Nakakatuwa si Mother Lily Monteverde sa kanyang “thank you lunch” noong Biyernes para kay Sen. Antonio Trillanes IV at sa Magdalo partylist at ang kanilang dalawang nominees na magiging miyembro na ng Kongreso: dating Marine Capt. Gary Alejano at Air Force Lieutenant Francisco Ashley Acedillo.
Si Trillanes kasi ang isa sa ilang kandidato para senador na inindorso ni Mother Lily. Kasama sa kanyang inindorso ang tatlong topnotchers na si Grace Poe, Loren Legarda, Alan Cayetano at Chiz Escudero.
Sabi ni Mother Lily, “Alam nyo ba kung bakit naka-mini skirt ako?” At talaga naman blooming si Mother na kamakalian lang ay napabalitang lumalaban sa lung cancer.
Sabi ni Mother, crush niya si Trillanes. Biro niya:”Kung ma-reincarnate ako,gusto ko maging asawa si Sen.Trillanes.” Lalo siyang kinilig nang hinalikan siya ng bata at guwapong senador.
Tawa naman ng tawa si Arlene Trillanes, ang magandang asawa ng senador.
Napansin ko nga na halos lahat sa mga tumulong sa kampanya ay pumayat. Sabi ko, dapat siguro taon-taon may eleksyun para hindi na kailangan mag-diet at mag-gym para pumayat.
Noon 2007, nang unang tumakbo si Trillanes para senador, isa sa masugid niyang taga-suporta ay si Jeane Monteverde, ang bilas ni Mother Lily.
Nakakulong pa si Trillanes noon at si Arlene ay nag-aaral sa Australia. Nang magbigay ng party si Mother Lily para i-announce ang kanyang endorsement, ang dumalo noon ay ang nanay ni Trillanes at ang kanyang dalawang anak.
Sa “thank you lunch” na ginanap sa Imperial restaurant sa Quezon City, halos kumpleto ang lahat. Nakakatuwa na nakaka-iyak makita silang malaya at ngayon ay may pagkakataon magsilbi sa bayan pagkatapos ng pitong taon pagkakakulong at pagpapahirap sa kanila nang panahon ni Gloria Arroyo.
Maala-ala natin na nanindigan sila laban sa kurakutan at panloloko ni Arroyo noong Hulyo 2003 sa tinatawag natin ngayon na Oakwood mutiny. Noong Nobyembre 2007, nag-walk out sila sa hearing ng kanilang kaso sa Makati City Hall. Dahil sa palpak ng ibang mga grupo na dapat ay sumuporta sa kanila, napunta sila sa Manila Peninsula. Pinasok ng military ang tangke sa lobby ng hotel para mapwersang sumurender ang mga rebeldeng sundalo.
Sabi ni Alejano sa kanyang pasasalamat, sinasabi ng iba na talo ang Magdalo nang sila ay kinulong. Ngunit sabi niya ngayon, hinalal sila ng taumbayan. “Panalo ang Magdalo.Panalo na rin ang taumbayan,” sabi niya.
Ang nakakatuwa sa mga Magdalo, habang nakakulong sila, hindi nawala ang kanilang pagnanasa na magsilbi sa bayan. Nagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng internet sa University of the Philippines Open University. Kaya nang lumabas sila, may mga master’s degree sila sa Public Administration.
Sabi nina Trillanes, Alejano at Acedillo, ipagpatuloy nila ang pag-asikaso sa kapakanan ng mga retired na sundalo at kanilang mga pamilya.
“Alam namin ang kanilang mga hinaing. Tatrabahuin naming na mabigyan sila ng sapat na benepisyo para magiging sulit naman ang kanilang sakrispisyo sa bayan,” sabi ni Alejano.
When the original Magdalo batch were having their picure taken (photo No. 3), there was one ma-papel na sumali. One said, “A…., hindi ka kasali dito. ” Ayaw pa rin umalis.
It was a good thing, he was at the end. I cropped him from the picture.
bakit mo naman ginunting ang piktyur ng epal, ellen? sana’y nabistahan namin kung sino ang palkups na ‘yon. dati bang kasapi ng magdalo na tumalikod o isang pumapapel la’ang kahit walang papel na dapat gampanan sa pagwawagi ng magdalo at mga kinatawan?
sana ay huwag nilang kalilimutan ang pangakong tulungan ang mga dating kawal upang hindi mawalan ng kabuluhan ang ginawang pagsasakripisyo sa paglilingkod sa bayan.
mabuhay kayong tatlo, mga magigiting na ginoong trillanes, alejano at acedillo!
mabuhay ang magdalo!
mabuhay tayong lahat na umaasa at tumatanaw sa pangakong pagbabago!
patunayan ninyong hindi sayang ang aming boto.
ako’y natutuwa sapagkat sa wakas, pag-asa ang aking nababanaag sa pagkakahalal ng mga bagong dugo sa mundo ng paglilingkod bayan. mga bagong sibol na lider na siyang magsisilbing sandigan at kinatawan ng mga karaniwang mamamayang ginagawang laruan ng mga tradisyunal na pulitikong ginagawang hanapbuhay ang pagiging halal ng bayan.
MR, isang abogadong mahilig umepal. Tumulong naman kahit paano sa Magdalo dahil gusto noon publicity.
At noong mga panahon na kukunti lang ang gustong tumulong sa mga kalaban ni Gloria Arroyo, nandun naman yun kumag na yun.
Doon siya dapat kasama sa “friends” na grupo.
Yung grupo na sinalihan niya ay yung para sa mga original lang talaga na Magdalo. Hindi naman siya dapat doon.
Hahaha, ang epal parang kilala ko!
We are so happy for the Magdalo, represented na tayo sa Senado at Kongreso!
Sino yung kaakbay nung epal? Dapat ay sinabihan niyang, “Hoy! Alis diyan :-)”
Btw, magkapareho ba ang paninindigan nina Trillanes, Alejano at Acedillo hinggil sa Sabah? Ano kaya ang masasabi nila sa pagkamatay ng mga sundalo natin sa Sulu?
chi, diyan ka pa sa unders the ground of rome and italy?
ikumusta mo kami kay undertaker, ha?
ellen, si col querubin ba ‘yung pangatlo sa dulo ng mga nakaupo sa ikalawang kodak?
no mention mo kasi sa captivation, eh.
Yes, MR, si Col. Querubin ang katabi ni Sen. Trillanes.
Col. Querubin actively supported Trillanes and the Magdalo during the campaign. In fact, there were some Team PNoy sorties when Col. Querubin represented Trillanes who had to cover other areas.
Re caption, I don’t know some in the picture so I decided not to caption it.
Mags, yes nandito pa ako sa malabanan ng Orvieto. 🙂
Si Col. Ariel Querubin ay kaisa palagi, proud of you Col.
Gusto ko nga palang iparating kay Ashley Acedillo ang aking congrats. Hiya, Rep. Ashley!
Ganun na rin kay Rep. Gary Alejano, kumusta po!
Mabuhay ang Magdalo!
Bakit nga pala naghiwalay ng landas sina Trillanes at Danny Lim? May tinanungan ako dati at ang sagot sa akin ay, “Mahabang kuwento.”
LCsiao, ang alam namin at napanood at napakinggan sa balita sa TV ay sina aiai at jed salang ang naghiwalay.
annuled na din pala sina trillanes at danny lim?
bakit daw kaya?
di ba pareho lang silang nasa iisang bakuran?
Nakakalungkot nga hiwalayan blues na balita sa kanila. Sa dami ng mga inggitera at intrigera, may bumigay sa kanila.
LCsiao, sana sinabi mo na you have all the time to hear the mahabang kwento. 🙂