Skip to content

Mas malutong ang putang ina mas malakas ang palakpak kay Duterte

(Lumabas itong kolum sa Abante: www.abante.com.ph)

CAA, Las Pinas. From FB page of  Sahad Andal Jr
CAA, Las Pinas. From FB page of Sahad Andal Jr

Kaya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay mura ng mura dahil gustong-gusto yan ng mga tagahanga niya. Mas malutong ang “Putang Ina” mas malakas ang palakpak.

Nang sinundan namin ang kanyang rally noong Biyernes sa Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa, nabingi ako sa sandamakmak na putang ina na narinig namin. Hindi lang putang ina ang bukambibig niya. Merong ulol, tanga, gaga (kay dating Justice Secretary Leila de Lima), bayot (kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas), buang.

Gustong-gusto ng mga tagahanga niya. Sigaw pa nila: “Mura pa more!”

Kapag manalo siguro si Duterte, putang ina ang maging pambansang sigaw ng bayan.

Naisip ko kaya siguro tuwang-tuwa ang mga tao kapag nagpuputang-ina si Duterte kasi parang sila na rin ang nagmumura sa mga kriminal, mga nagbibenta ng ilegal na droga, at mga korap na mga taong nasa kapangyarihan.

Sabi niya nang una siyang mayor ng Davao, magulo ang siyudad at hindi natatakot sa batas at sa awtoridad ang mga kriminal. “Sa unang taon, wala na akong ginawa kungdi pumatay ng mga putang inang drug lords.” Palakpak.

Sabi niya ang iba umalis ng Davao. Ang hindi umalis ng Davao, “Yun, patay na.” Palakpakan ang mga tao.

Sabi niya kapag siya ang magiging presidente, sabihin niya sa mga putang inang korap na mga mambabatas na walang pork barrel. Kung ayaw nila, “isasara ko yan (ang Kongreso). Susunugin ko yan.” Palakpak ang mga tao.

Duterte at  travel agencies' event.
Duterte at travel agencies’ event.
Ngunit may isang hindi natuwa sa mga mura ni Duterte. Sa exhibit na inurganisa ng National Association of Independent Travel Agencies, sinabi ni Duterte ang kanyang pangako na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan linisin niya ang Pilipinas ng mga kriminal, mga druglords, at mga korap.

Sabi niya kahit anong ganda ng Pilipinas, kung naglilipana ang iligal na droga, hindi natin mahihikayat ang mga taga-ibang bansa na pumunta dito dahil baka makidnap pa yan at ma-rape.

Mexican Ambassador Julio Villasenor
Mexican Ambassador Julio Camarena Villasenor

Binigay niya bilang halimbawa ang Mexico kung saan malakas ang drug cartel. “Bakit ka pupunta sa Mexico with all the kidnappings ang killings there?”

Ang problema lang, kasama sa mga panauhing pandangal ay ang ambassador ng Mexico na si Julio Camarena Villaseñor na bago dumating si Duterte ay nagpakita pa ng video kung gaano kaganda ang kanyang bansa at hinikayat ang mga Pilipino na pumunta sa Mexico.

Sabi pa nga ng ambassador hindi kailangan ang visa papuntang Mexico kung meron kang U.S. Schengen o Japan visa.

Tumawa ng medyo napahiya ang lahat sa sinabi ni Duterte. Hindi natawa ang ambassador.

Sinenyasan ng kanyang bise-presidente na si Alan Cayetano si Duterte na nandyan ang Mexican ambassador. Kumambyo naman bigla at sinabing, hindi lang naman daw Mexico ang ganung kaso. “Pwede ring Russia, Egypt…”

Pagkatapos ng program, pinutakte ng mga reporter si Ambassador Villasenor na halatang naalibadbaran na sa kanya ang atensyun.

Dinepensahan niya ang kanyang bansa, siyempre.Sabi niya ligtas ang mga turista sa Mexico. “Mexico is a very safe country and yes, we fight a war against international crime.”

Tinanong si Duterte kung hihingi siya ng paumanhin sa Mexican ambassador. Sagot niya: “Bakit ako mag-apologize. Sa diyaryo naman yan araw-araw.”

Yan ang style Duterte.

Published in2016 elections

7 Comments

  1. Ana Duran Ana Duran

    Duterte has the balls to call a spade a spade and has no qualms on saying the truth that oftentimes hurt feelings. He is our best chance for CHANGE and he already done it in Davao where the Christians and Muslims live together harmoniously. Davao has NPA, MILF and MNLF to deal with and yet the city is very peaceful. He is proven and he has wisdom to deal with the problems that is hauting our country. Vote Du30.

  2. chi chi

    Republic of the Philippines will become the Land of the Putang-inas. 🙂

  3. chi chi

    And the president will be called Putang-ina Duterte kasi napalitan na rin ng putang-ina ang salitang pangulo. 🙂

  4. Ana Duran Ana Duran

    #2 and 3 Better to have land of “putang ina” where people are served and issues of povery, crimes and lawlessness are addressed rather than have a DECENT government na PALPAK with Roxas, OJT and oligarchy government with Poe and CORRUPT government of Binay…Du30’s house was featured in CNN and you can tell that the guy is DEVOID of lavish lifestyle, material wealth does not define him. If he wins, he will serve the people which supported him rather than NOYNOY, DANDING Cojuangco nor Ramon Ang…

  5. Jojo Jojo

    #2, chi puwede ka nang sumama sa ” It’s Show Time ” ok na ok ang patawa mo. Tila may points si ana duran. may katwiran siya ayon sa mga araw araw na lumalabas sa pahayagan na nababasa natin ayon sa records ng mga kandidato.

  6. Vanie Vanie

    Sa mga natutuwa sa pagmumura ni duterte, baka parehas ang pagpapalaki ng magulang nyo sa kay duterte. Pwede naman nya sabihin ang plataporma nya na hindi na kailangan pang magmura. Magandang-asal — yan ang dapat natutunan natin at kailangan ding ituro sa mga bata.

  7. Ana Duran Ana Duran

    For those who are “holier than thou”, you don’t judge people of what comes out from the mouth but their action. Di ba si NOYNOY maganda ang asal? Sa kagandahang asal ni NOYNOY, walang natatakot sa batas kaya lahat na lang ay KRIMEN, drugs at kawalanghiyaan…

Leave a Reply