Skip to content

‘Huwag gawing basurahan ang Marawi’

(Unang lumabas itong column sa https://www.abante.com.ph/prangkahan-huwag-gawing-basurahan-ang-marawi.htm)

Lugmok na nga ang Marawi ngunit sa halip na tulungan palakasin ang kalooban, ini-insulto pa.

Ito ang tingin ng marami sa ginawa ni Police Chief Ronald Dela Rosa sa pagpadala ng dalawang tiwali nag a pulis sa Marawi.

PNP Chief Ronald de la Rosa. Photo from UNTV

Tama lang na pinuna ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at nagreklamo si Zia Along Adiong, ang tagapagsalita ng Marawi Crisis Management Committee.

Kumalat sa social media noong isang linggo ang video nina PO1s Jose Julius Tandog at Chito Enriquez ng Mandaluyong police na sinasaktan ng yantok ang dalawang lasing na nahuli at dinala sa pulis station. Hindi nila alam ng mga pulis na habang sinasaktan nila ang isa, kinukuhaan pala sila ng video ng kasama.

Bilang parusa, sabi ni de la Rosa bilang parusa, maliban sa kasong administratibo na isasampa laban sa dalawa, ipadala sila sa Marawi para “doon nila ipakita ang kanilang tapang.”

Mali yata, sabi ni Lorenzana: ““Personally, wag sana. We need good people to come here to fight this war. We don’t want yung patapon dito .Atsaka ano ang gagawin nila dito ?Yung ibang tao nga ayaw nilang pumunta dito.”

Mahirap na assignment ang Marawi kung saan may giyera laban sa mga Muslim na terorista. Pitong linggo na ang bakbakan (na sabi ng military ay pahupa na) at mga 400 na ang patay, ang 85 doon ay mga sundalo at pulis.

Sabi ni Lorenza ang kailangan sa Marawi ay ang mga magagaling. “Kailangan naming mga tao na tutulong sa pagayos ng problema. Ngayon, bibigyan mo kami ng tauhan na problemado, bibigyan lang nila ng problema ang mga commanders.”

Dagdag problema pa nga sila.

Marawi City. Photo for VERA Files by Luis Liwanag.

Sabi naman ni Adiong, na i-insulto sila. Para naman silang ginagawang basurahan. ““It’s quite offensive to treat us like trash bin for abusive cops. And to use the Marawi siege as a punishment shows insensitivity.”

Iba-iba ang reaksyun ng mga pulitiko. Okay lang kay Sen. Chiz Escudero at Gregorio Honasan. Sabi naman ni Sen. Bam Aquino, “Ang mga pulis na nang-aagrabyado ng taumbayan at gumagawa ng katiwalian ay dapat managot at matanggal sa puwesto. Marami sa mga pulis na nagtatrabaho nang maayos ang nadadamay sa kanilang ginagawang kapalpakan.”

Pinanindigan ni de la Rosa ang kanyang akala niya magaling na ideya na pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa Marawi. Nirerespeto daw niya ang opinyun ni Lorenzana kaya lang siya ang boss ng PNP at yan ang gusto niya.

Pero iba rin naman talaga ang kanyang pag-iisip. Ang kailangan daw ng Marawi ay ang pinakamagaling na pulis. “This place only deserves the best cops that we can provide. Well, after their assignment, they will become best cops. “

Gusto pa niya makipagpustahan sa media tungkol dito.

Ewan. Bakit napunta tayo sa pustahan. Ang daming problema ng bansa.

Published inPeace and OrderPhilippine National Police

6 Comments

  1. roc roc

    paparusahan ang dalawang polis na nagkasala, got sent to marawi city. well, if the people of marawi object to being made tambakan ng basura, maybe, they can practice riding in tandem. no need to take things lying down. else, marawi will get more and more contaminated.

  2. Golberg Golberg

    Sabi ni Bato “para daw tumino”.

    Kapag hindi pa rin tumino si Tandog the Pulis Yantok, bigyan na iyan ng mas maraming problema.

    Naisip ko rin naman, baka kaya pinadala sa Marawi si Tandog the Pulis Yantok ay para mamatay na. Iyan na lang yung solusyon ng mga taong problemado.

  3. roc roc

    sana, yong dalawang polis ay nakipagsuntukan na lang kay bato. alam mo naman si bato, nanghahamon yan. pare-pareho naman silang mga bayolente. but 1st, dapat bigyan muna ng drug test ang tatlo, make sure na walang lamang si bato.

  4. roc roc

    e, wala tayong garantiya na once in marawi ay titino yong dalawang polis. at kung sakaling mag-amok sila, maghuramentado’t mamihag ng sibilyan at mamugot ng ulo, e, kasalanan ni bato yan. he should have ensured sibilyans are safe from ulta violent polis. and since all these are happening right under bato’s watch, he should be made to resign. he cannot control kapolisan let alone keep sibilyans safe.

  5. Tilamsik Tilamsik

    Rotten to the core, zero intellect, zero nationalism, educated paradoxically, these are the kind of creature that shapes our government, makes me puke..!

    Papalitan ang bulok na admistrasyon ng isa pang pagka bulok-bulok na administrasyon. Habang ang bayan ay lupaypay sa gutom.

  6. roc roc

    gutom sila and have the smoldering ruins of marawi city to console them, more aerial bombardments and apparent extension of martial law in the offing. I think, the dead are lucky, they no longer have to witness atrocities done. sorry for the pessimism.

Leave a Reply