The incident with my cellphone has become a beautiful Christmas story:
Marami pa rin talaga mabubuting tao sa kabila ng maraming kasamaan na nakikita natin sa ating paligid.
Isa na dyan si Jason Miranda,na nasa maintenance ng Southmall sa Las Pinas na nagbalik ng aking Blackberry cellphone noong Miyerkules.
Noong Miyerkules ng hapon, bago mag-alas tres ng hapon, dumaan ako sa supermarket ng Southmall para bumili ng plastic na lalagyan ko ng crema de fruta.Nakalimutan ko kasi ito nang namili ako noong isang linggo.
Doon ko huli ginamit ang aking cellphone. Habang nakapila ako sa cashier, nag-check ako ng mga messages. Mula sa supermarket, pumunta ako sa National Book Store para bumili ng mga libro para sa mga anak ng aking mga pamangkin.
Gusto kong siguraduhin na ang aking mga nabiling libro ay hindi pa nabasa ng mga bata kaya tatawag sana ako sa aking pamangkin. Wala ang cellphone sa aking bag.
Bumalik ako sa supermarket at tinanong ko ang cashier ng counter kung saan ako nagbayad kung may nakitang cellphone. Sabi wala daw.
Medyo na-stress ako ngunit kailangan ko matapos ang aking shopping. Kaya balik ako sa pamimili dahil gusto kong matapos ang shopping ng araw na yun.
Mali ako doon dahil hindi ako pumunta sa Customer Service counter para i-report o magtanong kung may nakakita ng aking cellphone. Baka daw nagpalit ng cashier kaya ang aking tinanungan ay hindi alam.
Pagdating ko sa bahay, nag-post ako sa Facebook na huwag na magpadala ng message sa numero ng aking cellphone dahil nawala. Sinabi ko na na-pickpocket ako. Akala ko kasi ganun ang nangyari.
Ang aking dasal nga, hiniling ko sa Panginoon na kung sino man ang mayhawak ng cellphone ko ngayon, sana huwag niya gamitin sa kasamaan.
Sinabihan ako ni Ace Esmeralda na nasa security business at blogger na si Tonyo Cruz na tunawag sa Globe at ipa-deactivate ang aking nnumero para hindi magamit ng kung sino man ang nakakuha. Ginawa ko yun.
Sabi ng Globe, hindi na ako kailangan magpalit ng cellphone number. Kapag may bago na akong unit, pwedeng i-activate ulit ang aking post-paid na linya. Malaking bagay yun dahil hidi ko na kailangan isa-isahin ipa-alam sa lahat ang aking bagong number.
Ang problema lang ay ang laman ng aking phone directory. Ang karamihan doon nakopya ko sa computer ngunit hindi ko na-update.
Noong Biyernes ng umaga, tumawag ang Customer Service ng Southmall at sinabing nag-turnover si Jason Miranda, isa sa kanilang mga janitors cellphone, mga alas 3 ng hapon ng Miyerkules. Yun na nga ang cellphone ko.
Hinintay daw nila na may mag-claim.Meron daw isang nag-claim ngunit hindi masabi ang numero ng cellphone. Impostor yun.
Tiningnan nila ang mga numbers sa aking phone directory at nakuha nila doon ang numero ko sa bahay.
Noong Biyernes, nakuha ko ang aking cellphone pagkatapos ako nagpakita ng dalawang ID at kopya ng aking Globe bill.
Hinanap ko si Jason Miranda para magpasalamat ngunit off na siya. Binalikan ko siya kahapon ngunit day-off naman niya.
Magkikita na rin kami sa susunod na araw dahil gusto ko personal na magpapasalamat sa kanya. Pinatibay niya ang aking paniniwala sa kabutihan ng tao.
Maligayang Pasko sa lahat!
Feliz natal, Señora Ellen..
Edna Ledesma shared her experience with pickpockets in Southmall:
I came across your article through someone’s post in Facebook. I just want to let you know how lucky you are to have gotten your cellphone back, because I had 2 unfortunate experiences at SM Southmall.
Sometime last year, I went to Southmall with my granddaughter. After opening my bag for the security check at the entrance, we rode the escalator to the third floor. We went to Toy Kingdom to look around, and then proceeded to the Food Court to buy some French fries. When I reached into my bag for my wallet, it was not there! That was only about 15 to 20 minutes since we arrived at the mall, and the only places we had been to were the security check, the escalator, and Toy Kingdom. I decided to go home right away, and check if I left my wallet at home. Unfortunately, it was not there, So I started calling the banks and credit card companies where I had accounts with to inform them that the cards were lost. I also called the security of Southmall to check if anyone had returned the wallet. I was hoping that whoever it was who got it would leave the cards and IDs and just get the cash. However, I got a negative answer. So I had to get a new driver’s license, SSS ID, senior citizen’s card, credit cards (at P400 each!) and ATM cards. What a hassle!
Then early this year, I was at the Ladies Shoes department of SM Southmall when someone sent me a message on my cellphone. So I took it out of my bag to read the message. After reading it, I put back the cellphone in my bag, and went around looking at the shoe displays. About 10 minutes later, I checked my bag to get my cellphone, and surprise – it had disappeared! I didn’t bother to report the loss to the SM Security.
So you see, after these 2 experiences, I really think you are soooooo lucky!
Kumusta na ang tungkol sa cyber crime law. Baka bigla maging batas na iyan. Kumusta na rin ang simbahang katoliko na palagay ko nakarma sa pagsuporta nila kay Pnoy sa pagtakbo pagka Pangulo. Kasi kung hindi nila sinuportahan si Pnoy sa halalan at iba ang nanalo ay walang RH Bill na kontra ang simbahang katoliko. Masyadong magulo ang Pilipinas lalo na parti sa politika. Bagong taon na, dapat bagong pag-asa pero walang pag-asa na magaganap dahil bawat politiko may kanya kanyang hangarin o interes para sa sarili na minsan apektado ang mamamayan.
Kumusta naman ang sa Cebu. Kawawa naman ang Governor doon. Parang ginipit yata.