Skip to content

Tanim-bala: Nagpapatunay ng kawalang kakayahan ni PNoy bilang lider

Balot na balot
Balot na balot

Tanggap ko na na mahina talaga si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bilang administrator ng bayan. Kasama na sa kanyang kahinaan na ‘yan ang pagpili ng mga tao na kasama niya sa pagpatakbo ng bayan.

Ngunit hindi ko akalain na ganu’n siya at ang kanyang mga kasamahan kawalang alam tungkol sa ordinaryong pamumuhay ng Filipino. Dito sa isyu ng tanim-bala, lumabas talaga angkawalan ng kakayahan mamuno ni Aquino.

Isa pa itong si Mar Roxas na kandidato ng Liberal Party (LP) sa pagka-presidente sa 2016. Inindorso siya ni Aquino para raw ipagpatuloy ang kayang Tuwid na Daan. ‘Yung naman ang isinusulong ni Roxas sa kanyang kampanya.

Hindi nakapagtataka.

Noong isang araw, sinabi ni Roxas sindikato raw ang may kagagawan ng tanim-bala sa NAIA na maliban sa perwisyo na binibigay sa mga kawawang biktima ay naging malaking kahihiyan para sa Pilipinas. Kailangan daw mapanagot ang mga may kagagawan nito.

Maganda pakinggan. Kaya lang, bakit ngayon ka lang nagsalita? Mag-iisang buwan na ang isyu at hindi ninyo pinansin ‘yan. Hello??

Sabi ni Press Sec. Sonny Coloma noong isang buwan nang ibinalita ang pagditene sa isang 56 taong gulang na OFW papuntang Hongkong dahil may nakitang bala sa kanyang maleta, na masyado naman daw pinapalaki ng media ang isyu samantalang libu-libo raw ang dumadaan sa NAIA. “Iilan lang naman ang ganitong mga nakitaan ng bala,” sabi niya.

Si Transportation Sec. Joseph Abaya kumpleto pa ang statistics. Ang dumadaan daw na pasahero sa NAIA ay 32 milyon.
Ang nahulihan daw ng may bala ay 1,510 na 0.004 percent lang daw ‘yan ng 32.4 milyon.

O, ‘di ba kayo bilib sa mga tao ni Aquino? Akala nila maresolba nila ang problema sa statistics, ano.

Sabi nga ni Rene Almendras, secretary to the cabinet at isa sa pinakamalapit sa Pangulo: “It wasn’t President Aquino who put the bullet there or Secretary Abaya. Did they tolerate an initiative like this? I don’t think so.”

Hindi naman daw si Aquino at si Abaya ang nagtatanim ng bala sa maleta ng mga pasahero. Nagtataka siya kung bakit sila ang sinisisi.

Ito ang sinasabi ko na hindi ko akalain na ganyan sila kahina. Hindi kasi maganda pakinggan kapag sinabing kong “tanga.”

At sino ang sisihin ng taumbayan? Kanino ba responsibilidad ang ayusin ang pagpatakbo ng NAIA? Kanino responsibilidad ang protektahan ang taumbayan sa mga kriminal?

Sabotahe daw sa administrasyong Aquino.
Sabotahe daw sa administrasyong Aquino.

Mabuti naman at iniimbistigahan nila ngayon ang mga sindikato na gumagawa nu’n.
Dati kasi ang linya nila ay sinasabotahe raw si Aquino at si Mar Roxas.

Sabotahe o sindikato man ‘yun, responsibilidad pa rin ‘yun ng namumuno ng bansa na alamin at parusahan ang may kagagawan nu’n para mahinto.

Huwag naman sabihin na pati ‘yan hindi nila alam.

Published inGovernance

29 Comments

  1. Gabriela Gabriela

    Student council nga, di ba sabi ni Joker Arroyo?

  2. saxnviolins – November 4, 2015 2:17 am

    OT.

    About tanim bala.

    There is the concept of prosecutorial discretion. This is where Delay Ma, or the City Prosecutor comes in.

    “so long as the prosecutor has probable cause to believe that the accused committed an offense defined by statute, the decision whether or not to prosecute, and what charge to file or bring [before a grand jury], generally rests entirely in his discretion.” (Bordenkircher v. Hayes, 434 US 357)

    The potential charge is for illegal possession of ammunition. It is true, that the crime is mala prohibita (there is no need to prove criminal intent). But in cases involving illegal possession (of drugs, in the cited case), the prosecutor needs to prove that:

    “the accused freely and consciously possessed the [illegal item] prohibited drug” (People of the Philippines v. Noriel Lacerna)

    lawphil.net/judjuris/juri1997/sep1997/gr_109250_1997.html

    In all cases of tanim bala, the possessor did not even know that he/she “possessed” the bullet. So the prosecutor would find it difficult to prove that the traveler “consciously possessed” the bullet.

    Additionally, the prosecution of a traveler, who “possessed” one bullet, on the way out of the Philippines, does not further the policy stated in the law (Section 2 of RA 10591) – to maintain peace and order.

    gov.ph/2013/05/29/republic-act-no-10591/

    One with no gun to fire the bullet, and one who is on the way out of the Philippines, does not affect peace and order in the Philippines.

    So if Delay Ma, or the City Prosecutor, states categorically, “I will dismiss outright, any complaint for illegal possession of ammunition, where the factual basis is possession of a single bullet on the way out of the Philippines, this will stop the scam dead on its tracks.

    Lagyan mo pa ng ngipin. Any police or airport officer who files a complaint as frivolous as one for possession of a single bullet, shall be administratively investigated.

    Political will lang ang kailangan.

  3. Ellen – November 4, 2015 9:45 pm

    “Political will lang ang kailangan.”
    Agree.

    That’s why the Aquino government’s spokespersons’ line that it’s a conspiracy to embarrass Aquino and Mar Roxas does not wash. It’s still their responsibility.

    That it continues to be done despite the outcry underscores their incompetence.

  4. TonGuE-tWisTeD – November 6, 2015 11:29 pm

    Mabuti bumalik na sa dati yung login. Akala ko banned na ako dito. 2 weeks ako di maka-login.

    Anyways, I was told this Angel Honrado pala was Cory’s pilot and a cousin of Noynoy. He was also escorting Junior De Guzman (forgot the full name), then a congressman when he was arrested in the States for smuggling high-powered firearms for which he was expelled from Congress and served jail term for a few years.

    Hint! Hint! Hint! Airport Gen. Manager…smuggling firearms…tanim-bala. Kabarilan!

  5. saxnviolins – November 7, 2015 12:19 am

    Guy’s name is Nicanor De Guzman, Jr., from Nueva Ecija. He was pardoned by Erap.

    philstar.com/nation/235486/pardoned-ex-ecija-solon-tries-political-comeback (January 18, 2004)

    Nang magtangka si Junior De Guzman na magpasok ng baril, katabi niyang naghihintay sa conveyor belt si Honrado.

    philstar.com/bansa/590904/honrado-bagong-miaa-manager (July 8, 2010)

    Here is a more detailed story from Butch Quejada. Nang matiklo si Junior, pinaalis pa daw ni Honrado ang mga press people, composed of Quejada, Louie Logarta of the Inquirer, and Jerry Baldo of Malaya (Uy, paper niyo yan Ellen).

    philstar.com/opinyon/595193/wanted-sila

  6. TonGuE-tWisTeD – November 8, 2015 1:20 am

    Thanks for the links, sax. The first time I heard that news was from Mang Loy Caliwan, whose name appears in one of your links. (He was a former neighbor who used to be a photojournalist, radio blocktimer, reporter covering MIA and was one of the chosen few allowed by Cendaña to cover Ninoy’s fatal arrival – which Cendaña would probably regret had he known of the assassination plot beforehand.) And again, recently from an ex-Asst. GM and Al Cusi’s spokesperson. I don’t know if Ellen is familiar with this Balita photog/columnist.

    Reading that piece of info from Butch Quejada, and these reports I got, Honrado appears to be a crook and probably a gun connosieur/dealer just like Panot and his trigger-crazy friends.

  7. Ana Duran Ana Duran

    Nagkaletse letse na ang buhay ng mga Pilipino dahil sa mga nagrunong runungan na mga Aquino…simula sa Nanay nakita ng walang kakayahan pero ibinoto pa rin ang anak….sana naman tumahimik na ang mga DILAW na pilit sinisira ang bansa…ang kanilang adhikain ay magkaroon ng POWER at hindi ang magsilbi…Parang ginagamit ang Laglag Bala para takpan ang pagabalit ng HACIENDA LUISITA sa pagmamayari g mga Cojuangco…Kawawa ang mahihirap na halos walang maramdamang kaginahawaan sa ilalim ng rehiment Aquino.

  8. Ana Duran Ana Duran

    #2 Al, tama ka bangag si Patag, Navarro at Paredes…para sa kanila ang Pilipinas ay 1st world country sa pamumuno ng idol nilang si Noynoy….sobra talagang kapalpakan..halos ang solusyon lagi ay ang mga mamayan ang gumawa ng solusyon imbis na ang pamahalaan…napupunta lang ang pera ng bansa sa pagsuhol sa congress at senate para makuha ni Noynoy ang gusto niya…sa ilalim ni NOynoy napunta sa China ang ilang isla at ang Mindanao ay pinipilit ni Noynoy ibenta sa Malaysia…di dapat ipagkatiwala sa TANGA ang kinabukasan ng ating bayan…

  9. Al Al

    #9 Ganun ba talaga kapag laos ka na?

    Kaya nakapagtataka kung bakit itong si Mar Roxas ang kanyang campaign slogan ay Ipagpatuloy ang Tuwid na Daan.

    Ano? another 6 years of this stupidity?

  10. Ang isyu sa laglag bala sa NAIA ay hindi puwede na isisi kay Pnoy lalo na kay Roxas dahil ang tanim bala ay gawain ng nasa NAIA na nagtrabaho. Hindi kasalanan ni Pnoy kung may hindi man magandang ginagawa ang tauhan o mga tauhan niya dahil sa una pa lang naman ay tingin niya maayos ang tao kaya nilagay sa puwesto. Ngayon kung sa pagganap ng tungkulin ay may hindi na magandang ginagawa pagtagal ay hindi niya iyon kasalanan. Isa pa ang laglag bala na isyu ay matagal ng gawain hindi pa Presidente si Pnoy. Ang laglag bala ay umusok lang ngayon dahil malapit na ang halalan at pilit sinisiraan si Pnoy lalo na si Roxas. Dahil sa totoo lang si Roxas lang ang qualified talaga na maging pangulo ng bansa. Si binay ay ano siya, maraming isyu sa kanya na hindi masagot sagot. Si Poe ay ano siya, marami ding isyu. Pero si Roxas ay marami ngang isyu pero maayos siyang tao.

  11. Tilamsik Tilamsik

    Arvin… ipa scan mo kaya ang utak mo, may bala ng armalite sa loob..!!!

  12. Ana Duran Ana Duran

    #12 Tilamsik, tama ka…
    #11 Arvin, Si Noynoy ang pinakamakapangyarihan sa Pinas…puwede niya tanggalin at palitan ang mga tauhan ng NAIA kung gusto niya ito linisin…kaya siya sinisisi kasi wala siyang ginagawa para malutas ang issue na ito…wala siyang sense of URGENCY na matigil itong traumatic experience ng ating mga kababayan….mismanaged MRT, worst Airport, worst Military, lahat na lang PALPAK….

  13. Kung ayaw nilang aksyunan, e di huwag. But look, this thing is blowing up in their faces. Our faces. The billions of tax money we spent to invite over tourists to visit “fun Philippines” for next year is wasted on fifteen-peso bullets that can cause so much fear and paranoia not just among us Pinoys but among foreigners as well. Fox News, New York Times, BBC, every major news org has covered the scam even UN has advised its expats to be wary of passing through our airports.

    Thanks to this consistently incompetent, insensitive government, Cling Wrap has become a necessity for travelers. The official spin is that media has conspicuously drawn too much attention to the issue hence it was overblown. A gov’t that fails to recognize a problem and is constantly in denial will never solve that problem and will continue to feed it until it becomes a national disaster.

    As all of these were happening, 4 Pinays were caught smuggling 2.5 kilos of cocaine bricks in HK. They are good at detecting bullets as small as cal. 22 but not 2.5 kilos of cocaine?

  14. Ana Duran Ana Duran

    #14, well said Tongue….tignan nating kung anong masasabi ng #1 fan ni oynoy na sa Joe Am. Pianlalaruan na lang ng TANGANG panguolong ito ang buhay at kinabukasan nating mga Pilipino. Nagbabayad ang mga mamayan ng BUWIS ngunit wala naman nararamdamam tayong tulong galing sa gobyerno..astang asyendero itong si Noynoy at tingin niya sa mga mamayan ay kanilang mga ALIPIN….

  15. Agree, Tongue #14. The defenders of this administration does not understand the issue. Alam ng lahat na hindi kayo ang naglagay ng bala sa bagahe ng mga travelers. It’s the inaction of the government that is being criticized.

    One said in Facebook: sino ang batikusin namin, si Batman?

  16. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Daming tulisan dyan sa MIA. Ewan ko ba kung bakit napakadaming nag bubuhat ng bag, daming mga tao na may ID kuno pa ligidligid. Ganyan na daw sa MIA noong araw pa bago pa sa panahon ni Marcos. Pag wala ng eroplano lumilipad sa gabi, hati hati na sa kita.

    Ang di ko maiintindihan, putok na sa media ang laglag bala, dami pa din nag dadala sa airport.

  17. MPRivera MPRivera

    kung ang isyu ng tanim bala gusto nilang solusyunan napadaming magagawang paraan pero dahil nga hindi gusto sapagkat mabubuko sa kanilang sindikato ay mag-iimbento ng kung ano anong dahilan upang umiwas at kung sino sino pa ang pagbibintangan.

    may mga nagtatanong pa nga ngayon, bakit daw marami pa ang nagdadala ng bala gayung alam ng bawal? tanong ng wala sa katinuan.

    walang nagdadala ng bala KUNDI merong mga sira ulong katulad ng sintong pangulo na walang alam kundi magpahamak ng kapwa tao at makapangotong dahil hindi kuntento sa sinusuweldo o dili kaya ay merong quota para sa mga halang ang kaluluwa nilang superiors sa NAIA.

  18. saxnviolins saxnviolins

    Mabuti na lang walang inspection sa mga top guns ng APEC.

    Balak daw ng mga sindikato na maglaglag Treaty kay Xi Jinping, renouncing China’s claims to the Spratlys.

    Si Obama daw, balak nilang maglaglag birth certificate, saying he was born in Kenya.

    Darating din ang bagong heartthrob ng Canada – Prime Minister Justin Trudeau. Laglag panty daw ang mga kababaihang scammer. Oops, scanner.

  19. jcj2013 jcj2013

    Anong say nyo sa mga aminadong nagdala talaga ng bala dahil anting-anting nila ‘to?

    Wala lang noh?

    Kailangan kasi siraan niyo ang administrasyon sa bawat hakbang nito para maisulong ang inyong political agenda.

  20. Ang nag iinspeksyon ng mga bagahe ay sa loob ng NAIA. Ngayon ang namumuno sa loob ang dapat na sisihin kung bakit nangyayari ang laglag bala. Hindi dapat sisihin ang Presidente. Kung ang mga pinoy ay walang makain ay Presidente pa rin ba ang sisisihin. Kung ang mga pinoy ay walang maibili ng gamit ay Presidente pa rin ba ang sisihin. Kung ang mga pinoy ay hindi kuntento sa kanilang buhay dahil nahihirapay ay Presidente pa rin ba ang sisisihin. Kawalan ng disiplina o kulang sa disiplina ang dahilan kung bakit ang isang tao na may trabaho na at gumagawa pa ng paraan para magkapera bukod sa suweldo. Panahon ni Marcos ang mga tao ay disiplinado kaya maayos ang buhay sa bansa. Wala masyadong gumagawa ng paraan para magkapera bukod sa suweldo dahil kuntento na sa buhay. Ngayon kahit saang lugar, kahit anong ahensya ng gobyerno, o pribadong kumpanya ay may mga tao na gumagawa ng paraan para magkapera bukod sa suweldo iyon ay dahil kulang sa disiplina.

  21. Tilamsik Tilamsik

    TAMA… huwag sisihin ang Presidente kung bakit may ARVIN..!!

  22. Nainterview yung isang ASEC ng DOTC kagabi tungkol sa nahuling cocaine sa mga Pinay, ang sagot ba naman e, hindi daw nila nade-detect sa x-ray yung drugs, saka hindi naman daw masama sa safety ng pasahero kaya hindi na pinapansin.

    Paano yung mga hinuli nila na basyo ng bala o wala nang pulbura o primer? Maliban kung ibala sa tirador, ni hindi ka nun mabubukulan. Saka paano naman mate-threaten ang safety kung yung anting-anting e ibinutas sa case at inilusot yung tali para maging bracelet o kwintas?

    Dapat nga mas mahigpit sa droga dahil siguradong pag natimbog, death row na naman yan at gastos sa pondo ng bayan. Pag minalas pa e, kasalanan pa rin ng gobyerno, remember Mary Jane Veloso and her mother na galit na galit pa kay Panot sa katangahan ng anak niya?

    Punyeta! Nakakainis na mga kabobohan.

  23. Ana Duran Ana Duran

    #25 Tongue, asa ka pa…Smart President, Smart government…Dumb President, Dumb government…since Cory Aquino stepped in bumagsak na ating bansa dahil sa KABOBOHAN.

  24. Jojo Jojo

    Guys, OK lang kung BOBO, maraming school para diyan. Pero kung estupido na pinagpipilitan na si Grace Poe ay foundling. sinabi nang Jus Sanguines ang pinas yun ay pang-habang buhay sabi nga Ka. Mirriam.

  25. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Putok na sa media, mangongotong ka pa?

    Pre 911, Byahe ako sa Japan, Hong Kong , Taiwan, USA. May bala sa attache case ko. Pansin ko higpit nila doon sa hand carry, walang nakita. Pinalitan ko yung attache case ng computer bag, nakita ko yung bala. Minsan nakakalimutan mo lang.

  26. baguneta baguneta

    Mabuti pa siguro ibalik na lang na presidente si Gloria Macapagal Arroyo

Leave a Reply