Skip to content

Dapat ayusin muna ni Pacquiao ang laban niya sa BIR at IRS

Understandable for Pacquaio to seek divine intervention with his tax problems.
Understandable for Pacquaio to seek divine intervention with his tax problems.

Kawawa naman itong si Manny Pacquiao.

Kapag hindi niya malusutaan itong problema niya sa buwis, hindi lamang sa Pilipinas kung di sa America rin, magre-retire pa lang siyang libing sa utang.

Sa dami ng bugbug na natamo niya, utang lang ang bagsak niya. Kawawa naman.

Sinisingil siya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P2.2 bilyon na utang.Bilyon yan- B. Umalma si Pacquiao lalo pa ang pinakahuling order ng korte ay nangyari katatapos lang ng panalo niya kay Brando Rios noong isang buwan.

Sinabi ni Pacquiao nagbabayad daw siya sa Amerika sa mga kinita niya sa boksing na doon ginanap. Sabi ni BIR Commissioner Kim Henares ilang taon na nilang hinihingi kay Pacquiao ang papeles galing sa Internal Revenue Service (IRS) sa Amerika para maayos nila ang pagkuwenta ng kulang pa niyang buwis, wala naman sinusumite si Pacquiao o yung kanyang mga accountant o abogado. Sa media siya nakikipag-usap.

Kaya pala ini-imbestigahan din pala siya ng IRS at mukhang sinisingil din siya ng $18 milyon. Ito naman dolyar. I-multiply mo yan sa P43, aabot yan ng P774 milyon.

Ewan kung may maiwan pang pera si Pacquaio kapag binayaran nya itong lahat na sinisingil sa kanya.

Ayon sa isang artikulo, kaya daw hindi makahinto sa pagboksing si Pacquiao kahit na siyempre tumatanda na rin siya at congressman pa siya, ay dahil broke daw siya. Palagi lang daw naga-advance ng pera kay Bob Arum, ang boksing promoter.

Si Arum naman, basta ba may pagkakitaan, hahanap siya ng makakalaban ni Pacquiao at ibebenta sa publiko. Maraming gusto manoond sa mga laban ni Pacquiao.

Ngunit ito huling laban niya kay Pacquiao sa Macau, mahina daw ang benta ng tickets.

Marami ngayon ang sinisisi sa problema ni Pacquiao. Sabin g iba mukhang may nanloko sa kanya. Kasi si Pacquiao magaling sa boksing ngunit hindi naman sa accounting. Galing siya sa hirap kaya nakakalula yung milyon-milyon, o bilyon pa na natatanggap niya.

Sabi ni Arum, sobra daw kasing mabait si Pacquiao. Palamigay ng pera. At ang dami daw ng kanyang mga alalay na sinusustento. Ilang barangay daw ang dami.

Ano naman ang ginagawa ng kanyang asawang si Jinky? Hindi ba niya inaasikaso ang pera ng kanyang asawa maliban sa kanyang pamimili ng mararangyang mga bag at magpaayos ng katawan at mukha kay Vicki Belo?

Mahirap naman sisihin si Pacquiao sa kanyang marangyang pamumuhay dahil sabi nga niya hindi naman niya ninakaw. Ngunit sana naman may mag-advise sa kanya ng maayos. Sobra kasing bilib niya sa kaibigan na si Chavit Singson. Kaya ang kanyang pinamimili ay mararangyang kotse, yate. Mabuti hindi pa bumibili ng sariling eroplano. Maliban sa sobrang gastos ang maintenance ng ganitong mga ari-arian.

Kunumpara ni Arum si Pacquiao sa Mexicanong boxer na si Juan Manuel Marquez (nagpatumba kay Pacquiao) na hindi interesado makipaglaban kay Pacquiao kahit malaki ang bayad dahil may pera daw. Accountant daw kasi si Marquez.

Hindi pa naman huli ang lahat kay Pacquiao. Ngunit tigilan niya muna siguro ang laban sa ring. Asikasuhin niya muna itong laban niya sa buwis. Ngunit kailangan niya ang tulong ng mga taong professional na hindi siya lolokohin.

Related post:

Think Dionne Warwick

Published inSports

14 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    huwag kayong maniwala diyan sa mga balitang ‘yan dahil meron lang daw sumisira sa kanya na nagkakalat ng baon siya sa utang sa hindi pagbabayad ng buwis sa yoo-hes-ey.

    ako, naniniwala talagang merong sumisira sa kanya. si emmanuel pacquiao, ‘yung kanyang kaharap palagi sa salamin na walang ipinagkaiba sa kanyang hitsura at sa lahat na!

  2. MPRivera MPRivera

    simple lang naman ang solusyon sa problema niya, eh.

    siya mismo ang magbayad ng buwis niya sa pilipinas at sa amerika at huwag niyang ipagkatiwala sa kasalukuyan niyang pinagkakatiwalaan upang siya mismo (pacquiao) ang makapagpatunay kung magkano ang buwis na dapat bayaran sa lahat ng kanyang kinikita sa boksing. layuan na rin niya ang mga ahas niyang kaibigan tulad ni sabit singson na kung hindi niya pa napapakiramdaman AY ginagawa lamang siyang parang manok na pang-derby at pinagkakakitaan ng daang milyon at kunyari ay lagi sa kanyang tabi sa gitna ng mga problema subalit sa katotohanan ay tinutulak siya sa bingit ng muling pamumulubi.

    hirap kasi niyang wala siyang bukambibig kundi mga salitang galing sa bibliya subalit ang pangunahing bukal ng kanyang ikinabubuhay ay ang pakikipagbangasan ng mukha na isang maliwanag na labag sa mga banal na aral kanyang ibinabahagi sa kanyang mga sermon bilang isang pastor.

  3. Mannie Mannie

    Pacman’s above photo looks like praying in the garden before he would be arrested by the Romans the following day (John 17:1-3).

  4. chi chi

    Hanap-patay pala ang boxing ni Pakyaw. Bugbog-sarado para kumita ng bilyunes tapos bankrupt lang kahihinatnan. Ang galing kasi ng financial adviser e, si Sabit Swingson.

    At tsaka sobrang flasher ang Pakyawan, flash ng flash ng kayamanan, si Jinky naman flash ng flash ng pabago-bagong mukha at katawan.

    Kawawa naman si Aleng Dioni baka maibenta rin ang mga mansions para ma-cover ang tax debts ni Mani sa US at Pinas. I mean it, naawa ako sa nanay kung magkataon.

  5. Jose Samilin Jose Samilin

    There is much controversy in Pacquiao tax evasion case, ngunit ito’y simple lang. Ang pagbabayad ng tax ay tinatawag na self assessment at sa laki ng kinikita niya ay ayon sa batas kailangan niyang magkaroon ng accounting records duly registered at the BIR Agency. Kung wala nito si Pacman ay lumalabag na sa batas.

    Noong nagsimula na siyang kunita ng P100,000 kada taon, dapat gumasta siya ng P1,000 para komunsulta sa accredited C.P.A. para magpatupad ng legal accounting sa kanyang record keeping for income tax purposes. Sa pag-file ng kanyang year-end tax return kailangan na may audited financial statement itong naka-attach sa income tax return based on accounting records kept on the basis of generally accepted accounting principles and procedures. Kung wala pa rin siya nito ay mapurol si Manny Pacquiao, dahil hindi sana siya humaharap sa ganitong kapahamakan. Dahil sa isang kumikita ay dapat lang na magbayad ng buwes sa tamang halaga, at sa tamang panahon.

    Kaya nga sa kanyang tax evasion case ngayon komplikado na ito at para panindigan niya ang mga intricacies of tax compliance and the necessary compliance of legal accounting for proper keeping of records for tax purposes, hindi lang attorney attorney ang kailangan niya ngayon. Kailangan din niya ng isang expert C.P.A. sa kalidad ng forensic auditor to enlighten the attorney of the technicalities of tax accounting and procedure to prepare the necessary evidential matter drawn from the accounting records that can stand the final test in court. Ang forensic auditor ay hindi basta C.P.A, kailangan siya ay expert CPA who has been admitted in court as expert witness in court trials. Kailangan ni Manny Pacquiio ito para harapin ang kanyang tax evasion case at simula ngayon ay tigilan na niya ang pakikisawsaw pa sa media, para hindi madiin sa mga technical aspects of the case where he is deficient in knowledge.

    1

    Edit

    Reply

  6. Mannie Mannie

    Pacman’s tax adviser could be the bad boy of Ilocos Sur, Chavit Singson who keeps tailing Manny wherever he goes including distribution of relief goods in Eastern Visayas. His constant tagging and being beside Manny during training and the boxing match itself was an eyesore. It was this Singson who lured Manny into gambling. Who knows how much money Singson got from Manny that Manny is now faced with some financial challenges. I bet you Singson will dump Manny one day.

    Now that Manny is a Born Again Christian, attending bible studies and preaching, I still have to see Chavit participating. In one video when Manny started to preach, I saw Singson walked away. I heard from sources that Singson is an atheist. If I were Manny, either he brings Singson to the Lord and dump this gambling lord for good.

  7. chi chi

    #5. Naku, dadaan sa butas ng karayom si Pakyaw! Pagkolek pa lang ng documents kung meron man ay paduguan na. Poor guy!

  8. Jose Samilin Jose Samilin

    Hahh Hah!!! tama ka Chi at Mannie si Sabit Swingson pala naman ang financial adviser niya, kaya naman sumabit na si Pacman sa magulong kaso ng tax evasion. Ngunit walang problema iyan, basta gamitin lang ang ulo niya at huwag yung KAMAO, wala siya sa ring.

    Akala ko kung sinu ang seryoso nakatingala, mapula ang mata at humuhingi ng tawad, si Pacman!!!!. Kung galunggung pa may tawad pa, ay yung tax evasion wala!!

    Huwag na siyang magproblema, ipaayos na lang kaagad yung accounting books niya sa Accountant, linisin na rin ang kanyang budhi, para naman malinis siyang bayaran ang bilyones niya tax assessment sa BIR.

    Simula ngayun na malinis na ang mga libro niyang basis in the determination of correct taxes, malinis na rin ang espirito niya, ay saka pa lamang siya humarap sa kanyang Creator at humingi ng tawad. Simpling intendihin lamang ito, say ang isang nagnakaw ng Kalabaw, napudpud nayung tuhod sa kahihingi ng tawad ngunit hindi naman isinusuli yung ninakaw na kalabaw, paanu ka siyang patatawarin!!

    Tulad din ni Pacquaio napaka seryoso pa sa paghingi ng tawad sa langit, sa paningin pa naman ng publiko, Mapurol, Mapurol??

  9. vonjovi2 vonjovi2

    Saan pa napunta ang pera kundi kay Dr. Belo. Pilit na pinapa ayos ang mukha ni Mommy kaso di magawan ng paraan ni Dr. Belo halos lahat ng kinita ay doon napunta at pati pang bayad sa tax ay nagamit 🙂

  10. Jose Samilin Jose Samilin

    #9 pala naman!!! naubos sa mukha ni Mommy, tanggapin na lang at harapin ang katotohanan, pera pera lang yan, kikitain muli sa susunod na bangasan ng mukha, ‘di baling mabagasan nandiyan si Doctor Belo.

  11. Jose Samilin Jose Samilin

    Naku!! may IRS pa pala na humahabol sa kanya. Kung tungkol diyan sa kinita sa boksing, mas matalinong maningil ang Amerika. Bago pa ang laban nakahanda na ang IRS sa tax form at hindi pa bumababa si Pacquiao sa ring nasingil na ang 30% withholding and final tax. Kaya hindi ito tungkol sa laban. Mas lalong nakakatakot kung IRS na dahil ito ay malawakan. Bubusisiin lahat nila yung mga pag-aari niya at ang tutok nila ay possibility of Money Laundering bukod pa sa tax ng mga kinita ng mga properting ito plus property tax. Sa totoo lang parang tip of the iceberg lang ang unang 18 Million Dollars na yan. Mas konplikado pa ang tax investigation ng Amerika. Ganito iyan, dahil dating ipinaglaban ko sa korte nila ang ilan sa IRS tax cases, Criminal and civil cases in the venue of Jury trials, Kukunin lahal nila ang mga dollar value ng mga pag-aari, plus yung mga expenses mo sa Amerika plus pa kung may mga utang at financing company, ang total nito ay considered nilang Sources of income lahat ito. Kaya kung wala kang malinis na accounting records nito ay hindi ka matutulongan ng isang forensic auditor at ng attorney niya. Papaanu niyang hihimayin dito ang income at hindi. atatag pa sa pader ang allegation ng IRS sa iyo. Sila kasi pagdating sa tax examination ang sinusunod nilang concepto ay ang concepto ng auditor: “Guilty ka kaagad unless mai-prove mo sa sarili na ikaw ay innocent.” Juice ko, porol talaga itong si Manny Pacquiao, porol,porol!!!

    Pwede ka naman tumakbo, dahil by Jury sila 900 million people ang naka mata sa iyo, hindi mo alam yan at iyan ang sekreto ng Jury System sa Amerika.

  12. Jose Samilin Jose Samilin

    Sa kaso ni Pacquiao sa Amerika ng possible money laudering and taxevasion, malupit ang Jury System ng Amerika, hindi alam ni Pacman na katabi niya ay US CItzens, dahil sa sunumpaan nila as prospective Jurors (Grand Jurors and Trial Jurors) in secret nagwowork na ang functions nila. Madidiin si Pacquiao dito, kahit nasaan man siya.

  13. MPRivera MPRivera

    vonjovi2. sobra ka naman manlait kay mommie dione, ah? bakit meron ba ipinaayos sa mukha niya? wala naman akong makitang pagbabago o nakitang nabanat sa balat niya maliban doon sa pangitaas na talukap ng mga mata niya.

    ‘yung buong mukha niya ganun para rin.

    o, wala akong sinasabing parang laylayan ng orig na pantalong levis, ha?

  14. vonjovi2 vonjovi2

    Wala at di naman ako nag banggit ng name kung sino ang Mommy ah’.

    Mali pa nga ang pag type ko ng Mommy eh. “MUMMY” pala.

    Ang masakit dito ay dahil nag titiwala siya sa mga nasa paligid niya ay akala siguro na ang perang binabawas sa kita ay binabayaran ang mga taxes nya sa America. Di natin alam kung si Bob Arum nga ay binayad sa IRS ang perang ina awas sa laban.

    Maka Diyos siya pero ang nakapaligid sa kanya ay puro “SATANAS” naman.

Leave a Reply