf chieftain Khaddafy Janjalani and several other militants have been killed in clashes with troops but about 400 other militants, including Indonesian terror suspects, remain at large in predominantly Muslim Jolo, about 900 kilometers (560 miles) south of Manila.  Washington has offered large rewards for the capture or killing of remaining Abu Sayyaf commanders and the Indonesian militants in Jolo.”

    O may pagkakakuwartahan na naman si Unano. May nagwala sa isang kampo sa Mindanao, pero pinagbibintangan ang ASG. Tapos ituturo kuno sa mga kano iyong bangkay ng kung sinong ipi-frame up nila para magkakuwarta na naman. Yuck!

    Akala ko ba inubos na ni Tiyanak ang ASG noon pang 2004? Wala nang sinabing tama. Consistent lang ‘pag nagsisinungaling!

  17. gilbertyaptan gilbertyaptan

    ei pipol,

    kung gusto nyo idownload ang youtube file na ito, just do the ff: 1) while it’s playing sa blog ni ellen, click it para mag-open ang video in another tab/window. 2) sa new tab/window just add “kiss” and erase the “www.” before “youtube.com” sa url para maging (http://kissyoutube.com/watch?v=wQwv0z5OMlA&eurl=http%3A%2F%2Fwww%2Eellentordesillas%2Ecom%2F) 3. press enter at lalabas ang kissyoutube page 4. click the “download now” at the bottom portion of the video download detail frame.

  18. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Kay Trillanes, bayan ay malinis!
    Jawohl!!! Mabigat ‘tong Ad ni Trillanes. Sayang na hindi mapanood ng lahat ng botante! Pero ako, inuumpisahan ko ng mangampanya sa amin in my own way!
    By the way, nadinig ko lang ito,
    Anong sabi ng anak noong isang head ng simbahan? “Kung ‘yung iba raw ay may hacienda ng kalupaan, ang hacienda naman nila’y binubuo ng mga tao!” Best of friends pa nga sila ng isang singer-artista eh! Kaya dikit to the bones ang OAng artistang ito dahil kandidato ‘yung kanyang asawa! As if you don’t know whom I mean, di ba?

  19. Mrivera Mrivera

    yuko, magsawa sila! doon sila maligaya, hindi natin maaaring pigilan. karapatan nila ‘yun. huwag lamang silang manggugulo.

  20. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Ma’m Ellen

    Salamat po sa ad ni Trillanes sa pamamagitan ng YouTube. Naipasa ko na ito sa aking mga kaibigan upang ipasa rin nila. Inilipat ko rin ang mensahe ng nasabing ad as text message. Ito ang pinakamadaling magagawa natin upang makatulong sa kandidatura ni Trillanes.

  21. jojovelas2005 jojovelas2005

    sa mga nasa pinas siguro tulungan si Trillanes kahit sa Text message na lang tutal halos lahat ng pilipino may cellphone sa pinas. This will be the first time that I will pray for a senatorial candidate and my prayer goes to Trillanes. Dapat kasi may paypal account si Trillanes para yun mga tao sa abroad can provide him financial support kahit maliit na pera lang but can help thru text message ad.

    Sayang kasi itong taong ito ang ganda ng Credential niya nabasa ko sa friendster at sana payagan na siyang magkaroon ng media access para ma interview din siya sa inquirer podcast.

  22. jojovelas2005 jojovelas2005

    Ate ellen:

    Just want to say that you are really credible columnist…napatunayan ko na yan dahil sa mga sinasabi mo about P200M cesar Montano and other TU candidates receiving P150M,totoo pala talaga dahil mismong si Tito Sotto ang nag confirm that they are receiving monies from Govt.

    Hindi ako nagkamali sa pagsali sa iyong blog.

    Also, Mr. Banayo is also good sumasagot din siya sa mga emails ko pag may gusto akong malinawan.

    To you and Mr.Banayo… Congrats and More Power!

    Sige po easter na dito and I have to go to church and pray for Trillanes success.

  23. Chabeli Chabeli

    Happy Easter to all ET Bloggers !!!

    *******************************

    I liked the Trillanes ad very much, especially the “Bayang Malinis”. Now that IS a very powerful message ! I hope for a Trillanes victory.

  24. Chabeli Chabeli

    I read an interesting article of William M. Esposo, “SWS Easter Shocker: Opposition winning local races!”, in his column, “As I Wreck This Chair” today (Philippine Star, 03/08/2007). Here’s portions of it:

    “Many may have been shocked..to read the SWS survey (fieldwork done February 24 ‑ 27) which showed the following poll trend:

    I say YES, they can. It’s a GO !!!

    Full article: http://www.philstar.com/philstar/NEWS200704082605.htm

  25. Chabeli Chabeli

    Ooops..the date should read: 04/08/2007

  26. Chabeli Chabeli

    Heeeheeeh. Mike Arroyo was rushed to St. Louis University hospital in Baguio because of gas pains. Did he have to be rushed to the hospital for this ? He could have just let out gas in between his legs..Kakatawa !

  27. zen2 zen2

    jojo,

    tama ka. maganda kung may paypal account nga para kay Trillanes.

  28. jojovelas2005 jojovelas2005

    Ang pagsasabi ni Velarde ng mga pangalan sa election ay puwedeng magdulot ng dayaan. Sa ngayon he included Mike Defensor na ngayon ay hindi maganda ang ranking sa survey. So paano kung makapasok sa top 12 maaring niyang sabihin I was endorsed by INC or EL Shaddai pero maaring he was in top 12 due to cheating.

    Sana tigilin na ang ganitong uri ng endorsement ng mga religious group.

  29. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Very powerful political advertisement of Sonny Trillanes against CORRUPTION! I will be recommending to my friends & relatives with access to internet to view the YouTube ad.

    Yuko, the gov’t channel (was it Channel 4?) will never provide free time for all the senatorial candidates to introduce themselves and programs. Tiyanak’s administration will utilize the facility for the Team Unity/Team Arroyo (TUTA) candidates. The station is obligated to feature the Urong Sulong campaigns of these candidates and the activities of the Tiyanak.

  30. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    “Tapusin ang the Greatest Heist”
    “Trillanes, Bayang Malinis.” The Gloria Arroyo administration squandered P27 billion of the P35-billion ill-gotten wealth of the late strongman Ferdinand Marcos. The recovered 35 billion pesos ($683 M) from Swiss bank solely for the purpose of indemnifying the martial-law victims of human rights violations and to fund comprehensive agrarian reform program (CARP). Hello Joc-Joc Bolante! Masarap ba ang liquid fertilizer?

  31. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    “Tapusin ang the Greatest Railroad Robbery”
    “Trillanes, Bayang Malinis.” Gloria Arroyo’s North Rail Project allegedly over-priced by P29 Billion ($503 million).

  32. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    “Tapusin ang the Greatest Road User’s Tax Robbery”
    “Trillanes, Bayang Malinis.” Gloria Arroyo government’s scam in the P365-million lampposts at Cebu International Convention Center.

  33. artsee artsee

    Mang Jojo, iyan din ang mahirap dito sa ahenteng si Mike Velarde (dating salesman at sugarol iyan). Sasabihin niyang my 18 na siyang napili pero hindi daw niya babanggitin. Nakakaloko ano? Hindi ako magtataka kung kasama si Mike Defensor sa listahan nila. Sa katunayan, bata din ng INK si Defensor. Siya ang namamagitan sa Malacanang at INK. Marunong at magaling maglaro itong si Mike. Alam niya kung paano kilitiin ang mga grupong iyan. Noon congressman pa iyan ng QC ay suportado na iyan ng INK. Malabong makuha niya ang JIL dahil kalaban ni tiyanak si Villanueva. Pero kung isasama ang mga boto ng El Shaddai at INK tapos okay din siya sa Simbahang Katoliko, malamang makalusot siya sa Magic 12. Talagang ganyan. Hindi man ako sang-ayon sa tinatawag na block voting ng religious groups, karapatan nila iyan. Kung INK ang tatanungin, baka basahin pa tayo ng Biblia. May pinagbabasehan sila sa Biblia kung bakit ang pakikipag-isa ng mga kapatid ay umaabot kahit na sa panahon ng halalan.

  34. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: SWS Easter Shocker: Opposition winning local races

    In this case, Gloria Arroyo and Jose Pidal should have an exit plan or face the music in an opposition-controlled Congress. I want them rot in jail for their crimes against the State and the Filipino people.

  35. Thanks Gilbert. Kinopya ko ang lahat nang nakalagay sa page on Trillanes campaign, and sent to all my friends, and blogs.

    I am confident that sans the cheating Trillanes will win. Parang Rawlings ng Ghana ang labas niyan. God-willing, tumino na sana ang Pilipinas! Out with the trapos!

    OK lang iyong mga anak-anak basta huwag lang nilang ipagmalaki ang mga ninakaw ng mga magulang nilang trapo kasi marami rin namang matitinong ama ng mga anak-anak na tatakbo ngayon gaya ni Koko Pimentel.

  36. zen2 zen2

    jojo,

    hayaan mong magpantasya si Mike D. na makakalusot siya. lahat ng mga kakilala at kamag-anak ko Blackball siya at hindi iboboto.

    sabi ko nga, tutulong akong mag-bankroll sa grupong mangampanya para HINDI siya iboto. bata pa pero lulumain niya ang lahat ng tulisan na kilala ng taongbayan kaya habang maaga pa, dapat mapigilan na ang career niya sa panloloko.

  37. jojovelas2005 jojovelas2005

    artsee,

    Huwag mo naman akong tawagin na Mang Jojo dahil bata pa po ako…natatawa tuloy ako pag sinasabihan akong mang jojo.

  38. artsee artsee

    Sige, puwede na bang Manong Jo? Kung bata ka pa, parang matanda ang iyong mga sulat at pananaw. Okay iyan. Mga katulad mo ang kailangan ng bayan. Huwag kang tumulad kay Benigno na edad 80 na baluktot pa rin ang mga sinusulat.

  39. jojovelas2005 jojovelas2005

    Artsee:

    I’m only 35 years old. Ang gusto ko lang maging maayos ang pinas para sa mga bata o sa education nila. I have two daughters 9 & 6 both are studying in public school here in America at nakita ko kung gaano kaganda ang kanilang systema. Sana mabigyan ng importante ang education hindi nagsisiksikan sa isang kuwarto at maayos ang kanilang mga upuan. Kaya nga inis ako sa Fertilizer scam na yan dahil sana ginamit na lang sa mga bata.

  40. Mrivera Mrivera

    jojo,

    ‘yang edukasyon ay karapatan ng bawat kabataan na hindi dapat ipagkait ng pamahalaan. ang nangyayari sa kasalukuyan ay nagiging isang maluhong pinagkakaitaang negosyo ang pagtatayo ng eskuwelahan. pansinin na ang matrikula ay taon taong tumataas subalit ang kalidad ng pagtuturo ay hindi halos nagbabago.

    sa mababang paaralan, hindi maipagpagawa ng pamahalaan ng maayos na silid aralan ang mga batang mag-aaral na animo’y sardinas sa pagsisiksikan. kulang ang mga kagamitan at ang mga guro ay inuuna ang pagsasaydlayn upang kumita ng mas malaki sukdulang mapabayaan ang kapakanan ng kanilang tinuturuan na kalimitan ay pinagmamalupitan kung sinuman sa mga pobreng bata ay magpakita ng kakulitan o mapagbuntunan ng init ng ulo.

  41. artsee artsee

    Kuya Jo, 35 ka na pala eh feeling young ka pa. Aba huwag ka naman magagalit, hindi ka na masyadong bata. Nang sinabi mong bata ka pa at huwag kitang tawagin ng Mang Jo, akala ko edad 18 ka lang. Wala sa edad ang galing sa pagtalakay ng mga paksa. Mas malaman pa nga ang sulat mo kesa sa mga gurang na bloggers dito. Ituloy mo iyan. Huwag kang tumulad kay benigna at Antonio Iskalia.

  42. chi chi

    “Para Sa Bayang Malinis”, walisin si Tianak, ang numero unong korap!

    Iboto si Trillanes!

    ***

    Sayang lang at takot ang mga mayayaman na pondohan ang Trillanes ad na ito. Deretso ang mensahe at kuha ang layon ng kandidato: labanan ang korapsyon na siyang trademark ng poser president!

  43. nelbar nelbar

    Sayang lang at takot ang mga mayayaman na pondohan ang Trillanes ad na ito.
     

    Kitang-kita chi kung anong klaseng bansa meron ang Pilipinas.
    Ibig sabihin nyan, pati na ang mga negosyante ay pabor na magkawindang-windang ang bansa sa mga kamay ng trapo!

    Bakit at ano ang kinakatakot ng mga negosyante na suportahan ang mga katulad ng simulain ni Trillanes?

    Sino ang kinakatakutan ng mga grupo ng negosyante?Ang mga TRAPO o ang mga idealist thinkers?

    Isang maliwanag na katanungan iyan! Bakit takot na labanan ng mga negosyante ang mga TRAPO?

    O baka naman magka-sosyo ang mga TRAPO at ang mga grupo ng negosyante sa SPOILS na makukuha sa bansa?

    Kung ganito ang kalakaran sa bansa, bakit kailangan na sabihin na isang DEMOKRATIKONG bansa tayo?

  44. artsee artsee

    Mang Nelbar, ang mga negosyante ay wise. Tataya lang sila sa mga manok na malakas. Marami din sa kanila ang tumataya sa magkabila para sigurado. Sa mga tulad nina Pareng Lucio Tan na hindi problema ang pera, madali ang magbitaw ng P50 hanggang P100 Milion. Babawiin lang naman nila ito sa negosyo. Ang gagawin nila, pipili lang sila ng anim o sampung malakas sa survey sa magkabilang panig at tutulong. Kung sino man ang manalo sa kanila, di okay pa rin. Alam mo ba na tuwing presidential election, parehong tinutulungan ng mga taipan ang magkabila. Siyempre panalo pa rin kahit sino ang manalo di ba? Simple lang ang strategy pero mabisa kaya patuloy silang yumayaman.

Leave a Reply