Inirekomenda ng United Nations Development Program (UNDP) na gawing legal ang prostitution o pagpu-puta para daw maproteksyunan ang mga kawawang puta.
Hindi yata tama.
Naawa ako sa mga puta dahil hindi talaga kanais-nais na trabaho ang kanilang ginagawa at marami sa kanila ay napipilitan lang para mabuhay ngunit mali yata ang solusyun na paggawa nito na legal. Para naman kinukunsinti ang ganung gawain.
Sinabi sa report na huwag daw gawing krimen ang pagpuputa para kapag legal ang kanilang trabaho, makakuha sila ng benepisyo katulad ng pagpapaeksamin sa doktor, insurance at pension.
Kapag regular daw ang kanilang pagpa-checkup sa doktor, mababawasan ang pagkalat ng sexually -transmitted diseases lalo na and HIV o AIDS.
Dahil sa bawal ang pagpuputa ngayon, ang mga nahuhuli ay maaring ikulong hanggang 30 na araw sa unang pagkakasala at anim na buwan sa mga umu-ulit. Marami naman sa kanila ang nahuhuling pauli-ulit. Marami rin sa kanila ay pinagsasamantalan ng mga pulis habang nasa kulungan.
Sabin g UNDP sa kanilang pag-aaral na pinamagatang “ Sex Work and the Law in Asia and the Pacific,” kapag legal na ang prostitution, mawawala na ang diskriminasyun sa mga puta at hindi na raw mababa ang tingin sa kanila.
Ngayon kasi ang tawa sa mga babae na puta ay kalapating mababa ang lipad.
Paano yun magkakaroon tayo ng industriya ng mga puta katulad sa Netherlands na may nagdi-display sa eskaparate ang mga puta na nakasuot ng mga seksing pantulog at nag-aakit ng customer?
Sa Amsterdam, pagdating ng hapon nagsisimula ang magpwesto ang mga babae sa eskaparate nakasuot ng negligee. Makikita mo marami sa kanila may edad na. Ang mga tao, karamihan lalaki at mga turista ay parang nagw-window shopping. May mga “barker” , parang katulad pa sa tumatawag sa mga jeepney, na naghihikayat ng customer. “Libre tisyu,” sabi ng isang barker.
Nakakasakit sa dibdib makita ang ganung eksena. Nakakababa ng pagkatao.
Marami tayong nabasa at napanood ng mga kaso ng mga babaeng niloko at pinasok sa prostitution den. Sa ganung kaso, nakakbuti na may batas na nagbabawal sa pagpuputa. Ang dapat parusahan ay ang mga nanloko sa mga babae, hindi yung mga biktima.
May mga babaeng ginagawang career ang pagpuputa. Yung mga mahilig sa luho at magaan na trabaho.Hindi ako naniniwala sa rason ng kahirapan kaya nagpuputa ang isang babae dahil sa kahirapan.
Bawa’t isa sa atin ay binigyan tayo ng Panginoon ng lakas at pag-iisip. Gamitin nayin yan sa maayos na paraan. Maraming trabaho desente na hindi mo dapat ibebenta ang iyong dangal.
Ang dapat ay ayusin ng mga nasa pamahalaan ang gobyerno, Alisin ang corruption. Magbigay ng pera sa edukasyun para ang bawa’t Pilipino ay magkaroon ng disenteng trabaho.
Huwag gawing propesyun ang pagpuputa.
Prostitution is perhaps the oldest of all professions and yet the most discriminated. And if the constitution Guarantees Equality it guarantees equality to all Flights of all Individuals and there is No Such thing as low flying individuals. it is crime though to force anyone into prostitution, Living at the avail of Prostitution (pimping) but prostitution itself should never be a Crime.
“Sabi ng UNDP sa kanilang pag-aaral na pinamagatang “ Sex Work and the Law in Asia and the Pacific,” kapag legal na ang prostitution, mawawala na ang diskriminasyun sa mga puta at hindi na raw mababa ang tingin sa kanila.”
Hindi sa Pinas!
Iba ang kultura na kinagisnan ng UNDP, kultura ng maraming bansa sa Europe na may practice ng sex liberation. Bale wala sa kanila ang pagpuputa kaya legal ito, kumpleto ang benefits bilang trabahador.
Sa Pinas, hindi pa open ang society para sa hayagang prostitusyon at tiyak na malaking kahihiyan at tukso ang aabutin ng isang open prostitute, hindi mababawasan ang diskriminasyon sa kanila manapa ay lalala pa.
Sa Pinas na ang deboto sa pananampalataya ay embedded sa katauhan ng tao, mahihirapan na ipatupad ang pag-aaral ng UNDP kahit maganda ang intensyon.
Ano ang pagkakaiba ng mga babaeng napapanood sa sinehan at telebisyon na halos hubad baro at ng isang baylerina sa club na kadalasan binabastos ng mga lasing:
simple lang ang artista sa pinilakang tabing ay gamit ang “ART o Sining” sa kanilang propesyon at ang isa ay binansagang “PUTA”
nagawan na ng batas at tinanggap na ng lipunan ang mga batang isinilang na hindi kumpleto ang pamilya.
nabukas na sa lipunan ang mga “kabit” o pangalawang asawa.
ipinipilit na nga din nila na mag isang dibdib ang parehong kasarian.
siguro naman eh hindi na natin kailangang magmulat ng mga mata para makita na kahit saan may mga bahay aliwan (patago o lantaran). bakit hindi na natin sila bigyan din ng karapatan sa kanilang propesyon (kahiyahiya man o hindi). bigyan na sila ng karampatang benepisyo at kaukulang pansin sa kalusugan.
Ellen,
Sana nga walang mag puta. Kaya lang meron mga babaeng gusto gawin yun. At maraming dahilan maliban sa pangangailangan ng pera kung bakit ang ilan sa kanila ay piniling magputa. Marami din ang pasundot sundot (sori for the pun) lang sa pagpuputa. Hindi para sa atin ang maghusga sa kanila. Subalit dapat ikulong yun mga sex slavers. Bawal dapat ang forced prostitution.
Anyway maraming literature tungkol diyan. Mula dun sa mga okay lang sa kanila ang magputa at dun sa mga nagsisi na pumasok sila sa propesyon na yan. Meron pa ngang isang batikang Pilipina na propessor sa isang malaking unibersidad sa US na nag japayuki para sa isang research paper na pinublish sa mga respectable scholastic journals. Recently, meron din isang dating puta na lumabas sa Hard Talk ng BBC kung saan sinabi niya na no regrets siya.
So ayon ako sa UNDP. Bigyan natin ng proteksyon ang kababaihan, huwag natin husgahan at maliitin ang kanilang piniling propesyon. Ikulong natin yun mga sex-slavers.
Magwawala na naman ang CBCP. 🙂
Sa ilang European countries, may distrito talaga sila para sa prostitution industry at sino mang ‘entrepeneur’ na lumabas sa perimeter ay huli agad.
Muli, maganda ang intensyon ng UNDP study, pero sa Pinas ang subject ay taboo pa. Aminin at hindi ay ipokrito pa sa subject na ito ang malaking porsiento ng mamamayan at mga lider ng bansa. Dapat ay bigyan ng panahon ang pagkalat ng tamang inmpormasyon tungkol dito, ihanda muna ang tao at bansa kung isasalang-alang ang study.
I meant ipokrito sa subject dahil sa matindi ang lalim ng pananampalataya at kinagisnan na nakaka-impluensya sa sariling paninindigan.
Sa kalaunan, kung hindi maiiwasan na yan ay ipatupad para sa proteksyon ng prostitutes tatanggapin na rin ng tao. Pero kailangan ang masusing pag-aaral para maging epektibo.
“May mga babaeng ginagawang career ang pagpuputa. Yung mga mahilig sa luho at magaan na trabaho.Hindi ako naniniwala sa rason ng kahirapan kaya nagpuputa ang isang babae dahil sa kahirapan.”
Kapag ito ay naisabatas na, malamang mas marami ang gumawa nito. Ang dahilan ay kahirapan. Yung iba nga eh, kahit may kaya sa buhay pinapasok iyan. Lalo na kung big time business men ang customer (escort service) na may hankypanky. Kailangan daw kasi nila ng mga bagong gadget (yung mga bagong labas sa market) para “in” daw sila sa trend. Yung iba kailangan ng extra income para mabuhay.
Minsan akong pumasok sa isang bahay aliwan at pagaktapos ay ni-raid (ako kasi yung informer). Nung makita ko yung mga lalaki sa loob na nonood ng babaeng nagsasayaw ng hubod-hubad, ang unang pumasok sa isip ko ay yung nanay at kapatid kong babae. At naisip ko rin yung mga asawa nung mga nasa loob (kung meron man). Sa halip na iuwi ng buo yung sahod, doon pa dinala sa bahay aliwan.
Eto na ang aking “expert” opinion. Hehehe. Hindi lahat ng puta ay yung gaya ng pagkakaalam ng marami. Simulan natin sa kwento. Pasensya na medyo mahaba pero mas maganda para mai-journalize ito.
Lumaki ako sa isang area na naging sikat dahil sa ganitong “entertainment”. Ang Pasay Rotonda noong araw ay kilala (o notorious) bilang isang red light district.
Sino sa mga contemporaries ko, saan man sa Metro Manila, ang hindi nakakaalam sa Cactus, Yours, 2920, Rotonda Beer Garden, Starcade, Odyssey, yung mga saklaan, yung mga motel. kay Mang Mindong, kay Lenny Cruz?
Yung mga naunang nabanggit ko ay yung may mga pormang “kabaret” na beerhouse na lupa ang sahig, circa 70s – 80s. Kahit yung mga nakikilala kong taga Malabon, Valenzuela, Caloocan, laging tinatanong kung malapit daw ako sa may Cactus, o Yours, obviously, kalat pala hanggang doon yung “sikretong” mga lugar na yon. Nakakalat ang mga 30-50 babae sa isang maluwag na dance floor, may mga mesa kung gustong uminom muna. Sa isang kanto may hagdanan na may “takilyera” sa paanan, parang sine. Kung nakapili ka na ng babae bayad ka muna ng P42-a-pop sa takilyera at pwede ka ng mag-“upstairs”. Yan ang termino sa mga ganoong lugar. May “upstairs”. Maraming kwarto, may ilang mga bouncer. Sa labasan at sa dance floor bihira ang mga bouncer para di matakot ang mga customer na karamihan ay kabataang “bibinyagan”. Pag sinuswerte, nakaka-20 hanggang 40 na “akyat” ang isang babae sa isang araw lalo’t “bago” (bagong paligo, bagong lipat o bagong panganak, di ko alam). 24-hrs ang operation. Ang profile ng mga babae dito, 100% mga probinsyana, Cebuana o Bikolana karamihan.
Yung isang barkada ko na minana yung ganitong negosyo ng magulang niya, di nakatagal sa kakapasyal sa presinto kaya kahit pa bumubuhos ang dating ng kwarta, ibinenta yung lupa at ipinatayo ng mga legit na club at mga motel. Yung sobra, ibinili ng kwadra ng mga pangarerang kabayo.
Sa di kalayuan, sa may kabila ng Cabrera St. sa EDSA, meron ding mga establisamyentong ganito. Ito ang tinatawag na Banana Island dahil korteng saging yung bloke ng mga club.
Doon naman sa may Harrison, mas malala dahil merong pang mga compound na tirahan ng mga “live performers” o torero. Bawat kubo, merong magkapares na nakatira, kung gusto mong mag-hire para sa isang party o sa club mo, pwede mong piliin ang di magkapartner/mag-asawa. Ito ang major supplier ng buong Metro Manila.
Si Mang Mindong ang bugaw ng mga pinaglumaan ng panahon. Mahihiya ang Bataan sa dami ng beterana ng “giyera” dito. Lola mo na sa edad ng mga kulubot na naka-lipstick – 40s, 50s, meron pang 60s. Mga kaawa-awang mga lolang iniwan na maging ng mga anak o apo na nagpapatuloy ng “tradiyon” ng pamilya – isa na rin silang pick-up girl sa Rotonda, sa Harrison Plaza, sa mga sinehan sa Avenida, sa Monumento, hanggang sa San Pedro. Pag mainit ang mga parak, lipat muna. Eto ang mga freelancers.
Ang matinding experience ko nung nagbibinata ako, yung parang mga kabuting nagsulputan na mga “Casa” na nung una’y para lang sa mga high end customers, may 2-5 na babae, 15-25 years old. Mga tatlong bahay ang may “alaga”. Nung mid 70s hanggang 80s naging mass-production nung muling lumusob ang mga Hapon. Kainitan ng mga sex tours kung saan nagkaroon ng labing-apat na casa sa block namin na may sukat lang ng mga isang ektarya. Trapik sa Zamora at Vergel sts., Taft Ave. sa dami ng tourist buses na dumadating at umaalis. Gabi-gabi.
Si Lenny Cruz ang pinakasikat sa mga bugaw. Laging naka-sportscar at malakas magsugal. Yung mga mahigit sampung kompetisyon na mas maliit na mga casa, kundi kamag-anak niya ay mga dating tauhan niya rin ang operator. Pinakamalaki yung kay Lenny, 3 stories ang mahabang building parang mga classroom ang mga kwarto. Sa garahe, merong mga 6 na shower akala mo resort, walang patid ang palitan ng mga naliligo simula alas-kwatro ng hapon hanggang dumilim. 150 hanggang 200 lahat ng ibinubugaw niya. Nung ako pa ang KB chairman, pinilit kong irehistro yung lahat ng 15-18 na mga babae doon. Halos 70% naging miyembro ko. Pag isinumbong mo kay Chairman, pangisi-ngisi lang. Karamihan Cebuana, may ilang Ilongga at Boholana, konting Waray. Pinakamatanda siguro ang 22 y.o.
Si Lenny ay may stable ng mga boksingero, yung iba rated, lahat sila assistant bugaw con security lalo pag gabi. Bawal lumabas ng compound ang mga babae maliban kung matagal na at hindi na tatakas. Kung mamamasyal man sila, sa Harrison Plaza lang at may kasamang bantay sa bawat pinto. Ang magtangkang tumakas o magsumbong, gulpi sa mga boxer.
$50 ang singil sa mga Hapon at Intsik. P1,500 kung Pinoy, (late 70s). Sa $50, $10 lang ang napupunta sa babae, $5 sa mga assistant bugaw, $35 ang kay Lenny. Sagot na niya ang “patong” sa pulis, kay Chairman, pagkain at bahay.
Halos wala ring napupunta sa babae kahit pa makatatlong customer siya gabi-gabi dahil sisingilin siya ng make-up, damit, alahas (madalas fake), lahat overpriced kaya kahit pa hulugan ay baun na baon ang babae sa utang. Walang pag-asang umasenso, di makabayad ng utang, walang kalayaan, gulpi kung tatakas. Si Lenny, mga bugaw, si Chairman, at sina Sarhento lang ang nakinabang. Nung arestuhin si Lenny dahil marami nang politiko ang nasasabit (tumatawag sa presinto kay Hepe para palabasin yung mga natimbog na babae niya). Kinasuhan ng multiple counts of White Slavery, at sampung count ng rape. Front page sa People’s Tonight ng isang linggo. Isang VW Scirocco kay Fiscal at isang Toyota MR2 kay Judge para makapagpiyansa at tuluyan nang nagretiro sa Cebu. Pati yata yung reporter ng People’s nagkapera.
Nagsara lang ang mga ganitong casa nung naging international airport na yung Mactan kaya direct flight na doon ang mga sex tourists. Isa pa, pumutok na rin yung deployment ng entertainers sa Japan. Kasama na sa mga talents na nagjapayuki yung mga walang talent. Bringing the market nearer to home, ika nga.
Ang pinakahuling klase yung mga First Class, “De Primera” tawag ng mga bugaw. “By booking” only ang mga Alas, on call o “upon availability” ang mga ordinary. Kadalasan may mga contact na sila na nagpapasahan ng kliyente. Kadalasan ito yung mga mag-iina, magkakapatid na walang alam na hanapbuhay kundi iyon. Ganda ng mukha at katawan lang ang puhunan. Wala rin namang pinag-aralan kaya walang trabahong makukuha. Pero meron ding namang mga kolehiyala, office worker, o kaya’y tambay, drug addict na kailangan ng madaliang kwarta kaya nagpuputa gaya ng sabi ni Ellen. Pero iyan ang minority. Nakararami yun talagang trafficked women na umaabot pa hanggang Singapore at Hong Kong ang raket. Ang ganitong kategorya pumapalo ng mula P3K hanggang P50K ang bayaran. Kalaban na nila diyan pati yung mga foreigners na jumejey (as in “jumojokad”) sa mga hotels, casinos, clubs. Merong mga Española, Colombiana, Brazilian, Russian. Siyempre nandyan din ang mga De Primerang Asians gaya ng mga Thai, Vietnamese, Indonesians at Malaysians.
Malaking dagok din sa industriya ng prostitusyon ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit gaya ng AIDS.
Naging patago ang trabaho ng maraming sex workers sa Kamaynilaan lalo na nung ipagbawal ni Mayor Lim ang night clubs sa Maynila. Diyan sa palagay ko pabor ang paglilisensya ng mga puta. Mahalagang matukoy ang kinaroroonan nila lalo na yung posibleng carrier ng AIDS. Kailangan rin niyang mabuhay lalo na’t mahal ang gamot sa AIDS. Magpapalipat-lipat lang sila ng lugar ng hanapbuhay hanggang tuluyang makahawa ng madaming tao. Pero mas mahalagang yung mga hindi pa nahahawa ay regular na makapagpatingin upang makontrol ang sakit hanggang maaga.
Hindi ko kinukunsinti ang pagpuputa, sa dami ng nakilala kong puta, dalawang babae lang ang guminhawa ang buhay dahil nakapangasawa sila ng foreigner. Maliban doon wala akong nakikitang pagkakataon upang makaahon sa putikang iyan subalit iginagalang ko ang kanilang piniling karera upang makapagtaguyod ng pamilya. Karapatan din nila, kagaya mo at ako, ng parehas na proteksyon at tulong ng gobyerno.
Hindi ko kayang ipagdamot yan sa kanila.
tongue, sa iyo ko lang nalaman na may ganyan nakakahilakbot na kwento ng putahan sa Pinas. Sa kwento mo, parang nabuhay ang mga tauhan sa Caligula.Siguro naman ay hindi na ganyan kalaki ang operasyon ngayon.
The Woman known as “Domitrix ” won her case in Courts after being charged of Keeping a Common BAWDY House where she did her business on Sexual play of serving her customers. (Keeping a common Bawdy house puspose of prostitution is still crime although prostitution itself is NOT).. This case was anchored more on safety of Working women to be able to Conduct business in a Common Place where they will Be safe. This will make it Legal to Have a Red Light Section for anyone to BROWSE without the FEAR or Threat of Legal consequence or their Safety… Every individual is EQUAL bebore and Under the Law and has the Right to EQUAL Protection of the Law Without DISCRIMINATION.
Nakakaiyak naman, Tongue. Poverty is the root of the problem. Legalization of prostitution is still not the solution.
Ano kaya kung mayaman o yayaman ang Pinas at maraming work opportunities, marami pa kaya ang magpuputa? Kasi sa mayayamang bansa gaya ng Amsterdam at Denmark na legal ang prostitution ay isang katutak sila dahil sabi nung ilang na-meet ko ay mas madali raw kumita gamit lang pepe. 🙂
What drives men and women to sex business aside from poverty? May listahan kaya ng rason ang UNDP?
#7. Kapag ito ay naisabatas na, malamang mas marami ang gumawa nito
Natural kasi mas madali na makakuha ng SSS benefits kesa maglabandera/plantsadora o kaya ay magsaka at mangisda.
Prostitution is an oldest profession.
Tama. Legalization is not the solution, but it will protect those already in the industry and those still to be forced into exploitation.
Kung mahigpit ang gobyerno, at lahat ng puta merong regular na renewal ng lisensya, lahat ng lalaking gumagamit sa kanila protektado din sa AIDS, Hepa C (na recently as recognized as deadlier na kesa AIDS), flu, etc. Kung merong ID, mawawalan ng market yung mga slaves na itinatago. Bakit isasapalaran ng mga lalaki yung buhay nila kung meron namang garantisadong walang sakit? Sa ngayon para kang nagra-Russian Roulette kung gagamit ka ng prosti. Suicide.
Matagal ko nang sinisigaw, kawalan ng hanapbuhay at oportunidad para bumuhay ng pamilya ang nagtutulak sa marami ang gumawa ng krimen. Ito rin ang dahilan kaya may prostitusyon, iskwater, sugal, at marami pa.
Ang puta, hindi mga kriminal. Kadalasan, biktima pa nga sila. Sa halip na pandirian, dapat igalang. Pabayaang lumantad para ang mga sindikato ang lumutang at maparusahan.
“What drives men and women to sex business aside from poverty? May listahan kaya ng rason ang UNDP?” – chi
Karamihan ng pumunuta sa sex trade, yung nasa dugo na. Mula lola ng kalola-lolahan, hanggang sa apo sa ilalim ng talampakan, hangga’t hindi maalis sa environment na ganoon, dun din ang bagsak. Matagal ng walang US Bases pero nagkalat pa rin ang mga pokpok sa Subic at Clark. Para sa mga kabataang namulat sa ganoong pamilya, ano ang aasahan mo?
Edukasyon ba? Ewan ko, hindi rin yata. Naaalala ba ninyo yung kapitbahay kong si Sim at yung ampon niya? Pinag-aral niya sa St. Mary’s si Rosilyn para pataas-presyo lang. Ibinugaw din; estudyante sa umaga, pokpok sa gabi.
Kaya lang minsan naka-jackpot ang ama-amahan-con-bugaw ng bata, nakasilip ng pagkakaperahan kaya blinakmail si Cong. Romeo Jalosjos na nauwi sa 2 counts of Statutory Rape at 6 counts ng Acts of Lasciviousness na tuluyang nagkulong kay Jalosjos ng 13 taon sa Munti. Pinalaya ni Putot at ngayon nagbabalak na namang maging Mayor ng Zamboanga. (Buti na lang ni-reject ng Comelec last week lang dahil nga sa perpetual disqualification na kasama sa sentensiya.)
Kahit pa siguro nakatapos si Rosilyn, kung hindi pa inalisan ng karapatan ng DSWD si Sim bilang ama, hindi na niya makakalas ang tanikala ng prostitusyon kundi siya sumikat sa kaso ni Jalosjos at makapag-abroad.
Isa sana siyang putang degree holder.
Poverty Is only one of the roots. Many women choose the profession as matter of preference. One of BC wealthiest businessmen, a Chinese descent was charged and convicted of force confinement when a sex working Text her dad that she had a “bad date” as her client would not let her the morning after The young girl father contacted the RCMP and the mansion was raided and the woman was rescued..the Billionaire apologized and was convicted. Thousands of women and men are now engage in a very profitable business of Adult sex entertainment LEGALLY and it is not different from Prostitution and with Strict regulation of Adult Sex business spread of std and HIV/aids is in control and minimized and the safety of Workers are assured. Prostitution been dicrimalized or was never a criminal Offence in Canada in the first place. To criminalized it would bein Violation of the Charter Right to pursue liberty and Happiness and can only be restricted within reason. Forcing one into it is one of the restrictions. And soliciting in public Places is another and they are reasonable Limits.
tongue, naitanong ko yan dahil sa mga babaeng sex trade workers na nakilala ko sa Denmark, karamihan sa kanila ay walang definite na sagot sa tanong ko, except madaling hanapbuhay.
Palibhasa dun ay legal at meron silang strict compliance of the law ay hindi nakakalat ang AIDS, in fact mangilan-ngilan lang ang affected. Contained sa isang sulok ang sex trade kaya madaling mahuli ang mga pimps at bugaw.
Kahit ang drugs dun ay contained din dahil meron silang isang town, Christiana, na dun lang ang mga users at suppliers. Matindi rin ang rules nila, basta lumabas sa town na yan na adik pa ay huli. Meron silang listahan ng mga users at suppliers na monitored ng gobyerno. So far, success ang programa nila.
Marahil, kung hindi maiiwasan na gawing legal ang prostitution sa Pinas dapat pag-aralang mabuti ng mga pinuno ang ginawa ng Denmark, Amsterdam at ilang bansa na success ang legalization ng sex trade. Hindi bata ipatutupad lang ito dahil gusto ng UNDP.
Tongue, mukhang nakalimutan mo si Djanga sa Banana Island at Lions 777. Pero agree ako na ang ugat nito ay kahirapan. Sa Pasay wala ring magawa ang mga politiko dahil sila mismo ay kasangkot dito.
bat0ng-buh4y: Sorry, taga-Apelo Cruz ka ba o taga-Cabrera? Hindi ko nakalimutan. Medyo malayo layo na rin kasi sa Pasay Rotonda yun kaya di ko na na-elaborate 😉
chi, Mga dayo rin naman mga babae sa Amsterdam, I’m sure kung tinanong mo kung sa Amsterdam sila pinanganak, negative ang sagot. Sa Nordic countries meron ding legal whorehouses, diyan nga based yung tinatawag na Swedish o Nordic Model. Nakakaloko yung prostitution sa Norway, nadeclare itong illegal a few years back, pero walang penalty, hehehe. For more than a century, legal ang pokpok doon, until the new law. What is notable in all these, kahit pa mayaman ang bansa, walang lusot sa trafficking. Sa Thailand nga meron Dutch prostitutes.
Kahit naman saan sa Europe lalo’t Socialist ang bansa at mayaman, laging lamang ang mga social outcasts, o yung underprivileged gaya ng mga prostitutes, gays, minorities etc. kaya naman sinasamantala nila ang gobyerno nila. Ngayon narealize na ng mga bansa doon na hindi araw-araw Pasko. Napilitan na rin silang magtipid kahit pa nagwawala na ang mga taumbayan.
Sa Eastern Europe, yung mga Russians, yung “-stan” countries, sa Romania, ordinaryong kabataan, mga child prostitutes. Sa Bucharest nga pagbaba mo sa train station galing abroad, mga child prostitutes ang sasalubong sa iyo. Kaya naman in recent years naging paboritong pasyalan ng mga pedophiles ang Bucharest.
Reminds me of Pagsanjan. Yung mga turista, shagging in the rapids ang talagang pasyal. Mga magulang pa mismo nagtutulak.
tongue, pareho kayo ni batong-buh4y ng peborit pasyalan nung araw. 🙂
Tongue @24 the us and Canada had passed a law that will enable both countries prosecute its National committing Sex Crimes outside..(child sex, engage in sexual act with minor …defending on the law on its national state or country (us has different legal age and criminal law for every state, while Canada has uniform criminal law nationwide) This maybe hard to enforce but quite a few cases been prosecuted successfully and it is just not worth to experiment other than those sickos. Although we are so liberated with regards to consenting adults, it is different story when it comes to Minors. Can not even take Pictures of my own grandboy in his publicly conducted Sports activities and once I did the security made sure that all pics were deleted.
Tongue: Born and bred ako sa Pasay. Pinanganak ako sa Kaligtasan St., at tumira ng matagal sa Park Ave. sa may Libertad malapit lapit din kila Peewee T. at Art Alafriz. Katunayan ‘yung meyor ng Pasay na si A. Calixto ay kaklase ko sa elementary sa Malate. Unfortunately nagkaroon din ako ng experience tungkol dito sa blog topic noong araw. Nang mabasa ko ang post mo bumalik ang nostalgia.
Makulay pala ang environment ng inyong growing up years. That’s a valuable experience.
Ellen;
Its really nice to read this…. Para kase sa akin TAMA lang na HUWAG gawing legal yung pokpok SA KALYE, yeah! ipagbawal LANG YUNG POKPOK SA KALYE kase nga Delikado ang mga yan because WALA sila Medical Check-up..
I myself as an OFW ENGINEER from the Middle East is an Admirer of these girls PERO YUNG NASA LEGAL wherein i’m going to a FIRST CLASS AAA CLUBS like AIR FORCE ONE KTV in Paranaque and PEGASUS in QC ave….. ito dapat ang GAWING LEGAL because PROTECTED kaming mga GM’s pati yung mga Ladies nila kase bukod sa Meron nang mga FIRST CLASS ROOM (Wid Jacuzzi pa) na sa Loob, MISMO YUNG OSPITAL PA NA MAY VAN AT AMBULANSYA PA ANG PUMUPUNTA SA KANILA….To tell you frankly, I’m shelling out THOUSANDS OF U.S. DOLLARS AND SAUDI RIYALS on these kapag nadito ako sa Pinas… Its worth is naman kase nga SAFE as i’ve said
The only reason why there are lots of those in the Streets ay:
1.)REJECT yung mga puta sa mga First Class AAA clubs na nabanggit ko
2.)Nagtitipid yung customer na lalake kase nga PRICEY ang mga First Class AAA Clubs kaya sa labas nalang namumulot.
Mahigpit ang Medical sa GCC (Saudi, Kuwait, Bahrain, Qatar, Oman at ang mahal nating, Dubai) kaya ako i’m going on these two TRUSTED FIRST CLASS AAA Clubs i’ve mentioned above here in the Philippines
Hindi naman kase natin masisi yung ibang GM’s na namumulot sa Kalye ng Puta kase nga naman yung Pasweldo dito sa Pinas ay Ibang-iba at ang mga PRC BOARD PASSER licensed Engineer dito sa Sarili nating bansa ay pang-KATULONG lang ang Sweldo unlike sa Abroad….
Yun lang nga the way i see the style of the FIRST CLASS AAA Clubs ay Denesigned lang talaga sa mga FOREIGNERS, BALIKBAYANS (Migrate Pinoys), SEAMANS at OFW’s (Hindi pumupunta dyan mga Pulitiko at mga Kilalang Negosyante/Tao kase takot sila sa ma-Instagram at Facebook on the spot via cellphone, kaya Nagpapakuha nalang sila sa mga Drayber at P.A. nila ng babaeng contact nila dun at dadalhin sa Hotel/Condo nila)….
Just Open your Minds, Be Open to Everything, FORGET DAMASO TEACHINGS,FOLK STORIES AND PROPHECIES for this is what i am as SHAIDER THE NEXT GENERATION 2014.