Skip to content

Tripleng dagok sa mga kawawang OFW ang Sex for Flight

Stranded OFWs in Saudi Arabia
Stranded OFWs in Saudi Arabia

Dapat itapon sa impyerno, sa lumiliyab na apoy, ang mga kawani ng pamahalaan na sangkot sa racket na sex for flight sa Kuwait, Jordan at sa iba pang bansa sa Middle East kung saan maraming mga babaeng OFW ay nag-iistambay sa iba’t ibang dahilan.

Ibinulgar ni Akbayan Rep. Walden Bello noong Martes na sa halip na tulungan ng mga mga opisyal ng Department of Labor at ng Philippine Embassy ang mga OFW na na-stranded, ay ibinubugaw pa sa mga Arabo at ang iba, sila na mismo ang nag-momolestiya.
Pinangalanan ni Bello si Mario Antonio, labor attaché sa Jordan. Itinanggi ni Antonio ang paratang sa isang press conference dito sa Manila.

Pinapa-imbestigahan daw ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Foreign Affairs ang paratang ni Bello, chairman ng House Committee on Overseas Workers.

Doble o tripling trahedya itong “Sex for Flight” dahil ang mga biktima ay ang mga kababaihan na nabiktima na ng mga ilegal na recruiter o mga salbahe na amo.

Ang mga bikitima ay ang mga stranded na OFW sa OFW shelter ng mga embassy. Ito yung mga OFW na naloko ng mga recruiter na dumating sa Middle East na peke pala ang dokumento. Karamihan sa kanila siguro ay nagbenta na ng lupa o kalabaw para lang ibayad sa walang-pusong labor recruiter. Pagdating pala doon wala namang trabaho. Peke ang visa kaya ilegal ang status nila doon.

Ang iba naman may trabaho nga ngunit hindi naman yun ang usapan na trabaho o sweldo. Ang iba naglayas sa kanilang amo na nanakit o tinatangkahan silang halayin.

Hindi makauwi ang mga yun dahil wala naman silang pamasahe at ang iba hindi mabigyan ng exit visa na kailangan pirmahan ng kanilang amo.

Sa interview sa TV sa isang biktima, kinausap daw sila ng labor attaché na mag-service sa isang Arabo. Na siya daw ang bibili ng kanyang ticket pauwi sa Manila. Sabi ni Bello sa sa kanyang expose, $1,000 daw ang singil ng opisyal. Tumanggi ang OFW. Hindi naman siya pumunta sa Middle East para magputa.

At bakit naman ganun. Bakit bugaw na ang ating mga opisyal? Sabi ni Bello alam daw ng pamahalaan ng Jordan ang nangyayari sa OFW shelter at nagreklamo na sila sa Philippine Embassy.

Ang sakit sa ganitong pangyayari ay ang mga biktima ay walang kalaban-laban. Mga mahirap sila. Hindi ka naman mag-OFW kung mayaman ka. Unang dagok na yan ng kapalaran. Hindi ka rin babagsak sa OFW shelter kung maayos ang kontrata mo. Pangalawang dagok nay an ng kapalaran. Tapos, bibiktimahin ka pa ng mga opisyal na dapat ay tumulong sa iyo.

Sana naman maparusahan ang mga manloloko . At sana naman aayusin na ng ating mga opisyal ang pamalalakad ng pamahalaan para naman umasenso na ang ating bansa at hindi na kailangan pumunta pa sa Middle East para magtrabaho.

Published inAbanteForeign AffairsLabor

187 Comments

  1. Galing kay Dante Mendoza:

    Nabasa ko ang kolum mo sa Abante at ako’ y natutuwa at nabulgar na rin ang katarantaduhan na pinaggagawa ng mga tao sa embassy.

    Isa akong OFW at kasalukuyang nandito sa Riyadh, matagal na namin nababalitaan ang sex for flight na yan, at naaawa kami sa mga runaway na ofw karamihan ay DH.

    Ako man ay nagkaproblema dati dito way back 95, dahil baguhan pa, di ko alam kung saan ako lalapit, ang naging problema ko hindi nagpapasahod ng tama sa oras ang employer ko at isang taon na ako hindi pa kami binibigyan ng iqama, dahil nababalitaan ko na walang silbi ang embassy naisipan kung sulatan si Sen. Sotto, agad namang nagresponde si Senator.

    Kinontak ng embassy at misis ko. Ang ginawa ng mga taga embassy tinawagan lang ako, hindi sila pumunta para tingnan ang kalagayan namin kung okey ba kami o hindi.

    Tinawagan lang ako dahil pinupukpuk daw sila ni Sen Sotto. Dahil alam ko wala din mangyayari sinabi ko na lang sa taga embassy na pagtitiisan ko na lang at tatapusin ang aking kontrata. Ang naging tugon sa akin ng taga embassy, kailangan gumawa ka ng sulat sabihin mo na maayos ang kalagayan mo, kami ang pinopukpuk ni Senator. Sa susunod na magkaproblema ka hindi ka namin tutulungan kung hindi ka gagawa ng sulat.

    Nadismaya lang ako eto ba ang embassy na tatakbuhan ko kapag may problema ako dito?

    Nuong 2007 naman habang papasok ako sakay ng aking scooter, pagdating ko sa crossing may kotseng parating, tumigil siya inaasahan ko na pinagbigyan ako kase tumigil siya, nuong nasa kalagitnaan na ako bigla siyang umabante nasapol ako at lumipad sa ere, pagbagsak ko bali ang legs ko kinailangang operahan at lagyan ng bakal. Nahuli naman yun nakabangga kahit gusto niyang tumakas, inilapit ko uli ito sa embassy para papanagutin ang nakabangga sa sa akin. Kinunan lang ako ng salaysay hanggang ngayun walang nangyari kahit tawag walang ginawa ang embassy.

    Ang punto ko lang walang silbi ang embassy at Polo dito, wala silang pagpapahalaga sa mga ofw na nandito.

  2. chi chi

    Talagang walang silbi ang mga hinayupak na POLO sa overseas, nilalahat ko na sila, pati embassy officials!

    Isang buwan ng patay ang pinsan ko na OFW sa ME. Tinawagan ko ang lahat ng nakalista na opisyales nila sa POLO list ng DOLE. Walang sagot ni isa kasi busy raw at nasa labas? Nag-email ako sa kilala ko and used to be a friend na opisyal sa lugar ng trabaho ng pinsan ko, walang sagot. Ang mga %$^# na yan! Nauwi lang ang bangkay after almost three months matapos na araw-araw na mag-iiyak sa company ang balo ng nasawi. Kasi raw ang problema ay sa POLO and DFA officials, sabi ng company, na hindi nagpa-process ng death details. Kinausap ko company at maayos naman ang mga sagot, pero ang DOLE officials, nagpapasarap lang!

  3. chi chi

    Korek, Ellen. Biktima na ng kahirapan, ginagawang biktima pa rin ng masasakit na karanasan ang ating OFWs. Nakakagalit na magkarun ng ilang government officials na walang inisip kundi magpapasa sa sarap ng kanilang assignment sa abroad habang ang mga nangangailangan ng kanilang tulong ay higit na napapahamak.

  4. chi chi

    Dapat sa talong betlog na sexual predators na yan ay agad pauwin, bugbugin at putulan ng ari!

    I-open sana ang imbestigasyon sa mga bugaw na opisyal na nababanggit sa news ng mapahiya ng todo, kulang sa kanila ang tanggal lang sa pwesto o kulong bilang punishment.

  5. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Mr. Mendoza, kung dito nga sa Pilipinas walang silbi ang mga yan, dyan pa kaya sa M.E. Eye opener ang tent city sa Saudi. Ganyan pala kadami ang stranded. Para sa ano pala ang OFW fund? Hindi na eroplano ang kailangan, barko na! Dapat ipagbawal ang DH sa M.E. Hindi lugar para sa Pilipina yan at doon sa nag bugaw, ang laki ng kasalanan mo, isa kang traydor!

  6. vic vic

    Ellen,

    Remember the cases of two Filipino caregivers in Brampton, Ontario who were exploited by their employer who happened to be a Member of the Parliament because they have some issues with their papers..Their passport were withheld by their employer`s brothrer and were not paid overtime and other issues,

    But instead of going to the consulate, they went to the Paper, the Toronto Star who did a good job in Investigative Reporting and Published their findings in a Series of Publication with indisputable evidence that Prompted the Government to Call an Inquiry, followed by Legislation to Reform the Law and further tools to implement the existing Rules..

    And the Human Rights Tribunals oodered the MP to compensate the caregivers their back wages and restore to them their Status.

    And during the Election, the Party opposing the MP parachuted a Candidate to oppose the alleged Exploiter and soundly defeated her for her Seat. (any one can run in any Seat within Canada, but voters can only vote in their residency) That was a good revenge for the exploiter of human rights.

  7. vic vic

    But I will still maintain that Guilty as these Alleged Exploiters of OFWs in the ME, we have to abide by their Constitutional Rights of Due Process and the Presumption of Innocence before we hang them by their necks in a Trial by Publicity. As we all have Experienced, Garci et al are still free

  8. Tilamsik Tilamsik

    ni hindi nila alam kung ilan ang pinoy na nakakulong.

  9. MPRivera MPRivera

    Hindi na ito bago. Nilulumot na nga.

    Hindi lang ang mga tiwaling taga konsulada, embahada o mga taga POLO-OWWA ang gumagawa ng iba’t ibang kabalbalan sa mga kaso ng kapwa Pinoy dito sa Saudi Arabia. Maging ‘yung mga inaakalang may kakayahang tumulong sa mga kababayan ay nagsasamantala sa mga kawawang biktima. Sila ‘yung sa halip na ibsan ang hirap sa pait na dinanas ng kapwa Pinoy ay siya pang umaapi at nang-aalila kasama na rin ang pagbubugaw lalo sa mga babae.

    Habang ang pamahalaan ay walang matibay na programa para sa mga karaniwang mamamayan ay hindi mawawala at matitigil ang mga mapagsamantala.

    Bubusisiin ang kasong kinasasangkutan diumano ng ilang foreign mission officials tungkol sa sex for flight?

    Walang taning?

    Hanggang magkalimutan at magsawa ang mga biktima?

    Naman!

  10. MPRivera MPRivera

    Sa aking mga kapwa OFW’s – pasensiya na lamang po tayo sapagkat ito ang itinakda sa atin ng ating pamahalaan: ANG MAGING SENTRO NG KANILANG KAPRITSO’T PANLOLOKO!

    Huwag na tayong magreklamo BAGKUS ipagpasalamat na BINIBIGYAN nila tayo ng trabaho.

    Kaya nga wala silang tigil sa PAMAMALIMOS sa mga pinuno ng ibang bansa UPANG mabigyan tayo ng pagkakakitaang HINDI kayang ibigay ng ating gobyerno PAGKATAPOS ng pambobola sa panahon ng kampanya.

    Pinalitan natin si Goyang ng isang wala ring kayang ibigay KUNDI pangako at pantasyang ginhawa sa buhay.

    Sana, lahat tayo ay kanyang naging KAKLASE, KAIBIGAN, KALARO sa internet games o kaya ay KABARILAN.

    Hohuuum. Haaay! (Hikab)

  11. MPRivera MPRivera

    Tawa muna tayo. Kalimutan ang inis:

    A Filipino, a German and a Pakistani got arrested consuming alcohol which is a severe offense in Saudi Arabia , so for the terrible crime they are all sentenced 20 lashes each of the whip.

    As they were preparing for their punishment, the Sheik announced: “It’s my first wife’s birthday today, and she has asked me to allow each of you one wish before your whipping.”

    The German was first in line, he thought for a while and then said: “Please tie a pillow to my back.”

    This was done, but the pillow only lasted 10 lashes & the German had to be carried away bleeding and crying with pain.

    The Pakistani was next up. After watching the German in horror he said smugly: “Please fix two pillows to my back.”

    But even two pillows could only take 15 lashes & the Pakistani was also led away whimpering loudly.

    The Filipino was the last one up, but before he could say anything, the Sheikh turned to him and said: “You are from one of most beautiful part of the world and your culture is one of the finest in the world. For this, you may have two wishes!”

    “Thank you, your Most Royal and Merciful highness,” the Filipino replied.

    “In recognition of your kindness, my first wish is that you give me not 20, but 100 lashes.”

    “Not only are you an honorable, handsome and powerful man, you are also very brave.” The Sheik said with an admiring look on his face.

    “If 100 lashes is what you desire, then so be it.

    “And what is your second wish, ?” the Sheik asked.

    Filipino smiled and said, “Tie the Pakistani to my back” !!!

  12. chi chi

    Kumukulo dugo ko sa mga POLO-OWWA personnel sa ME, mga inutil!

    Sabagay, sabi nga ni Jake Las Pinas sa Pinas nga walang silbi sa malayo pa kaya?!

  13. MPRivera MPRivera

    ang gagawin la’ang ng malakanyang sa mga sangkot sa kaso ay ililipat ng destino, hahayaang tumagal ang imbestigasyon (kuno), pangangakuan ang mga nagreklamo at magpapasabog ng panibagong isyung tatabon sa kapalpakan ng mga kinauukulan.

    huwag kalilimutan na ang mga kakampi ng nasa poder kapag panahon ng absentee voting ang higit nanakikinabang sa mga kufals na foreign mission officials sapagkat sila ang pasimuno ng dayaan at paglustay sa pondong laan upang pagsilbihan ang dapat ay kapakanan naming mga OFW’s na siyang ginagawang gatasan ng gobyerno.

    lumalabas la’ang na pinapasuweldo natin buhat sa buwis na ibinabayad ang mismong mga nagwawalanghiya sa halip na tagapagsanggalang ng ating karapatan.

  14. MPRivera MPRivera

    Wala na ‘yung mga matitino sa POLO-OWWA katulad ng aming nakasama noong 2000 to 2003 sa Eastern Province, halimbawa ay ‘yung team ni dating labor attache Jolly dela Torre’ng kabayan mo, Ellen.

    I was then heading a Pinoy community group na katuwang ng POLO-OWWA sa pangangalaga sa kapakanan ng ating mga kababayan noong panahong ‘yun. Sa masigasig na pamumuno ni Atty dela Torre ay matagumpay na napagsisilbihan ng naturang ahensiya ang pangangailangan ng mga distressed OFW’s sa parteng ‘yun ng Saudi Arabia. ‘Yung mga pumalit at sumunod ay isang malaking TANDANG PANANONG ang katumbas ng performance.

    Natatandaan mo pa, Ellen ang kaso ng aking anak na iyong tinulungang mabigyang kalutasan matapos niyang tumakas at makauwi diyan sa Pinas?

  15. chi chi

    Sa POLO-OWWA officials ay ilan lang ang qualified to serve the needs of OFWs. Kuha lang sa palakasan system kung bakit sila nasa pwesto. I doubt kung nagdaan sila ng pag-aaral o orientation man lang sa DFA para prepara sila sa trabaho ng foreign service.

    Dami kong kilala na sipsip sa mga Secs sa DOLE na basta na lang ginawang POLO-OWWA officials.

    Dapat pauwiin lahat sila, tanggalin sa pwesto at mag-appoint ng qualified individuals ang DOLE in coordination with DFA ng walang sipsipan. Naging political appointees or at the whims of the ruling power na kasi ang mga positions na yan.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.