Skip to content

Kailan pa tayo matutoto na huwag abusuhin ang kalikasan?

Thanks to Yahoo for this photo.
Nakakabagbag damdamin ang nangyari sa Compostela Valley at Davao Oriental na talagang hinagupit ng bagyong “Pablo.”

Habang pinapanood , pinapakinggan at binabasa ko ang mga report galing doon, naisip ko,tayo na hindi tinamaan ng hagupit ng bagyong “Pablo” ay walang karapatang magreklamo at mamaktol sa mga problema natin.

Kung ano man ang ating problema – walang pera pangbili ng bagong IPhone o pinakabago na labas ng Samsung o kulang ang ating pang-Christmas shopping – wala yan sa kalingkingan sa hirap na dinaranas ngayon ng mga tao sa Davao Oriental at sa Compostela Valley na mismo ang kanilang evacuation center ay tinangay rin ni Pablo. Wala silang masilungan habang patuloy ang pag-ulan. Kahit sa pagkain at inumin kinukulang.

Pinakita sa TV ang bata na na- rescue sa putikan. Buhay siya ngunit puno ng sugat ang katawan. Hindi pa nakikita ang kanyang mga magulang at 11 kapatid. Nang binigyan ng tubig, nagpasalamat siya. Nakaka-iyak at nakaka-hanga.

Gusto raw malaman ni Pangulong Aquino ang dahilan kung bakit nangyari itong trahedya.

Nakakalungkot talaga dahil naghanda ng husto ang pamahalaan para sa bagyong ito na tama naman ang forecast na napakalakas. Marami sa ating mga local na pamahalaan sa mga lugar na inaasahan dadaanan ni Pablo ay nagsagawa ng evacuation. Pinuri pa nga ng United Nations ang pamahalaang Aquino sa kanilang panghahanda.

Kung sa bagay kung ikumpara mo sa namatay sa bagyong Sendong na umabot ng 1,400 na mga tao, ma maliit naman ang bilang ngayon na baka aabot sa 500. Kaya lang kahit isa lang ang numero, tao yan at dapat, ikakabahala.

Lalo pa kung alamin talaga natin ang tunay na dahilan. Sa Compostela Valley, itinuturo ang ilegal na logging at pagmimina.

Ang Compostela Valley ay mayaman na mayaman sa ginto at sa kagubatan. Yung kayamanan na yan ay parang nagiging sumpa na rin para sa kanila.

Sinabi sa report na halos kalbo na ang mga bundok doon dahil sa ilegal logging.Mismo ang si Gov. Arturo Uy ay nagsabi na nakalbo na ang kanilang mga kabundukan. “Wala nang ilegal na logging dahil wala ng punongkahoy na natira,” sabi niya.

Kung wala ng ugat ng punong kahoy na kakapitan ang lupa, kapag umulan, landslide ang labas niyan. Ganun nga ang nangyari.

Sani ni Uy, huwag daw sisihin ang pagmimina dahil walang mina daw sa lugar na binaha. Ngunit sinabi rin ng mga taga-roon na maraming tunnel o daanan sa ilalim ng lupa ang ginawa sa paligid na lugar.

Hindi mahirap isipin na sa kaka-dinamita ng bundok para sa paggawa ng tunnel para sa mga pagmimina ng ginto, na-alog na ang bundok. Kaya bumigay na sa oras ng bagyo.

Galit ng kabihasnan sa sobrang pang-aabuso ng taon ang ating nararanasan ngayon.Mabuti sana kung ang mga ganid na may pakana sa pagsira ng kalikasan para lang kumita ang naanod ng baha at putik. Ang malungkot lang, marami sa tinamaan ay ang mahihirap at mga inosente katulad ng mga bata.

Matutoto na kaya tayo?

Published inAbanteDisaster

6 Comments

  1. Mike Mike

    Sad to say this, but it will never happen… not in our life time. Maybe the future generations will learn from our mistakes. But the problem is, it’s going to be a little bit too late by then. 🙁

  2. Jojo Jojo

    sana pumasok ang blog ko. mam Ellen papaano natin mapapaabot sa kinauukulan especially sa comelec itong nakita ko sa TV news. si Jingoy Estrada ay namimigay ng relief goods sa mga typhoon victims sa Compostela valley. kitang kita sa TV ang supot ng goods ay may litrato ng kandidato na tila tatay niya. nagsasamantala sa mga victim ng bagyo ang Jingoy na ito. maliwanag na paglabag sa election code.

  3. Manachito Manachito

    Mahigit na ako animnapung taong gulang at sa tuwi ko maririnig na nangyayari ito (mga baha dahil wala na punongkahoy), hindi ko matiis na hindi magalit. Kulang daw sa kaalaman ang mga tao. Maari totoo at kung talagang may malasakit ang mga may kapangayarihan, ipaalam nila sa LAHAT nga mga Filipino ang tungkol sa kalikasan. Dito sa aking tinitirhan ay walang pakialam ang mga tao. Sa ilog nila itinatapon ang kanilang mga basura. Hindi daw maaring bumaha dito dahil mataas ang kinalalagyan ng mga bayang ito sa lalawigan. Naiiwanan na talaga ang Filipinas sa lahat ng bagay kahit tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Bb. Tordecillas, ikaw at ang iba mga mamahayag ay mahigit na makapangyarihan upang ipahayag sa mga mamayan ang pangangalaga tungkol sa kalikasan. Dapat ipaalam ito lalo na sa mga kabataan. Ito ang kanilang daigdig. Ang mga ibang katulad ko sa taon ay pinabayaan na ang ating kapaligiran!

  4. pranning pranning

    12 November 2012

    Imbestigasyon na naman, tsk… tsk… talagang hindi na matuto-tuto talaga tayo. Kahit na anong imbestigasyon ang gagawin ng pamahalaan kung tayo mismo ay hindi marunong pangalagaan at pasaguting ang mga tampalasan na malalaking kumpanya ay wala talagang mangyayari sa ating kalikasan.

    Yung ngang pagto-troso lang, pareho naman ang mga legal at illegal loggers, pagtapos pumutol ng puno ay hindi naman sila nagtatanim ng kapalit ng puno. Pagtapos magsisihan at magtuturuan sa bandang huli. Tapos i-aasa na lang sa gobyerno.

    Kung talagang kailangan magkaroon ng moratoryum sa pagmimina at pagpuputol ng mga punong kahoa, na dapat naman itong ipatupad, ito ay dapat ipatupad.

    Ang mahirap kasi dito, ang pamahalaan nasyonal ay maglalabas ng moratoryum at kautusan, subalit ito naman ay tutuligsain ng lokal na pamahalaan, wala rin mangyayari, kasi nga magagalit at mawawalan nga ng kita si meyor o kaya si gob, at kung sinu-sino pang mga tamapalasan dyan.

    Yang mga malalaking kumpanya, isama na rin natin yung mga malilit na minero, kasama na rin ang sa pagto-troso ay dapat naman talagang tumulong sa pag-aayos at pagkalinga sa ating kalikasan. Yung maliliit na minero, kadalasan kulang sila sa edukasyon sa pangangalaga ng kalikasan. Dapat naman huwag nilang isipin ang pang-sarili lamang, kung sila naman aY kikilos sa pangalaga ng ating kalikasan, sila at ang kanliang mga anak rin naman ang makikinabang bandang huli. Ito ang sinasamantala ng mga naglalakihang kumpanya, angkulang sa eduaksyon ng mga maliliit at independienteng mga minero. Kapareho lang ng sa pagto-troso, kung hindi papalitan ang mga pinutol na kapunuan ay wala ring mapuputol na mga punong kahoy sa mg sumunod na henerasyon.

    Ang sabi nga nila, “KUNG HINDI NGAYON KAILAN PA”.

    prans

Leave a Reply