Skip to content

Nami-miss ko ang yumaong Sen. Miriam Santiago

Naala-ala nyo ang litrato na ito na siyang nagpasikat kay Atty. Vitaliano Aguirre? Kuha noon impeachment trial ni noon ay Supreme Court Justice Renato Corona noong Pebrero. 2012.

Tanong ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa hearing ng Senado noong Huwebes tungkol sa pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian Delos Santos sa Caloocan noong Agosto 17:“Anong difference ng mga batang pinatay ng adik sa pinatay na bata ng mga pulis?”

Kung yung hindi malalim ang pag-intindi ng batas ang nagtanong niyan, mapagpasensyahan natin. Ngunit si Aguirre ay hindi basta-basta abogado lang. Justice Secretary siya. Siya ang adviser ng Pangulo para mapatupad ang hustisya sa bansa.

Sa salaysay ng mga nakakita ng pangyayari noong gabi ng Agosto 17 at sa resulta ng autopsy, kinaladkad ng tatlong pulis si Kian, grade 11 sa Our Lady of Lourdes Senior Highschool sa Valenzuela, mga pasado alas-otso ng gabi pagkatapos niya magsara ng tindahan.

Dumaan sila pasikot-sikot na pasilyo at dinala siya lampas ng basketball court sa makitid at madilim na dulo ng kalsada. Nakunan ito ng CCTV. Marami rin nakakita at nakarinig nang siya ay binubugbug. Pinipilit daw siyang magturo kung sino ang pusher sa kanilang paligid. Walang maituro ang bata at nagmamakaawa na “Tama na po, tama na po, may test pa ako bukas.”

Ano kaya ang masasabi ni Sen. Mairiam Santiago sa mga pinagsasabi ni Aguirre kung buhay siya ngayon?

Pinapahawakan sa kanya ang baril. Sabi Kian, “Ano gagawin ko dito? Sabi ng mga pulis,”Hawakan mo at tumakbo.” Natakot ang bata. Binaril pa rin. Linagay ang baril sa kaliwang kamay at sinabing nanlaban daw kaya pinatay.

Nabisto naman silang nagsisinungaling dahil ayun sa autopsy, nakaluhod at nakayuko si Kian nang binaril. At sa likod saiya binaril. Wala ring powder burns o palatandaan ang mga kamay na nagpaputok. Sa kaliwang kamay linagay ng mga pulis ang baril samantalang hindi naman kaliwete ang bata.

Para makalusot, sinabing drug courier daw si Kian. Nang tinatanong kung ano ang basehan. Sa social media daw. At nalaman na lang isang araw pagkatapos nila napatay si Kian.

Ang kuha ng CCTV. Kinakladkad ng mga pulis si Kian Delos Santos.

Kay tuloy galit na galit ang marami sa pagpatay kay Kian. Garapal. Ngunit hindi maintindihan ni Aguirre. Kaya yan ang tanong niya,” Anong difference ng mga batang pinatay ng adik sa pinatay na bata ng mga pulis?”

Tulungan natin si Aguirre umintindi. Ito ang pinakamalaking diperensya: ang pulis ay binabayaran ng mamamayan para protektahan sila sa mga tiwali katuld ng mga adik. Ang nangyari kay Kian, ang mga dapat magpu-protekta sa mamamayan ay siyang salot.

Nami-miss ko si Sen. Miriam Santiago nang pina-contempt niya si Aguirre noong impeachment trial ni noon ay Supreme Court Justice Renato Corona dahil nagtakip ng tenga habang nagsasalita siya at yun ay pambabastos.

Published inPeace and OrderPhilippine National Police

2 Comments

  1. roc roc

    pumanaw na po si miriam, now, it is up to citizens to make miriam proud and carry on with her crusade.

    may kasabihan tayo, dont ask the question if you dont know the answer already. doj dog aguirre should answer his own question, or at lest, try his damnest best to answer. it wont kill him to use his brain once in a while.

    for citizens to be spoon feeding and answering the question in order to enlighten doj dog aquirre, dapat may pabuya. say one million pesos for a satisfactory answer, he, he, he, marahil marami ang sasagot, e.

  2. vic vic

    Aguirre understood the killing of Kian as plain Murder but being one of the Defenders of the brutal campaign rightfully placed by the mastermind he has to play an important role and he is playing it to almost perfection so far.

    And with very able supporting role by Mr Abella as sometimes the devils advixate , the audience just can not tell if it’s real or role playing.

Leave a Reply