Skip to content

Bakit ginawang problema ang foreign funding?

Nag-iba ng diskarte ang mga galamay ng Malacañang nang hindi kumagat ang kanilang palpak na “Oust Duterte plot” na may kasama pang katawa-tawa na matrix. Ang pinagdidiskitahan nila ngayon ay ang tulong na bigay ng mga mayayamang bansa o pribadong institusyon sa mga organisasyun sa mga bansa na hindi masyadong mayaman katulad ng Pilipinas.

Pinapalabas nila na masama ang magtanggap ng grants o pondo sa mga organisasyun sa ibang bansa. Nagpu-focus sila sa mga independent media organization katulad ng VERA Files, Center for Media Freedom and Responsibility, Philippine Center for Investigative Journalism, at Rappler. Itong argumento ay mali at panloloko sa mamamayang Pilipino.

Ilan sa mga foreign funders ng VERA Files

Ano ba ang sinasasabi ng ating Saligang Batas tungkol sa media at foreign grants?

Art. XVI, Sec.: Ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media ay dapat na limitado lamang sa mga mamamayan ng Pilipinas, o sa mga korporasyon, mga kooperatiba, o mga asosasyong ganpa na ari at pinamamahalaan ng gayong mga mamamayan. (The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations, wholly-owned and managed by such citizens. )

Ang bawal ay ang pagmamay-ari at management. Hindi ang foreign grants.

Iba ang ownership sa grants.

Walang sinasabi ang ating Saligang Batas na bawal tumanggap ng grants, assistance, donations galing sa ibang bansa. Wala. Kaya legal ang tumanggap ng foreign grant.

Kaya pati ang mga pamahalaan ay tumatanggap ng foreign grants. Ang ating military ay maraming grants na natatanggap galing sa Estado Unidos at iba’t-ibang bansa. Halos lahat na ahensya ng pamahalaan ay tumatanggap ng foreign assistance kasama na doon ang Presidential Communications Operation Office o PCOO.

Pinuntirya ng mga nanloloko ang National Endowment for Democracy o NED, isang non-government organization sa Estados Unidos na tumutulong magpalaganap ng demokrasya sa buong mundo.

Ang pondo ng NED ay binibigay ng U.S. Congress sa pamamagitan ng United States Agency for International Development. Sabi nila CIA daw ang NED. Sa tatlong taon na partnership ng VERA Files sa NED, wala akong naka-usap na CIA.

Ikuwento ko paano nakakuha ang VERA Files ng tulong o grant sa NED: Bilang journalist, sinusundan namin ang mga nangyayari sa media at nakita naming ang bagong paraan ng pagsulat: fact check.

Sa fact check, kapag may nabasa o narinig ka na maling pahayag o salita ng isang personalidad, opisyal ng pamahalan o pribadong tao ngunit may impluwensya sa karamihan, kailangan ipa-alam sa publiko ang mali sa pamamagitan ng pagbigay ng tama at napatunayan na impormasyon o ebidensya.

Noong 2016 elections, nagsimula kami mag-fact check.

Kapag election campaign kasi, maraming kandidato ang mahilig mag lubid ng buhangin at magkalat ng kasinungalingan, o mga pangako na alam nilang hindi naman kayang tuparin. Sa tulong ng mga estudyante ng aming kasamahan na si Yvonne Chua sa UP College of Mass Communications, nagsimula kami mag-fact check.

Ang proyekto ay self-financed. Sarili naming gastos dahil wala kaming makitang funder dito sa Pilipinas na walang conflict of interestsa layunin ng VERA Files.

Pagkatapos ng eleksyon, naghanap kami ng funder at nakita namin na ang misyon ng NED ay magpalaganap ng demokrasya sa mundo, Ang malayang media ay isang haligi ng demokrasya. Walang demokrasya kung hindi malaya ang media. Ang malayang media ay mabubuhay lamang sa demokrasya.

Nag padala kami ng proposal sa NED at sinabi naming na gusto naming tumulong pa-igtingin ang pagpapahalaga ng katotohanan sa ating lipunan. Ganun din ang accountability o panagutan sa ating mga gawa, desisyun o kilos lalo na sa mga opisyal ng pamahalaan.

Inaprub ng NED at mula noon, patuloy ang aming partnership. Kaya pinupuna namin ang mga mali-maling pahayag ni Pangulong Duterte. Nang sinabi niyang tatlong milyon (na naging apat na milyon) ang mga drug addict sa Pilipinas na siyang basehan ng kanyang war on drugs, kinuha naming ang datos sa Dangerous Drugs Board at nakita naming 1.8 milyon lang. Mali ang basehan ni Duterte.

Ang hilig ni Presidente magbigay ng maling impormasyun kaya busy kami palagi sa pag-fact check ng kanyang mga pahayag.

Yan ba ang kinasasama ng loob ng kanyang mga galamay kaya galit sila sa NED? Hindi ba dapat lang malaman ng taumbayan ang katotohanan? May masama ba doon?

Ito pa. Naka-focus ang mga galamay ng Malacañang sa NED. Ang NED ay isa lang sa aming funder. Maraming kaming partners sa iba’t-ibang project na ang layuning ay para maging maayos ang ating pamumuhay.

May grant kami galing sa World Health Organization at Bloomberg Foundation para sa aming Road Safety project. Tinulungan kami ng Asia Foundation sa aming proyekto para sa Persons with Disabilities. Nakatanggap din kami ng grant sa Reporters without Borders Germany para alamin ang mga may-ari ng media sa Pilipinas. May grant din kamin galing sa Internews, isa ring international non-governmetn organization, para tumulong magpalaganap sa sambayanan ng pagpapahalaga ng kapaligiran.

Ang aming mga proyekto at tumutulong magbigay ng tamang impormasyun sa taumbayan para ang basehan ng kanilang desisyun ay katotohanan.

May masama ba doon?

Published inMedia

2 Comments

  1. batangpasig batangpasig

    You can twit Roberto Tiglao that he partook of the foreign grants that Vera Files have been receiving when he presented the thesis of his book “Colossal Deception” in a conference sponsored by Vera Files a few years ago at Sequoia Hotel in Quezon City.

Leave a Reply