Skip to content

Nakakatawa na nakakasuka

Another televised meltdown of Kris Aquino
Another televised meltdown of Kris Aquino
Tearfully announcing resignation kuno.[/caption]Napaaga yata ang semana santa ng mamamayang Pilipino sa mga balita na pumutok nitong nakaraang linggo na kawalang katuturan sa ating buhay ngunit laman ng media.

Ang daming problema. Sobra 60 na Pilipino ang patay sa Sabah at walang paki-alam ang Malacanang. Ngunit ang pinag-usapan sa TV, radio at sa mga diyaryo ay ang gusot ni Kris Aquino at James Yap at Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Kung sabagay, napag-aralan na yan na kapag mahirap ang buhay, malakas ang telenobela. Siguro naghahanap ang mga tao ng dibersyun para pampagaan ng kalooban.

Entertainment ang tingin ng taumbayan sa istorya ni Kris at James at Chiz at Heart. Kaya hindi ko alam kung maiiyak o matutuwa sa nangyayari na ito sa atin.

Basta eskandalo sa buhay ni Kris Aquino, bentang-benta yan. Ang pinakahuli ay ang paghingi ni Kris sa korte na hindi papalapitin ang kanyang asawang si James Yap sa kanilang anak na si Bimby, Siyempre, inaprubahan ng korte. Kayo na ang magiging kapatid ng presidente.

Matagal nang hiwalay si Kris at si James. Sinabi ni Kris sa kanyang petisyun na noong Disyembre, tinangka daw siyang akitin at halikan ni James nang bumisita ito sa kanilang anak.

Kadalasan, tumatahimik lang si James sa mga kung ano-anong pinagku-kwento ni Kris sa TV at sa kanyang Facebook at Twitter. Ngunit napuno na rin siguro, nagsalita siya at pinabulaan ang akusasyun ni Kris.

Paalis na daw siya at gusto niya sanag halikan ang anak ngunit ayaw. Kaya sabi niya, “Ayaw talaga ako i-kiss ni Bimby, so pumunta ako kay Kris, hinawakan ko siya rito. ‘Bimb, look o, ki-kiss ko na mama mo…Tapos si Kris biglang nagsabi na, ‘Sinasaktan mo ako.’”

Kris and James in their lovey-dovey days.
Kris and James in their lovey-dovey days.

Seduction na yun kay Kris.

Ewan. Ngunit sa magkaibang bersyun, mas naniniwala ako kay James.

Ito ang matindi. Sabi ni James . sabi daw ni Kris sa kanya, “Baka nakalimutan mo, may three years pa yung brother ko.’ Sabi ko, ‘Ganun? Grabe ka naman ang yabang mo.’ Galit na galit siya nun.”

Sa social media, mas maraming kampi kay James. Kinabukasan, nag dolorosa na naman si Kris. Kumpleto and supporting cast na mga kapatid: Ballsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Dee.

Inanunsyo niyang nag-resign na raw siya sa kanyang TV shows. Dalawang araw lang ang dumaan, binawi na. Tuloy pa raw ang labas niya dahil tatapusin daw niya ang kanyang mga kontrata.

Bahala ka sa buhay mo, Kristeta. At kami ay magi-enjoy na lang. Gawin na lang naming entertainment ang mga drama mo. Palipas ng oras.

Defend din kaagad kay Kris itong kanyang pinsan na si Bam Aquino na tumatakbong senador. Ganun din ang isa pang senatoriable na si Risa Hontiveros. Ganun bay an sila kapag nakaupo na sa senado? Kampi kaagad sa malapit sa kanila? Kawawa nga talaga ang Pilipino na hindi nila kaalyado.

Ito namang problema ni Escudero at Evangelista na sumali na ang negosyanteng si Roberto Ongpin, isa pang nakakasuka.

Ito ang ating penitensya.

Kung gusto nyo pa lalo ma-aliw, click kayo dito kay Professional Heckler.

Published inAbante

16 Comments

  1. vic vic

    Of course this is expected if there was neither arrangement between couples (amicable) or court imposed if there is a Divorce law, during the dissolution of the Union…(well if the couple wanted each other again, they can always remarry)…in this case even settlement of assets is in ongoing basis and the most contentious is the custody and the responsibilities and alimonies for the children and the arrangement for Custody sharing. If there is a Divorce Law, many such separations and dissolutions can be settled Amicably between spouses to avoid the pains and traumatic experience to the children that will be involved in the custody battles. And many Children would not even felt that their parents are divorced, I have a town mate that divorced her “white’ husband and they both decided to live in a condos in the same building to give their two beautiful daughters easy access to both of them.. Ex husband is re married now, and the Filipino mom is busy dating other boyfriends and the daughters are all grown up with both parents able to see their daughters grow up…another townmate, her ex drove her and their 4 year old daughter to the airport yesterday where his ex wife will be husband hunting..in the Phl…he too is a “white” the divorced was also Amicable some two years ago..they shared custody of their very lovely daughter and both family do not even felt the parents were divorced…Everyone is present everytime we get together for the child’s Party, whatever the occasion…Birthdays, Christmas…not too sure if the parents sometimes sneak and cheat out their divorce…well it is their business…as PET said, it is NOBODY`S BUSINESS, in anyone`s bedrooms…or something like this…`the Government has no business in the Bedrooms of the Nation“

  2. vic vic

    http://news.nationalpost.com/2013/01/12/millionaire-ceo-michael-mccains-ex-wife-wins-175kmonth-settlement-despite-contract-to-keep-money-in-familys-bloodline/

    Millionaire CEO Michael McCain’s ex-wife wins $175K/month settlement despite contract to keep money in family’s ‘bloodline’

    Ellen, here is a very interesting case where one of the Wealthiest Family trying to keep the money within the bloodline, but with the very Impartial and Independent Judicial Process, failed to do so, despites succeding to have the relatives by marriage signed the Contract…what you will see in this matter is there is no Political Intervention at all and the Media Never Sensationalized the case, but reported it the way it is…

  3. Al Al

    From the comments in social media, James has more sympathizers. But Kris Aquino has achieved what she wanted: media mileage.Maybe more endorsements.

  4. saxnviolins saxnviolins

    Tama lang na magdusa tayo sa kabaduyang yan Ellen. Holy Week na.

    Puwede pang ipako sa krus yang babaeng yan sa Macabebe? Ako ang magbibigay ng suka.

    Yan ang mileage. Tuwing taon, banggit ang NasPi sa media ng Tate, dahil may nagpapapako.

  5. Naalala ko tuloy dati panahon pa ni GMA. Mayroon big issue, ewan kung parti Jose Pidal account o rice shortage. Tapos bigla nawala ang balita na iyon kasi natakpan ng magsalita si Kris laban kay Joey Marquez.. Magaling talaga siyang tumayming. Hindi ako naniniwala na mag quit siya sa showbiz. Babalik din iyon at sasabihin gusto ng anak na si bimby na bumalik siya sa showbiz. Pinaglalaruan lang ang mga taga subaybaya,haha.

  6. Kung hindi napatalsik si Marcos at naging Presidente si Cory tiyak walang sikat na artista pangalan Kris Aquino. Di siya magiging sikat.

  7. Golberg Golberg

    Sa mga constipated (iyan ang mga talagang nagdudusa) tingnan nyo na lang yung larawan nitong ni Kristeta habang naka-upo kayo sa mga trono ninyo. Malaking tulong iyan para gumaan ang pakiramdam.

    Ngayong Semana Santa hindi dapat magdusa. Ang dapat ay magtika. At dapat nga gawing araw-araw ang magtika.

  8. olan olan

    Entertainment ang tingin ng taumbayan sa istorya ni Kris at James at Chiz at Heart. Kaya hindi ko alam kung maiiyak o matutuwa sa nangyayari na ito sa atin….

    Not only that. Are there laws violated when their marriages were annulled? Marriage annulment in our country needs to meet certain criteria such as homosexuality , fraud, or mental competence, as well as being married a minor under 18 yrs ( voided marriages), incurable sexually transmitted disease….Have they met those criteria or is it privilege extended them?

  9. vic vic

    The way I see it the dissolution of Kris an James Marriage was a Divorce not an Annulment as the Annullment law intended but there is no Divorce law in the Phl. And us Usual , that makes the Phl legal system tilts to the side of those who can afford to pay the pipers. Now for example pick any couple that makes a fraction compares, do not make the news with the same Marital problems., can they have their Marriage annulled just as quick and can afford to DO It?? Can the wife have the same Protection as what afforded Kris as she allegedly Claimed? These and more is possible in a well meaning Divorce Law. But if you are Escudero, Koko Pimnentil, Legarda, and even old man Enrile would you even entertain the though of divorce Law if you can do without while most of your country folks with troubled marriages can not? Keep the privilege for the rich and the powerful. Equality is for the Birds. To them.

  10. Jojo Jojo

    Bakit naimbento ang remote control ng TV. Para medaling magpalit ng channel. para hindi ka masuka kapag ang nakita mo ay si Kris Aquino. Maybe, duda ko ang rumored na may sayad ay si Kris. Hindi si Pnoy. hindi na lang sila kumibo para patay malisya. Kung si Kris ay nasa tamang katinuan dapat bang sugurin niya ang bahay ng babaeng kanyang pinagselosan before the 2010 election na kandidato ang kuya niya. sabi tuloy ng familya ng babae hindi na raw sila boboto kay Pnoy. Mabuti at nanalo si Pnoy. Nang manalo na si Pnoy a week before the inauguration hindi ba may pinasabog na naman si Kris sa TV at pinagtawanan na naman siya. alam niyang inauguration ng kanyang kuya hindi nakapaghintay para gumawa ng eksena sa TV. ito ba ang taong matino ang isipan.

  11. dan1067 dan1067

    ha ha ha! hindi na kayo nasanay kay kris e loka loka yan……. magbakasyon na lang muna tayo para mapalitan mga masamang hanging nasagap natin.

Leave a Reply