Skip to content

Puno resigned Aug.31, 2012

Despite denials from Malacanang that DILG Undersecretary Rico E. Puno resigned when Mar Roxas was appointed to replace the late Jesse Robredo, Puno indeed submitted his resignation Aug. 31.

Here’s his letter of resignation:


On Sept. 11, 2012 Executive Secretary Jojo Ochoa accepted his resignation in behalf of President Aquino:

Published inLocal governmentPhilippine National Police

92 Comments

  1. Noong Sept. 8, pumunta si PNoy sa Russia for the APEC meeting. Bilang bff, days before tumulak si PNoy, hindi malayong naguusap sila ni Rico Puno dahilan sa malakas na ugong at panawagan kay PNoy na sibakin na ang puno.

    Ang kutob ko tuloy, habang nasa Russia si PNoy, nag decide na siya at sabihan si Rico Puno na talagang kailan na mag-submit ng letter of resignation. Yung date na August 31, aywan natin pero pwedeng kamakalawa lang ginawa, gawain naman yung ng mga nasa pwesto. Heto nga at Sept. 11 lang tinanggap ang resignation. Baka nga lalamig pa ang isyu pero lalong kumulo kaya hayan, gagawin nang panggatong ang sinibak na puno.

  2. Basahin natin, ang letter of resignation ni Rico Puno is dated August 31, a Friday. Pero napuna ko sa statement ni Lacierda, released September 11, na sinabi nya… Last Friday former DILG Undersecretary Rico E. Puno submitted his letter of resignation…

    Itong last Friday ni Lacierda was September 7. Hindi nya sinabing the other Friday, which was August 31. Yan ang aking pagka intindi. Pwedeng nagkakamali ako sa aking sapantaha na kung kailan lang ginawa ang letter of resignation.

    ***
    Statement of Presidential Spokesperson Edwin Lacierda:
    On the resignation of Undersecretary Rico E. Puno
    [Released on September 11, 2012]

    Last Friday, former DILG Undersecretary Rico E. Puno submitted his letter of resignation to the President, through Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. The President has accepted Mr. Puno’s resignation effective immediately.
    Last Friday, former DILG Undersecretary Rico E. Puno submitted his letter of resignation to the President, through Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. The President has accepted Mr. Puno’s resignation effective immediately.

  3. baycas2 baycas2

    yung sulat ni Puno wala man lang “Received by” at petsa kung kailan natanggap ng pinagbigyan.

  4. baycas2 baycas2

    buti pa yung leaked document (bidding process report) na letterhead ng DILG may “it’s more fun in the Philippines” logo.

    yung sulat ni Puno…

    “It’s more Puno in the Philippines.”

  5. baycas2 baycas2

    iba ang font ng petsa ng sulat ni Ochoa kaysa sa ibaba nito.

    bakit?

    ewan.

  6. Ellen, sa iyong kolum sa Abante, Wednesday, Sept.12,2012, (Naka-blacklist dahil sa corruption ang binisita ni Rico Puno na kumpanya sa Israel) sinabi mo sa 5th paragraph:

    “Maliban sa kulang na dokumento, hindi raw nakapasa sa ibang test ang baril ng mga Israeli. Ang kontrata ay napunta sa consortium of Trust Trade and Glock Asia Pacific at pinirmahan ito ni Puno, na siyang in-charge ng police matters sa DILG, noong Agosto 31, ang araw na itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino si Mar Roxas na Interior secretary.”

    August 31 itinalaga ni PNoy si Mar Roxas as DILG Secretary at yun din ang petsa ng letter of resignation ni Rico Puno. Sapagkat maliwanag naman na dated August 31 ang pagbibitiw (kahit may pagdududa ako), bukod sa hindi na nya hinintay ang pag-upo ni Mar bilang DILG Secretary, midnight contract ang pinirmahan ni Rico Puno noong Agosto 31.

  7. chi chi

    joeseg, mas agree ako sa #1 sapantaha mo na ante-dated ang letter of resignation para kunwari gentleman si Puno. Hindi magtugma ang mga araw at mga sinasabi ng mga tao sa Palacio ni Noynoy, mukhang natuturete sa mga isyu kay shotting buddy.

  8. chi chi

    #6. Mike, akala ko ‘Aquino’s eyes on a nice and quiet Puno’. 🙂

  9. saxnviolins saxnviolins

    # 5 and 9

    Yung font ng date is typewriter font. Pinatong sa pamamagitan ng electric typewriter.

    Kaya hindi aligned yung date at “Very truly yours”. Kung tab sa Microsoft Word ang gamit, exacto yan, dahil magbibilang ka ng parehong tab. I usually tab seven times.

    The irony of it all. Ang address ng oficina ng DILG ay “Mapagmahal Street”.

    Mapagmahal ba ang Usec sa Sec? O mapagmahal ng presyo sa bilihin?

  10. saxnviolins saxnviolins

    Mayroon diyang Matulungin Street, kung saan angkop ang oficina ni Robredo. Mayroon ding Mapagkumbaba.

    The Usec’s office should have been located in Maginhawa.

    We always had fun reading the street names, dahil may kabarkada kaming taga-riyan.

    For our drinking buddy, we were looking for Malib_g Street.

  11. saxnviolins saxnviolins

    I meant Malibag, dahil madungis siya. Ang dumi ng isip niyo.

  12. chi chi

    Hindi makalusot ang Palasyo sa abogado namin dito, nabisto tuloy na may electric typewriter sila just in case na very much needed on special case like this.

    Katawa mga street names, sakto ang Malibag kay special buddy.

  13. baycas2 baycas2

    Mga Sanga ng MAPAGMAHAL

    Si Puno’y ‘di MATIPUNO, hindi MAKISIG
    Hindi MALIKSI, hindi rin MABILIS

    Subali’t ito ay tiyak
    MAPANG-AKIT siyang sukat

    Sa anomalya’t alingasngas
    Kasi’y kay P.Noy s’ya’y MALAKAS

  14. Kabisado ko yan nung araw sax, Teacher’s Village uyan sa may luikod ng City Hall, SSS, BIR, Heart Center, etc.

    Naaalala ko pa, mga magkakadikit na kalye doon, Malumanay, Mahinhin, Malamig, Matahimik, ang pinakahuli bago dumating sa Elliptical Rd., yung Mayaman. Yun ang paborito ko hahaha.

  15. dan1067 dan1067

    Pasensiya ang malacanang matitinik ang mata ng mga bloggers ni ellen (maliban sa akin). Pero kitang kita naman talaga sa letter wala sa alignment yong date at ibang font ang nae tamper. Ewan ko kung buhay pa yong mga madyikero sa Quiapo, doon niyo dapat pinaayos baka hindi pa napansin ni baycas hehe!

  16. MPRivera MPRivera

    aba’y nagpapahaging pa na muling mapatalaga in what ever capacitation, eh!

    ala’y ire talaga ang klase ng punong ang usok ay amoy asupre, eh!

    ano ga ire? puno ng balite o puno ng sipres?

    ay hesusmaryanonghusengbatuteng bagong tule!

  17. MPRivera MPRivera

    “…….ala’y ire talaga ang klase ng punong KAPAG SINIBAK AT GINAWANG PANGGATONG ang usok ay amoy asupre, eh!

  18. MPRivera MPRivera

    araw ng biyernes ginawa kuno ang resignation letter ni rico p. kailan kaya ipinadala sa malakanyang?

    hindi ba’t sinabi pa ni noynoy na buo ang kanyang tiwala sa kanyang KKK?

    ganito din ang kanyang sinabi noong “masabit ang paa” ni llamas sa tindahan ng mga piniratang CD, pangalawa sa unang kapalpakang bunga ng mga high powered na armas na natisod naman sa kanyang sasakyan habang pasimpleng inaalis ng kanyang mga tolongges na security.

    ganito din ang sinabi niya noong sumambulat ang anomalya sa Pagcor.

    bakit dito sa kasong sinisiyasat bago ang pagkamatay ni sec robredo’ng nauugnay sa paglusob sa condo at mga opisina ng yumao ay DAGLI ang desisyon ni noynoy na tanggapin ang resignation ng minsan nang pumalpak niyang KKK sa hostage taking noon sa luneta?

    meron kayang ulong gugulong sa gitna ng daang matuwid mula sa imbestigasyong ito ?

  19. chi chi

    On PNoy’s clearing Puno cleared on condo: http://www.abs-cbnnews.com

    “Noong inorder ko na office, my understanding is inassume na n’ya lahat ng offices pinapa-secure ko. Understanding ko rin, itong si Superintendent Tanseco ay nagpaalala rin sa kanya na nag-uuwi ng mga papeles, dokumento si Secretary Robredo. So noong kami ay abala, na nasa Masbate hinahanap si Secretary Robredo, sinigurado na niya, sa aking pananaw, na ma-secure lahat ng pwedeng pinaglagyan nitong documents. Hindi para kunin, hindi para tignan pero siguraduhin na hindi mawala lahat itong mga dokumento—‘yung posibilidad na [nasa] iba’t ibang tanggapan ni Secretary Robredo nakalagay,” Aquino told reporters.

    “innasume” na lahat ng office ni JMR, at dahil dinaldal ni Tanseco kay Puno na nag-uwi ng documents si JMR sa condo ay naging office na ang tirahan ni Sec. Jessie.

    “Innasume” does not make anything true. Pero si Noy cleared Puno based on his innasume-tions. Wow, linta ang kapit ni Rico!

  20. chi chi

    Oopsie.. delete ‘cleared’ on the first para, pls.

  21. chi chi

    Never thought that Pnoy will go this length of webbing assume-tions to make alibis for his target/drinking buddy Puno. Turn off ako talaga sa kanya ngayon for the first time kasi dati pinagbibigyan ko sya sa kanyang mga clearance ng KKK.

  22. Kapag biglang sumulpot si MRivera mula sa kanyang lungga at nanggalaiti na itong si Chi, santisimatrinidad valley, asahan natin na kahit may natitira pang puno ang isang kaingin, tuluyan nang mapapanot ito, pero dito lang sa ET.

  23. Ok lang sa akin yung “securing of documents”. Sa executive positions, natural yung ganong reaction, pwede kong “ibalato” sa kanya yon. Maaaring may confidential national security issues na involved, natapat lang na merong ganitong anomalya na natisod yug informer ni Anthony Taberna. Dun na nafocus ang motibo – raid ng mga opisina ni Robredo para magtakip ng anomalya. Doon yun sa “raid”.

    Ang hindi ko mapapalampas, yung lutong makaw na bidding, overpriced pa.

    Hindi porke’t nag-resign na, hindi na iimbestigahan. Kung yung NBN-ZTE na kanselado na, nasa Sandiganbayan na ang kaso kasi sinampahan nila. Dapat ito rin!

    Saka konting sensitivity naman, di ba ramdam ni Kalbo sentimyento ng taumbayan lalo kay Puno? Pakawalan na niya yan. Walang madudulot na mabuti kung ililipat niya kahit sa GOCC ang ganitong taong basa na ang papel.

    Si Roxas na ang susunod, kung dati botong-boto ako kay Mar, amputa, walang nangyayari sa mga hinahawakan niya. Puro lang delayed, canceled, further study.

    Basahin ninyo yung column ni Boo Changco, ang daming itinambak na trabaho kay Abaya.

    Walang ginagawang palpak? Walang ginagawa, period.

  24. MPRivera MPRivera

    ano ba ang gustong palabasin nitong si enrile?

    meron ba siyang kinatatakutang sisingaw kapag isinalang si puno sa imbestigasyon ng senado?

    hindi ba’t KAHIT sa anumang paraan AY dapat mangibabaw ang kapakanan ng mamamayan?

    gumawa siya (puno) ng kapalpakan, pigain siya sa kahit anong paraan, di ba?

    kapag pobre, walang kinakapitang malalaking pulitiko maliban doon sa matagal nang patay, SIGURADONG walang maraming usapan, hindi pa nag-uumpisa ang paglilitis ay meron na kaagad hatol SUBALIT kapag ganitong may sinasabing tao, KKK pa ng presidenteng (nakakapagsising ipinangampanya) at sinuportahan ang kandidatura) pilit ipinipikit ang mga mata ay naku ……….. nakakabuset!

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/12/12/enrile-senate-probe-puno-may-be-questioned

  25. MPRivera MPRivera

    kajoe, ala’y hindi la’ang gay’an ang mangyayari, eh.

    timbuwang na ang puno, hagot na ang mga dahon ay hugot lahat pati mga ugat, eh!

    ay, kahit gay’ang napakalaki ng punong iyan ay kadali gang gaw’ing palito niyan, eh.

  26. chi chi

    Hinahanapan lang ng inassume-tions ni Pnoy ang kasong overpriced at lutong makaw na gun bidding, and then iki-clear din nya si Puno. Daang patuwad!

  27. Rudolfo Rudolfo

    Sa punong malaki, na parang kahoy naka-balndra sa matuwid na daan,at kkk, yata matitisod si Pnoy ?..ang punong mahal na ito, ba, ang kusa ng di pag-karoon ng pamilya ni Pnoy ?..dito yata mas gugustuhin nya pa ang maraming taon at panahon sa ‘pagtatangol” sa isang mahal na “sagabal” ?..nagtatanong lamang ?…akala ng mga Pilipino, sila lamang ang pag-aaksayahan ng panahon sa loob ng 6-na taon…Yon, pala ay isang Puno lamang ?…Marami namang panahon na gugugulin ng dalawa pagkatapos ng 6-na-Taon ?..Nag-hihintay ang kawawa at umi-iyak na si ginoong, Juan de la Cruz ?…a comment for a change !..

  28. MPRivera MPRivera

    Israel trip a family affair

    http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=849069&publicationSubCategoryId=63

    sabi na nga sa inyo, eh.

    relihiyoso itong si puno at kanyang pamilya, kaya tigilan n’yo na ang intriga!

    hayaan ninyo siyang sumabog sa walang hanggang kasinungalingan. kapag napuno na ng hangin ng kabulaanan ang baboy ramong ‘yan siguradong sasambulat at walang matitira kundi ang balahibong patuloy pa ring hahabi ng kasinungalingan!

    penoy, iuntog mo na ‘yang bumbunan mo ay kaya’y ipaipit mo na la’ang sa tren!

  29. chi chi

    Mags, susmaryosep ang link mo kay Horacio at Rico! Sabagay, matagal ng ganyan si Horace.

  30. dan1067 dan1067

    Bilib na sana ako sa pinatawag na senate hearing ni Sen. Santiago re alleged corruption of 1B gun contract approved by resigned usec. Puno kaso muntik na akong malaglag sa upuan nang biglang isinisi sa kanya pati ang jueteng na umano’y nakakatanggap siya ng payola. Akala ko ba sobrang talino niya e para siyang pinanganak kahapon lang. mabuti sana kung walang jueteng dati at bigla na lang nagkaroon nang maupo si Puno. Napatawag ba nila dati si Bong Pineda?

Leave a Reply