Noong 2004 na eleksyun, dinaya ni Gloria Arroyo si Fernando Poe, Jr. ngunit minabuti ng mga ma-iingay na defenders daw ng demokrasya na magbulag-bulagan at magbingi-bingian dahil minamata nila si FPJ.
Pang-pelikula lang siya, walang alam sa pamamahala ng bansa, sabi ng miyembro ng “civil society” na siyang nanguna sa pagpatalsik kay Ferdinand Marcos noong 1986 at kay Joseph Estrada noong 2001.
Marami sa kanila ngayon ay kasama sa pamahalaang Aquino at nanga-ngampanya para kay Mar Roxas.
Naala-ala nyo noong canvassing ng boto sa Kongreso noong 2004 na tuwing mag-reklamo ang mga miyembro ng oposisyun na sina Sen. Aquilino “Nene” Pimentel, Jr, Tessie Aquino- Oreta at Serge Osmeña ng mga results ng eleksyun sa mga lugar sa Maguindanao na mas marami ang boto kaysa bilang ng mga rehistradong botante, ang aksyon lang ni Sen. Kiko Pangilinan, na kasama sa canvassers, ay pumukpok ng malyete sabay sabing “Noted?” Lumabas ang “Hello Garci” tapes isang taon matapos ang eleksyun at doon napatunayan ang malawakang pandaraya na ginawa ni Arroyo.
Dahil ang pundasyun ng pamahalan ni Arroyo ay pandaraya at hindi naman talaga siya ang binoto ng mamamayang Filipino, marupok ang kanyang pamahalaan at kinailangan niyang alagaan ang mga taong kasama sa kanya sa pandaraya sa pamamagitan ng pagbigay ng mga kontrata at proyekto sa pamahalaan para kumita. Kaya maraming kurakutan.
Ang isang paraan para ma-kundisyun ang isip ng mga tao sa pandaraya na kanilang ginawa ay ang pagpalabas ng mga survey na panalo daw si Arroyo kahit na popular talaga noon si FPJ, ang tatay ni Grace Poe na tumatakbo sa pagka-pangulo.
Nitong mga nakaraang araw may pinapalabas ang kampo ni Mar Roxas na mga survey na gawa daw ng D’ Strafford Research & Strategies at si Roxas na ang nangunguna, sunod si Rodrigo Duterte at pangatlo si Grace Poe. Aba, may hindi magandang binabalak ang iba dyan at sinasamantala ang takot ng marami sa kay Duterte.
Hindi talaga maintindihan ng mga dilawan na kaya nangnguna ngayon si Duterte at si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay dahil sa inis at galit nila sa administrasyong Aquino na maliban sa palpak, mayabang pa. Sawang-sawa na ang mga tao sa administrasyong dilaw.Sawa na ang mga tao sa color-coding na pamahalaan.
Sinasabi ni Poe, sa kanyang pamahalaan, sakop ang lahat na kulay. Sa kanyang pagpili ng mga taong tutulong sa kanyang administrasyon, pipiliin niya ang mga taong magaling at hindi matatakot magdesisyun, at higit sa lahat, may puso. Nakikita ito sa kampanya. Sa lahat na mga kandidato si Grace Poe ang hindi nang-aaway. Nagsasabi lang siya ng kanyang mga plano para sa taumbayan.
May sulat ngayong araw si dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal sa Comelec dahil sa maraming bagay na hindi pa naa-ayos limang araw bago eleksyun. Halimbaya ay ang patakaran ng Comelec na hindi dapat ipadala ang resulta ng Canvassing hanggang hindi makuha ang buong resulta. Magiging dahilan ito ng pag-antala ng proklamasyun ng mga nanalo.Paano ang proklamasyun ng mga kandidato lalo na sa pagka-presidente, bise-presidente at mga senador. Ito ba ay para magkakaroon ng pagkakataon na gumawa ng hokus-pokus?
Naku ha. Walang dayaan. Kung ayaw nyong umalsa ang mamamayang Filipino.
“Nitong mga nakaraang araw may pinapalabas ang kampo ni Mar Roxas na mga survey na gawa daw ng D’ Strafford Research & Strategies at si Roxas na ang nangunguna, sunod si Duterte at pangatlo si Grace Poe. Aba, may hindi magandang binabalak ang iba dyan at sinasamantala ang takot ng marami sa kay Rodrigo Duterte.”
—
Ano raw ang gumawa ng survey, ano yun?
Halata masyado ang balak, lahat ng tao ni Gloria Arroyo pinakyaw ni Mar Roxas.
Ang kampong dilaw ay hindi marunong tumanggap ng pagkatalo sa pulitika, as if entitled sila/si Mar Roxas sa trono ng presidente.
Kung manalo si Grace Poe, masaya ako.
Kung manalo si Digong Duterte ayos lang sa akin basta honest at clean ang pagkapanalo.
Kung manalo si Mar Roxas via dayaan gulong katakot-takot dahil ang pundasyon ng bansa ay dinaya.
Pandaraya sa eleksyon, perfect recipe for a revolution ngayon pa.
#2 Chi, obvious talagang mandadaya si NOYNOY at Roxas dahil dabi niya na sigurado siyang mananalo…paano naman ang kulelat mananalo na hindi naman nakitang nadagdagan ang suporta niya? Ang daming angal na ang binoto ay si Marcos at Du30 pero Roxas at Robredo ang lumalabas sa receipt….with regards to Poe, she cannot be a president…too many lies from BIRTH…also her husband is a SPY that will definitely BAD for our sovereignty. Early on, the SPY and QUEZO are already fighting for the 300 Million fund how much more if what is at state is TRILLION peso budget….nakakatakot…POE people are very used to COMFORTABLE living unlike Du30 who is living very humbly and Du30 knows the daily grinds of life rather than POE…we need a seasoned leader like DU30 who is at the SUNSET of his life and seems not obsess with GRANDEUR compared to Binay, Roxas and Poe. Du30 is not political butterfly compared to ROxas who served GMA but dumped her.
D’ Strafford Research & Strategies is incorporated on April 2016 in time for massive cheating. They are already conditioning the minds by FALSIFIED surveys where KULELAT Roxas is leading….oh my…
Salamat, Chit.
Ana, its an out of the blue survey outfit spewing out of the blue stat numbers. I’m betting that after winners are proclaimed it will disappear just as fast as it appeared.
Hocus PCOS. Sabi rin ni Binay he will win by 4 million votes. Panahon talaga ng mga kawatan. Ano ba kasalanan ng Pilipinas at pinaparusahan tayo ng ganito.
@5: You are TOO RELIGIOUS! You believe so much on the Doctrine of Jesus; BUT baloktot naman ang mga pag-iisip, pala simba, dasal ng dasal BUT NEVER actually follow the 10 Commandments or their Imaginary Friend’s teachings. Ganid pa rin, kawatan, sinners to the HILT. What a Country of HYPOCRITES. I’m better off as an Atheist.