Bakit ba ang sa isip ni Pangulong Aquino ay utang na loob ng taumbayan kapag ginawa ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang trabaho? Di ba kaya sila sinuswelduhan para magsilbi sa taumbayan?
At kapag pumalpak sila, dapat lang na batikusin sila ng taumbayan na siyang sumusweldo sa kanila.
Nagkaroon ng pangalawang SONA si Aquino noong Biyernes sa Malacañang sa harap ng kanyang mga kaalyado. Nakakatawa. Ito ang sinasabing “preaching to the choir.” Nagse-sermon sa mga taong pareho ang pag-iisip sa kanya.
Todo depensa si Aquino kay Police Chief Alan Purisima na matagal ng binabatikos dahil sa maraming palpak ng mga pulis kasama na ang P25 milyon na pagpapaayos niya ng tirahan ng PNP chief sa camp Crame.
Sabi ni Aquino:: “Kahapon nga po, pinagbibitiw, sa isang pahayagan, sa puwesto si General Alan Purisima, na pinuno ng PNP, dahil daw may mga scalawag sa kanyang hanay. Tanungin ko lang po: Ngayon lang ba lumitaw ang mga scalawags na ito o ngayon lang ba nagkaroon ng scalawags sa ating pong serbisyo? Totoong may scalawag, pero sino po ba ang nakahuli sa mga nang-hulidap sa EDSA? Mga pulis din po. Sa pamumuno ni General Purisima, ang nag-imbestiga, tumugis, at nakadakip sa mga salarin na ngayon ay kinasuhan na, kapwa po nila pulis.”
At sino dapat ang huhuli ng mga kawatan at kriminal? Di ba trabaho ng pulis yun? Alangan ba namang mga sibilyan ang manghuli ng mga kriminal na pulis.
Ang dapat tinanong ni Aquino kay Purisima at sa ibang opisyal niya ay bakit ang mga pulis ang nagnanakaw at nagki-kidnap. Bakit laganap ang hulidap?
Dapat nga pinasalamatan ni Aquino ang sibilyan na kumuha ng litrato ng hulidap sa EDSA noong Septyembre 1 at naglagay sa Twitter at ang mga nagpalaganap ng litrato na yun na siyang naging simula ng imbesigasyon ng Philippine National Police.
Ngayon naglalabasan na ang maraming kaso ng hulidap.At may mga kaso palang iba ang mga sangkot na pulis sa EDSA hulidap. Bakit sila nanatili sa police force?
Sana kung unang taon pa lang ito ng administrasyong Aquino ay pwede na ang kanyang pagtuturo sa administrasyun ni Gloria Arroyo. Sobrang apat na taon na siya sa kapangyarihan. Ano ang ginagawa ng pamunuan ng PNP sa mga nakalipas na apat na taon para magkaroon ng reporma? Anong klaseng tuwid na daan ang itinatahak ng PNP?
Nandito na rin lang tayo sa usapan ng mga gawaing kriminal, ito ang isang sulat na natanggap ko tungkol sa laganap na Akyat Bahay sa Zamboanguita, Negros Oriental.
Sabin g sumulat na huminging huwag banggiting ang kanyang pangalan: “Halos gabi-gabi may inaakyat na mga bahay at ninanakawan. Noong isang gabi ang nabiktima ang aking bayaw. Nakuha ang P15,000 sa kanyang wallet.
“Ang nakakabahala dito ay halos tatlong buwan nan a ganito ang sitwasyun. Ordinaryo daw ang anim na nakawan sa isang buwan. Hindi na nagri-report sa pulis ang iba.
“ Maliit lang ang Zamboanguita at dati ay tahimik ang lugar na ito. Parang binaliktad na ang buhay dito. Ang aking 73-taong gulang na ina ay hindi na nakakatulog sa takot.
“Ganun din ang sitwasyun sa katabing bayan ng Dauin. Laganap ang of Budol Budol.
“Sana magkaroon ng mga check points.”
Dapat siguro itanong ni Purisima sa PNP sa Dumaguete bakit namamayani ang mga kriminal doon.
A tough problem. Police who won’t police their own. Judges who won’t police their own. Senators who won’t police their own. It is a culture, eh? That is the President’s point. It has been around a long, long time.
You are right, we should be really angry that the people who are supposed to be helping us are the crooks. But I think making the President the “cause and reason” for the problems will not get them fixed. It might get a Binay elected, but it will not get the cultural problems fixed. That requires an economy, the end of the ease of Catholic forgiveness (more personal accountability instead of blaming), better education, better parenting.
Sino ba ang gumagawa ng talumpati ni Pnoy. Parehong lang rin ni Pnoy na di nag iisip kung Tama ang paninisi sa sermon niya. Kaya nga maraming nalulutas na kaso ngayon dahil sa makabagong gamit like ng Cell phone na may camera at video. Isa pa ang makabagong pamamaraan pag ulat ng balita na dinadaan na lang ngayon sa Internet, twitter etc. Kaya ang kapulisan natin ay nagagawa ang kanilang trabaho. Kung walang ganito ay sigurado ang mga kasong ito ay inaamag sa pulisya.
kaya Pnoy kung manisi kayo ay mag isip isip muna. Trabaho ng pulis iyan at ang taong bayan ang nag papasuweldo sa kanila at ang taong bayan rin ang may kapangyarihan mag puna sa trabaho nila.
Pnoy… talaga oo, di pa rin natuto.. ni isang malaking isda ay wala ka pang napapakulong eh. Dapat ka rin sisihin ng husto. Nilagay ka ng taong bayan sa puwesto mo di dahil sa nagawang mong trabaho kundi sa yumaong mong ina. Kaso nag kamali rin mga botante.
“Trabaho ng pulis ang manghuli ng mga kriminal”
paano kung yung pulis ang kriminal?
inutil na presidenteng walang alam gawin kundi purihin ang sarili at ipagmalaki ang mga accomplishments na hindi maramdaman ng kanyang mga boss kasabay ng pagtatangol sa mga kaalyadong walang silbi!
eto isang patunay ng pagiging inutil niyang si penoy.
LUBHANG kaawaawa ang kalagayan ng mga sibilyang naipit sa labanan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at mga sundalo sa Zamboanga City noong nakaraang taon na ikinamatay ng 240 katao. Tatlong linggo tumagal ang labanan hanggang sa tumakas ang MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari. Nakatakas si Misuari at hindi pa nadadakip.
Isang taon ang lumipas at hanggang ngayon, hindi pa nakababangon ang mga sibilyan sa idinulot na karahasan. Marami ang nananatili sa gymnasium sapagkat hindi pa nagagawa ang mga nasira nilang bahay. Halos mapulbos ang siyudad sa dami ng mga bala na pinaulan doon. Tinatayang 11,000 sibilyan ang nananatiling nakatira sa sports complex. Halu-halo sila roon. Masyadong mahirap ang kalagayan. Kapag gagamit ng kubeta, kailangang magdala ng sariling timba ng tubig. Kailangang umigib sa malayong lugar. Nakaaawa ang mga bata na madalas dinadapuan ng sakit dahil marami silang kahalubilo. Madaling kumalat ang sakit.
Sama-sama sa isang tent ang magkakapamilya na kapag umuulan ay pumapasok ang tubig. Maputik ang kanilang dinaanan palabas ng sports complex. Sabi ng evacuees, hanggang kailan daw kaya sila magdurusa sa tinitirahan nila. Parang nakalimutan na raw sila ng gobyerno sapagkat mabagal ang ginagawang tulong. Mayroon pang nagsabi na mas binibigyan ng atensiyon ang mga biktima ng “Yolanda” gayung sila ang dapat unahin sapagkat dumanas sila ng grabeng trauma nang lusubin ng MNLF. Sana raw ay makita ng pamahalaan ang kanilang pagdurusa na isang taon na nilang dinaranas.
Ang sitwasyong dinaranas ng mga taga-Zamboanga ay nagpapakita sa kahinaan ng gobyerno na matulungang maitayo ang mga nasirang bahay. Kailangan bang umabot ng isang taon ang kanilang paghihirap habang nakatira sa mga tent at pinagtagpi-tagping tabla at yero? Kung nakagawa ng mga bahay sa sinalanta ni “Yolanda” dapat ganyan din ang gawin sa mga biktima ni Misuari. Bilisan naman ang pagkilos. Maawa naman sa mga taga-Zamboanga na hanggang ngayon ay walang masilungan.
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/09/14/1368803/editoryal-tulungan-ang-mga-walang-masilungan
galing ako sa bakasyon ilang bunwan ang nakakalipas at nakita ko ang kalagayan ng kapwa namin biktima na nasunugan ng tahanan at kabuhayan. puro pangako lamang ang aming natatanggap kung kailan kami magkakaroon ng panibagong matitirahan sa kabila ng walang patid nilang press release at pagpapabango sa mata ng buong mundo.
That is always the issue..who will guard the guards? In our case the Govt. created what is now known as the SIU (special investigation unit) a specially trained, very independent Civilian Agency that will take over the investigation of Police Officer or officers involved in incident resulting in injury and fatality..And for any other wrongdoing, a Police Force from another Jurisdiction preferably from another Autonomous Province will be called to Conduct an investigation just to take away the Perception of Bias…
Of course these ideas usually were the results of the Inquiries for “Aid of Legislation” or Preventive measures that usually is called after the incident…and to be very effective it is mostly conducted by an outside body headed by a Justice and is BLAMELESS so as to encourage all resource parties not to be afraid to tell ALL or suffer the consequence of PERJURY.
sabi nila’t ipinagmamalaki ng gobyerno ay bumaba ng 6% ng populasyon ang bilang ng mga walang hanapbuhay dahil sa pagganda ng ekonomiya subalit mas kapanipaniwalang ang pagbaba ng unemployment ay bunga ng dumaraming kidnap-for-ransom cases at iba pang criminal activities.
sino ba pasimuno nito? hindi ba’t karaniwang mga matataas na pinuno ng gobyerno partikular ang nasa kapulisan?
kulang ang suweldo nila? o inggit sa mas matitindi ang kurakot na ginagawa gaya ng mga kotongressmen at senatongs?