Akala ko ang leksyun na nakuha ni Manny Pacquiao sa kanyang pagkatalo niya sa Mexicanong si Juan Manuel Marquez ay hindi siya superman at dapat na siyang mag-retiro.
Hindi pala. Gusto pa niyang lumaban ulit. Kaya pinag-uusapan na ngayon ang panglimang Pacquiao-Marquez fight. Baka sa Abril daw.
“I am going to rest and come back to fight. I would go for a fifth,” sabi niya sa interview sa kanya sa Las Vegas isang araw bago siya pinatumba ni Marquez.
Naloko na. Gusto yata maging gulay. Anhin niya ang kanyang bilyunes kung gulay naman siya.
Sabi ni Ronnie Nathanielsz, sports analyst, na delikado sa edad ngayon ni Pacquiao (magiging 34 siya sa Disyembre 17) , ang magpapatuloy sa boksing, isang sports na talagang bugbog ang katawan.
Sabi ni Nathanielz kapag tinitingnan niya ang coach ni Pacquiao na si Freddie Roach na dati ring boksingero at ang dating heavyweight champion na si Muhammad Ali, parehong may Parkinson’s disease, natatakot siya para kay Pacquiao.
Siguro nga mahirap niya tanggapin ang kanyang pagka-knockout. Sana man lang desisyun. Hindi e. Tumiklop muna siya bago sumubsub. Sabi ng isa sa Facebook: “Nag-planking na lang si Paquiao.” Uso kasi ngayon ang planking. (Ang planking ay isang exercise na nakadapa pero nakataas ang puwit. Ginagawa din ng mga aktibista ang planking sa kalsada kung gusto nila harangin ang mga sasakyan sa kalsada.)
Mga isang minuto rin bago nakabangon si Pacquiao. Nawalan yata siya ng malay sa lakas ng suntok ni Marquez. Kaya marami ang nag-alala na baka apektado ang utak. Sabi sa report okay naman daw ang resulta ng brain scan.
Siguro mahirap para kay Pacquiao na magretiro na talo siya dahil yun palagi ang iisipin ng mga tao at sa mga artikulo sa kanya yun palagi ang babanggitin.
Maganda sana kung ang huling laban niya ay panalo siya. Kaya dapat noon pa siya nagretiro. Matagal nang sinasabi sa kanya ng kanyang inang si Mommy Dionisia.
Ang problema kasi kapag sikat ka, napaligiran ka ng mga sipsip na Diyos ang turing sa iyo. Lalo pa ang mga oportunista na kumikita ng limpak na limpak na salapi tuwing laban ni Pacquiao.
Kaya akala ni Pacquiao superman siya. Kaya niya gawin ang gusto niya.
Gusto niya kumanta, nagku-konsyerto siya kahit hindi naman talaga maganda ang boses at ang pangit naman niya kumanta. Pinapalakpakan naman kasi.
Kongresman siya kahit na panay naman absent niya. Ngayon, pasok din sa pulitika ang asawang si Jinkee at ang kanyang kapatid. Sa isip niya, kaya nila lahat yan dahil lumalangoy sila sa pera.
Ganyan ang epekto ng kasikatan at sobrang daming pera.
kung mag 34 si pacquiao, mag fo-forty na si marquez by next year.
Isa ako sa panatikong tagasubaybay ni Pacquiao sa kaniyang mga laban,kilala na rin siya ng mga puting kasamahan ko sa trabaho dahil iniimbita ko silang manood sa ppv sa bahay namin pag may laban si pacman. Bagamat maganda yong pinakita niyang laban kay Marquez, masasabi kong kulang at hindi siya kundisyon. Hindi dapat magsabay ang kaniyang pag-aaral ng bibliya at boxing kung saan nagmula ang kaniyang yaman at kasikatan. Dapat ay iwanan niya ang isa dahil bawal yata sa bibliya ang manakit ng kapuwa. Yong kalaban niya ay gusto siyang patayin pero ng dahil sa bibliya ay malamya siya sa kalaban niya. Puedi na rin siyang magretiro sa boxing at mag focus na lang sa pag-aaral ng bibliya at palaguin ang ibang business nilang pamilya.
Idea ko lang ito at wala akong magagawa kung ano ang gustuhin ni Pacman, pero nabawasan na ang bilib ko sa boxing sa kaniya.
nang ma KO si Manny parang ang bansa ay namatayan ng isang tao na napaka importante. Lahat ng mga analyst ay naglabansan kilala man o hindi. ang daming nag bigay ng commento. Hindi ba dapat ang bigyan natin ng pansin at simpatya ay ang mga taong wala ng makain dahil kulang ang relief goods na dumarating. mga taong one week nang hindi kumakain at walang masilungan na bahay. Si Manny Pacman kahit magliwaliw yan sa buong mundo for the rest of his life hindi mauubos ang pera niya together with his family. Kaya natalo si Manny, tama ang sabi mo Mam Ellen. Lahat gustong pasukin ni Manny. kaya nawala ang consentration sa boxing. gusting magka diploma tinapos na parang magic.
Totoo hindi Superman si Manny Pacman Pacquiao, dapat pag-isipan nya itong mabuti, at paghandaan..Aanhin ang kayamanang lupa, kung “gulay-convalescent” naman ang kahihinatnan, nya, Sayang !..
Sayang din ang normal na kaisipan nya na maglingkod sa bayan, kung magiging uli-anin ang isipan..Ang kanyang pag-katalo ay isang “wake up call ” o pangising , na kalimutan ang “family political dynasty “, sya na lang, huwag ng idamay ang asawa nya at mga kapatid, na mga na-iiba naman ang mga layunin sa buhay…AT siguro limitahan nya ang “too much exposures” sa mga ibang kaga-napan sa buhay, na nakaka-wala ng “focus ” sa kanyang layunin..Be Simple and be Humble as what he had said..What words of humility coming from his mouth-tongue, that peoples knew, and heard, should be done in ACTION, by him alone !…
Here are two Pacquiao men beating up a photographer who was taking pictures of the fallen Pacquiao.
http://sports.yahoo.com/blogs/boxing/manny-pacquiao-aides-allegedly-attacked-photographer-brutal-knockout-005405170–box.html
Seems the fans are not good sports like the boss.
One is Pinoy (Buboy Fernandez) the twerp who insists on coaching (whispering in Tagalog) Pacquiao, while Roach talks to him, at every round break. The other is a white guy – finance man Michael Koncz.
I don’t believe Pacquiao will give that easy. He achieved greatness by his Fists and if he has to go down by them, that will be his decision… But if he is going to rise again. He must rededicate himself to the profession he Does Best, BOXING. And never mind the rest, except those whose interest is directly concern his. And there are only very Few of them other than Aling Dionisia and Trainer Roach.
#1. Mas matanda si Marquez kay Pacquiao. Nawala lang yata talaga sa focus si Pacman, dami kasing kuni-kuni not related to boxing.
Na knocked out daw si Pacman ng new look ni Jinkee buhat ng maging celebrity endorser ni Becky Bello ang asawa, sumobra daw naging beautiful palaging napapatunganga si Mani. 🙂
Palagay ko kahit na gugustuhin pa ng Pacman na labanan hli si Marquez sa pang limang sagupaan, hindi na siya papatulan ni marquez, kasi kung matalo ni Pacman si Marquez bale wala iyung naitala niyang record na na na knocked out niya si Pacman, baka iyung dyunior na lang ni Marquez ang ilalaban kay pacman.Uno milyunes dolyares mucho mucho dinero in mexico.Kung gusto man sigurong bumalik ni Marquez sa ring ay LUCHADOR at mag tag team sila ni Rey Misterio.
Sabi ni Manny huwag kayong mag alalala dahil kahit na pinatulog ako sa laban ay bumabangon naman ako sa pag tulog. Kahit naduduling na ako sa akin pag tayo ay pa interview agad ako.
Alisin niya ang mga ahas sa tabi niya at kung gusto niya makabawi ay mag stay siya sa boxing at iwasan ang maduming politika at mga aswang sa tabi niya.
Di pa nakakapag pahinga ay at kararating lang dito ay puro pa interview agad at gusto lagi niya siya ang center of attraction lagi.
Pahinga muna
Mabuti nga iyong natalo siya. Para humirit ng rematch. Alam niyo naman pera pera na ngayon ang habol ng karamihan.
A glance of a perfect timing over an iota of mistake…. that’s boxing!
something wrong….. hindi ko ma submit ang comment ko