Skip to content

Una, MNLF. Sunod, MILF. Ngayon, BIFF.

Umbra Kato BIFF. From PinoyweeklyNoong Sabado ng gabi, ayon sa report ng military, inatake ang ng sabay sabay ang mga sundalo sa maguindanao at North Cotabato ng mga 100 na rebelled. Limang sundalo at 18 na rebelde ang patay.

Nangyari itong pag-atake dalawang araw bago mag-usap ulit ang mga representatives ng pamahalaan ng Pilipipinas at ng Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur para ipagpatuloy ang naantalang peace talks para sa Mindanao.

Ang mga umatake daw sa mga sundalo ay miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ano naman itong BIFF?

Ayun din sa military, ang lider ng BIFF ay si Ameril Umbra Kato, dating miyembro ng MILF, na hindi raw sumasangyon sa mga pinagkakasunduan ng MILF at ng pamahalaang Aquino.

Paano na lang mangyari kung magkaroon ng kasunduan ang MILF at ang pamahalaang Aquino at hindi pala kasama lahat na rebeldeng Muslim.

Maala-ala natin ng noong panahon ni Ferdinand Marcos, ang grupo ng mga rebeldeng Muslim ay Moro National Liberation Front sa pamumuno ni Nur Misuari. Itinatag ito noong 1969 at ang kanilang layunin ay tumiwalag sa Pilipinas at magkaroon ng sariling bansa, ang Bangsamoro.

Maraming buhay ang nalagas sa giyera sa Mindanao. Suportado ng mga Muslim na bansa ang MNLF katulad ng Libya at Malaysia. Miyembro ng Organization of Islamic Conference ang MNLF.

Para mahinto ang away sa Mindanao, nagkaroon ng kasunduan, ang Tripoli Agreement, na ang nag-broker ay si Muamma Khadafy, ang dating lider ng Libya.

Sa kasunduan, sinabi magkakaroon ng autonomy (magkaroon sila ng sarili nilang pamahalaan sa maraming aspeto maliban sa military at foreign affairs) sa 13 na probinsiya at siyam na lungsod sa Mindanao, aabot pa nga ng Palawan ayon sa Constitution.

Siyempre kapag sinabi na ayon sa Constitution, dadaan sa referendum at papipilin ang taumbayan. Umalma sina Misuari dahil hindi daw ganun ang kasunduan. Akala niya basta na lang ibigay sa pamumuno niya an 13 na probinsiya at siyam na lunsod kasama doon ang Zamboanga, Cotabato at Palawan kung saan maraming hindi naman Muslim ang nakatira.

Kaya patuloy ang away sa Mindanao hanggang nagka-usap ulit ang MNLF at pamahalaan na nauwi sa pagtatag ng Autonomous Region for Muslim Mindanao noong 1990. Limang probinsya lang ang sumali: Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao,Sulu at Tawi-tawi.

Ngunit hindi rin nakamtan ang kapayapaan sa Mindanao dahil marami rin ang hindi sang-ayon sa kasunduan na pinasok ni Misuari kaya nabuo ang MILF. Heto na naman: nag-uusap ang pamahalaan sa MILF, at may tumiwalag na naman at nagbuo ng BIFF.

Hindi rin kasali sa usapan sa MILF ang problema ng Sultanate of Sulu sa Sabah dahil ang broker ay Malaysia. Siyempre hindi papayag ang Malaysia na maalis sa kanila ang Sabah.

Wala na bang katapusang breakaway groups itong gulo sa Mindanao?

Published inAbanteMindanao

46 Comments

  1. Napanood ko na to sa lumang Dividendazo. Alam na natin na kapag merong makikipagkasundo sa gobyerno, may titiwalag at magpapatuloy ng “rebolusyon” habang ang pumirma sa kasunduan ay nagkamal ng limpak-limpak. Ang mga rebolusyunaryong ito ay kwarta rin ang ninamnam.

    Kung naaalala pa ninyo, ilang beses kong sinabi noon na sa dinami-dami ng kasalanan nitong si Umbra Kato, bakit tila walang interes ang militar/pulis/gobyerno na kaladkarin sa hustisya o kahit irampa na lang para sa ikatatahimik ng lahat. Sa dami ng nagugutom ngayon sa Mindanao, gasino na kung patungan mo ng preyong sampung milyon ang ulo nito?

    Dahil ba pag wala ng “rebelyon” wala nang negosyo sa military?

    Retirement benefits ng isang rebelde, pinondohan ng pinagpawisan nating mga miron.

    Kakasawa nang programa yan, ilipat na sa cartoons.

  2. chi chi

    Hero na naman, hindi matapus-tapos usapang pistok. Nasaan na nga ba si Gokusen?

    Pera-pera lang talaga ang pistok na yan. Unang-una, bakit ba sa labas ng Pinas pinag-uusapan ito, bakit kelangan pa ang mediator o ‘komisyuner’ kung tunay ang layon ng mga government officials o appointed na makialam sa usapin?

    Agree, tongue… ilipat na sa cartoons ang programa na yan.

  3. chi chi

    Heto not hero…

    “Hindi rin kasali sa usapan sa MILF ang problema ng Sultanate of Sulu sa Sabah dahil ang broker ay Malaysia. Siyempre hindi papayag ang Malaysia na maalis sa kanila ang Sabah.”

    Yun na nga! Well, no explanation is needed kung bakit nagpapagago ang Palasyo sa Malaysia, sila-sila lang ang nag-uusap dyan.

  4. MPRivera MPRivera

    huwag n’yo nang ilayo ang iyong mga pananaw.

    kahit ano’ng grupo ang itatag, sa simula ay nariyan ang pagkakaisa SUBALIT sa kalaunan ay merong lumalabas na SUTIL na may pansariling hangarin.

    hindi pa malay magkaroon ng pistok sa pagitan ng pamahalaan at MNLF ay tumiwalag na ang grupo nina eid kabayo, este kabalu at itinatag ang MILF. du’n sila nagtayo ng sariling puwersa sa central mindanao, wala pa diyan sa bandang timog kanlurang bahaging sumasakop sa zamboanga, basila, sulu at tawi tawi.

    maging noong bago pa magkamalay itatag ang MILF, meron na ring nagsasarili sa loob ng MNLF, ang grupo ni usman sali na patraydor na pumaslang kina bgen teodulfo bautista’ng ama ng kasalukuyang CSAFP ngayon.

  5. MPRivera MPRivera

    basilan hindi basila.

  6. MPRivera MPRivera

    # 1. “…… Retirement benefits ng isang rebelde, pinondohan ng pinagpawisan nating mga miron…..”

    ano daw?

    balik. lipat sa horror!

  7. Di ba yung kwartang isinusuhol sa mga rebelde gaya nila Misuari galing sa kabang bayan? Yung mga rebeldeng gusto nang magpahinga meron ding “pabaon” gaya ng mga heneral?

    Nakup, teka nga… oo nga ano, parehong magkakamal mapa-sundalo o rebelde. Ginisa nga tayo sa sariling mantika. Di ba?

  8. like i said sa wall ko, there are 26 letters sa alphabet. medyo mahaba pa tong binggong to.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.