Skip to content

‘Tama na po! May test pa ako bukas!’

Kolumn ko ito sa Abante.

Screen grab of CCTV image. From ABS-CBN.

Anong klaseng tao itong mga pulis na walang habag na pinagbabaril ang 17-taong gulang na si Kian de los Santos habang nagmamakaawa, “Tama na po! May test pa ako bukas!”

Ito ba talaga ang sinasabing kailangan maka-quota and mga pulis kaya kahit sino na lang bibitbitin nila at pagpapatayin at sabihing drug pusher?

Gustong kung magmura ng “Putang Ina mo Duterte” ngunit hindi ko gagawin yun dahil ayaw kung maging katulad niya na wala nang lumalabas sa bunganga niya kungdi mura. Ibig sabihin noon ganun din lang ang laman ng utak niya at puro lason ang nasa puso niya.

Ayaw ko rin na idamay pa ang nanay niya sa kahindik-hindik na pinag-gagawa niya sa bansa. Hindi naman tama yun.

Ngunit talagang nakakagalit ang nangyari kay Kian, na pinagbabaril ng mga pulis noong Miyerkules nang sila nagkaroon ng operasyun laban sa iligal na droga sa Caloocan City.

Sinungaling pa ang mga pulis. Sabi nila pinagputukan daw sila ni Kian kaya daw nila binaril.

Sabi ng tatay ni Kian, hindi nagdu-droga at walang baril ang anak. Paano magkaroon ng baril yan ay naka-boxer shorts. Saan niya isukbit ang kanyang baril?

Sabi ng mga nakakita nang nangyari at ito ay suportado ng CCTV, nang dumating ang mga pulis, kung sino ang makursunadahan damputin sa kalsada, dinampot. Nakursunadahan si Kian.

Binugbug daw si Kian ng mga hindi naka-uniporme na mga lalaki na may baril dahil wala silang nakuhang droga sa kanya. Nagmakaawa ang bata, “Tama na po! Tama na po! May test pa ako bukas!”

Kian de los Santos’s school ID. From Interaksyon

Pinahawakan daw kay Kian ang baril. Sabi daw ng bata, “Anong gagawin ko dito?”

Sabi daw ng walang pusong pulis, ‘Ito ang baril. Iputok mo tapos tumakbo ka.” Natakot daw si Kian, hindi kinuha ang baril at tumakbo. Kaya binaril.

May mga anak ba itong mga pulis? Ano na ang nangyayari? Sa halip na protektor ng bayan, naging halimaw at salot sila.

Sinasabi ng marami dati na yang gawain ng mga pulis ngunit lalo itong tumindi dahil sa polisiya ni Duterte na patay, patay. Sa isip ni Duterte ang solusyun sa problema ng bayan ay magpatay. Akala niya ang problema ng droga ay malutas kapag pinatay ang mga drug addict at pusher. Sobra limang libo na ang napatay ngunit siya mismo ay umamin na hindi niya malulutas ang problema ng ilegal na droga sa loob ng anim na taon niyang termino. Dahil hindi nga pagpatay ang solusyun.

Pighati ng isang tatay. Saldy de los Santos, tartay ni Kian. Screengrab from ABS-CBN,

Isang araw bago nangyari ang pagpatay kay Kian, tuwang-tuwang si Duterte at pinagyabang pa sa isang okasyun sa Malacanang,“Iyong namatay daw kanina sa Bulacan, 32, in a massive raid. Maganda iyon. Makapatay lang tayo ng another 32 everyday, then maybe we can reduce the…what ails this country.”

Parang manok lang ang pinag-usapan. Tawa naman ng tawa ang nakikinig na mga miyembro at kaibigan ng Volunteers against Crime and Corruption. Anong klaseng anti-crime crusaders kayo?

Sige pumatay pa kayo ng mga inosente para lang mapuno ang quota nyo.

May kasabihan tayong kapag napuno ang salop, kailangan kalusin.Darating din tayo sa araw na yun.

Published inHuman RightsPeace and Order

5 Comments

  1. vic vic

    All I can say is multiply that incident the number of killings and you get the picture that no outrage can do to help stop the killings..it is now up to Filipinos to chart its own future

  2. roc roc

    marahil ang trahedya dito, it’s because we dont stoop down to the level of the low lives, and fight them in thier own level. magmamakasantos tayo,e. we dont dignify their kapalpakan and, that’s why maybe,they kept on doing more kapalpakans because it works for them and they get what they want.

    dont work for us though, we dont get what we want. it’s a different playing field now at ang karamihan sa atin ay hindi marunong how to act, how to fight, how to correct the low lives and put things right without having ourselves ganged up, maimed or killed.

    the enormity is stack up against the righteous. and if the righteous are smart, they’ll go down to the level of the low lives, and create a new normal. if mohamad will not go up the mountain, then the mountain will go down to mohamad. get it? if the low lives dont go up to level of the righteous, then, maybe, the righteous should liberate themselves and go down to the level of the low lives – and fight there!

  3. roc roc

    sabi, isolated incident daw ang nangyari kay kian, maniwala ba kayo? meron mga witnesses not afraid to talk, give evidence, and point the fingers at the kapolisan, and the palace called it ‘isolated incident’. nahuli ang kapolisan and not able to erase cctv coverage kaagad, kaya ‘isolated incident’.

  4. Tilamsik Tilamsik

    Ok, lang naman daw ito, dahil umunnlad ang economy. Is this the Human Way? Ganito na ba talaga ka bulok ang kaisipan, basta may pera…. OK LANG..???

  5. roc roc

    many had been promised money, free tertiary education, free housing, pay rises and bonuses, gifts, gifts, gifts, and jobs, jobs, jobs, etc. kaso, walang pondo. where are they going to get the money?

Leave a Reply