Mahabaging Panginoon, ako ay lumuluhod at nagmamakaawa sa iyo na kung maa-ari, patigilin mo na si Sen. Tito Sotto sa kaka-privilege speech laban sa Reproductive Health bill.Hindi ko na ma-take.
Maawa naman kayo sa mamamayang Pilipino. Alam ko maraming nangyayari dito sa bansa na hindi kanais-nais at dapat lang siguro may kaparusahan para mabigyan kami ng leksyun. Ngunit huwag naman itong parusa sa pamamagitan ng pagkakalat ni Sotto.
Kahit ayaw ko panoorin, nasa TV siya. Siya at ang kanyang kapalpakan ang laman ng Facebook at Twitter. Nakaka-stress. Nakapagbitaw tuloy ako ng hindi kanais-nais na salita. Ako pa ngayon ang nagkapag-commit ng kasalanan.
Kapag meron pa siyang isang speech, baka makakarami ako ng kasalanan. Sa impyerno na talaga ang bagsak ko. Huwag naman po, Panginoon.
Mahirap talaga ma-take ang mga pinagsasabi ni Sotto.
Pwede na pagpasensyhan ang una niyang pagkakamali na nangupya ng sinulat ng isang blogger. Ang masama, hindi niya alam na mali ang ginawa niya. Ang pangungupya ay pagnanakaw. Pagnanakaw ng ideya.
Hindi masama ang gamitin ang sinulat at sinabi ng ibang tao. Bigyan mo lang ng na-ayon na credit. Ano ba naman ang hirap kapag sabihin, “Ayon sa isang blogger na si Sarah Pope.”
Ang isa pang masama, malakas pa ang loob niya at ng kanyang chief -of -staff na si Hector Villacorta magsabi na ordinaryong gawain ang pangungupya (plagiarism).
Porke ba ginagawa ng marami, okay na? Ang mali ay mali.At kahit garapalan na ang paggawa, hindi yun nagiging tama.
Napunta ang usapan sa Constitution at Bibliya. Despalinghado ang argument. Ang sakit sa ulo pakinggan.
Noong isang linggo, humirit na naman si Sotto. Lalong mas grabe. Nakakawindang ang kanyang definition ng translation. Akala niya kapag na-translate niya sa Tagalog ang sinulat at sinabi ng isang tao, ay kanya na at hindi na kailangan ibigyan ng credit ang orihinal na nagsalita o sumulat. Nawiwindang ako.
Ang kinupyahan pa naman niya ay ang namayapang si Robert Kennedy,dating U.S attorney general. Sa talumpati ni Kennedy noong 1966 sa University of Capetown sa South Africa, sinabi niya:
“Few will have the greatness to bend history itself, but each of us can work to change a small portion of events, and in the total of all those acts will be written the history of this generation.”
Sabi ni Sotto: “Iilan ang magiging dakila sa pagbali ng kasaysayan, subalit bawat isa sa atin ay maaaring kumilos, gaano man kaliit, para ibahin ang takbo ng mga pangyayari. Kapag pinagsama-sama ang ating munting pagkilos, makalilikha tayo ng totalidad na magmamarka sa kabuuan ng kasaysayan ng henerasyong ito.”
Isinalin lang niya sa Tagalog ngunit hindi niya sinabing galing ito sa talumpati ni Kennedy.
Sabi rin ni Kennedy:
“It is from numberless diverse acts of courage and belief that human history is shaped.”
Sabi ni Sotto:
“Ang mga hindi-mabilang na iba’t ibang galaw ng katapangan at paninindigan ang humuhubog sa kasaysayan ng sangkatauhan.”
Sabi ni Kennedy:
“Each time a man stands up for an ideal, or acts to improve the lot of others, or strikes out against injustice, he sends forth a tiny ripple of hope, and crossing each other from a million different centers of energy and daring those ripples build a current which can sweep down the mightiest walls of oppression and resistance.”
Sabi naman ni Sotto:
“Tuwing naninindigan tayo para sa isang paniniwala, tuwing kumikilos tayo para mapabuti ang buhay ng iba, tuwing nilalabanan natin ang kawalan ng katarungan, nakalilikha tayo ng maliliit na galaw. Kapag nagkasama-sama ang mumunting galaw na mga ito, bubuo ito ng isang malakas na puwersang kayang magpabagsak maging ng pinakamatatag na dingding ng opresyon.”
Mahal na Panginoon, kapag hindi nyo pinigilan si Sotto, sa susunod baka Bibliya na ang i-plagiarize niya.Ikaw rin, baka pati “Ten Commandments” aakuin niyang kanya.
si vic sotto aka bossing, natutuwa ba siya sa pinaggagawa ng kapatid niya sa senado?
si joey de leon, is he ashamed of tito sotto’s backward views on women and reproductive health? alam kong pro-gay marriage yang si joey eh, so liberal yan!
Hahahahaha! Laglag panga ko sa katatawa sa title ng article mo, Ellen.
Funny at nakakakalbo na article you got there, Ellen.
Di ba itong si Hector Villacorta ay supposed to be an ‘ancient’ newsman? Tinamad na yata.
Ka dali mag-quote/attribute sa sources, pinili ni Sotto na magpa-intellectual, lumabas tuloy na brain damaged sya na tunay.
it is getting so boring listening to Senator Sotto, but somehow entertaining as he further exposes his ignorance…yet not unlike our own City Mayor who who’s job is now in the hands of the Judge for Conflict of interest, which has none of Senator Sotto Plagiarized eloquence, yet is always ready to rumble..(he is physically humongous) but during his trial, the lawwyer who filed the case on behalf of a citizen called him Ignorant of his own Law, the municipal law on conflict of interest…the issue in question is the $3100 contribution by a lobbyist to the Football Coaching foundation which was established by the Mayor long before he was elected at the time when he war running 2 years ago..the Integrity commissiner told him that it was a Conflict, but Stubborn always, he said it was for the Kids..otherwise he is a very good Mayor, did all he promised to do and even has his own radio show for loss weight contest with his also overweight brother…no dice…and here is the story from the Paper that the Mayor Blacklisted, including its reporters…
http://www.thestar.com/news/gta/article/1253398–open-hospitality-at-mayor-rob-ford-s-family-barbecue-dimanno
“I am so proud of Canada for being such a progressive nation — we’ve accepted divorce, abortion and same sex marriage,” Nagui Morcos wrote in his farewell letter. “It is now time for us to do the humane thing and embrace choice for the terminally ill to have medical assistance to end their life when it has become unbearable. I now pass the torch to you, my dearest family and friends, to do the right thing and change this so that you and your loved ones will have more choice than I did
http://www.thestar.com/news/gta/article/1252489–toronto-man-ends-his-life-to-avert-horrors-of-huntington-s-disease
The next issue on the Agenda of the Nation…Assisted Suicide…right now it is still illegal..this case was investigated by the Prosecutors and no charges were laid as it was well planned not to tresspass the law but Testing the Water…it is now being done but not yet challenged in court and every one seems shy to touch the issue…but soon it will get into the consciousness of the nation as did the Abortion rights, the same sex marriage and all its accompanying benifit same as traditional marriage and it will be discussed, debated and once again, will divide and re-unite us again…
Ellen huwag ka masyadong magmarunong dyan! di ka kagandahan! mas nakaka stress ang pagbabasa nitong article mo na walang kakwenta kwenta! buti nga si Sen. Sotto ee may mabuting mungkahi! ikaw e mapanirang puri lang ang alam!
baka mamaya mag sinottong reply yan…LOL
Hindi naman daw kinopya, itrinanslate lang, he,he,he. Akakal siguro ni Sen Tito Eskalera e wala ng makakapuno sa ginawa niya dahil patay na si Sen. Robert Kennedy. Ang masama pa pa kay Sen. Eskalera, mayabang pa. Namimilosopo pa at pilit na sinasabing hindi plagiarized yung speeches niya. The problem with jokers is that they get elected.
Don’t expect colleagues of Sen. Eskalera to censure or to reprimand him. Asa pa kayo, 😛
“Senate President Juan Ponce Enrile, Sotto’s fellow reproductive health (RH) bill critic, said, “Hindi ko na papatulan ‘yon.”
———
“I think it’s a storm in a teacup,” Marcos told reporters on Thursday. “I don’t really think it’s an issue that should concern the Senate too much.”
Marcos also doubts if Sotto indeed committed plagiarism.
“Some phrases that have been coined by some speakers have entered the general lexicon of the English language. They no longer need to be attributed because they belong to the English language and not to one person alone,” he said.”
————
“Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, meanwhile, said it’s up to Sotto to investigate the matter.
“It’s internal on their part,” he said, referring to Sotto’s office. “I have no business meddling in the affairs of other senators.”
http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/06/12/sottos-translation-still-plagiarism-says-prof
Nagiging bobo sa katwiran ang mga inaakalang matatalinong mga senador kapag pilit pinagtatanggol ang kapwa seandor. Haysssss!!!!
Dati rati, kapag merong ipapa-photocopy, ang tawga diyan ay Ipapa-xerox.
Ngayon, iba na! Ipapa-sotto na! 😛
HAHAHAHAH!
Ellen, I could very well imagine you na ngitngit na ngitngit as you wrote this column.
I read somewhere that he equated the RH Bill to violation of Philippines sovereignty rights. Perhaps, because the “fashion” is to uphold sovereignty rights, Sotto’s logic dictated that he follow the trend hehehe.
Hector Villacorta is being arrogant. What’s wrong with citing the authors of the passages. It would help show to voters that Mr Sotto is possibly a voracious reader…
😀
Got this from yesterday’s breaking news…
Mas angkop ata kung ang speech ni JFK at hindi kay RFK ang isinalin sa Tagalog.
“Ich bin ein Berliner.”
Isa akong dunkin donut.
News ticker…
“There is no truth to the rumor that Xerox stocks tumbled and debts mounted due to the emergence of the Sotto trademark.”
News Anchorperson:
Begging to differ. Nagsalin, hindi nangopya.
So it is the software google translate that is in jeopardy.
Overheard in The Office…
Nangopya ng ideya.
Ellen, I think Sotto (can’t even call him Senator) and Villacorta are already doing this “copying” things deliberately. They had seen that by doing so, Sotto becomes controversial and tops the social media. As in show biz lingo,bad publicity is still publicity, and its free. Dedmahin na lang natin si Sotto at isipin na lang natin na kulang ng isang senador ang Senado, dahil baka pagbigyan ka ng Panginoon at permanenteng patigin itong si Sotto. LOL
The Professional Heckler
http://professionalheckler.wordpress.com/2012/09/06/in-memoriam/
“Begging to differ. Nagsalin, hindi nangopya.
So it is the software google translate that is in jeopardy.” — Saxnv
hahahaha
malamang mga panukala nyan baka sinotto din…kahiyahiya
Sinubukan ko nga yang google translate na yan, na nunca ko sinubukan hanggan sa comment ko sa itaas.
So kinuha ko ang Tagalog ni Sotto, at pinasalin sa google translate. Ito ang Ingles ng google translate:
Ito naman ang kay RFK:
Note the colegiala English of google when nagkasama together as in sama-sama together. These guys are really cool. Of course, glitch lang yan.
More fun.
Kunin ang Ingles ni RFK, at ipasalin sa Filipino sa google translate.
Wow. Walang takot mga ripples. Walisin ang mightiest pader ng pang-aapi.
Sinong programmer niyan? Si Kris Aquino?
Kilig to the bones. Let’s make tambay in the kanto, make tusok-tusok the fishballs, and make tagay-tagay the beer.
““Mang Mike, nasaan na ho ‘yung pina-Sotto ko sa inyo kanina. Kailangan na ho ni Boss.”” — Baycas
Hihihi… New expression in the Tagalog dialect heh!
Balbas Resign…!!!
sayang ang coat and tie.. anak ng tipaklong, ang tikas tumayo pormang abogadong senador talaga, anak ng tipaklong na nag babalisaw-saw oo..!
Ayaw pa kasing umamin sa kamalian at kayabangan niya, ayan lumulubog tuloy nang mas malalim.
What kind of staff does Sotto have? They should all be fired for incompetence.
nang si Sen. Sotto ay ma interview sa balitang artista sa TV. nagtatanong daw ang mga kaibigan ni Sotto wika ng TV reporter kung bakit pumayag si Sotto na bad Lola ang papel ni Helen sa teleserye na “Walang Hanggan”. ang sagot ni Sotto ” No mabait si Helen sa personal” natural ipagtatanggol mo si Helen dahil asawa mo siya. Kung si Sen. Sotto ay may utak at mabilis kumambiyo ng tama. Hindi ba dapat ang sagot niya ay ” magaling na artista si Helen kaya nagampanan niya nang tama ang hinihingi ng eksena.
Sa pangyayari na iyan ay walang dapat na sisihin kundi ang sumulat ng gagawin niyang pag speech. Sayang lang ang pera na sinasahod para sa mga ganun na staff niya kasi pangopya na lang ang ginagawa. Ang pagkakamali lang ni Sen. Sotto ay hindi yata niya tinatanong ang speech writer niya kung kinopya ba o hindi ang isasabi niya. Kung alam naman niya (Sen. Sotto) sa una pa lang na kinopya ang gagawin niyang pag speech ay nakakahiya naman siya at isabi pa iyon. Walang originality.
At ako bilang blogger ay narito ang opinyon ko para sa RH Bill. Kahit sino ay puwede gamitin ang nasabi ko sa blog ko basta pangalanan lang ako.
http://arvin95.blogspot.com/2011/05/rh-bill.html?spref=fb
You can take a stand against plagiarism (a.k.a. lying, cheating, theft and fraud) by signing the petition on change.org “1 Million Signatures in 30 Days to OUST Tito Sotto from the Philippine Senate” (see http://www.change.org/petitions/1-million-signatures-in-30-days-to-oust-tito-sotto-from-the-philippine-senate).
In 2011 and 2012, the following government officials had the integrity to resign from the high posts due to allegations of plagiarism: the president of Hungary (see http://www.guardian.co.uk/world/2012/apr/02/hungarian-president-resigns-doctorate-plagiarism), Education Minister of Romania (see http://www.romania-insider.com/romanias-education-minister-resigns-amid-plagiarism-accusations/57337/), and defense Minister of Germany (see http://www.guardian.co.uk/world/2011/mar/01/german-defence-minister-resigns-plagiarism).
Since Sen. Sotto doesn’t seem to have the same level of integrity (if any), we can urge him to acquire it.
Hey guys, have you tried google’s translation? I just had this page translated and the result is FUNNY…;-)
Gee, why not just apologize instead. Nakakarindi talaga itong si bigote.
Parang style ni joey de leon ang pagkakasalin
kayo nga ay huwag sobrang kawawain iyang si titosen?
hindi pa sapat ang sinabi ng kanyang mahal na maybahay na “nobody can put a good man down”?
how can you be so nga, di ba? when that good man is already there down below the under beneath of the ilalim?
huwag kayong ganyan, ha?
tadyakan n’yo na la’ang.
# 32
Already did. Read 22 and 23.
Hindi kaya si JOEY DE LEON ang ng TRANSLATE sa TAGALOG noon speech ni Robert Kennedy?? At binasa ni MOKONG hehehe
GRABI nagkakalat si Sotto hehehe
Baka hinihintay pa ni Sotto maging presidente bago siya mag resign. 😛
http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-17586128
Baka hinihintay pa ni Sotto maging presidente bago siya mag resign. 😛
http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-17586128
Baka hinihintay pa ni Sotto maging presidente bago siya mag resign. 😛
http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-17586128
Ooops… triple post. Hmmmm???