Skip to content

Kahanga-hanga ang pagpahalaga ng mga Koreano ng dangal; hindi kahanga-hanga ang patuloy na pagdepensa ni PNoy kay Purisima

Mangyayari kaya dito sa Pilipinas ang nangyari kay Heather Co, ang anak ng chairman ng Korean Airlines na humingi ng tawad sa publiko sa ginawa niyang pagsuplada at pag-inarte sa sarili nilang airline?
Malabo.

Suspended PNP Chief Alan Purisima and President Aquino.
Suspended PNP Chief Alan Purisima and President Aquino.
Ito lang kay Police Chief Alan Purisima, inimbistiga ng Ombudsman ang tungkol sa ma-anomalya na pagbigay ng kontrata sa courier na magde-deliber ng mga lisensya ng baril. Napag-alaman na sabit si Purisima.

Sinuspindi. Sa halip na mag-fade away na lang, sinubukan pang ipahinto ang suspension.

Ang Pangulong Aquino naman, na binabandera ang kanyang “Tuwid na Daan”, depensa ng depensa kay Purisima. Kahit na nasuspindi na, pinipilit pa rin na pumirma lang naman daw si Purisima. Baka nalusutan lang daw.

“Nilalagay ko ang sarili ko sa lugar niya? Usisain ko ba lahat na papeles na dumadaan sa agin para pirmahan?” sabi ni Aquino.

Ano ba yan? Bilang hepe, obligasyun mo na ayusin ang proseso sa iyong ahensya at maglagay ka ng mga tao na marunong at mapagkatiwalaan. Kung nalusutan ang isang pinuno, may papanagutan pa rin siya. Yan ang sinasabing “leadership.”

Kung hindi ka marunong maging lider, umalis ka sa pwesto mo na nagbibigay ng kapangyarihan sa iyo at napakaraming prebelihiyo.

Ibang-iba ang nangyari sa South Korea.

Heather Co accompanied by her father apologizing to the public for her misconduct over Macadamia nuts.
Heather Co accompanied by her father apologizing to the public for her misconduct over Macadamia nuts.
Noong isang linggo, sumakay si Heather Co, anak ng may-ari ng Korean Airlines na si Cho Yang-ho at hepe ng inflight service ng airline, sa kanilang eroplano sa John F. Kennedy International Airport sa New York, pauwi ng Seoul. Siyempre sa First Class section. Binigyan siya ng macadamia nuts na nasa supot sa halip na nakalagay sa platito.

Nagalit ang aleng mataray. Minura daw niya ang steward at ang Chief Steward at hinampas pa ng folder. Pinaluhod pa niya ang chief steward para humingi ng paumanhin dahil lang sa Macademia nuts.

Hindi lang yun. Inurderan niya ang eroplano na bumalik sa Kennedy Airport at pababain ang steward. Siiyempre walang magawa ang piloto.Sinunod si mataray na ale. Late ng 11 na minuto daw ang dating ng Korean Airlines sa Inchon International Airport.

Nang mabulgar ito, inurder ng kanyang tatay na humingi ng public apology si Co. Sa harap ng media at mga empleyado at sa opisina ng ahensya na nagi-imbistiga ng insidinti, humingi ng tawad si Cho. Naka-televise pa.
Tinanggal na rin siya bilang hepe ng inflight service ng Korean Airlines.

Hindi lang si Co ang humingo ng tawad. Pati na ang tatay.

“Pasensiya na kayo at hindi ko siya napalaki ng maayos,” sabi niya.

Walang turuan. Walang palusot.

Kahanga-hanga ang kanilang pagpahalaga ng dangal.

Published inAbanteBenigno Aquino IIIPhilippine National Police

9 Comments

  1. Jose Samilin Jose Samilin

    Ellen, naluluha ako sa kagalakan sa ginawa ng tatay ni H. Co sa paghingi ng apology ng anak at ng tatay niya. Ganyan din sana katibay sa sariling paninindigan si Presidente Aquino, bilang tatay ng Sambayanang Pilipino. Ang nakikita natin sa kanya ay malayong masasabi natin na may “statemanship” quality siya. Saan kaya patungo ang kaluluwa ni Pangulong Aquino sa gawain niyang pawang makasarili, taliwas sa makatao at maka Diyos. Ipagdasal na rin natin siya na huwag sanang maging lubosang malupit ang Diyos sa kanyang laluluwa. Amen

  2. JBL JBL

    @Kahanga-hanga ang kanilang pagpahalaga ng dangal.

    Having dealt with Koreans in numerous business deals,I will not join you in to the generalization. Koreans are lke us Filipinos, perhaps a few knotches above the totem pole on “dangal” issue , I will give them that.

    The father owner of the airline is a smart businessman, a disciplinarian and so is the (chief of inflight) daughter I am sure.
    Ito ang mga tanong;
    a)ipaparde ba niya si Cho Yang-ho kung hindi “na-bulgar” ang pangyayari?

    b)Standard serving procedure ba na dapat nasa platito ang mga sine-serve na macademia?

    c)Did chief Cho Yang went macademia (nuts) because siya ay rineregla? LOL…….sorry ellen can’t help it .

  3. vic vic

    Korean Airlines has not achieved its Status if not for the Standard enforced with ‘iron’ hands by its CEO and Executives and that includes the Ms Cho Yang-ho who lost her temper for being served macademia nuts in the bag that she honestly feels passengers paying the First Class rate is not deserving..She just gone overboard and by ordering the Plane Back has crossed the line and that her Father being the chairman and CEO must ACT.

    It is not stranger for any Executive even in politics..Premier Kathleen Wayne Apologized Publicly a day after when the Province vaunted $240 millions new automated system for disbursing Social Assistance Cheques went haywire and overpaid $20 millions to beneficiaries and missing some…the first Time it was rolled out…(the IT techs was able to fix the glitches within 24 hours and will have to settle the overpayment and rush the miss payments)…

    The issue is no longer an issue after the Premier Apology and the glitches fixed…

  4. MPRivera MPRivera

    “….. Ang Pangulong Aquino naman, na binabandera ang kanyang “Tuwid na Daan”, depensa ng depensa kay Purisima. Kahit na nasuspindi na, pinipilit pa rin na pumirma lang naman daw si Purisima. Baka nalusutan lang daw.

    “Nilalagay ko ang sarili ko sa lugar niya? Usisain ko ba lahat na papeles na dumadaan sa agin para pirmahan?” sabi ni Aquino….”

    tanga o utuutong presidente? isip niya habang panahong maloloko niya ang mga pilipino?

    wala na, nilusaw na ng sobrang paninigarilyo ang utak!

    dagdag sa listahan mula kina ronald llamas, virginia torres, petilla at kung sino sino pang pumalpak na miyembro ng gabineteng walang kisap ng matang kanyang ipinagtanggol sa gitna ng mga kontrobersiya.

  5. Jojo Jojo

    ano ang alas nitong si Purisima at tila hawak sa ilong ang ating presidente. ang sabi kaya ni Kris A’ kuya sakyan mo na lang at baka ibuko ka sa iyong lihim. sa aking palagay ay may alam si Purisima kung ano ang kulay talaga ng dugo ni Pnoy.

  6. MPRivera MPRivera

    sinuspinde pero ipinagpilitan pa rin ang sarili na huwag bakantehin ang kanyang silya sa loob ng crame. ganyan KAKAPAL ang mukha nitong si allan purisima, isang PMA graduate na siyang dapat magpakita ng halimbawa sa mga nahuhuli sa kanya.

    ibig bang sabihin ng mga namumuno sa PMAAA ay mas mabigat ang naging kasalanan ni cadet cudia kaya siya tinanggal sa academy at hindi pina-graduate kaysa mga anomalyang kinsasangkutan nitong si purisima?

    balat buwaya kasi kaya ganyan ang ugali ng ka-look-alike ni jose manalo!

    teka, hindi kaya si jose manalo ‘yang kausap ni penot sa kodak sa itaas?

  7. Star 1542 Star 1542

    At least si Mr. Cho Yang-ho ay humingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan ng kanyang anak. Itong si Penoy napaka self-righteous na ang sa isip niya bawat gawin niya ay tama kaya inaabswelto agad ang mga nagkakasala na members ng kanyang KKK. Lahat sila ay ipinagtatanggol niya. Gaya lang ng isang kakamping charged with graft and corruption. Bukod sa personal niyang binayaran ang bail, in-appoint pa niyang COMELEC Commissioner. Take note: With pending Graft and Corruption case in Court… At lahat na naniniwala sa kanya (Penoy) ay either nagbubulag-bulagan or kumikita rin sa kanya kaya ipagtatanggol hanggang kamatayan….”Nilalagay ko ang sarili ko sa lugar niya, uusisain ko ba lahat na papeles na dumadaan sa akin para pirmahan?” Only a MORON would sign a paper without knowing what he is signing…Kaya pala lahat na papirmahan ni Abad kay Penoy ay pinipirmahan dahil hindi nito binabasa kung anong papeles ang kanyang pinipirmahan….Ha-ha-ha…Only in the Philippines, and the President of the Philippines….

  8. saxnviolins saxnviolins

    Si Aling Conching was appointed in 2011. Her term of office is seven years, hanggang 2018.

    Trouble yan, after 2016, para sa lahat ng tropa. They better pray na humaba ang buhay ni Estelito Mendoza.I doubt that they will ask Ms. Dilemma to defend them when push comes to shove.

  9. Jojo Jojo

    Naku Pnoy nakakahiya sa buong MUNDO ang Govierno Mo. saan ka nakita na Jail para sa mga preso ay tinalo pa ang ABS-CBN SA MGA CONCERT PROGRAM NA KUNTODO WITH BACK-UP DANCER PA. AT MAY RECORDING STUDIO PA. nakakahiya. saan mka ba at hindi mo alam kung anong nang yayari sa mga tao mo ? noon kapag si GMA ay hindi pansin ang mga ganitong pangyayari ay galit ang mga tao. pero sayo mas masahol pa ang dating. Kaya pala up to now ay wala ka pang kandidato for PRESIDENT SA 2016 AY KABADO KA NA BAKA BALIKAN KA AT AYAW MONG MATULAD KAY ALING GLORIA.

Leave a Reply