Skip to content

Lakas ng loob manlait ni PNoy, popular kasi siya

Sharing a sick joke
Binatikos si Pangulong Aquino sa kanyang mga pinagsasabi nang siya ay nasa New Zealand.

Una ay ang kanyang patutsada kay Gloria Arroyo at ang pangalawa ay ang panlalait niya kay Rep. Teddy Casiño ng Bayan Muna.

Gloria Arroyo in a wheelchair November 2011

Sa miting sa Filipino community sa Auckland, sabi ni Aquino:”Share ko ho lang sa inyo isang tawang-tawa ako sa narinig kong joke. Yung mga kababayan raw ho nating corrupt sa Pilipinas, kagagara ng kotse, kamamahal, katutulin. Pero pagka ginustong tumakas, ang ginagamit wheelchair .”

Palakpakan.

Maala-ala natin, noong isang taon, bago siya nasampahan ng kaso at naaresto, tinangka ni Arroyo na mangibang bansa. Galing sa ospital, naka-wheelchair siya ng dumating sa airport.

Ngunit may mga hindi natawa kahit ang mga hindi kakampi ni Arroyo. Bad taste ang dating sabi nila.

Sabi naman ng abogado ni Arroyo na si Ferdinand Topacio: “Dapat tumigil na ang Presidente sa kanyang asta bata na nagpapasa ng text joke. Umaksyon siya ng bagay sa kanyang edad.”

Siyempre palusot naman ang kanyang Deputy Presidential Spokesman na si Abigail Valte. Kaya lang mukhang hindi alam ni Valte nagkabalu-balukto ang palusot niya.

Una sinabi niya, “Hindi naman si President ang gumawa ng joke.”

Sunod, sabi ni Valte, “At the end of the day, it’s not a joke. (Hindi naman talaga joke).”

Hindi nakailangan ng Malacañang maeksplika kung ano ang ibig sabihin ng Pangulo. Pinalakpakan naman siya, dib a. Di okay lang yun.

Di ba sinasabi sa Bibliya (Luke 6:45):”For out of the abundance of the heart his mouth speaks. (Kung ano ang kasaganaang laman ng nasa puso mo, yun ang sasabihin ng iyong mga bibig.)” Kaya masasabi natin, na galing sa kaibuturan ng kanyang puso ang pinagsasabi ng Pangulo.

Kahit ano ang gagawin ni PNoy, palpak man o matino, o kahit wala ngang gagawin okay lang. Popular siya. Sa survey ng Pulse Asia noong Septyembre, 78 porsyento ng mga tinatong aprub sa kanyang mga ginagawa. Sa Social Weather Station naman na survey, kuntento ang 62 porsiyento ng mga tinanong.

Ito ang mga panahon na binanatan siya tungkol sa pagkampi kay dating Interior Secretary Rico Puno na nasangkot sa anomlaya sa pagbili ng mga baril para sa Philippine National Police. Ito rin ang panahon na binabatikos ang Cybercrime law na kanyang pinirmahan noong Septyembre 12.

Sa ganun ba naman na paghanga at tiwala ng tao, bakit naman isipin ni Aquino kung may masaktan sa kanyang sinasabi?

Kaya naman feeling niya may karapatan siya manlait siya ng mga mababa sa survey katulad ni Teddy Casiño na kulelat sa survey ng mga tumatakbong senador para sa 2013.

Ganun lang yun.

Published inBenigno Aquino IIIGloria Arroyo and family

26 Comments

  1. Jorge Capule Jorge Capule

    Hindi po ba totoo ang sinabi ni Pnoy? Ilang beses na nating nakita yang ganyang scenario na tuwing may katiwalian or imbestigasyon biglang nagkakasakit at na-confine sa hospital.

  2. Jojo Jojo

    Nadale mo Mr. Jorge Capule. Sama kong Lima sa pananaw mo. Remember Jocjoc Bolante, nang sapilitang bumalik ng Bansa ay naka wheelchair with matching dextross na may kasamang nurse diretso sa St. Luke’s hospital. Totoo bang may sakit. Hindi ba kumandidato pa nga. Mabuti na lang at natalo. Si Hosni Mubarak ng Egypt kahit naka stretcher ay dinala sa court para litisin ng kanyang kasalanan sa bayan niya. Nasaan na si Mubarak ngayon. Nakakulong na sa Jail. I am hoping na magkatotoo ang sinabi ni Pnoy na mag jajaming ni Corona at Gloria sa loob ng selda.

  3. Sa paulit ulit na pagsasalita patungkol kay GMA ay nakakasawa na rin. Sa nangyayari ay parang si GMA ang dahilan bakit siya sumisikat. Dahil sa pagsasabi niya ay pumapalakpak ang mga bisita gayong hindi naman dapat palakpakan kasi narinig na iyon matagal na.

  4. Rudolfo Rudolfo

    Isang pananaw. Kung sa paraan ng “panlalait”, makukuha ni Pangulong PNoy, ang pagbabago, at ituwid ang daan, ng bansa, lalo na ang mga “pinatutungkulan” niya, para sa akin, okay lang..May kasabihan ang matatanda, sa “paghuli” daw ng “ibon”,ay maraming paraan..Mukhang totoo naman ang kanyang mga sinasabi, kaya siguro, mataas ang rating nya sa mga “surveys”…Ginagawang sangkalan ang pagkakasakit ng mga Taong nabubuking, at sa pag-gamit ng wheelchair, pati na Hospital at mga doctors. My food for thought for a change, and support to Pres. PNoy.

  5. dan1067 dan1067

    Kung kagaya nina Jocjoc at GMA ang lalaitin kahit sagad hanggang buto ay waepek sa kapal ng apog ng mga taong ito na nagsamantala at nagpasasa sa kaban ng bayan sa matagal na panahon. Ganun pa man hindi ako kumbinsido sa ginawang pahayag ng pangulo laban kay rep. Teddy Casino.

  6. parasabayan parasabayan

    Isa na rin ako sa papalakpak sa “joke” ni Pnoy tungkol kay pandak. Hindi panlalait ang tawag doon. He is just passionate in his “anti-corruption” drive. I would also like to see her and Corona, together with all her “dogs” to end up in the same jail. It takes so long to forget all the abuses of pandak during her stolen rule. Dapat lang talagang laitin siya so she will feel the pain that she caused a lot of people then. It amazes me that she is still getting all these special treatment in the guise of “being sick”. Sana nga totoo na may sakit siya. Kung may sakit siya bakit tumatakbo pa sa politika. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagsawa.

  7. vic vic

    This is also to remind these opportunist accused Pretenders to be in deathbed not to EXPLOIT the Disabilities of those who are Truly afflicted to evade their own accountability to face Justice as brave as those with Physical disabilities face their own struggles on a daily basis. Pnoy is reminding Them in a Joke that it is the ultimate INSULT to those who have Disabilities.

  8. saxnviolins saxnviolins

    Dati wala nang pinag-usapan kundi si Inay, at yung gasgas na People Power. Pati sa UN, dalawang beses binanggit. Hindi pa ba sapat yung speech ni Inay sa US Congress and the countless standing ovations? So what did he get? Sitting yawns.

    Ngayon naman, walang bukang bibig kundi impeachment ni Corona, at pagkakulong ni Goyang. Yan lang ba ang achievement? Lutas na ang corruption?

    Noy gising.

    Read the article of Alex Magno, and some RTC judge and a sheriff, who helped Gotesco. Hanggang ngayon, marami pa ring naghaharing sheriff lang. (The sheriff is the muscle who executes the judge’s orders. Sila ang sumisipa sa eviction cases, tulad ng sinampal ni Sarah Duterte.).

    Panahon pa lang ni Celing Fernan, binanggit na niya yang mga sheriff. Nalutas na ba? No sir. No move is being made on them.

    Si Corona ba ang pinakapinuno ng mga corrupt na RTC judge? No sir. May mas kurakot diyan. Read Mareng Winnie’s old columns. Any moves on them? Wala. We already have our token victory. Wala na si Corona. So the hell with it if corruption is still rampant. We will have our victory lap. Para yang George Bush, mission accomplished daw. After the victory lap, and winning the war, hayun, tsaka lang nagkamatayan ang mga sundalong Kano, during “peace time”.

    Same thing, we have a victory lap, but the drug lords are still operating. Aling Leila is still clueless in controlling their contacts in the DOJ.

  9. saxnviolins saxnviolins

    On the joke itself, is it witty? So-so. Get a better speech writer. I’m sure somebody wrote that speech.

    Search youtube and the jokes of Obama or other Presidents on dinner/roasts hosted by the Catholic Church and Alfred Smith. Yan ang mga one-liner.

    The best joke, I read long ago, is one which pokes fun at yourself. It is better, according to Norman Vincent Peale (yes I used to read syrupy stuff like that), if you laugh with others, instead of at others.

    So I close with wittier lines, from another President:

    This is “a significant and groundbreaking milestone in the history of the Rotary Club of Forbes Park. This will be the first time you will have an ex-convict as your guest speaker,”

    “As you know, I am a member of the X-Men in this country—ex-mayor, ex-senator, ex-vice president, ex-president and ex-convict,”

  10. chi chi

    Ayos lang jokes na ganyan dahil totoo. Ang hindi ayos ay sitahin ang isang tao na gustong tumakbong senador/elected office kahit kulelat sa survey kasi qualified naman, petty.

  11. Jorge Capule Jorge Capule

    Isa sa mga pinanghihinayangan ko sa ating mga Pinoy ay ang pagiging “makakalimutin”. Sana sa mga bagay na tulad na korupsyon ay hindi tayo “nagsasawa” hangga’t makamit ang hustisya.

    Parati na lang natin naririnig na “bakit si ganito, si ganyan [insert politician from previous admin/etc] hindi naman naparusahan.. bakit [ako <– insert politian's name here] ang pinagiinitan." Ganang sa akin, hangga't walang nakukulong na may katiwalian, WALANG MATATAKOT. Nawa'y sa aking tanang buhay ay may makita akong makulong na lider ng bansa na gumawa ng katiwalian tulad ng nagawa na ng Taiwan at South Korea. Kung hindi kahit 100 taon pa ay paulit ulit lang ang mangyayari sa bansa natin.

  12. Star 1542 Star 1542

    Penoy has the chutzpa to say whatever he wants to say whether ethical or unethical,sensible or non-sense, presidential or unpresidential, bad joke (always bad joke), sub judice, or whatever, because he knows he has people who profess canine loyalty to him that whatever he says is a gospel truth to them. Tuwid na landas? Anti-corruption? This only applies against Arroyo et. al. Look at the people around him. Some of them, if not all, have pending corruption cases, but the cases are in suspended animation because they were appointed by Penoy to sensitive positions in his government. Personally paying for the bail of a person charged with corruption and subsequently appointing her as Comelec Commissioner while the case is pending and only out on bail is not unethical as far as Penoy and his self-righteous cohorts are concerned. Penoy had already ruled that she is not guilty as charged and she has no more case. Otherwise, he would not have appointed her a Commissioner, as one of the qualifications for such position is the “No pending case” or “No conviction.”… If you apply for an entry level clerk in the government you are disqualified if you have a conviction or a pending case in Court. But as Comelec Commissioner, it’s perfectly allowed because Penoy said so. What a joke…! In this present RP government, Penoy is the Prosecutor, the Judge, the Legislature, the President, and the Joker…Tuwid na landas, anti-corruption under Penoy? Dream on Filipinos…!

  13. Based on number of the comments approving of Noynoy’s ‘humor’ above and those against. the lopsided tally reflects the continuing hatred of people towards Gloria, even if she appears sickly (or dying 😀 ).

    Personally, okey lang sa akin yan. I’m not too optimistic about the presidential successors of Bokal. And since Gloria and her cabal are sure to survive this administration conviction-free, and possibly even absolved by the next president, let us enjoy the moment while it lasts

  14. As for Teddy Casiño, he is now a politician and he knows it comes with the territory. Ngayon pa ba siya iiyak-iyak, si Bokal pa lang ang pumapatol sa kanya. I’m surprised those who are vigorously advocating freedom of speech and the Press are the same ones telling Noynoy to shut up! Teddy should practice what he preaches. Gamitin ba naman si JJ Burgos sa boring niyang kampanya para sa Senado, e di bumalandra sa mukha niya. He got what he wanted – media attention. But did it help him? It just went pfft.

    “We should immediately amend this law because it will create a chilling effect not just on journalists but on ordinary people… It opens up to infringement of the constitutional right to freedom of expression and free speech.” – Rep. Teddy Casiño on the Cybercrime Law

    Now he’s practically telling Noynoy – STFU.

  15. This is also in my blog. Read niyo na lang ang mga comment ng iba sa blog ko.

    PAGBULUSOK
    Ni: Arvin U. de la Peña

    Kapangyarihan na mataas nakamit
    Ginawa ay pang-aabuso sa bayan
    Di man lang inisip mga mamamayan
    Sariling kapakanan lamang ang nais.

    Pamilya at kaalyado ay nabusog
    Nagpasarap sa buhay at nagpayaman
    Kung sino sa kanya ang bumabatikos
    Tinatakot para hindi na umulit.

    Halos bawat nagreretirong heneral
    Posisyong maganda ang kinalalagyan
    Simbahang katoliko ay binibigyan
    Upang hindi pagsalitaan ng pangit.

    Hainan man para siya mapatalsik
    Walang pagkabahalang nararamdaman
    Mga kongresistang kampi nariyan lang
    Sagana sa bigay na milyong pork barrel.

    Mula sa itaas ngayon ay bumagsak
    Walang naaawa sa kanyang sinapit
    Pagkat siya di dapat na kaawaan
    Ang dapat ay makulong sa kasalanan.

  16. Pero kahit ganun nararapat pa rin siya na patawarin. Totoo o hindi man ang lahat na paratang sa kanya kailangan niya pa rin ang lumigaya na walang iniisip na mga batikos. Move on.

  17. Star 1542 Star 1542

    GMA indeed needs to face the ax of justice for what she did during her term. No doubt about that. But there is a Court to judge her about that… And Penoy is only fooling the Filipinos for his alleged anti-corruption drive. He is only running after GMA because he knows most Filipinos hate her. His rating is high because of GMA. Some, if not all, of his appointeees have pending corruption cases. But he doesn’t care. A lot of his canine loyalists are ready to fight and die for him, whatever he says or do, they believe him. The latest on the list is his recent appointee as Commelec Commissioner who is only out on bail (which Penoy paid for) for her corruption case. This move is still being applauded by Filipinos who have canine loyalty to this Joker.

  18. Kalokohan yang patatawarin si Gloriang mandarambong. Ni hindi umaaming nagkasala, patatawarin?

    Mag-isa ka.

  19. Marami ngang kasalanan si GMA. Lalo na ang kagustuhan na maging lider lagi ng bansa. Pero paano iyan siya ang tao na ayaw umamin sa kasalanan. Hindi natin siya mapipilit na paaminin dahil buhay niya iyan. Dahil doon unawain na lang siya.

  20. Dapat ang mga pangulo ng bansa ay ito ang susundin. Ang labing anim na batas na kung tawagin din ay Sweet Sixteen. Kung ang batas na nakapaloob sa labing anim ang susundin ay uunlad ang bansang Pilipinas. Hindi na maghihirap ang bansa. Higit sa lahat wala ng mababalita na may gumawa ng hindi maganda.

    http://arvin95.blogspot.com/2011/03/sweet-sixteen.html

Leave a Reply