Parang naawa din naman ako kay Tourism Secretary Wanda Teo.
Hindi ka naman pwedeng magalit dahil mabait naman siyang naki-usap sa media. Despalinghado lang ang paki-usap.
Noong isang linggo sa Bangkok naki-usap si Teo sa media na i-tone down o bawasan ang pag-report tungkol sa extra-judicial killings o ang mga walang pakundangang pagpatay kahit hindi dumaan sa proseso ng batas ang mga napatay.
Yun din ang paki-usap niya kay Vice President Leni Robredo na nagbigay ng mensade sa pamamagitan ng video sa isang miting ng United Nations sa Vienna na kinukundena ang patayan kunektado sa giyera ni Pangulong Duterte laban sa droga.
Sa siyam na buwan na pamahalaan ni Pangulong Duterte umaabot na daw sa 8,000 ang napatay, karamihan ay mahihirap. Kung totoo mang sangkot sila ilegal na droga, wala namang kaso ang karamihan sa napatay.
“Dahil sa mga balita na ito (tungkol sa araw-araw na patayan) nahirapan kami magbenta ng Pilipinas as maghikayat ng mga turista na pumunta sa Pilipinas. Yan palagi ang tinatanong sa amin ng mga tour operators,” sabi ni Teo.
“Sana naman bawasan ang ganyang mga balita,” pakiusap niya.
Mali ang sinasabihan ni Teo. Dapat ang sabihan niya ay ang Pangulo.
Trabaho ng media ang ipa-alam sa madla ang katotohanan. At ang katotohanan ay ang maraming patayan na nangyayari dahil sa kampanyan ni Duterte laban sa droga.
Hindi ito pinagkaka-ila ng Pangulo. Ipinagmamalaki pa nga niya. Aabot daw ng apat na milyon. Kinumpara pa nga niya ang kanyang sarili kay Hitler.
Dati sabi niya mawawala ang droga sa loob ng anim na taon ng kanyang administrasyon dahil akala niya kapag nagkakalat ang bangkay sa kalsasa mahihinto na ang ilegal na droga.
Hindi nangyari yun dahil alam naman ng lahat na malalim ang sanhi sa problema ng ilegal na droga. Sinabi niya hanggang matapos daw ang kanyang termino na anim na taon.
Ano ang gusto niyang mangyari, magsisinungaling ang media? Anong ibig niyang sabihin na i-tone down, sa halip na 8,000 ang napatay, sabihin 6,000? Bakit, kapag mas mababa ba ang numero ng mga pinatay,okay lang.
Kahit isa lang ang napatay na hindi naman napatunayang gumawa ng krimen, murder yun. Mali pa rin yun.
Kaya ikinababahala yan ng mga ibang bansa. Hindi tama ang sinasabi ni Duterte na huwag siyang paki-alaman.
Bilang bahagi ng kumonidad ng mga nasyon, miyembro ng United Nations na nagpapahalaga ng buhay ng tao, may paki-alam ang ibang bansa sa nangyayari sa Pilipinas.
Yan dapat ang sabihin ni Teo kay Duterte.
(Unang lumabas itong artikulo sa Abante)
Ito ang uri ng mga tao na di matatawaran ang taas ng kanilang pinag aralan, kalidad at entegridad ng buhay.
Subalit, lahat ng itoy kaya nilang ipagpalit at maliligo sa pusali ng pag kabulok-bulok na systema, maprotektahan lamang ang puwesto at ipangtanggol ang gung-gong sa trono.!
How can she say that to Digong? ‘Di pinalayas agad siya!
#2. At takot siyang mapalayas! Ngayon pa lang siya nakikita sa media… 😄
Marami akong kilala na yuropeyans at merkano cancelled ang tour nila sa Pinas kasi baka daw ma-collateral damage sila. Friend na Danes sana ay aming sasamahan last year, nagkatakot. Pati kami cancelled.
No amount of pakiusap sa media will make the tourists flock to Fentanilla Lalalaland, sino bang turista ang gustong palagi kabado habang naglalakad sa streets ng Pinas?
http://manilastandard.net/opinion/editorial/232803/not-our-job.html
mas magaling nga talaga si ngoyngoy kumpara kay digong.
imadyin noong 23 august 2010, wala pang dalawang buwan siyang umupo bilang pangulo, meron agad accomlishment?
ilan na nga yung namatay ng turistang intsik sa luneta hostage crisis na ikinamatay din ng hostage taker na si capt mendoza?
diyan magaling si ngoyngoy, sa crisis mismanagement. kapag nasusukol, magtatago sa legacy daw ng tatay niya.
ito naman kasing si digong, ayaw tantanan ang kanyang war on drugs kaya hayan tuloy, base sa pulse asia survey, 8 out of 10 pinoys sa maynila ay satisfied na at wala ng takot dahil unti unti ay nasusugpo ang kriminalidad dahil sa ilegal na droga.
dapat tigilan na yan. nalulugi ang negosyo ng mga alaga nina delima at yung ipinagtatanggol ng CHR at CBCP. mawawalan ng mababatikos ang EU at UNCHR at lalo’t higit ay walang mairereport si leni robredo sa international community.
baka hindi na sila suportahan ni loida lewis nicolas niya, eh.
kaya digong, ipatigil mo na yan! kawawa ang mga drug lords at narco politicians! plis lang, tama na!
Ni isa sa mga naunang post wala namang kumakampi kay Pnoy, lalo na ako, at pati na ang may ari ng blog. Bakit nagging ganito ang general conception, kung pinupuna mo ang Administrasyon, kampi ka agad sa oposisyon, mali yon.
Kung sino man ang naka upo, kung si Digong, o Si Digang, o si Bruno, basta’t out of track na sya, ako ang unang pupukol sa kanya. Dahil ang kampi ko ang kapkanan ng taong Bayan., kapakanan ng uring MASA. Politics of issue and not personality.
Ni hindi malinaw kung nananalo tayo sa drug war o hinde, puro butaw-butaw naman ang namamatay. Sa isang gramong shabu, patay ka agad.
Pero yung higanteng drug lords, ay kulong muna at due process. Dapat ang malalaking yan ang unang tinutumba, sila ang source ng kadimonyohan.
tilamsik, wala naman sigurong taga iskwater na protektor ng mga drug lords, di ba? karamihan sa mga iyan, nasa senado, konggreso, kapitolyo, munisipyo at doon sa mga pribadong di erkon na kuwarto sa five star hotels o magagarang mansyon sa exclusive villages. at huwag din nating itsa puwera ang mga tiwaling opisyales ng kapulisan at media.
huwag na tayong maging bulag o ipokrito. kung saan may ilegal, hindi mawawala ang alinman sa kanila, pumapatong. nasa payola.
Si Madam Wanda, si madam secretary, ito ang mga uri ng nilalang na ni ayaw mabahiran ng putik ang laylayan. Sila ang mga uri na nasusulasok sa amoy ng mangagawa, magsasaka at mangingisda. Nasusulasok siya sa amoy pawis ng gutom na masa.
Kaya naman mas mahalaga pa sa kanya ang mga “turista” kaysa sa buhay ng mahihirap. Mas mahalaga sa kanya ang perang kikitain, kaysa sa buhay ng mga latak ng lipunan. Ang Bayan ay palipat lipat lamang sa mga kamay ng iisang likaw ng bituka ng mga “naghaharing uri”.
Ito lamang ang tandaan, sa matagalang engkwentro… Ka Uri Koy Babangon at Lalaban..!
Kitang kita naman sa kanyang figura, bakas sa kanyang mukha na walang pinag daanang kahirapan sa buhay, may asim pa ika nga. Max Factor na lipstick, hikaw na kumukislap, imported na fabrics,amoy na amoy ang Nina Ricci at Christian Dior at nangangapal ang deodorante sa kilikili. Ano kaya ang inamusal nya?
Habang ang masa ay duling pa sa gutom..!