Skip to content

Huwag gawing sangkalan ang Panginoon

In preparation for post -boxing life, Pacquiao builds political dynasty.
Sabi ni Manny Pacquiao, hindi naman daw talaga gusto ng kanyang asawang si Jinkee na pumasok sa pulitika.

“God’s will (Kagustuhan ng Panginoon),” daw ang kandidatura ngayon ni Jinkee bilang vice-governor ng Saranggani.

Tumigil na nga sa kagagamit ng pangalan ng Diyos. Bakit naka-usap ba siya ng Panginoon? Wala lang talaga silang kabusugan sa pera at kapangyarihan.

Congressman ngayon si Pacquiao at nakapaghain na rin siya ng certificate of candidacy para sa kanyang re-election. Ang kanyang kapatid na si Rogelio ay tatakbo para congressman sa first district ng South South Cotabato.

Bakit kaya hindi tumakbo si Nanay Dionisia na senador?

Humahanga ako kay Pacquiao sa kanyang narating ngayon sa sarili niyang kayod. Galing sa hirap, lumalangoy sa pera ngayon si Pacquiao. Sikat siya hindi lamang sa Pilipinas kungdi sa buong mundo.

Sa pusisyun ni Pacquiao ngayon, isa siya sa iilan na Pilipino na maa-aring makatulong sa pangmatagalang reporma sa ating bansa. Hindi lamang sa pagbigay ng abuloy o charity kungdi sa pag-iisip at sa paningin sa buhay.

Noong 2010 na kampanya, na-interview ko si Pacquiao sa rally ng Nacionalista Party sa General Santos city.Sabi niya kaya daw siya pumasok sa pulitika para daw makatulong sa ibang tao. Sabi ko magagawa mo naman yun dahil marami kang pera. At ginagawa naman talaga daw niya sabi ng mga Saranggani na nakaka-usap namin. Namimigay daw ng pambili ng gamot sa mga mahihirap na maysakit. May mga scholars din daw siya.

Ang sagot ni Pacquiao: “Pera ko ang ginagastos ko. Kawawa naman ang pamilya ko. Mauubos ang pera ko.”
Ganun pala. Kaya gusto niya mgaing public official para ang pera pamimigay niya sa mga mahihirap na humihingi ng tulong ay pera ng taumbayan din. Hindi na nga naman manggagaling sa kanyang bulsa.

Palaos na kasi si Pacquiao. Siyempre tumatanda na siya. Hindi naman siya habang buhay na magbu-boksing. Kaya maghahanap na sila na panibagong pagkakikitaan. Ang taumbayan.

Siguro yan ang natutunan ni Manny sa kanyang mgakaibigan na katulad ni Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson

At siyempre sa mga kasamahan niya sa United Nationalist Alliance katulad ni dating Pangulong Joseph Estrada na kahit matanda na ay tatakbo pa rin na mayor ng Manila. May anak na senador (Jinggoy). Ang isang anak na congressman ngayon ay tatakbo rin na senador (JV Ejercito). Ang isa niyang asawa, nanay ni JV, ay meyor ng San Juan.

Ganun din si Bise-President Jejomar Binay na ang anak niyang si Jun-jun ang pumalit sa kanya bilang mayor ng Makati. Ang isa niyang anak, si Abigail ay congresswoman ng Makati. Ang isa pa niyang anak, si Nancy, ay tumatakbo ngayon na senador.

Kung sabagay hindi lang naman UNA. Ang pamilya mismo ni Pangulong Aquino. Isinama niya ang kanyang pamangkin na si Bam bilang kandidatong senador sa tiket ng administrasyon. Ang kanyang tuya naman na si Tingting Cojuangco ay tumatakbo ring senador sa UNA tiket.

Ang kakapal. Walang kabusugan. Akala nila siya lang ang pinagpala ng Panginoon.

Published in2013 electionsAbante

26 Comments

  1. chi chi

    Gamit na gamit ng mga pulitiko ang pangalan ng Dios lalo kung election period. Mas mabuti siguro kung dagdagan ng probisyon ang cybercrime law na ang mga gagamit ng pangalan ng Dios sa political interes ay pananagutin din ng libel sa ilalim ng batas.

    Pakyawan galore ang eleksyon 2013.

    Hindi daw kagustuhan ni Jinkee, e bakit sabi ng nabasa ko wala raw makakapigil kay Mrs. Mani na tumakbo?

    Kapatid lalaban din bilang congressman. Ano malay natin baka biglang mag-file ng COC si Donya Dionisia malayo pa naman ang deadline.

    Ang Pacquiaos,Binays, Cayetanos, Chavit Sisons… wala na bang iba? Sabagay ay depende sa botantes yan kung iboboto nila ang buong pamilya para mamuno sa kanila. Kadiri!

    Napasok si Bam Aquino, nandyan si Cynthia Villar at mga recycles ng mahabang panahon na, nawala naman si Eric Tanada na iboboto ko sana para tatlo sila sa balotan ko. Nakakahinayang si Eric!

  2. Jojo Jojo

    Mas lalu naman si Chiz Escudero. Walang inaatupag kundi ang kanyang love life. Ito ba ang iboboto ko na hindi malaman kung saang partido siya talaga.

  3. chi chi

    Jojo, sasabihin ko sana yan pero hindi na lang kasi it’s a matter of the heart. Hahaha!

    Wala na sa akin si Chiz, binitiwan ko na sya long ago. Just the same, I think his idea of bringing out to the public his affair of the heart na gusto sana daw ng love nya ay gawing public is most nakakatawa at bakya.

    Naku, napakababa ng pagtingin ng mga pulitikong ito sa mga pinoy at sa kanila mismong sarili.

    Niloloko at nilalaro lang tayo.

  4. vonjovi2 vonjovi2

    Only in the Philippines

    Sa mga boboto gamitin ninyo ang utak sa pag pili ng karapat dapat na politiko sa lugar ninyo. Subukan ninyo mag tanong kay God baka maka tsamba kayo katulad ng sinasabi ng ibang politiko na nakaka usap nila.
    Imbes na supilin ang “Freedom of Speech” ay gumawa ang mga mambabatas natin na “NO” kamag anak sa politika.

    Only in the Philippines

  5. vonjovi2 vonjovi2

    Suggestion ko..

    Baka nag Face Facebook si God kaya puwedeng maka usap.
    I ask ninyo ng Add to my Friend list.

    Si God ay nag payo pa mag politika kayo kesa tumulong na lang sa mahihirap na tao na walang hinahawakan na posisyon sa gobyerno natin.

    Baka si Cardinal S ang naka usap? At hindi si God

  6. nagtatayo na ng political dynasty. hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya. grabeh na ito. kung ano ano ng balita na nakakainis. huwag kayo pumayag na hindi ibasura ang cybercrime law. dahil kung hindi iyan mabasura ay forever iyan na magiging batas. kawawa ang mga pilipino. sabi ni Pnoy ang taumbayan ang boses niya. nasaan na ang tinig ng taumbayan na hindi niya pinapakinggan. bingi na ba siya….

  7. Madalas sabihin ni Pnoy na makikinig siya sa boses ng taumbayan. Ngayon ang boses ay ibasura ang cybercrime law na unconstitutional. Bakit hindi niya pinapakinggan? Magkaisa ang lahat na ibasura iyan. Kung maging batas tuluyan ang cybercrime law ay maging forever na iyan. Kawawa ang mga Pilipino. Mababalewala ang pinaglaban para mapatalsik si Marcos ng sa ganun magkaroon ng freedom of expression, of speech……

  8. “Kayo ang boses ko”, iyan minsan ang bukangbibig ni Pnoy sa kanyang talumpati. Ngayon ang boses ng pinariringgan niya ay ibasura ang cybercrime law. Bakit hindi niya mapakinggan?

  9. “Kayo ang boss ko”, iyan minsan ang bukangbibig ni Pnoy sa kanyang talumpati. Ngayon ang boses ng pinariringgan niya ay ibasura ang cybercrime law. Bakit hindi niya mapakinggan?

  10. tru blue tru blue

    These are the kind of people that the electorate should, and must reject….shameless people who are both educated and uneducated with tons of money in their belts.

    Even the convicted and imprisoned rapist, Jalosjos has no shame running for Mayor, well born-again christian daw. Good Lord! these people are super freaks! Ano pang ina antay ni Tabako and his elks, takbo na rin. Si Sam Milby puede na rin, wink! And my friend Nikki Coseteng, where is she? No, she is a good person (she’s my boyhood Chuck Curtis’ classmate in Brent Baguio).

  11. dan1067 dan1067

    Bago ang lahat tanungin muna sana kita ellen kung ano talagang nangyari dito sa blog mo, na-hacked nga ba ayon kay chi?…

    Nakikita na natin ngayon anong klaseng mga pulitiko at namumuno meron tayo sa Pilipinas kahit napakalayo pa ng eleksyon. Nasa ating mga kamay nang mamamayan kung sino at paano tayo mamimili sa mga kandidato. It’s a matter of good & lucky choice at susugal na naman tayo. Wala tayong puweding sisihin kundi ang mga sarili natin kung ang ibinoto nati’y kasuka-suka pala kagaya ng mga nabanggit niyo. Pag hindi tayo nagising, natauhan at natuto, sa darating na panahon iilang pamilya na lang ang kumukontrol sa gobyerno ng Pilipinas. Sila-sila na lang….

  12. Galing kay Caloy Mereria

    Tama po kayo Ellen, ang taong mapera ay wala ng kontento sa pera. Masama ang loob nila na mabawasan ang pera nila kaya

    Nais nilang pumasok sa politika sa isang layunin ang magpayaman pa. mga suwapang sa puesto. Dapat iba naman, mga bagong

    Mukha naman. Nakakasawa na ang mga luma. Lalo na ang political dynasty. Hay buhay…pilipinas kong mahal kalian ka babangon??

  13. Galing kay Luke A. Toroba

    You don’t have any right to say that neither you are di ka din nakaka usap ng Lord pero si Jinky nandon yong faith nya sa ating panginoon. Wala kang karapatan na pagsabihan siyang tigilan na nya ang pagsangkalan sa Panginoon dahil yon ang ayon ng Dios, na sa lahat ng bagay sasangguniin siya.

    Di tayo pweding manangan sa sarili nating gusto dahil higit na ang Panginoon ang nakaka alam ng mga bagay na naayon satin. Di mo kasi alam kung bakit sinasabi yun ni Jinky dahil wala kang alam about sa Faith nya sa Dios.

    Magbasa po kayo ng Bible para maliwanagan kayo. Born again po ako at born again din si Jinky kaya alam ko kung bakit nya sinasabi yun. Bago ka magsalita ng ganyan try to be born again at pag nandon ka na saka mo sasabihin ang mga sinasabi mo ngayun. I will include you in my daily prayer.

  14. chi chi

    As if being born again is an excuse to build a political dynasty!

  15. Manachito Manachito

    “As if being born again is an excuse to build a political dynasty!” … 🙂 I agree with that. A good excuse to fool the Filipinos ..use religion! Akala mo sila lamang ang may dakilang Dios. Ang gulo ng mga Filipino pagdating sa pulitika at relihiyon. Lahat ibig ipagdasal, lahat ibinabatay sa kanilang paniniwala kaya ang pamahalaan at sambayanan ay laging nuli sa pagunlad. Iginagalang ko ang lahat ng mga paniniwala at relihiyon ngunit wala akong tiwala sa mga tao at pulitiko na ginagamit ang relihiyon at Dios upang linlangin lamang ang taong bayan. Wala rin ako galang sa mga tao na nagpapalinlang sa tulad ni Pacquiao at sa mga iba pang pulitiko – kasama na rin ang mga Estrada (Ejercito), Revilla (Bautista), Binay, Singson, Antonio, Suarez, Remulla, at mara pang iba. Sa Cavite, lalo na sa mga barangay – “may bigas at sardinas”, panalo na si Karyas. Hindi masama ang pagiging mahirap, ngunit napakasama kung ang iyong boto ay iyong ipagbibili!

  16. dan1067 dan1067

    re #13
    Sa sinabi ni Luke Torraba lumalabas na born again lang ang puweding kausapin ng Panginoon. Sana gumalang din siya at rumespeto sa pananampalataya ng iba. Ang relasyon sa Diyos at pulitika para sa akin ay hindi kailanman puweding pagsabayin dahil napakarumi ng pulitika sa atin. Sa dami ng pera nila e kayang-kaya nilang tumulong na hindi na kailangan pang humawak ng katungkulan sa gobyerno. Bukas na kaisipan sa lipunan na ang paghawak ng puwesto sa gobyerno ay nagsisilbing lakas at proteksyon unang-una na sa kanyang personal na interes. Sa bibig na mismo ni Manny lumabas na gagamitin niya sa tama ang “pera ng gobyerno” dahil kawawa naman ang pamilya niya kung pera niyang personal ay mauubos lang sa kabibigay sa pagtulong sa mga tao. Alam nating liyamado si Jinkee dahil sa estado nila ngayon sa buhay. Ipanalangin na lang ni Luke ang sambayanan at magpakatotoo sa kanyang sarili.

  17. vonjovi2 vonjovi2

    Masarap pala mag born again at uutusan ka ng diyos na mag politika 🙂

    Kesa tumulong ng walang kapalit sa kapwa mahihirap.

    Iyun ba ang batayan ng mga born again.

  18. vonjovi2 vonjovi2

    Yumayaman lang sa mga ibang grupo sa relihiyon ay ang mga “Pastor” nila eh. Ang mga kasapi ay panay bigay ng abuloy at saan napupunta ang pera.
    Teka nga pala Luke ikaw ba ay hindi nautusan ni panginoon na mag politika or naka usap mo ba siya. Sana bigyan mo kami ng tip kung papaano makaka usap si Panginoon. Bakit sila lang ang kinaka usap at nauutusan ni panginoon. MAY pinipili ba si Panginoon kung sino ang kaka usapin niya.

  19. vonjovi2 vonjovi2

    Ate Ellen,

    Sabi ni Luke “Magbasa po kayo ng Bible para maliwanagan kayo. Born again po ako at born again din si Jinky kaya alam ko kung bakit nya sinasabi yun. Bago ka magsalita ng ganyan try to be born again at pag nandon ka na saka mo sasabihin ang mga sinasabi mo ngayun. I will include you in my daily prayers.”

    Ayan kinukuha ka na ni Luke mag “Born Again” Recruiter pala siya he he

  20. Rudolfo Rudolfo

    Isang pananaw, at pala-isipan..Hindi kaya sakit din sa utak ang mga “dynastic mentality”, greed-corruptions, EPAL, paki-ki-alam ng di kanila, katulad ng “claim na naka-usap ang Diyos”, at mga krimen na nangyayari sa Pinas ?…at iba pa..Kasi, wala sa 10-utos ng Diyos y 10-commandments ang karamihan sa pinag-ga-gawa nila ?…Palagay ko, katulad din sa kleptomania ang kanilang ka-isipan na pag-bibin tahi sa mga kapwa TAO, at ki Juan dela Cruz…Ang normal na Tao, ay sumusunod sa teachings at ka-utusan na TAMA, sa sampung utos ng Panginoong Ama or God the Father, ki Moses…a comment for a change, and analysis of the mentalities of the candidates, na mga nagprisinta, sa Comelec…Ang iba nga, mas grabe, na “out of their minds and the world” ?…at nakaka-tawa ang mga anyo, kilos at pagsasalita sa interview, ?…Ganoon din yata sa pag-mamadali sa cyber law, at may-isi-ningit pa daw yata ?..

  21. soleil soleil

    kasuka suka na tlaga ang nangyayari when it comes to politics here. walang-hiyaan tlaga!
    i cannot understand na marami tlagang tao na ang super kapal ng mukha at lakas lob na sabihing tatakbo sila at magsisilbi sa bayan. even for the likes of tinting…i mean what did she ever do when she was/or still is in the position she is holding??!?!?!?!?1 and si pakyaw? i always remember my lolo and lolas wise saying…ang tao bigyan mo ng pera kahit isang balde hindi pa makokontento at magpapasalamat sa yo lalo na hindi pinaghirapan…bagkus babalikan ka pa at sasabihan na baka pwede pang dagdagan…yan ang panananaw ko sa pamilya ni pakyaw. hindi sila kuntento na ma pera sila, power and greed na ang sunod. and who knows what will become of their children? wait and see tayo. lalo na kung mga teens na me kanya kanyang kotse…the attitude they will show is what is instilled in them by their so-called guiding parents…

  22. vonjovi2 vonjovi2

    Ano ba ang mga nagawang kabutihan nina Jinky at ang kapatid ni Pakyaw sa mahihirap at nautusan sila ng Diyos na tumakbo sa politika?
    Ni hindi muna dumaaan sa mababang puwesto sa gobyerno at hanggad ay mataas agad.
    Ni hindi pa dumaan muna sa barangay tanod at kapitana at ayun gusto mataas na puwesto agad. Kikita si Dr. Belo nito at God panalangin ko kahit ayaw mo akong kausapin at ang mag asawang pakyaw lang ang nasasabihan mo ay sana marinig ninyo na huwag tumakbo pa si Mommy D. Sa politika.

    Nakakasuka na ang nangyayari dito sa atin. Kanya kanyang pamilya ang mga sakim maka hawak sa puwesto sa gobyerno.

    Ano ba ang hanap ng ibang Pocketlito(politiko) kundi hanap easy money at instant millioners lalo kapag naka puwesto sa gobyerno.

  23. dan1067 dan1067

    Malamang sangkatutak na advisers at assistants ang kailangan ni Jinkee pag nanalo siyang vice gob knowing na wala naman siyang backround at experience kahit man lang brgy. captain. Bukod sa presiding officer over the provincial board members weekly…
    http://www.lvgp.gov.ph/profile/aj.html

  24. Born again pala. Subukan nga nilang mag-asawa na sibakin yung mga santo ni Mommy Dionisia taos ipanggatong nang makita natin ang kaibahan ng mga “Burn Again”. Tignan ko kung makakuha pa sila ng boto. hehehe.

  25. Hataw Hataw

    Talaga namang nakatatawa ang politika ano? Mas katawatawa diyan ay ang mga pundits na haggan ngayon ay nagtataka pa sa mga paulit-ulit na pangyayari; kung sino ang tatakbo, kung saan pinagmulan ang pagkandidato o dahilan ng kandidatura.

    Walang bago, pati na kuro, kuro ganoon din. Another day, same shit, ika nga.

Leave a Reply