Sinabi ng Board of Inquiry ng Philippine National Police na siyang nag-imbestiga sa trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 na nilabag ni Pangulong Aquino ang chain of command.
Dahil doon nagkandaloko-loko ang operasyon. Umabot sa 67 na buhay ang nalagas kasama na doon ang 44 na miyembro ng SAF, 18 na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at 5 na sibilyan.
Sa halip na purihin ang BOI sa pamumuno ni Police Director Benjamin Magalong, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, inabswelto pa rin ni Interior Secretary Mar Roxas si Pangulong Aquino.
Ito ang sabi ni Roxas: “Based on what I read, he (Aquino) as the commander in chief correctly and rightly authorized that (Zulkifli bin Hir) Marwan is a target. There is no liability with that. He gave the order to apprehend or to serve the warrant on Marwan and (Basit) Usman. Nothing wrong with that. Trabaho niya ‘yan. In fact, kung hindi niya ginawa ‘yan, may pananagutan ang Pangulo no’n.
“Since Purisima was coordinating directly with relieved Special Action Force commander Police Director Getulio Napeñas,it was up to them to do their jobs well.”
“The President recognized that Director General Purisima was suspended at wala nang kapangyarihan, alam ng Pangulo ‘yan. Kaya nga niya inutos, sabihin mo kay OIC Espina ito, precisely to correct the anomaly that there was somebody suspended in the middle. Eh hindi sinunod utos ng Pangulo eh.”
Tanga. Nag-aral ka pa sa Wharton, tapos hindi ka pala marunong umintindi ng report. English naman yun a.
Hindi madali ang ginawa nina Magalong. Ang kanilang ini-imbestiga ay mga taong may kapangyarihan sa kanilang posisyun. Ngunit nanindigan sila para sa katotohanan.
Tinumbok ng report ang may malaking panangutan sa trahedya: Si Pangulong Aquino, ang dating hepe ng PNP na si Alan Purisima, at si Napeñas.
Sabi ng BOI, binigay ni Aquino ang go signal ng Oplan Exodus sa pagtugis sa dalawang terorista na kanilang nalaman na doon nakatira sa Mamasapano, Maguindanao na teritoryo ng MILF at ang sumipak na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Nilabag ni Aquino ang regulasyon ng chain- of- command sa kanyang pakikipag-usap deretso kay Napeñas at initsa-pwera si PNP Acting Chief Leonardo Espina.
Nilabag din Purisima ang suspensyun sa kanya ng Ombudsman sa pagsali sa isang opisyal na operasyon.
Mali din ang pakipag-usap ni Aquino kay Purisima tungkol sa pagpapatupad ng Oplan Exodus dahil suspendido na ang kanyang paboritong hepe ng PNP.
Ito ang iilan lang sa report ng BOI. Pasalamat tayo kay Magalong na talagang nanindigan at nilabas kung anong totoo kahit na taliwas ang kanilang report sa palusot ng Malacañang.
Sa halip na suportahan ni Roxas, na siyang nagsu-supervise ng PNP bilang pinuno ng National Police Commission, pilit pa niyang pinapaikot ang pag-intindi ng report pabor kay Aquino
Kahit ano pang palusot ni Aquino at depensa ni Roxas, panagutan ito ng Pangulo. Siguro hindi ngayon habang sa Malacanang siya dahil hawak niya ang Kongreso. Kapag wala na siya sa Malacanang, malaki ang problema ni Aquino.
Kaya siguro todo depensa si Roxas akala niya mananalo siya kapag dikit siya kay Aquino sa 2016.
Hindi tanga ang taumbayan.
Tinatanga ni Mar ang sarili niya!
Ang mga tao alam na ang tunay na nangyari, marunong sila bumasa ng Inglis.
Ano na ang mga utak na humahawak sa gobyerno natin puro kagaguhan na ang mga palusot.
Mar binalewala ka na ni Panot di ka sinama sa plano tapos ay I pag tatakpan mo pa si Panot. Ano ka ba at sinabi mo sa mga na ulila ng 44 heroes na wala kang ililihim. Ginago na Ninyo ang 44 natin at ngayon gagaguhin ninyo naman ang pamilya nila.
MAHIYA KAYO.
MaliWanag pa sa sinag ng araw na violation ni Panot ng di kayo sinama ni Espina sa Plano. Ipapagtanggol mo pa.
Mahiya ka
sa aking palagay, si mar roxas sa kanyang ginagawang pagtatakip, paglilihis at pagliligtas kay noynoy sa pananagutan sa madugong mamasapano incident ay maaaring kasuhan ng kasong obstruction of justice sapagkat binabalewala niya ang katotohanang isinasaad ng BOI report – ALAM LAHAT ni noynoy ang tungkol sa kaliitliitang detalyeng bumabalot sa OPLAN EXODUS.
si noynoy bilang pangulo at pinakamataas na pinuno ng bansa, sa kanyang pagbibigay basbas sa pagsasakatuparan ng OPERATION EXODUS sa kabila ng kawalang koordinasyon sa pamunuan ng AFP na dapat niyang ipinatawag kahit sinabihan siya ni napenas na compromised ang AFP, sa kanyang pagtatakip kay purisima at pagdidiin ng lahat ng sisi kay napenas ay maaaring sampahan ng kasong betrayal of national stability and security pangalawa sa kanyang pagtanggap, pagtataguyod sa pakikialam ni purisima sa kabila ng suspensiyong ipinataw ng ombudsman bunga ng mabibigat na kasong kinakaharap.
si napenas ay maaaring kasuhan ng unbecoming of a police official sa pagsunod sa utos ni purisima na huwag ipaalam ang tungkol sa operasyon sa dalawang mas nakakataas sa kanya – roxas ilang SILG at espina bilang OICPNP. gusto sigurong magpapogi sapagkat TARGET niyang maging DGPNP.
si purisima ay maaaring kasuhan ng usurpation of authority dahil sa kanyang tuwirang pakikialam sa OPLAN EXODUS sa kabila ng suspensiyong ipinataw sa kanya ng ombudsman gayundin sa paglabag sa special order ni OICPNP espina directing ALL SUSPENDED police officials to refrain/stop functioning the mandate of their respective offices, purisima included. sa kanyang pagbibigay ng mga maling impormasyon sa pangulo habang nasa kainitan ng bakbakan sa mamasapano at sa kabilang ng katotohanang isa isang nalalagas ang SAF commandos bunga ng pagkapipil mula sa walang habas na pagpapaulan ng bala, mortar at grenade launchers mula magkabilang panig ng MILF at BIFF hindi maitatangging SI PURISIMA ang naging dahilan ng kamatayan ng 44 na SAF operatives.
sa kalahatan, IPINAPAKITA ng ating mga namumuno NA WALANG PAGKAKAISA SA gobyerno sa pagharap sa mga sensitibong isyung may kinalaman sa katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan.
“…si napenas ay maaaring kasuhan ng CONDUCT unbecoming of a police official sa pagsunod sa utos ni purisima….”
sa ipinakita ng administrasyong aquino ay NAKAKAHIYANG sabihing MATUWID na daan ang pinapairal sa gobyerno.
pero………sang-ayon ako. DAANG MATUWID tungo sa IMPIYERNO!
kawawang mga pulis at sundalo isinusuong kayo ng inyong mga pinuno sa tiyak na kamatayan sa kunyaring pakikidigma sa mga teroristang bandido na kanilang binibeybi kumpara sa kaapihang dinadanas ninyo. MISMONG ang mga opisyales ninyo ang TAGA-SUPPLY ng bala SA mga kalaban na siyang pumapatay sa inyo at pinagkukunan nila ng mga TAGONG YAMAN.
para sa mga matatapang na taong ang gusto ay ALL OUT WAR.
http://www.philstar.com/news-feature/2015/03/14/1433552/invisible-wounds-war
The die is cast. Mar Roxas statement after reading BOI Report Zmon Mamasapano massacre digs deeper his grave in his quest for the presidency. He should have resigned immediately after knowing he was by passed on a very crucial Exodus operation. His statement confirms his weakness and total submission to BS Aquino. No amount of campaign could turn positive to his aim for Malacañang.
ano ang nangyari kay mar roxas?
meron pang isa!
ano na ang nangyayari kay trillanes? nagiging sipsip na rin ba kay noynoy? napakalayo na sa isang napakaprinsipyong lt antonio trillanes IV (PN) noon na namuno sa oakwood mutiny laban sa corrupt administration ni arrovo. parang bawat anomalyang kanyang ini-expose ngayon ay may singaw ng political odor.
tsk. tsk. tsk.
sayang ang dalawang mamang ito!