Skip to content

Nakakalalake

Limang buhay ang nasira dahil lamang sa yabang.

“Nakakalalake.” Yan ang sabi ng pulis ng dahilan ng pagpatay sa isang Amerikanong Marines, si GeorgeAnikow, 41 taong gulang ng apat na lalaki na nakilalang sina Jose Alfonzo Abastillas, 24; Crispin Chong Dela Paz, 28; Osric Malabanan Cabrera, 27; at Galicano Salas Datu III,22.

Konting sagutan. Ang nagpainit ng ulo talaga ng apat ay ang pagtapik ni Anikow ng kanilang sasakyan na silver na Volvo. (Ano ba ang sa Volvo na naging brutal ang nakasakay kapag ito ay natapik? Di ba Volvo na berde ang kotse ni Robert Blair Carabuena, ang nambugbug sa MMDA traffic aide na si Saturnino Fabros? Di ba ang pagtapik din ni Fabros ng kanya nagwala si Carabuena?)

Nakakulong na ngayon itong apat. Murder ang kaso ng mga ito. Makalaya man sila balang araw, nagkawindang-windang na ang kanilang buhay. Kababata pa nila. Nakapag-aral at may kaya. Ito si Datu, nag-aaral pa sa La Salle.

Dahil lamang sa gustong patunayan ang pagkalalake. Ano ba yung “nakalalake.”

Yun din kasi ang salita sinabi ng isang lalakeng nakasakay ko sa shuttle van na nakipag-away sa kapwang pasahero na lalake rin.

Nangyari ito noong Nob. 19. Lunes na umaga,sa shuttle bus na sinakyan ko mula Las Pinas papuntang Makati, nag-away ang dalawang lalaki sa likuran.

Nasa pangalawang row ako ng shuttle kaya nasa likuran ko sila. Sa kanilang sagutan, ang natanto namin ng ibang pasahero na ang dahilan ay ang espasyo sa upuan.

Sa mga sanay sumakay sa shuttle van, alam naman natin na upong sardinas talaga ang kailangan. Ang tatluhan ay naging apatan. Kaya kung medyo hindi payat ang isang pasahero, kalahati na lang na puwit ng isa ang naka-upo.

Ang isang pasahero lalaki, kampante yata ang upo (baka may ini-isip) kaya sinabihan siya ng pasaherong pinakahuling dumating na umusod. Umusod naman.

Mainit yata ang ulo ng lalaking huling dumating dahil nagsalita pa siya na “kung hindi pa kita sinabihan, hindi ka umusod.” Nagpalitan ng salita hanggang, aba, gusto na magsuntukan.”Nakakalalake e,” sabi ng isa.

Ay ang sikip-sikip na nga yung van, tapos magkaroon pa ng aksyon. Kaya yung mga babaeng pasahero naghiyawan na. Sinasaway sila. Ayaw makinig yung dalawang lalaki.

Sinabihan ng isa na medyo may edad ang driver na huminto at bababa sila. Hindi ako nakatiis,sumali na rin ako. Sabi ko, “Ano ba kayo. May mga pamilya kayo. Tapos magaaway kayo dahil lang sa sikip ng upuan?’

Isip-isip ko, sige, bumaba kayo at magsuntukan. Kapag nahuli kayo ng pulis, tatanungin kung ano ang pinag-awayan, Kapag malaman niyang dahil lang sa espasyo sa upuan, baka batukan pa kayo.

Natauhan na rin yata kaya nagpatuloy na rin ang aming biyahe na walang nagpatayan.

Naisip ko itong insidente nang mabasa ko ang balita tungkol sa isang survey U.S. Gallup na Pilipino ang pinaka-emotional” sa 140 na bansa sa mundo.

Tinanong daw ang mga respondent kung sila ay naging masaya, nalungkot, nagalit, ngumiti o tumawa sa araw nay un at sa nakalipas na araw. Yes na yes ang mga Pilipino.

Ang Singapore naman ang pinaka hindi “emotional.”

Hindi naman nakapag-taka. Tayong mga Pilipino, madali tayong madala sa emosyon at hindi masyado binubusisi ang impormasyun at mga rason bago mgdesisyun.

Kaya itong katangian ay ginagamit ng mga pulitiko. Kapag kampanya, hindi pinag-uusapan ang kakayahan ng kandidato. Kanta at sayaw ang ginagawa nila para mapasaya ang mga tao na bumubuto naman sa mga kandidato na guwapo o maganda at magaling kumanta at sumayaw. Kapag nasa pwesto na, wala nangyayari.

Ngunit maganda naman sanang katangian ang may-emosyun dahil ibig sabihin noon, pinapaandar ang puso, hindi lang utak. Makatao.

Dapat balanse ang puso (emosyun) at utak. At piliin ang isyu na pagaksayahan ng emosyun. Kapag espasyo lang sa upuan, pagpasensyahan na. Walang kinalaman yan sa pagkalalake.

Published inAbante

6 Comments

  1. vic vic

    It is not a matter of the car but the values instilled on these youth. Just the other day a fellow bang the trunk of my car very hard as I was straigtening in the parking lot. I opened my windowed and asked him what was the matter he told me to look where I was going as he was in my path I said I was not going anywhere just straightening my car and he could have seen me doing it. That was the end it. Check my car for dents none and even if there were dents it is still not worth going further as some are just looking for troubles.
    What the cops will always say, any arguments with your fellow, let us hear both sides and figure out who has the most blame. Or none of the blame. Last time both of us were backing up and smashed each other car, we keep arguing who was at fault, so we decided reporting the collision to the cops and the fellow with a Large Mercedes Got 100%of the blame. My car got fixed for free no premium increases,and also paid for the inconvenience charged to his insurance.

  2. Mike Mike

    Buit nalang wala akong Volvo. Hehehe
    Kidding aside, it is just so plain stupidity to go into an argument just because somebody tapped your car. My car has in the past been tapped, dinged, scratched and what did I do? A little bit annoyed yes, but then I just shrugged it off.
    If you don’t want your car get scratched or dinged, just keep it in the garage and cover it with a kulambo.

    Just my 2 cent. 😛

  3. Mike Mike

    Buti nalang wala akong Volvo. Hehehe
    Kidding aside, it is just so plain stupidity to go into an argument just because somebody tapped your car. My car has in the past been tapped, dinged, scratched and what did I do? A little bit annoyed yes, but then I just shrugged it off.
    If you don’t want your car get scratched or dinged, just keep it in the garage and cover it with a kulambo.

    Just my 2 cent. 😛

  4. Hataw Hataw

    Nakakalalake. Tingnan natin ang dating niyan sa kalaboso. Baka babaihin sila dun.

    Datapwat, totoo yang isip na ganyan. Napaaway din ako dahil diyan at hanggan ngayon di ko masisiguro na di mauulit. Sa katunayan lang, kahit dito sa pag kumento dito sa blog na ito masisiguro ko na madaling paandarin ang ilan diyan sa salita lang. Lalo na yang mga paborito mo.

Leave a Reply