Tama. Huwag na yung mga presidential debate na yan. Sampalan na lang. Mas exciting pa.
Sino kaya ang pwede mag-organisa nito. Hindi siguro mahirap maghanap ng sponsor dahil sigurado maraming manonood nito.
Sa isang korner ay ang Liberal Party presidential candidate na si Mar Roxas at sa kabilang korner naman si Rodrigo Duterte, ang kandidato ng PDP-Laban.
Pwedeng gawing so MOA Arena. Hindi pwede sa Araneta Colisuem at pag-aari yan ng pamilya ng nanay ni Roxas. Magkakaroon ng hometown decision.
Kunin na judges ay ang tatlo pang kandidato sa pagka-presidente na sina Grace Poe, Jojo Binay at Roy Señeres. Ang referee si Miriam Santiago, isa ring presidential candidate.
Paano ba napunta sa sampalan ang kampanya para sa pagka-presidente sa Election 2016?
Nagsimula yan sa sinabi ni Roxas na ang pinagyayabang ni Duterte na “safest city” ang Davao ay hindi totoo. “Myth” o kuwento lang na nalipat-lipat at akala ng marami ay totoo.
Siyempte umalma si Duterte. Binanatan niya si Mar tungkol sa palpak sa Tacloban noong bayong Yolanda. At sinabi niya ang “myth” ay ang sinabi ni Roxas na graduate siya ng Wharton School of Economics- isang sikat na eskwelahan sa Amerika.
“You did not graduate from the Wharton School of Economics, Mr. Roxas. Your name is not on the list of those who graduated from a four or five-year degree courses, ask Wharton.” Duterte said.
Pwede sigurong nag-aral siya doon gn tatlong buwan o correspondence course lang ngunit hindi yung apat na taon ay nag-graduate na naka-toga.
Sabi ni Duterte, kung magalit si Roxas sa kanyang mga sinabi, “sampalin ko siya.”
Aba, pinatulan ni Roxas si Duterte at noong Lunes nang tinanong siya ng mga reporter, ang sabi niya:
“Sampalin niya ako. Punta siya dito. Kung hindi, punta ako doon sa Davao, sampalin niya ako sa airport, tingnan natin.”
Dagdag pa ni Roxas: “Ganito, magsampalan nalang kami. Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas or iilag. Pero kung totoo yung Wharton degree ko, sasampalin kita.”
Sabi pa ni Roxas ang pa-macho-macho ni Duterte ay yabang lang at ang kinakaya-kaya niya ay yung mga taong wala sa kapangyarihan. Wala naman akong kilalang malaking tao na na sinampal niya, lahat maliliit, mga walang kalaban-laban.”
“Subukan natin, tingnan natin,” hamon ni Mar.
Sige. Umpisahan na ang pustahan.
This article came out in Abante http://www.abante.com.ph/op/columnists/prangkahan/39427/prangkahan-sampalan-blues-nina-mar-at-duterte.html
ewan. pwede bang iangat ng kahit konti ang antas ng sampalan, este ng debate?
Yes, simulan na ang sampalan…tiyak ang ending ay sabunutan….hahaha!
Oh, di ba mas masaya?
O baka kurutan ang kahinatnan nyan.
It would be fun if these two would face one another and either do a “slapping” or boxing match for charity…
In 2012, Trudeau got in the ring with now-disgraced Conservative Senator Patrick Brazeau for a charity boxing match. It was widely anticipated that, Brazeau – a physically large man who had trained in the Canadian Forces – was going to thrash Trudeau. But Trudeau was in better shape and outlasted Brazeau to deliver a technical knock-out in the third round before a hall packed full of Conservative MPs and ministers.
The media fixated on the match and declared that it was the start of Trudeau’s leadership campaign. The match certainly helped imprint Trudeau on a much larger audience nationally.
Here is the Video of the now sitting PM starting his campaign for the Office with a 3 round TKO over a larger (political) boxing opponent..
https://www.youtube.com/watch?v=fYlWiZMhaLE
Suntukan na lang sa sabi ni Mar: http://www.gmanetwork.com/news/story/547957/news/nation/mar-roxas-to-digong-duterte-suntukan-na-lang
Sabi naman ni Digong barilan na lang:Gun duel na lang http://davaobreakingnews.com/duterte-dares-roxas-to-a-gun-duel-instead/
Tamang-tama yung photo above. Hindi pa nilalabas ni Mar ang kanyang bawang power. Matindi yan.
Hanggang dito na lang ba tayo?
Tangina, malas talaga ang Pilipinas.
Teka teka muna. Bakit hindi isali si Grace diyan sa sampalan at kurutan? E kung nambola si Digong tungkol sa pagkatahimik sa Davao, si Mar na may Wharton MBA, e sabi ng Comelec naman nambola daw si Grace tungkol sa pagkaresidensia at citizenship niya upang makatakbo siyang presidente. Ang talo o sumuko dapat umatras sa halalan. Kailangan ang Korte Supreme at hindi Comelec ang mga ringside judges para isa lang ang lagayan at bayaran at wala ng appeal sa desisyon. Di ba? Only in da Philippines!
#3. Hahahahahaha!… palagay ko nga matapos sa kurutan.
total parang mga bata lang yung dalawa, mas exciting kung maglaban na lang sila ng hubuan. ang unang mahubo ang pantalon talo
saan ba talaga papunta ang pilipinas?
Put your money where your mouths are. Mag-arkila ng barko, pumalaot sa international waters, para walang batas. Then, magbarilan na.
This happened in real life – Ang duelo ni Aaron Burr, at Alexander Hamilton. Nagkita sila sa New Jersey, dahil mas stricto ang New York sa duelista. Although duels were illegal in both states.
en.wikipedia.org/wiki/Burr%E2%80%93Hamilton_duel
Hamilton wrote the Federalist papers, the commentary on the US Constitution, that still serves as reference, and oft-quoted in US Supreme Court decisions.
Anak mahirap si Hamilton. Anak sa labas, later naulila.
Si Aaron Burr, anak mayaman. Anak siya ng second president of the College of New Jersey, later Princeton. He was the Vice President of Thomas Jefferson – the guy who said all men are created equal, but owned human beings (African slaves).
Ang talagang gusto kong mag-away ay si Abad at si ABNoy – Always Blameshifting Noy. Puwede ring Always Boasting Noy.
Magsabunutan sila. Ang makakuha ng buhok, panalo.
Why can’t Roxas show his DIPLOMA that says “Wharton”? Ang diploma kasi ni Roxas ay UPenn lang kasi di naman siya kumuha ng graduate degree sa Wharton…Iniiba lang ni Roxas ang usapan kasi huling huli siyang nagsinungaling tungkol sa credentials niya…ang kasabihan nga “Ang SINUNGALING .. kapatid ng MAGNANAKAW”. Bakit kaya tahimik si JoeAm sa issue na ito….siya pa naman ang tagapagtanggol ng mga DILAWAN?
In US universities…
Graduate degree (MA, MBA) is one to 2 years depending on the schools… up to 4 years if part time student.
Roxas, who earned his degree on May 1, 1979, majored in Finance and attended the prestigious school from September 1, 1976 until May 1, 1979, which is equivalent to one full year.
Undergraduate degree is usually four years..
Phd…hanggang patayan depende sa student.
Mali, mali….sorry
I-ve read it wrong.. ‘kala ko Sept 1976 unit May 1976.
Therefore, Roxas degree was undergrad….nag-summer siguro. 🙂
O kaya ay graduate level but part time only kasi parang nag-teka teka muna, hahaha!
Anyways, basta siya ay nag-aral sa UPenn sabi ng diploma, and hindi lang alam ay kung ang degree ay undergrad o grad.
Sige, mag-kurutan na a ng magkaalaman. Hay Pinas kong mahal…
Depende daw sa U kung gustong isama ang name ng kanilang prestidious business school sa diploma o name lang ng U. Pareho lang daw yun.
Atty SnV…paki klaro nga kasi gusto ko magkatuluyang magkurutan si Duterte at Mar. 🙂
Hindi pa rin naiintindihan ng marami yung kaibahan ng undergraduate sa graduate. Yung baccalaureate degree yun ang undergraduate, sa atin 4-year degree course. May BS or BA na titulo ka na. Kung Graduate Program, yung ang masteral – may MA or MS na titulo ka na. Kung Post-graduate, Doctorate degree na. PhD (or DPhil sabi ni Yuko from Oxford), MD, SJD/JSD/JC/LLD, DA, ED, DEng, DMA, etc.
———–
Sa Pinas ang pagkakaintindi pag “undergraduate”, hindi daw nakatapos. Ayun madaming sumakay sa palpak na spin ni Duterte.
———
Sa Pinas pinakamarami ang doctorate, dinoktor sa Recto and mga diploma at transcripts.
——
Siguro kung ilalagay din yung title after pangalan ng tao to distinguish kung sino nakatapos, si kalbo – Benigno S. Aquino III – B.S. ang nakalagay. Parang yung pulis sa Pasay nung araw, nakalagay pa sa calling card “M.S.11, M.S.12” hehehe.
re #14
chi, Wharton has confirmed that Roxas is their alumnus with an undergraduate degree in Economics. I doubt though if that merits the esteemed Wharton Diploma. But is he considered a Wharton “graduate”? Yes.
Parang sa Pinas, sa UP merong Cesar EA Virata School of Business or VSB – an elite business school under the UP System. Sa Ateneo, merong John Gokongwei School of Management. Sa DLSU merong Bro Andrew Gonzales School of Education, Ramon V. Del Rosario College of Business, saka Gokongwei College of Engineering.
Check out a snapshot of Wharton’s alumni roster here http://goo.gl/qRC1gn
#17 Tongue, I disagree…pre-med from UST is like undergraduate from UPenn…Medical degree from UST Medical School is like graduate degree from Wharton….If you graduated from UST Pre-med but did not go to UST Medical school then you cannot claim that you went to UST Medical School…therefore Roxas cannot claim he went to Wharton as he only graduated from UPenn and not from Wharton Business school.
Kung ano anu na lang ang sinasabi ni Duterte laban kay Roxas. Ang mga sinasabi ni Duterte ay taktika lang para kung anuman ang maging reaksyon ni Roxas ay punahin. Kanina narinig ko sa radyo na kung ma disqualify daw si Duterte ang suportahan niya ay si Binay. Haha, susuportahan niya ang tao na kahit pagharap sa senado ay takot. Ang susunod na presidente ay wala ng iba kundi si Roxas. Nabasa ko sa diaryo ang paborito daw ng mga Kano ay si Roxas. Kasi kung iba ang maging presidente ay baka hindi nila na mga amerikano makontrol ang Pilipinas. Pero kung si Roxas ang mananalo ay makontrol nila ang Pilipinas. Kahit di maganda ang survey ni Roxas ay anu naman ang ginagawa ng PCOS machine.
Arvin, Kulelat si Roxas kaya mahirap dayain…his cheating will work only if he is #2 or #3 but not #4….Roxas has been with govt for 30 years but has no accomplishments…he has no leadership so he cannot be a president….baka yung nanay niya na si Judith Araneta ang maging president..
Mga kulang sa pag iisip ang sino man ang nagsasabi na palpak si Mar Roxas sa nangyaring bagyong yolanda. Nang mangyari ang bagyong yolanda nasa tacloban si Mar Roxas. Sobra sobra ang tulong na nagawa ng administrasyon ni Pnoy sa tacloban. Ang kaso pinopolitika lang sinasabi na walang tulong o tulong. Si Romualdes puro banat kay Pnoy, pero nabasa ko sa isang site na humihingi si Romualdez ng sorry sa mga nasabi na di maganda kay Pnoy. Sa malasakit na huwag kayong maniwala. Mismong sa bibig ni Ted Failon ng maging bisita sa DYVL aksyon radyo na pagkatapos ng bagyong yolanda umalis ang kumakandidatong senador papunta cebu. Mga isang buwan ay bumalik. Bakit sasabihin na isa lang ang nagmalasakit. Kung wala ang TSU TZI na international organization ay kawawa ang tacloban. Ang tacloban ay highly urbanized city na. Bakit pa aasa sa masyado sa gobyerno. Ang hirap sa mga taga tacloban ay hindi tinatanong ung ano ba ang naitulong ng mayor nila sa kanila dahil sa bagyong yolanda.
Sa tulong ng tsu tzi ay naging malinis agad ang tacloban kasi ito maglilinis ka, bahay mo o hindi ang bayad ay 500 pesos. Ang mga nagrarally na mga taga tacloban kontra kay Pnoy ay huwag kayong maniwala diyan kasi mga inutusan iyan para siraan lang si Pnoy. Loko loko ang mga grupo na iyon. Mula tacoban ay pupunta ng Manila para mag rally. Sa panahon na iyon di pa nakabangon ang lugar. Saan kumuha ng pera ang mga nagrally, ano ang sinakyan nila eh sasakyan ng politiko. Ang daming uto uto mula ng mapatalsik si Marcos. Si Petilla lang ang karapat dapat na manalo mula sa Leyte pagka senador dahil totoong tao.
Arvin,,,,,eh ang DOTC, LGU na pinamunuan ni Roxas…sira ang MRT…traffic everywhere…SAF44 at Zamboanga siege…sobrang palpak..laging hugas kamay specially sa SAF44…no need to take Roxas seriously as he has NO CHANCE whatsoever to become president…he already lost in 2010…what changed that will make people vote for him this time? Mukha na lang LOSER na eh….everything that comes out of his mouth is NONSENSE….
Ana, di ko alam pasikot-sikot doon sa UST. Kahit naman sa UP or any other school, di naman kino-consider na Doctor yung pre-Med graduate, LOL. Kung BS Anatomy o BS Biology ang Pre-Med mo sa Diliman, di ka naman sasabihing graduate sa UP Med kasi nasa UP Manila ang UP Med campus. hehehe.
Pero sa UPenn ang alam ko yung course gaya ng kay Roxas ay physically nasa Wharton School. Yung boss kong kano noon sa Westinghouse considers himself a proud Wharton graduate. Pareho sila ng course ni Roxas. May ilan pa kaming expats na graduate din ng UPenn kasi nga yung Westinghouse ay nasa Pittsburgh ang HQ at may offices sa Philadelphia.
#17. thanks tongue.
Ang sabi ng asawa ko na business propesor sa isang U dito, walang deprensya daw kung ang business degree ni Mar ay undergrad o grad basta kinuha niya sa UPenn ay consider siya na Wharton Business School alumnus.
Wala ring deprensya kung and diploma ni Mar ay UPenn lang at walang Wharton…pareho din daw yun. Depende daw sa U kung ano ang kalakaran sa inilalagay sa diploma.
Tongue and Chi, see further explanations on misrepresentation:
http://news.abs-cbn.com/nation/12/17/15/bello-mar-misrepresented-wharton-degree
Sabi lang yan ni Bello na supporter ni Duterte. Kanino ka maniniwala sa officer at roster ng Wharton o kay Bello?
haaay, mar roxas. kahit ano pang gimik ang gawin mo wala ka pa ding pag-asa na manalo. kahit buong angkan pa ni arvin ang bumoto sa iyo.
arvin, alam mo bang kapag naging presidente si mar ay hindi pa din niya papayagang malibing si apo makoy sa libingan ng mga bayani? siksik ka pa din nang siksik sa puwet ng mga dinilawan? ano ka ba talaga? kanino ka?
mar (tr. v.) marred, marring, mars. 1. to inflict damage, especially disfiguring damage.
see? pangalan mo pa lang DISASTER na!
bahala ka sa buhay mo!
pakyu!