Takot na takot daw si Anna Liza Marzan, ang amo na nagplantsa ng mukha ng katulong nang dumating siya sa Quezon City jail dahil may sumigaw sa mga nakakulong doon, ““Handa na ang plantsa namin!”
Napanood kasi ng mga inmates sa Q.C jail ang balita nang pagmaltrato ni Marzan sa kanyang katulong na si Bonita Baran.
Sabi ng mga guwardiya sa QC jail na huwag daw matakot si Marzan dahil hindi raw nila pinapayagan ang plantsa sa kulungan.
Sayang.
Ano kaya ang dapat na parusa sa mag-asawang Reynold at Annaliza Marzan sa ginawa nila kay Baran? Nabulag si Baran sa sobrang pananakit ni Anna Liza.
Sa testimonya ni Baran sa Senado na isinasagawa ng Committee on Labor and Employment na ang chairman ay si Sen. Jinggoy Estrada, isinalaysay ni Baran ang mala-impyerno niyang kalagayan sa kamay ng mag-asawang Marzan.
“Anim na beses po akong pinalantsa ni Annaliza sa iba’t ibang panahon sa loob ng apat na taon kung pagtatrabaho sa kanila.Tinatakpan po niya ang bibig ko, kaya hindi ako makasigaw upang makahingi ng tulong sa aming kapitbahay,””
Labin-pitong taon taon nagsimula pumasok si Baran, na taga Virac, Catanduanes na katulong sa mga Marzan na nakatira sa Las Villas Del Cinco, Visayas Avenue, Quezon City. Ngayon, 21 taong gulang na siya.Sa edad na yun, dapat nag-enjoy si Bonita ng kanyang kabataan at pagkadalaga kahit mahirap lang ang buhay.
Kaya naman namamasukan bilang katulong dahil mahirap. Ngunit hindi ibig sabihin noon ima-maltrato sila. Dapat nga tulungan sila.
Kung hindi mo magustuhan ang trabaho ng katulong, di paalisin mo. Kung ano man ang pagkakamali ng isang katulong, hindi sila dapat saktan lalo na ng pananakit na ginawa ng mag-asawang Marzan kay Bonita.
Sabi ni Baran: “Noong 2008 po nagsimula ang pananakit sa akin, sinasampal-sampal nya ako. Doon ko po nagsimulang naramdaman ang pananakit niya sa akin.”
Wala raw siyang sariling kwarto. Sa toilet siya pinapatulog. Paminsan-minsan sa sala.
Tinanong ni Senate President Juan Ponce-Enrile kung may aso ang mga Marzan. Ang kahabag-habag na sagot ni Bonita: “Ako po ang aso.”
Hayop talaga itong mga Marzan.
Minsan raw, sinakal siya ni Anna Liza na nagsisigaw: “Bakit ang tagal mong mamatay?”
May sira ang ulo nito. Sagot naman daw ng lalaki na mukhang despalinghado din ang pag-iisip: “At saan mo itatapon ang katawan niyan pag patay na?”
Ang nakakagalit pa ay hindi man lamang nagsisisi itong mala-hayop na mag-asawa. Matagal nga silang nagtago at napilitan lang lumabas dahil may warrant of arrest na ang Senado.
Itinanggi nila ang akusasyon ni Baran. Sinungaling. Na-eksamin na ng medico legal si Baran at sinabing ang mga sugat sa katawan ay resulta ng paulit-ulit na pambubugbug at torture.
Sinampahan na ng pitong kasong serious physical injuries, dalawang attempted murder, at serious illegal detention ng Public Attorney’s Office ang mga Marzan. May hold departure order na rin sa kanila para hindi silka maka-alis sa bansa.
Ano kaya kung itali silang mag-asawa sa poste at buhusan ng balde-baldeng buhay na pulang langgam.
ang hitsura ng lalaki, paamong mabait epek. ang babae mukha pang naghahamon – palatandaan ng isang taong HALANG ang kaluluwa!
buhusan ba ‘ikamo ng balde-baldeng pulang langgam habang nakatali? mas mabuting talupan ng talampakan ang mga ‘yan at palakarin sa daang binudburan ng asin!
There must be fitting penalty for these kind of crime, but so far this couple has to get their day in court yet…and let them suffer the penalty including the crime of Torture if they are found guilty…but not yet…otherwise, we will be not helping the victim achieved Justice through Due Process…
Psycho ang mag-asawa, kulang na lang ay tadtarin nila ang kawawang katulong. Hay, akala ko ay sa terror/horror film lang may ganyan.
Kung pwede nga lang ay plantsahin din ng paulit-ulit ang mukha ng mag-asawa, kaya lang ay wala tayong sikmura na gawin ito hindi gaya nila.
Kung ako sa hahatol ay, i-award ko kay Baran lahat ng kayamanan ng Marzan at life sentence. Kung wala silang yaman, ikulong habambuhay, no possibility of parole.
# 3
Chi, mas mabait pala ako sayo. Ako, ang gagawin ko sa kanila simple lang. Ilalagay ko lang naman sila sa loob ng oven. Sisiguraduhin ko lang na magiging crispy ang kanilang mga balat. 😛
#4. Mike, mabait lang ako sa panulat ngayon kasi baka madale tayo ng cybercrime law. Ano ba yun?! Nyahaha!
Palagay ko ay mas masakit ang mawalan ng kayamanan sa taong tulad nila tapos nakakulong pa at araw-araw ang pagplantsa sa mukha nila, imagine na torture yan habambuhay. They would wish for your kind of penalty anytime, ilang minuto lang na paghihirap. 🙂
Isang pananaw, akala ko y namin sa Saudi or sa Middle East lang nangyyari ito ?.Mas grabe pa pala sa Pilipinas, mismo, kababayan at kabaro nilang mag-asawa, iisang dugo, iisang lahi. anong klasing DNA kaya ang mag-asawa mayroon ?…Sayang, naturingan pa namang mga Tao?..ey wala namang palang kaluluwa or habag sa kapwa ?…grabe ito dahil, sa loob mismo ng bansa nangyari!.
Was listening to the news a while ago. The Marzan kids was crying and denied the victims allegation against their parents. So, why not subject everyone to a polygraph test. Everyone, including the Marzan couples, their kids, the victim including the victim’s father whom the Marzans alleged was the one who really beats up his own daughter.
Para magkaalaman na!
Ang dami talagang “milagro” na nangyayari sa bansang Pilipinas ?..Magulo, ang gugulo pa ?..sino na ngayon ang nagsasabi ng totoo. Dapat kasi mayroon na ng JURY SYSTEM, batas sa Bansa, para madalian ang mga kaso…kukuha lang ng mga 8-10-12- tistigo, at hihimayin ng Huwes at mga myembro ng Jury system, lalabas na ang pula o puti or Tama y mali ?..too much of “bureaucracy” , dami tuloy nagiging crazy !…a food for thought..
Marzans seek bail
http://ph.news.yahoo.com/couple-deny-charge-seek-bail-112035442.html
@7 that is why it is very important that cases like this every possible angle should be thoroughly investigated, before the news start being disseminated because that will create a perception that could be dangerous…(to kill the mockingbird)…but here you are…A Senator already condemmed the couple before being convicted and did not even had the benefit of defending their self in the court of law…That even with due process, there were many cases that individuals were wrongfully Convicted and later found out to be innocent,much more before they were Tried? And everyday, we shout to those who wanted to Listen…Where are our Rights?
Mike, Polygraph is not as accurate as you think. Polygraphs is not used in court here in the states because pathological liars, sociopath, psychopaths, & Intel officers (CIA) know how to beat the machine. Also, people can get nervous which can be detected by the polygraph even though they’re innocent. Just by looking at Baran injuries, it’s obvious the Annaliza is the one lying. As far as the kids, the protective instinct of a child will compel them to lie or they were not present when the abused occurred.
Rudulfo, jury system will takes a little longer than a judge trial. Both sides have to interview the prospective juror and mutually agreed if the jury is okay with both parties for the sake of fairness.
Good point Vic.