Skip to content

Sobrang galing ni Alan Cayetano

Unang lumabas ang column na ito sa Abante (http://www.abante.com.ph/prangkahan-sobrang-galing-ni-alan-cayetano.htm)

By the masking tape you will be judged.
By the masking tape you will be judged.

Bilib na talaga ako kay Sen. Alan Cayetano.

Biruin nyo walang naka-isip sa mga senador sa hearing ng Senado tungkol sa mga nangyayari na extra-judicial killings kunektado sa kampanya ni Pangulong Duterte na i-testing ang kredibilidad ng witness na si Edgar Matobato.

Sabi ni Matobato, dati daw siyang miyembro ng Davao Death Squad at marami siyang sinalihan na operasyon na pagpatay sa utos daw ni Duterte.

Sabi niya,may ilan sila pinatay na binalot nila ng “masking tape.”

Ginawa ni Cayetano, nagpabili ng iba’t-ibang adhesive tape at sinabi niya kay Matobato, “Ituro mo sa amin kung ano tape na ginamit nyo sa pagbalot ng inyong pinatay.”

Nilatag ang iba’t-ibang adhesive tape. Ang kinuha ni Matobato ay ang packaging tape.

Aha! Hindi nagsasabi ng totoo si Matobato.Sira na ang kanyang kredibilidad.

Ang galing talaga ni Cayetano. Sabi niya alam daw niya na hindi nagsasabi ng totoo si Matobato nang sinabi nyang “masking tape” dahil hindi daw dumidikit ng husto ang masking tape.

Hindi yata naisip ni Cayetano na sa Pilipino lahat na toothpaste, “colgate,” lahat na softdrinks, “coke,” lahat na refrigerator, “frigidaire; lahat na photo copier, “xerox,” lahat na camera, “kodak”.

Sabi ni Atty. Nena Santos,” Sa Maguindanao massacre ang mga witness namin na non- educated tawag sa mga cars, kotse, pick up ,lahat trak.”

Grabe ang mga kwento ni Matobato. Sa kanya daw mga 50 ang kanyang pinatay. Nandun yung pinakain nila ang kanilang pinatay sa buwaya para hindi na makita ang bangkay.

Idinawit niya ang anak ni Duterte na si Paolo, na ngayon ay vice-mayor ng Davao City.

Pinabulaanan ng ilan sa mga binanggit ni Matobato ay kanyang mga kinuwento katulad ng dating speaker Prospero Nograles at pamilya ng napatay na may-ari ng hotel na si Richard King.

Basta ang panalo sa hearing na yun ay si Cayetano.

Published inPeace and Order

8 Comments

  1. Tilamsik Tilamsik

    E di itapal sa bunga-nga ni Cayetano ang masking tape, dikit yon..!!!

  2. Ang tao na medyo kulang sa pinag aralan ang lahat ng tape ang tawag masking tape basta malaki na ang tape.

    Katulad sa upuan, madaming klase ng upuan. Pero sa kulang ng pinag aralan na tao ang tawag ay upuan kahit anong klase ng upuan.

    Nasa mga tao na ang pag husga sa sinabi ng tao na iyan. Basta ang masabi ko lang mula ng mapatalsik si Marcos naging magulo na ang bansa. Boboto sa halalan at pag manalo na hindi magkakaroon ng tiwala sa ibinoto.

    Katulad na lang sa K12 program. Sobrang pagpahirap iyan sa mag aaral at sa mga magulang ng nag aaral kasi nadagdagan ng dalawang taon ang pag aaral. Nakaka siguro ba na pag mag graduate ng hayskul makatrabaho na. Eh siguro pag mag graduate na ng hayskul mag aral sa college para sa kurso ng gusto. Ang dami kayang nag aral at nakatapos ng college na medyo hindi sinwerte sa buhay. Katulad ko, aral ng aral noon halos hindi mag absent elementary, hayskul, nakatapos college BS customs, pero ano ngayon, tambay.

    Basta kahit ano pang reklamo wala ng magagawa dahil naging pangulo si Duterte na maglingkod ng anim na taon.

  3. vic vic

    Senator Cayetano Must be a Direct Descendant of Pilisopo Tasio ..But sometimes I have the gut feelings he is more related to Judas Iscariot.

  4. roc roc

    does not really matter kung didikit masyado yong tape, kahit didikit ng konti, okay yon. patay na yong tao at hindi na tatakbo. hindi gaya ng balikbayan boxes na kailangang i-secure ng husto dahil malayo ang lalakbayin.

    maybe, if cayetano was killer he’ll use a different tape, but since matobato was killer, it was matobato’s own choice of tape. maybe cayetano should have asked why use that particular tape, and the answer might have been because the city of davao buys them in bulk, ha, ha, ha. lol.

  5. vic vic

    Maybe even Cayetano does not know that the “Duck” tape is not tape specific for taping Duct Works but a Brand of tape famous for Duct works…and they are sometimes confused with one another…that people would buy any Duck tape in other brand of Duct tapes…

  6. MPRivera MPRivera

    ano ba iniimbestigahan ng senado? para saan ang pagtetigo ni matobato sa isyung dinidinig ng komite? paanong magkakaroon ng kaugnayan ang mga isiniwalat ni matobato sa EJK bunga ng war on drugs?

    ang mga pahayag ng testigo nina delima ay naganap noon pang 2002 kung kailan meyor pa ng davao city ang ngayon ay pangulo ng bansa na si digong duterte? bakit hindi nila sinampahan ng kaso at hinintay pang maging presidente?

    bakit sa halip na sagutin ni delima ang mga paratang sa kanyang nag-uugnay sa mga drug lords ay pilit niyang nililihis ang atensiyon ng masa sa paghahalungkat ng maaari niyang gawing panakip butas sa kanyang incompetence bilang kalihim ng hustisya ng nagdaang administrasyon kung saan sa ilalim ng kanilang pamamahala ay namayagpag ang malawakang pagkalat ng ilegal na droga?

    sa loob ba ng dalawang buwan ay ganoon kabilis ang paglaganap ng droga matapos mahalal ang kasalukuyang administrasyon kaya’t yung kanilang pagpapabaya at kapalpakan ay pinipilit nilang pagtakpan?

  7. Tilamsik Tilamsik

    A day in a life of a …. packaging tape..!!

    In 1925, a 3M employee Richard Drew observed auto-body workers growing frustrated when they removed butcher paper they had taped to cars they were painting. The strong adhesive on the tape peeled off some of the paint they had just applied. Touching up the damaged areas increased their costs. He realized the need for tape with a gentler adhesive. Olah..!! the masking tape was born.

    Since then, from generations to generations, the humble adhesive provides whatever purposes it may serve the kingdom. Recently, a young law maker in the far East catapulted the humble tape in the political arena in Philippine congress. Subsequently, the modest packaging tape’s silhouette will never be the same again….Hurrayyy..!!!

  8. jaq jaq

    we support senator de lima more power po sa totoo lang tayo kasi nabibisto na mga dds.

Leave a Reply