Tatlong kaibigan ang nagsabi sa akin na kumakalat daw ang litrato ni Rep. Teddy Casiño sa internet na kasama si Imelda Marcos at binibigyan ng masamang kahulugan.
Para bang nakipagsabwatan si Teddy sa mga Marcos na siyang nagpahirap sa mga sinasabi nating “maka-kaliwa” o nga nationalist na katulad ni teddy at ang mga nauna sa kanya na katulad nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.
Ang litrato nay an ay galing sa isang post sa aking blog:
http://www.ellentordesillas.com/2009/11/05/armida-and-son-carlitos-birthday-party/
Malisyoso naman ang ganung anggulo.
Ang artikulo ay tungkol sa birthday party nina Armida Siguion-Reyna, kilala sa kanyang programa sa television na “Aawitan Kita” at ang kanyang anak, director ng pelikula na si Carlitos, noong 2009.
Pareho kasi ng birthday si Armida at si Carlitos (Nobyembre 5) at nung taon na yun, malaki ang party sa White Space Exhibition Hall sa Pasong Tamo, Makati.
Sa party kasi ni Armida at Carlitos, iba-iba ang kulay ng mga bisita na nagpapakita lamang na nakikipagsalamuha si Armida sa iba’t-ibang klase ng tao. May mahira, may mayaman. Maraming bisita ang dumarating sakay ng magagarang kotse. Meron din katulad ko, naka-taksi.
Marami siempre ang sa showbiz dahil nasa pelikula, television at musika sila. Marami rin ang nasa pulitika dahil aktibo naman talaga silang mag-ina, lalo na si Armida, sa mga isyu para sa bayan na sakop ng pulitika.
Naala-ala ko nahuli dumating si Imelda Marcos nun at halos wala nang maupuan. Nakita ni Bibeth na may bakante doon sa mesa nina Teddy Casiño kaya doon niya pina-upo si Imelda. Hindi naman magkatabi. Magkaharap sila.
Natawa nga marami. Halatang hindi kumportable si Teddy. Siempre, pambihira ang sitwasyun na yan kaya ko kinunan ng litrato.
Walang sabwatan doon. Hindi ko nga alam kung nag-usap sila ni Imelda maliban sa bati, dahil maggkaharap nga.
Noong nakaraang Linggo, birthday party ulit ni Armida at Carlitos. Ang ganda at elegante ni Armida sa edad na 82. Si Carlitos, 55, sa background lang siya at ang star talaga ay ang ina niya.
Mas maliit ang party noong Linggo kung ikumpara noong 2009.
Heto na naman ang litratuhan. Kasama ko sa mesa ang mga writers na nagpu-protesta laban sa provision ng libel sa Cybercrime Law. Nang dumating si Sen. Tito Sotto (nandun din si dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce-Enrile), sabi namin mag-pakuha kami ng litrato. Si Sotto kasi ay may pakana ng provision ng libel sa Cybercrime law.
Kaya lang, sabi ko baka ma-Teddy Casiño na naman tayo ay sabihin naki-pagsabwatan tayo.
Sabi ng isa, “Sige na pakuha tayo. May caption na ako: ‘The bully and the bullied.’”
Tanong ng isang guest, “Bakit binu-bully ka ba ni Sotto?”
Sagot ng writer, “Hindi. Ako ang nagbu-bully sa kanya.”
Sayang nga at hindi magamit ang caption na yun dahil sa sobra naming kudakan, hindi namin ang pag-alis ni Sotto at kanyang asawang si Helen Gamboa.
Pinilit ba siyang umupo sa mesa kasama ni Mrs. Marcos? Mukhang meron naman mga ibang mesa dun sa party.
Nauna si teddy sa lugar na yun.Late dumating si Imelda at doon siya pina-upo ni Bibeth.
The point here is, there was nothing malicious in that situation. Hindi nga sila nag-usap. Ako lang naman amused sa situation. That’s why I took the picture.
For anybody to put malice in that picture is FOUL. FOUL.
Ang tagal na ng picture na yan, tanda ko pa.
Buti nan yung wala kayong kodak ni Sotto, walang bangungot.
#2. Ah kung ganun pala ang nangyari, magiging bastos naman si Teddy kung nag-excuse siya para pumunta sa banyo at hindi na siya bumalik. At mukhang masarap naman ang pagkain, walang natira sa plato ni Teddy. 🙂
Tignan mong maigi yun expression ni Imelda. Parang hindi siya natutuwa, mukhang nakasimangot pa nga. Yun katabi niya ganun din ang expression. Si Teddy lang ang nakangiti. Siguro kasi nabusog na siya. Maaga kasing dumating. Si Mrs. Marcos late, baka gutom na. 🙂
Pero lesson kay Teddy yan. Umiwas sa mga ganyang sitwasyon at lalong lao na huwag magpapicture kasi wala siyang kontrol kung ano ang iisipin ng mga taong makaka-kita ng retrato. Mas madaling umiwas kaysa magpaliwanag. Sa pulitika, kung kailangan mong magpaliwanag talo ka na.
Walang malisya iyan. Normal lang iyan sa mga politiko,hehe.
08 November 2012
Maybe Teddy is smiling (i prefer squirk) and thinking how to get the hell outta there because of the presence of imedific, hehehehehe…….
Anyway he’s done eating……..hehehehe…….
prans
Teddy was laughing at me because he knew I was amused at the situation he was in.
Ellen, hindi ako pinapapasok sa current posts ganun sa sinasabi ni tongue, baka ganun din ang karamihan sa posters palaging rejected. FYI